Epilogue
Song Used: 24/7, 365 - Elijah Woods
Epilogue: Tie the Knot
Everleigh's Point of View
"Are you ready to walk down on the aisle later, bes?" Excited na tanong sa 'kin ni Zaire.
"Oo naman pero kinakabahan ako." Sino ba namang hindi handa na lakarin ang aisle para sa sarili mong kasal na mamaya na mangyayari?
Mas excited pa nga yata itong si Zaire kaysa sa 'kin eh.
"Sus, normal lang 'yang kabang nararamdaman mo. T'saka, feel and embrace the moment, mas memorable ang kasal mo kapag positive ka mag-isip. Pakawalan mo nga 'yang kaba-kaba effect mo. Try to loosen up a bit," aniya. Ginawa ko naman ang kan'yang sinabi at nag-inhale at exhale naman ako para kumalma ang aking sarili.
This is it. This is really a big day for me. Ikakasal na ako sa taong gusto kong makasama habang buhay.
"Oh, ito na pala ang susuotin mong gown. Bago ka ime-make up ng stylist mo na paparating na rin dito, dapat nakasuot ka na sa gown mo para less hassle kasi pagkatapos na pagkatapos nito, hihintayin na lang natin ang kotse para diretso na tayo papunta sa simbahan," pahayag ni Zaire sa 'kin.
"Mabuti pa nga." Tumango naman ako pagkatapos kong sabihin 'yon at saka ko sinuot ang wedding gown ko sa tulong na rin ni Zaire. Pagkatapos kong masuot iyon ay kararating lang din ng stylist na magma-manage ng mukha at buhok ko.
"Ay, isang dyosa pala ang aking iwo-work ngayon! 'Di ka man lang nagsabi, Miss Paige!" isang bakla ang bumungad sa 'min ni Zaire habang ito ay lumalapit sa 'kin.
"No need to tell it, Beshy. Parehas naman kaming maganda ng kaibigan ko," mahangin naman na saad ni Zaire na ikinalawak ng ngiti ng baklang stylist ko, sinang-ayunan ang sinabi ni Zaire.
"Oh, siya, magsisimula na tayo at mas lalo nating pagagandahin ang ating ikakasal na dyosa!" Pahayag ng stylist at nagsimula na siyang make up-in ako.
May tiwala naman ako sa stylist na 'to pero nakakapagduda rin minsan dahil pansin kong kung anu-ano na lang ang inilalagay nito na mga kolorete sa mukha ko pero sige, 'ikaw nga nila, trust the process. Bahala na kung ano ang magiging itsura ko, basta't matutuloy ang kasal, ayos na 'yon.
Pagkatapos ang ilang minuto ay natapos na rin sa paglalagay ng kung anu-anong kolorete ang stylist sa 'king mukha. He turned the chair where I'm at around to the front to see the final outcome of my face.
When I opened my eyes, I was shocked yet with a hint of satisfaction in my eyes. Oo, nagagandahan ako lalo sa sarili ko. Grabe ang transformation ng mukha ko. From an average face to a goddess-like face. Ako ba talaga 'to?
"Ang ganda ganda mo, inez! Kamukhang-kamukha mo na si Aphrodite!" Sigaw pa ng bakla kaya mas nilawakan ko pa ang ngiti ko. But, nothing can beat Aphrodite's beauty.
There's one thing that is left hanging. My hair. Sana mag-match din ang style ng buhok ko sa mukha at suot ko ngayong wedding gown. When it comes to my hair, I am totally a perfectionist. Kaya medyo picky at marami akong ayaw kapag buhok ko na ang pinag-uusapan.
Nagsimula naman kaagad ang stylist para sa kung ano ang kan'yang gagawin sa buhok ko. I am hoping that I would be satistifed with the final result just as how I was satisfied with the final outcome of my face.
Nang matapos ay pumikit muna ako sa magkabila kong mga mata bago lumayo ang bakla sa salamin. Kaya naman nang maramdaman ko nang walang presensiya ng tao sa harapan ko at kung nasaan nandoon ang salamin ay unti-unti kong ibinubuka ang mga mata ko at hanggang sa maaninag ko na ang sarili ko mula sa salamin ay nanlalaki ang mga mata kong tinignan ang buhok kong naka-messy bun at braided na kaagad iyon na nakasama ng bun mula sa salamin.
