Chapter 9

Chapter 9: True Feelings

Shawn's Point of View

Gusto ko na nga ba siya?

Yan ang tanong na gumugulo sa isip ko. Hindi ko alam! Hindi ko talaga alam!

Bakit ko din siya hinalikan?

At anong sinabi ko kanina? Na napatawad ko na siya? Oo napatawad ko na siya.

Pero ano nga ba? Bakit hinalikan ko siya? Gusto ko na nga ba siya?

Ano ba ito? Panibagong tanong na naman sa aking isipan.

Nalilito na ako!

Pero hindi ko iyon ipinahalata kay Everleigh dahil nakakahiya kaya yun.

Sa halip na isipin na naman yung katanungan sa isip ko ay pinaandar ko na ang kotse at umalis na sa stinop ko kanina.

Habang nagdadrive ako ay lumingon ako saglit ni Everleigh at ibinaling na sa dinadaanan.

Mukhang may iniisip siya ah? Ano kaya yun?

Nacurious ako kaya hindi ko na mapigilang magtanong sa kanya.

"Mukhang malalim ang iniisip mo, ah? Ano ba ang iniisip mo ngayon? Sa halik ba iyon o ako?" Nasabi ko iyon ng diretso. Hindi ko alam kung tama ba ang tinanong ko sa kanya. Hindi naman sa pagmamayabang pero yun siguro ang dahilan kung bakit malalim ang iniisip niya ngayon.

Pero sa halip na sagutin ako ng maayos ay sinagot niya iyon sa masungit na paraan.

"Wala ka nang pakialam dun." Sagot niya. Tss, ang sungit naman nito, tinatanong lang eh.

Pero bakit naging masungit siya? Anong nagawa ko? Tsk, ibang klase talaga ang topak nitong babaeng 'to.

Wala ng nagsalita sa pagitan namin. Nakabibingi ang katahimikan kaya minadali ko ang pagmamaneho para makarating na kami agad sa school namin. Wala naman akong dapat sasabihin at wala akong masabi dahil baka masungitan na naman ako ni Everleigh.

Bakit ba palagi kong tinatawag si pangit na Everleigh? Tss, bahala na nga, makakasakit lang ito ng ulo kapag ipagpilitan ko pa itong isipin.

Hanggang sa pagdating namin sa school ay wala pa ring nagsasalita sa'min. Para mawala ang tensiyon sa pagitan namin ay bumaba na ako at umikot para pagbuksan siya ng pinto. Bumaba din naman siya kaagad at walang anu-anu'y tuloy lang siya sa paglalakad. Hindi man lang ako hinintay. Aishh!

Pagkatapos kong maglock sa pintuan ng kotse ko ay binilisan ko ang paglakad para habulin siya sa paglalakad, hindi naman ako nabigo. Sinabayan ko siya sa paglalakad. Naramdaman din niya ang presensya ko kaya lumingon siya sa'kin saglit at muling tumutok sa dinadaanan niya.

Hanggang sa nakita niya yung babaeng nakabunggo ko. Nang makita niya ang babae ay pumunta siya nito at nakipagbati. Kaibigan ba niya ito? Ang liit nga naman ng mundo.

"Hi Zaire." Si pangit.

"Hello, Leigh." Sabi nung Zaire daw ang pangalan.

Parang hindi man lang ako pinapansin nung dalawa, parang sila lang dalawa yung nag-uusap. Hello! Nandito kaya ako! Pwedeng ipakilala mo naman ako pangit. Aishh!

At hindi ako nakapagpigil, tumikhim ako at nagsalita.

Tumikhim ako, nakuha ko naman ang atensiyon nilang dalawa kaya nagsalita ako. "Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kaibigan mo, pangit?" Sinadya ko talagang lagyan ng pangit ang tanong ko para mainis siya. Gusto ko kasing mainis siya, ang cute kasi niya kapag naiinis siya o di kaya'y naaasar sa'kin.

Imbis na maasar si pangit mukhang wala lang sa kanya at sa halip biglang tumawa si Zaire.

"Anong tinawag niya sayo, Leigh?" Nagpipigil-tawang tanong ni Zaire kay pangit.

Magsasalita na dapat si Lei ng inunahan ko na siya sa pagsagot para lalo lang siyang maasar sa'kin.

"Pangit." Pang-aasar ko.

Tingnan natin kung hindi ka maaasar sa'kin.

"Huy, asungot ikaw ba ang tinanong ni Zaire? Hindi di'ba kaya manahimik ka na lang dyan." Naaasar na sabi niya.

Sabi na nga ba eh, naaasar siya sa'kin. Pero teka, sinabi ba niyang asungot?

