Chapter 8
Chapter 8: First Kiss
Shawn's Point of View
Pagbangon ko palang ay pumunta na ako sa banyo para maligo at makapagsepilyo na ng ngipin.
Pagkatapos ay lumabas na ako at kinuha ang uniform ko sa cabinet at isinuot iyon. Humarap ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko. Maayos naman ang suot ko pero pagtingin ko sa buhok ko ay buhaghag ito, kaya kinuha ko ang gel. Tapos, tiningnan ko na ang buhok ko sa salamin, ayan! Ayos na!
Hindi ko na inayos pa ang mga gamit ko kasi nagmamadali na akong lumabas sa kwarto. Pagkababa ko ay pumunta ako sa kitchen at umupo at kumuha ng kanin at pagkain, nagsimula na akong kumain.
Napalingon ako nina Mom at Dad na nagtataka ng tumingin sa'kin.
"What?" Tanong ko.
Tumikhim si Dad. "Bakit nagmamadali kang kumain? Baka mabulunan ka niyan," Nagtatakang sabi ni dad.
"Umm, dad meron pa kasi akong asikasuhin sa school at kailangan daw maagang makapunta doon." Pagsisinungaling ko.
Mukha namang kumbinsido si dad at mom sa naging sagot ko.
Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako ng bahay at pumasok sa kotse at umalis na.
Pagkarating ko sa bahay ni pangit ay bumaba ako ng kotse at pumasok sa may gate at nagdoorbell ako. Bumukas naman ang pinto at lumabas ang matandang babae, hindi naman siya ganon katanda, mukhang 30's pa siguro siya, hindi ko alam. Sinuyod ako ng tingin ng babae at nagtatakang tumingin sa'kin.
"Sino kayo?" Tanong niya.
"Umm, nandyan po ba si Everleigh? Gusto ko po siyang makita eh." Nakangiting ani ko.
"Ahh, si Everleigh? Nandun pa sa kwarto niya mukhang naliligo na siya. Halika muna, hijo." Sabi ng babae.
"Wag na lang po, dun na lang po ako maghihintay sa kotse. Sige po salamat." Sabi ko.
"Ahh, welcome, hijo." Sabi niya.
Pumunta muna ako sa kotse at pumasok. Nagpatugtog ako ng "Makukuha Rin Kita" by Ex Battalion.
Sumabay nalang ako sa pagkanta dahil naboboringan na ako kahihintay kay panget ehh.. Habang kumakanta ako rito parang para sa'kin ang kantang ito. Basta yun ang masasabi ko.
At nung natapos na ang kanta, sumilip ako sa bintana at tiningnan kung nakalabas na ba si pangit, pero wala pa rin. Ang bagal, bagal naman nito. Napapagod na ako rito kakahintay sa kanya. Makalabas na nga lang.
Lumabas na ako ng kotse at sumandal sa kotse. Kinuha ko na lang ang phone ko at nag fb lite. Nag log-in ako at sinearch ang pangalan ni pangit. Ang lumabas ay marami. Kaya tiningnan ko isa-isa kung nasaan ang picture niya. Mahirap palang mahanap ito. Pero kalaunan ay nakita ko na ang picture niya kaya in-add friend ko siya.
Everleigh Carter, add friend+
Habang nag i fb lite ako ay biglang bumukas yung pinto ng bahay nila kaya lumingon ako, nagtama ang paningin namin pero agad niya naman yung iniwas ang tingin niya. Namangha ako sa kanya dahil ang ganda niya ngayon. Hindi ko na idedeny to dahil talagang ang ganda niya ngayon. Ni log-out ko na ang account ko at pintay ang phone at ibinulsa ito. Pinagbuksan ko siya ng pinto. Hindi ko alam kung bakit ang gentleman ko ngayon. Tsk. Bahala na nga.
Pumasok na siya at sinarado ko na ang pinto at pumasok sa kotse. Pinaandar ko na iyon at umalis na sa bahay nila.
Nangingibabaw ang nakakabibinging katahimikan sa kotse. Kaya kalaunan ay nagsalita ako.
"So, kumusta pala ang tulog mo kagabi? Napaginipan mo ba ako?" Nang-aasar na sabi ko.
"Ayos naman, oo napaginipan kita kagabi pero wag kang mag-iisip ng kung ano hah." Sabi niya.
Totoo nga talagang napaginipan niya ako.
"Sabi ko na nga ba ehh, bakit mo ako napaginipan, pangit?" Sinabi ko ang salitang pangit dahil kusa lang iyong nasabi ko. Siyempre nanlaki ang mga mata niya kaya natawa ako.
"Wala lang bigla ka na lang sumagi sa isip ko, asungot." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya sa huli, sa'kin. Asungot pala, hah. Humanda ka sa'kin, kikilitiin kita ngayon.
"Ahh, asungot pala hah?" Sabi ko
Ini-stop ko ang kotse ko at dahan-dahan akong lumapit sa kanya at kiniliti siya.
"Uy, tama na hindi ako makahinga." Tumatawang sabi niya. Hindi siya makapagsalita ng maayos dahil nakikiliti siya.