I did not expect that it will turned out to be just the way that I wanted my hair to be like with. It perfectly matches my face and my wedding gown. I am completely satisfied with what I've looked right now. I say that this stylist that Zaire hired me for is doing such a good job to his work. I can say he has a talent, he is passionate about his work.
"Bakla! Ang ganda-ganda mong tignan, mhie! Sanaol, maganda na nga, mas lalo pang gumanda!" puri ng stylist sa 'kin.
"Salamat, you did very well, Beshy!" I said sincerely and with a smile.
"Ay, nako, walang anuman iyon, mhiema!" pagtanggap naman niya sa pasasalamat ko sa kan'ya.
Not long after that, bigla na lang nagpaalam sa 'min si Beshy na may iba pa siyang kliyente na kailangan niyang puntahan at umalis naman siya kaagad dahil nagkaroon siya ng isang urgent na tawag.
"Bes, I hate to admit it but you looked dashingly gorgeous. Mas lalong mai-in love si Shawn sa 'yo n'yan," ani Zaire at lumapit sa 'kin saka hinawakan pa ang magkabila kong mga kamay.
Napaismid naman ako. "Siyempre naman, ako pa? Ako lang 'to, 'no!" Pagmamalaki ko sa aking sarili.
She jokingly slapped my right arm after what I said then she suddenly leaned in closer to my ear then said something that I did not expect to hear it from her.
"Baka pagkatapos nga ng kasal niyo, diretso honeymoon na kaagad kayo at 'di niyo na kayang umabot sa reception dahil d'yan sa mukhang mayroon ka ngayon," bulong naman niya sa 'kin kaya pinalo ko kaagad siya sa braso niya.
"Alam mo, ang dirty minded mo, ano? Reception muna bago honeymoon, 'yan ang paninindigan ko ngayon!" sabi ko naman.
"Sus, if I know, si Shawn ang unang gagawa ng gan'yan panigurado," pangungutya naman niya sa 'kin.
"Ewan ko na lang talaga sa 'yo, Zaire. Halika na nga at maghahanda pa tayo sa iba ko pang gagamitin para sa kasal ko ngayon para wala na tayong po-problemahin pa kapag nandito na ang kotse na hinihintay natin," salaysay ko.
"Okay, basta tandaan mo ang sinabi ko sa 'yo, ah? Maghanda ka, just in case," she teasingly said and I just made a face before we started preparing our stuffs.
_________
Shawn's Point of View
Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad dahil sa kaba habang hinihintay ang pagdating ng aking bride dito sa simbahan. Mabuti na lang at pinapakalma rin ako nila Nash at Nix.
"Tama na nga 'yan, bro. Nakakahilo na ang pabalik-balik mong mga lakad," reklamo ni Nash at sinang-ayunan naman ito ni Nix.
"At saka isa pa, kahit normal ka pang kabahan, eh, para namang manganganak na ang soon-to-be bride mo. Chill, dude," pagpapakalma sa 'kin ni Nix.
"Alam ko naman 'yon pero kayo kaya ang ikakasal, hindi ba't kakabahan din kayo?" tanong ko naman sa kanila.
"Siyempre, kakabahan pero hindi naman aabot sa punto na nakakahilo na rin ang paraan ng kaba mo, 'no," katwiran naman ni Nix.
"Tama!" sang-ayon naman ni Nash kaya sinamaan ko naman sila ng tingin.
"Nang-aasar lang kayo, eh. Kapag talaga isa sa inyo ang ikakasal sa susunod, kapag kakabahan talaga kayo ng todo, tatawanan ko talaga kayo, mga tarantado," banta ko naman sa kanila.
"Hoy, nasa simbahan tayo, nagmura ka pa," pang-aasar ni Nix.
"Minus points ka sa langit n'yan, bro," natatawa namang saad ni Nash sa 'kin kaya humagalpak naman kami ng tawa dahil sa sinabi niya.
Our laugh was cut short when I heard from some people that there is now a vehicle that has arrived in front of the church. When I turned my head towards the door, there I saw a gorgeous looking woman that was standing in front of it inside the church.
I cannot take my eyes off of her. I cannot take my eyes off of the woman that I want to spend my life forever with. It's as if I'm looking at her in a slow motion speed when our gazes meet and locked at each other.
How can this beautiful crafted human being exists on this planet? I'm lucky enough that I got her and will get to spend the rest of my life with her forever.