Pero hindi nalang ako nagsalita at nanahimik na lang. Kung anu-ano na ang sinasabi niya sa'kin. Tanggap ko naman na tawagin niya akong asungot pero hindi ko tanggap na tawagin din niya ako na asungot sa kaibigan niya. Dapat tawagin niya akong asungot kapag kami lang. Nakakahiya kaya, ako pa naman ang campus heart throb dito pero ang tawag ni pangit sa'kin sa ibang tao, asungot? Tch, hindi ako papayag.

Lumingon kami ngayon kay Zaire na pinipigilan pa ring tumawa.

"Pangit, Asungot? Ang weird ng endearment niyo,"

"Eh, sa yun ang tawagan namin eh," Sabi ni pangit.

"Hahaha, Oh, siya, sige na. Punta na tayo sa room natin dahil paniguradong malelate na tayo," Si Zaire.

Sumabay naman ako sa kanila dahil magclassmates naman kami.

Paniguradong nandun na sa loob sa room sina Nix at Nash.

Speaking of Nix and Nash. Patay! Muntik ko nang makalimutan! Yung pustahan namin! Ipagpatuloy ko pa ba ito?

Kailangan ko pang masagot yung unang katanungan na gumugulo sa isip ko kanina!

Gusto ko na nga ba siya?

Paano naman ako makakasagot ehh sa hindi ko naman alam ang kasagutan sa tanong sa isip ko ehh.

Mamaya ko na lang iyon iisipin. Ang iisipin ko ngayon ehh yung pustahan namin! Itutuloy ko pa ba ito?

Hanggang sa hindi ko man lang namalayan na nandito na kami sa room.

Tulala ako habang naglalakad kami papasok?! Ano ba naman 'to? Tsk.

Umupo na lang ako. Tumabi naman sa'kin sina Nash at Nix.

"Huy! Ano?" Si Nix.

"Anong, ano?" Ako.

"Wala." Sabi ni Nix.

"Anong sasabihin niyo? Hindi niyo ako maloloko na wala kayong sasabihin sa'kin." Seryosong sabi ko.

"Umm, ano..." Si Nash ang sumagot.

"Ano?"

"Yung sa..."

"Yung sa?"

"Yung sa pustahan natin. Baka nakakalimutan mo na iyon. Parte pa ba yun sa pustahan natin?"

"Oo naman. Ano ka ba. Magtiwala lang kayo sa'kin."

"Sigurado ka ha? Talo ka 'pag ikaw ang unang nainlove sa kanya." Si Nix.

"Oo. Wag niyo nang uulitin." Sagot ko. Tumango naman sila. Hindi ko na nga alam ehh. Parte pa ba yun sa pustahan? Hindi ko alam ang sagot.

***

Pagkatapos nang klase namin ay ganun pa din ang gumugulo sa utak ko.

Kaya pagkatapos kung magligpit sa mga gamit ko ay pumunta ako sa lugar na kung saan walang tao. Gusto ko munang makapag-isip-isip.

"Ahhhhhh!" Sigaw ko.

"Anong nangyayari sa'kin?!" Isang sigaw ko pa.

Mukha na akong baliw dito kakasigaw pero bahala na gusto kong sumigaw para mawala na ang gumugulo sa isip ko.

Pero bigo ako, hindi iyon nangyari. Meron pa rin kahit katiting na gumugulo sa isip ko.

"Hindi ko na alam." Yun lang ang nasabi ko na hindi sumisigaw.

Pero biglang nagflashback sa'kin yung sa dinnerdate at nung nagkiss kami. Ito din yung first kiss ko.

Napapangiti ako ng maalala yung sa dinnerdate namin. Ang takaw niya. Tch. Ang ganda din niya sa dinnerdate namin. Aaminin ko talaga ito, maganda talaga siya.

At nung nagkiss kami, hindi na ako nagagalit sa kanya, walang kahit anong inis na ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Parang dream come true din para sa'kin yung nangyari kanina.

At bigla ko nalang narealize na.

Gusto ko na nga siya.

Everleigh's Point of View

Habang naglalakad kami papunta sa room namin ay lumingon ako kay Shawn. Well, what's wrong kung tawagin ko siyang Shawn, mas okay pa pala yun kesa sa tawagin ko siyang asungot. Pero anyways, lumingon nga ako sa kanya pero mukha lang siyang tulala, meron bang gumugulo sa isipan niya? Ano kaya yun? Pero mas mabuti pang hindi ko na lang iyon iisipin tutal problema naman niya iyon, at sino ba ako para mangialam sa kanya, baka magalit siya kapag nangialam pa ako sa kanya. At bakit naman siya magagalit sa'kin? Hay, ano ba namang tumatakbo sa isipan ko, ibinaon ko na lang iyon sa limot, mukha na akong nababaliw dito ehh.

Hanggang sa pagdating namin sa room at pumasok ay walang kaalam-alam pa rin si Shawn na nandito na kami, tulala lang siya palagi. Ano bang nangyayari sa kanya? Nag-aalala na ako, may sakit ba siya? Kakausapin ko kaya siya mamaya.

