PROLOGUE
PROLOGUE
Lorin Asuncion P.O.V
"Ate Hilary, natapos mo na po ba 'yung assignment sa Math?" tanong ng katabi ko sa isa naming kaklase, si Ate Hilary, ang pinakamatanda sa aming lahat.
Ate Hilary gave her a nod. "Yup, tinapos ko na kagabi, Glenn."
Glenn pouted and showed her notebook to Ate Hilary. "Paturo ako, 'te. Pleaseee!"
"Ate! Ako din! Paturo!" Singit ni Maeden na biglang sumulpot sa pwesto namin.
"Kami din!" Halos magkasabay na sabi nila Lean at Jacobe na hawak-hawak rin ang notebook.
"Kayo talaga, oh. Tara na nga, turuan ko na kayo. Baka mamaya dumating na next teacher natin." Natatawang saad ni Ate Hilary. Bumaling sa pwesto ko si Ate saka nagtanong. "Ikaw, Lorin? Sasabay ka rin ba magpaturo?"
I gave her a small smile and uttered, "Thanks, Ate but I'm already done with my homework po."
Lavern looked at me with suspicious. "Sus, nag-chat gpt ka lang, eh!" Pangsususpetya niya.
"Hoy, hindi ah. Tamang hinala kang bruhilda ka!" I denied.
"Oh, eh paano mo nasagutan 'yang mahirap na math problem na 'yan?" Taas kilay na tanong ni Charyl habang nakahalukipkip.
Ngumiwi ako. "Ah...ano...hindi naman kasi talaga ako nag-chat gpt." Kamot ulong saad ko. "Nag-chat Saskia lang ako." I laughed while pointing at Saskia who's busy with her phone.
Halos mayanig ang katawang lupa ko nang may biglang nambatok sa akin. "Aray ko naman!" Daing ko.
"Gaga ka talaga, pati si Saskia dinadamay mo pa." Masungit na saad ni Mardylyn.
"Luh, siya ang nagkusang loob na pakopyain ako! Aba, blessings na 'yung lumalapit, may karapatan pa ba akong tumanggi?" Natatawang saad ko.
"Asus, gawa-gawa mo lang 'yan eh!" Mardylyn snorted.
"Ulul, kahit tanungin mo pa si Saskia! Kung ayaw mong maniwala sakin, tara sapakan nalang!" I rolled up my sleeves and stood up.
"Sige, tara!" Maangas niyang pagtanggap sa pag-aaya ko.
Bago pa man matuloy ang away namin ni Mardylyn, bigla kaming nakarinig ng sigaw mula sa labas ng classroom.
"Ang papangit niyo Section Z!"
Bumusanggot ang mukha ko nang marinig ko ang pamilyar na pangit na boses ng mga taga-kabilang section. Particularly Section C and O.
"Nandyan na naman si Lilith anglit ng Section C. " Naiiling na sambit ni Marielle.
Patuloy ang pagsigaw nila sa labas. Syempre hindi rin kami papatalo. Ngumisi ako at malakas na gumanti ng sigaw.
"Lilith-anglit, pangit, singkit, kabit!" Pakantang sigaw ko.
Malakas na natawa ang mga kaklase ko samantalang rinig namin ang malakas na pagsinghap ng mga kupal sa labas.
"How dare you! Lorin, alam kong ikaw ang sumigaw no'n! Come out there you bratty dumb bitch!" Napaismid ako nang marinig ko ang boses ni Mariotte ng Section O.
"Oh, ano ngayon kung ako ang sumigaw kanina? Aba'y ikaw ang may kailangan sakin kaya dapat ikaw ang mag-adjust. Mas bobo ka sakin, Mariotte-bantot, payatot, engot, salot!" Muling pag ganti ko.
"Eww, ayokong pumasok d'yan madumi at mabaho niyong classroom. Parang bahay ng daga!" Ganti pa nito.
"Aba'y gaga pala 'to, eh." Nakataas ang kilay na sambit ni Mardylyn. "Kesa naman sa Section niyo! Maluwag, mapanghi!" Sigaw pa niya dahilan kaya malakas kaming napatawa.
Mukhang iisa lang ang tinatakbo ng utak naming magkakaklase dahil sabay-sabay kaming sumigaw at iisa lang rin ang sinabi namin.
"Section Z, masikip, masarap! Section C, kupal kayong lahat! Section O, Over-katangahan!"
Mabilis akong tumayo at nagtungo sa pintuan para tignan ang mga reaksyon nila, sumunod din sa akin si Mardylyn. And as expected, their reactions are priceless!
I smirked at their reactions. Dumapo sa akin ang tingin ng ibang section kaya binelatan ko lang sila para mas lalo silang maasar.
"You bitch!" Nanggigigil na sambit ni Lilith at akmang lalapit na sa pwesto ko nang biglang sumigaw si Marielle.
"Nandyan na si Principal panot!"
I laughed when I saw Lilith's eyes widened and she turned pale. Kaagad ding bumalik sa pagiging masungit ang mukha niya at inaya ang mga alipin niya na umalis.
"Let's go na, guys. Hindi ko na kayang magtagal pa dito sa mabaho at nakakadiring classroom ng Section Z." Maarteng aniya.
"Yeah, right. Mga kababaeng tao pero ewwy." Segunda ni Mariotte.
"Lakas makapag-inarte pero 'di naman kaya maglaba ng panty!" Tumatawang pang-aasar ni Lavern.
Ilang beses pa kaming nagpalitan ng pang-aasar hanggang sa umalis na ang taga-ibang section.
"Asar-talo talaga ang mga daing na 'yun." Naiiling na sambit ni Charyl.