Huminto naman ako sa pagkiliti sa kanya dahil nauubusan na siya ng hangin. Natatawa ako sa mukha niya kanina habang tumatawa siya. May kung ano akong naramdaman kanina pero nawala naman iyon. Hindi ko maipaliwanag.
"Ako, asungot. Ikaw, pangit. Hahaha pareho pala tayong pangit ang endearment, hahaha." Natatawang sabi ko.
"Oo, ang pangit talaga ng endearment nating dalawa, hahaha." Natatawang sabi din niya.
Sabay kaming tumawa sa pinagsasabi namin kanina lang. Hindi ko alam pero biglang tumibok ng mabilis ang puso ko habang tumatawa siya. Bakit ganon? Sakit ba ito?
Humupa na kami sa pagtawa. Tiningnan ko siya ng diretsiyo. Parang gusto ko siyang halikan.
Unti-unti akong lumapit sa kanya. I don't know why am I acting like this.
Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi niya. At unti-unti ko nang pinaglapat ang mga labi namin. Hindi naman siya umangal, parang gusto pa nga niya eh. Bumitaw naman agad ako dahil parang lumalalim na ang halik namin.
Nakapikit pa rin siya kaya tumawa ako ng bahagya, narinig naman niya iyon kaya unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nagblush siya. Ang cute niya pag nagbablush siya.
Tumingin na lang siya sa bintana dahil nagbablush siya.
Napatawad ko na siya.
Masaya ako ngayon. Hindi na ako nagagalit sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang ibig bang sabihin nito ay..... GUSTO KO NA SIYA?
Everleigh's Point of View
Hindi ko alam kung bakit unti-unti siyang lumalapit sa'kin. Kinabahan ako dahil hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Hindi ko alam pero napapikit na lang ako hanggang sa naramdaman ko na lang na inilapat niya ang labi niya sa labi ko. Hinalikan niya ako. Hindi ko alam pero hindi ko siya itinulak at sa halip ay pinalapit ko pa siya sa'kin.
Bago pa lumalim ang halik ay bumitaw na siya at ako parin ay nakapikit. Narinig ko siyang tumawa ng bahagya kaya napadilat ako. Nag-init ang pisngi ko, mukhang naging kulay kamatis ako kaya tumingin na lang ako sa bintana para hindi niya mahalata na nagbablush ako. Huhu, nakakahiya!
Bakit hinalikan niya ako? Bakit gustong-gusto ko naman? Ano ba naman 'to. Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Diba kaaway kami? Bakit biglang humantong sa ganito? At halik pa? What is happening?
Maraming tanong ang gumugulo sa isip ko. Hindi ko matukoy kung ano ang sagot. Bahala na lang na itambak ko na lang sa ulo ko ang mga iniisip ko.
"Mukhang malalim ang iniisip mo, ah? Ano ba ang iniisip mo ngayon? Sa halik ba iyon o ako?" Sabi niya habang nagmamaneho at tutok sa daan ang mga mata niya.
Ganon kadiretso ang mga sinasabi niya. Nahihiya na ako. Lord,j please help me!
"Wala ka nang pakialam dun." Bakit naging masungit ako? Ang ayos naman ng pagkakasabi niya? Hindi ko na talaga alam. Tsk.
"Ang sungit mo naman." Sabi niya.
Pero hindi na ako nagsalita pa. Hanggang sa nadating na namin ang school. Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba na ako at sabay kaming pumasok sa school. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao rito, especially sa girls, masama ang tingin nila, ang iba naman nagbubulongan, ang iba din ay naiinggit sila sa'kin pero wala na akong pakialam dun.
Habang naglalakad kami ay nakita ko si Zaire. Kumaway ako sa kanya at bumati.
"Hi, Zaire." Pagbati ko.
"Hello, Leigh." Pagbati din niya.
"Ehem." Tumikhim si asungot kaya natigilan kami. Oo nga pala hindi ko pa naipapakilala si asungot kay Zaire. "Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kaibigan mo, pangit?" Sabi ni asungot.
At sa hindi malamang dahilan, tumawa si Zaire. Eh? Anong nakakatawa? Nagtataka kaming tumingin kay Zaire na ngayo'y humupa na ang tawa niya.
"Anong tinawag niya sayo Leigh?" Sabi ni Zaire. Halatang nagpipigil na naman siyang tumawa.
"Pangit." Aba! Sumagot muli si asungot. Tingnan natin.
"Huy, asungot ikaw ba ang tinanong ni Zaire? Hindi di'ba kaya manahimik ka na lang dyan." Sabi ko.
Nanahimik naman siya. Wow! Sumunod! Wow! As in wow lang!
Lumingon ako kay Zaire.
"Pangit, Asungot? Ang weird nang endearment niyo," Natatawang sabi niya.
"Eh, sa yun ang tawagan namin eh," Sabi ko.
"Hahaha, Oh, siya, sige na! Punta na tayo sa room natin dahil paniguradong malelate na tayo," Sabi ni Zaire.
Sumabay naman samin si asungot.
First Kiss ko siya, meron na akong first kiss.
___________________________________________________________________________________
Edited: July 25, 2021
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top