Tumango lang ako sa aking naisip at nakipag usap kay Zaire para mawala na ang pag-aalala ko kay Shawn.

***

Pagkatapos nang klase namin ay sabay kaming nagligpit ng gamit ni Zaire, tapos ay nagsalita siya.

"Sabay tayo punta ng canteen." Sabi niya.

"Umm, Zaire sorry. Hindi muna ako sasabay sa'yo may kakausapin lang ako. Okay lang ba yun sayo?" Tanong ko.

"Ahh, oo naman. Ano ka ba, okay lang. Oh, siya, baba na ako hah, nagugutom na kasi ako ehh. Bye."

"Okay, Bye." Maikling pagpapaalam ko at saka kumaway, ganun din siya pagkatapos naming magligpit ng gamit.

Lumingon ako sa inuupuan ni Shawn pero wala na siya kaya hinanap ko na siya sa labas, paniguradong nandon lang yun sa tabi tabi, makikita ko rin yun.

Pero makalipas ng ilang minuto, wala pa din akong nakikitang Shawn sa paligid. Asan na ba siya? Mas tumindi na naman ang pag-aalala ko. Bakit bigla bigla nalang siyang nawawala? Try ko kayang tawagan siya.

And so I did, I call him but it is still ringing kaya pinagpatuloy ko lang ang pagtawag sa kanya. Pero makalipas ng ilang segundo, wala pa rin. Magpatawag na ba ako ng pulis? Tss. Ang OA ko naman masyado.

May isang lugar pa akong hindi napupuntahan, baka nandun si Shawn. Kaya dali dali akong naglakad patungo dun sa building na walang taong naglalakad dun.

Nung malapit na ako dun ay merong sumigaw. Hindi ko alam kung bakit mas tumindi lalo ang pag-aalala ko kasabay ng kaba.

"Ahhhhhh!" Sigaw ng taong nandun.

Napamilyaran ko kung sino ang tinig ng taong iyon. Hindi ako nagkakamali, siya yun! Si Shawn yung sumisigaw! Ano? Bakit? Bakit siya sumisigaw?

Patuloy lang akong tumakbo sa kinaroroonan niya.

"Anong nangyayari sa'kin?!" Sumigaw na naman siya ulit. Ano bang meron bakit sumisigaw siya? Mabuti na lang at walang ibang taong nandito.

Papalapit ako ng papalapit hanggang sa nakita ko siya nakayuko na siya ngayon habang nagsasalita.

"Hindi ko na alam,"

Anong hindi na niya alam? Ano bang nangyayari sa kanya?

Pinilit kong wag gumawa ng ingay para hindi siya madidistract. Hindi naman ako nabigo.

Nakita ko siyang napapangiti.

Mukha siyang baliw. Bakit napapangiti siya?

Pero hindi siya baliw kasi kung titingnan ang itsura niya mukhang meron siyang inaalala. Hindi ko alam kung sino pero bigla akong nakaramdam ng inis. I don't know why I'm feeling this way. Posibleng babae yung inaalala niya.

Unti na akong lumalapit sa kanya pero dahan dahan baka makahalata siya na meron pa palang ibang taong naroon sa kanyang paligid.

Pero bigla na lang siyang nag-angat ng tingin....... SA'KIN!

Natataranta ako dahil hindi ko alam kung paano niya naramdaman ang presensya ko.

Tumindi ang kaba ko pero nawala na ang pag-aalala ko sa kanya dahil nandito lang naman siya.

Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa'kin. Hinawakan niya yung magkabila kong braso. Pinilit kong wag siyang tingnan dahil hindi ko kayang tumitig sa mukha niya.

Pero hinawakan niya ang panga ko at iniharap sa kanya. Ngayon nakatitig na ako sa mukha niya.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya in a husky voice.

"Umm, a-ano..." nautal pa ako. Lumunok muna ako bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"H-Hinahanap kasi k-kita k-kasi gusto k-kitang kakausapin." Utal-utal kong sagot.

Tumango lang siya. Pero ang mas hindi ko inaasahan ay bigla niya akong hinalikan... na naman.

Damang-dama ko ang pananabik niyang gusto akong mahalikan. Ganun din ako, may weird akong nararamdaman. Biglang tumibok ng mabilis yung puso ko! Masarap sa pakiramdam na mahalikan siya lalo pa't ang lambot ng labi niya.

Hiniwalay na niya ang labi niya sa'kin pero ginantihan ko siya ng halik sa labi.

Pagkatapos ko siyang halikan ay inilapat niya ang noo niya sa'kin.

Gusto ko siya. Gustong-gusto ko na siya.

___________________________________________________________________________________

Edited: July 25, 2021

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top