♪♫♪ It's been three years and six whole months
Since I saw your face that night
It took five seconds to fall in love
And two more to make you mine
Now it's four in the morning, suns set and
Seven minutes with you and it's heaven
Ain't an hour that rolls by
I love you 24/7, 365 ♪♫♪
Nang makatungtong at makalapit na siya sa 'king harapan ay malambing ko siyang tinitigan.
"Ang ganda mo," puri ko. Totoong-totoo naman.
"Ang bolero mo talaga, Mr. Parker," paismid niyang saad.
"Totoo naman ah. T'saka makikita ko naman na palagi ang mukha mo araw-araw ngayong magiging Mrs. Parker ka na," nakangiti ko namang usal.
Napansin ko namang namumula ang kan'yang magkabilang pisngi kaya napangiti naman ako lalo. Kilig ang soon-to-be wife ko eh.
"Mrs. Everleigh C. Parker, I love the sound of that. Don't you think?" kagat-labi naman niyang tinanong sa 'kin n'on.
"It's more than perfect," bulong ko naman.
Pagkatapos ay magkahawak-kamay naman kaming naglakad papalapit sa altar kung nasaan nandoon na sa harapan ang pari. Nang makalapit na kami ay nagsalita na ang pari.
"Dearly beloved, we are gathered together here, in the sight of God, and in the presence of these witnesses, to join together this man and this woman, in holy matrimony. Which is an honorable estate, instituted by God."
Habang nagsasalita si Father ay hinigpitan ko ang pagkakapit ng aking mga kamay sa kan'ya at mukhang naramdaman naman niya iyon kaya napatingin naman siya sa 'kin.
"I love you, pangit," I mouthed at her lovingly.
Napangiti naman siya at tumugon.
"I love you more, asungot."
"Into this holy estate these two persons come now to be joined. If any here can show just cause why they may not lawfully be joined together, let them now speak, or else hereafter forever hold their peace."
"I require and charge you both, as you stand in the presence of God, before whom secrets of all hearts are disclosed, that, having duly considered the holy covenant you are about to make, you do now declare before this company your pledge of faith, each to the other. Be well assured that if these solemn vows are kept inviolate, as God's word demands, and if steadfastly you endeavor to do the will of your heavenly Father and earthly Mother, God will bless your marriage, will grant you fulfillment in it, and will establish your home in peace."
"Will you please both stand," saad na ni Father kaya ginawa naman namin kaagad ang kan'yang pinapasabi sa 'min at marahan na akong kumapit sa kamay niya.
"Deshawn Parker, do you take this woman to be thy wedded wife, to live together in the holy bonds of matrimony? To love her, comfort her, honor and keep her, in sickness and in health and forsaking all others, keep thee only unto her so long as ye both shall live?"
"I do," sagot ko.
"Everleigh Carter, do you take this man to be thy wedded husband, to live together in the holy bonds of matrimony? To love him, comfort him, honor and keep him, in sickness and in health and forsaking all others, keep thee only unto him so long as ye both shall live?"
"I do," sagot naman ni Leigh.
"Repeat after me," sabi ni Father sa 'kin.
"I, Deshawn Parker, take thee, Everleigh Carter, to be my wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part, according to God's holy ordinance; and thereto I pledge thee my faith."
"Now you, young lady, repeat after me," sabi naman ni Father kay Leigh.
"I, Everleigh Carter, take thee, Deshawn Parker, to be my wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part, according to God's holy ordinance; and thereto I pledge thee my faith."
"You may now say your own vows for each other," saad ni Father.
Kinuha ko naman ang microphone at masuyong tinitingnan ang babaeng pinakamamahal ko at nagsimula nang magsalita.
"Akala ko pa noon, hinding-hindi ako magkakagusto sa isang babaeng katulad mo dahil magkaaway naman kasi tayo noon, 'di ba, pangit? But then, hindi ko inaakala na mangyayari ang panahon na magkakagusto ako sa 'yo. To tell you, noong una na magkaaway pa tayo ay nagkaroon talaga ng pustahan sa 'ming tatlo nina Nash at Nix para pa-in love-in kita pero noong nakilala kita ng husto, nag-iba ang pananaw ko sa 'yo at doon nagsimula na nagkakagusto na pala ako sa 'yo nang hindi ko man lang namamalayan. Then we got our endearments for each other, tinawag kitang pangit ta's tinawag mo rin akong asungot. Pang-enemies-to-lovers couple ang datingan ah?" Natatawa ko namang pahayag. Pati siya at ang mga taong saksi sa kasalang ito ay natawa na rin.