"Kayo talaga, oo. Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na 'wag niyo na silang patulan?" Bumuntong hininga si Ate Hilary matapos niyang sabihin 'yon.
"Hindi naman sila bata, Ate para hindi patulan." Glenn uttered.
"Tama, saka sila naman ang nag-uumpisa. Hindi naman ako papayag na aapihin na lang tayo! Sino ba sila? Basagin ko mga mukha nila eh!" Maangas na sambit ni Jacobe.
"Hay, ewan ko sa inyo." Pagsuko ni Ate Hilary.
Nagkibit balikat na lamang ako at bumalik sa pwesto ko. I rested my head to my arm chair. Balak kong umidlip muna. Malapit ko nang makuha ang antok ko nang may biglang sumigaw dahilan kaya naitaas ko ang aking ulo sa bigla.
"Save uuuuus!" Sigaw ni Shai.
"Putangina mo ka, Shai!" Sigaw din ni Lara na papasok ng classroom.
"Hoy! Ang iingay niyo!" Yamot na sigaw ko.
"Anong nangyari sa inyo?" Tanong ni Saskia.
"S-Si P-Principal...'y-yung bola!" Hindi na mabuo ang gustong sabihin ni Shai dahil sa hingal.
Lumapit si Aishley sa pwesto niya saka siya kinutusan. "Umayos ka nga!"
"Aray naman! Masakit kaya!" Daing ni Shai.
"Ano ba kasi gusto niyong sabihin?" Nagtatakhang tanong ni Lean.
"'Yung bola kasi napanot." Ngiwing saad ni Lara.
"Ha?" Sabay-sabay na reaksyon namin.
"Hindi, mali pala!" Umiling si Lara. "S-Si Principal, panot pala!" Sinundan niya pa ito ng malakas na tawa.
Nagkatinginan kaming lahat. Mukhang iisa lang ang nai-imagine namin kaya sabay-sabay kaming napatawa ng malakas.
"Putek! Hahahaha!" Halos hindi na makahinga sa kakatawa si Maeden.
"Paano niyo naman nasabing p-panot siya?" Pigil tawang tanong ni Ate Hilary.
"E-Eh kasi naman...naglalaro kami kanina ni Lara ng volleyball tapos napalakas ang pag-spike nitong babaitang kasama ko, eh saktong dumaan si Principal sa direksyon kung saan papunta ang bola kaya lumipad sa direksyon niya. Mabuti nakaiwas siya k-kaso...wait hahahahaha! Bwisit natatawa talaga ako! Nakaiwas nga siya kaso nahagip 'yung panot niya—este 'yung wig niya hahahaha!" Pagkukwento ni Shai.
Hindi ko mapigilang matawang malakas dahil gumuguhit sa isipan ko ang senaryong kinuwento niya.
"Ang gago niyo!" Halos maiyak na ako sa kakatawa.
"Buti hind kayo hinabol?" Ani Rich-Lee.
Kaagad na namutla sila Lara at Shai nang marinig ang tanong.
"Anong hindi? Ayon na si Principal panot oh!" Malakas na saad ni Charyl habang nakaturo sa labas.
"Section Z! Mga pasaway talaga kayong mga bata kayo!" Nanlaki ang mga mata namin nang marinig ang dumadagundong na boses ni Principal.
"Tangina, patay tayo..." Bulong ni Marielle.
Kaagad kaming bumalik sa mga pwesto namin, sakto namang nakapasok na si Principal na galit na galit ang itsura. But worst, hawak niya ang kanyang wig at nakabalandra ang kanyang panot na ulo kaya imbis na matakot ay mas lalo kaming natatawa.
"Oh, ano? Tuwang-tuwa kayo sa sarili niyong kalokohan?" Halos lumaki na ang butas ng kanyang ilong sa inis.
Sinong hindi matutuwa sa itsura niya ngayon? Jusko, ang kintab ng panot!
"Ah, Principal... Sir, um...mukhang may... malupit po kayong bagong 'look,'" saad ko, pilit na pinipigilan ang tawanan.
"Tama! Tumataginting na glow-up po 'yan, sir!" Mardylyn added as her voice dripping with sarcasm.
The rest of the class couldn’t contain their laughter anymore, and the entire room erupted in giggles.
His face turned red, and his grip on the wig tightened as he stormed to the front of the classroom.
"Enough!" he shouted. "This nonsense needs to end now!"
"Sir, we're just appreciating your, uh, style," I said, still trying to suppress a smile.
"Appreciating?" he growled. "More like mocking!"
"But sir, we're not mocking! We genuinely love the... shine," Jacobe said, giving the Principal a wink.
"That's it!" Principal Panot slammed his hands on the desk, making us all flinch. "All of you will stay after class today for—"
Naputol ang gustong sabihin ni Principal nang may kumatok sa pintuan.
"Excuse me, is this Section Z?" A random stranger asked. Tumaas ang kilay ko at napatingin sa direksyon nung nagsalita.
"Yes, and who might you be?" Tanong ng Principal.
"I'm a transferee, sir. At sa Section Z po ako nilagay." Aniya na nagpasinghap sa aming lahat.
Nagkatinginan kami nila Ate Hilary saka muling bumalik sa bagong dating ang tingin namin.
Bumuntong hininga si Principal saka iminuwestra ang kanyang kamay na papasukin ang bagong dating.
"Oh, siya, siya. Come in and introduce yourself to your new classmates."
Pumasok ang transferee at tumayo sa harap bago nagpakilala.
My lips twitched when I saw the transferee's emotionless face. "Good morning, I'm Ethan Race Flores. Call me Race, nice to meet you," he uttered while wearing a poker face.
What the fuck? Bakit may isang lalaki na sa section namin ngayon?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top