"Pero huli na ang lahat para bawiin ko ang pustahan na 'yon dahil nalaman mo 'yon kaagad at nagbago ka dahil doon. Akala ko wala nang pag-asa para ipagpatuloy muli ang love story nating dalawa kaya nang malaman kong may pag-asa pa ay kinuha ko ang tsansang iyon para bumawi sa lahat ng pagkakamali na nagawa ko sa 'yo. And then, another break up na naman, akala ko tapos na talaga at hindi na talaga pwedeng ibalik ang nasimulan na sa ating pag-iibigan, kasalanan ko naman kung bakit kaya unti-unti akong nawawalan ng pag-asa. Kaso, mukhang hindi pa rin sumu-surrender si kupido kaya pinana niya ulit tayong dalawa para maging tayo ulit at tignan mo nga naman, sa wakas, umabot tayo sa kasalan. Love is really powerful, isn't it? Hay, I love you, Everleigh Carter, I really do. Thank you for coming into my life and I'm lucky that I've meet and love you in this lifetime," pagtatapos ko sa 'king vow.
Kinuha naman niya mula sa 'kin ang microphone at nagsimula na sa kan'yang sariling vow.
"Actually, wala akong prepared vow para rito at hindi naman ako gano'ng tao na parang memorized lang ang pagsasalita niya sa kan'yang vow kaya mas mabuting galing sa puso ko talaga ang sarili kong vow, kaya magsisimula na tayo. Ang ating love story ay nagsimula sa pagiging magkaaway, obvious naman dahil sa endearment pa lang nating 'pangit' at 'asungot'. Paano nagsimula ang ating magkaaway phase? Eh, nagsimula lang naman dahil nabangga ako sa 'yo nang hindi ko sinasadya at ang hawak mo namang kape ay natapunan sa uniform mo at nagkamantsa, ayon nagalit ka naman, at ako naman, nagpapakasarkastiko sa galit mong awra. We're such an immature teens back then, and we both really know that. Ewan ko ba kung bakit ako na-fall sa 'yo, eh, hindi naman kita type." Nagtawanan naman ulit ang mga taong nakapaligid sa 'min dahil sa sinabi niya sa vow niya. Napailing-iling naman ako. Kailangan pa talaga akong ipahiya sa harap ng maraming tao? Biro lang.
"Kidding aside, may itsura ka naman and all pero turn off talaga para sa 'kin ang pinapakita mong ugali sa 'kin noon kaya halos pagbabangayan na lang tayo araw-araw kapag nagkikita tayo sa school. But, with all that, nagkagusto pa rin ako sa 'yo, kahit nasaktan mo ako sa pustahan niyong tatlo, kahit nagkaroon tayo ng misunderstanding na nakaapekto sa relasyon nating dalawa, mahal pa rin kita. Kahit muntik na akong sumuko, isinisigaw pa rin ng puso ko ang pagmamahal ko sa 'yo. Ikaw pa rin, Shawn. I tried to divert my attention towards another person, but my heart still beats for you, every single time. Ganito ka-loyal ang puso ko sa 'yo kaya kahit ano pang mga problema ang ating kakaharapin, malalabanan natin ito sa isa't isa, malalabanan natin ito ng ating pagmamahal. I love you, asungot. I love you, I love you, I love you!" pagtatapos naman niya sa kan'yang vow.
I had butterflies in my stomach after listening to her vow. I'm so madly, deeply, crazy in love with this woman. She's got it all I ever wanted. She's my ideal type.
"And, I may announced you husband and wife. You may now kiss the bride!" anunsiyo ni Father.
"Kiss! Kiss! Kiss!" sigaw ng mga tao sa 'min kaya hindi na ako nakapagtumpik-tumpik pa at hinapit ko na ang baywang ni Leigh at nilapitan ko ang kan'yang mukha.
"I'm so in love with you, Everleigh Parker," nakangiti kong sabi.
"And, I'm all yours now, Deshawn Parker," aniya at malambing akong tinignan.
And, I closed the distance between our faces then finally kissed her on her sweet, plumpy, lips. With our lips sealed, our love for each other will last eternally, forever and ever.
Naghiwayan at nagpalakpakan naman ang mga tao.
I met you as enemy but ended up being your forever, Mrs. Everleigh C. Parker.
From a bet . . . to love.
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top