Chapter 7

Chapter 7: Endearment

Shawn's Point of View

Umalis na ako sa bahay nila at umuwi na din. Ano ba ang naisip ko kanina? Bakit bigla nalang yun pumasok sa isip ko ehh kaaway ko siya at hindi ko kailangan ng patawad sa kanya dahil nga kaaway ko siya.

Nalilito na ako. Ang sabi ng puso ko ay kailangan mapatawad ko na siya, ang sabi naman ng isip ko ay dapat hindi ko siya mapatawad dahil dun sa nangyari. Nagtatalo na ang puso't isip ko. Tsk.

Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si Dad na nakaupo sa couch at mukhang naghihintay sa'kin. Naramdaman siguro ni Dad yung presensya ko kaya tumingin siya sa'kin at sumenyas na maupo ako sa tabi niya. Sumunod naman ako at tumabi sa kanya.

"So anak, kumusta naman ang date niyo?" Tanong ni Dad.

"Siyempre naman dad, okay naman, hindi naman siya nagrereklamo." Sagot ko.

"Ahh, anak bakit ka ba nakipagdate sa kanya?" Tanong niya.

Sasabihin ko ba 'to ni Dad? Baka masabi niya kay Mom, at kung mangyari man 'yun ay paniguradong grounded ako nito. Wag na lang, magdadahilan nalang ako kay Dad. Bumalik lang ako sa reyalidad ng tinawag ako ni Dad.

"Anak, tinatanong kita kung bakit nakipagdate ka sa kanya, bakit nalulutang ka?" Tanong ni Dad.

"Ahh, may iniisip lang po, Dad about something. Hindi naman talaga yun date as in bf/gf, friendly date lang naman 'yun dahil gusto ko na mapatawad niya ak---" Nagulat ako sa aking sinabi at napatakip sa bibig. Nadulas ako!! Paano na ito ngayon?!

"What?! Anong sinabi mo Shawn? Ano? Bakit? May ginawa ka bang kalokohan sa school at 'yung dinedate mo ngayon ang target mo? Unbelievable!" Bulyaw ni Dad.

"Kelan ka ba titigil sa ginagawa mo? Hindi ka na bata Shawn kaya dapat mo 'yang itigil."

"Magpapaliwanag ako sayo Dad. Kasi naman Dad ehh, siya yung nauna. Naglalakad lang naman ako nun at umiinom ng kape ng biglang nabangga ako dun sa babaeng dinedate ko ngayon. Siyempre nagalit ako dahil nadumihan yung damit ko at nagsorry siya sa'kin..." mahabang paliwanag ko.

"Ohh, diba nagsorry naman siya, at bakit gumawa ka parin ng kalokohan, hah?" Aniya.

"Ehh kasi naman dad ehh, sapat na ba yung sorry para lang sa dumi ng damit? Hindi. At isa pa, sinigawan niya ako sa salitang 'sorry' dahil nasigawan ko din siya. Kaya ayun ipinagpatuloy ko yung pangtitrip ko. Ako pa naman ang maglalaba ng damit ko. Yung time na nangyari yun ay meron akong extra uniform kaya hindi ako nalate sa pagpasok sa room." Patuloy ko.

"Dahil lang dun sa mantsa ng damit mo? Are you insane? Isip-bata ka pa rin ehh noh? Itigil mo na nga yan!" Ani Dad.

"Itutuloy ko iyon dad sa pamamagitan ng pustahan na mahuhulog siya sa'kin. Ganti ko iyon sa kanya." Mariin na sabi ko.

"Sasabihin ko ito sa Mommy mo." Ani ni Dad. Akma siyang aalis sa couch pero pinigilan ko siya.

"Wag dad. Panigurado kasing grounded ako kapag sinabi mo iyon kay Mom. Hindi ako makakapunta sa school at madami akong absents." Sabi ko.

Bumalik naman si Dad sa pag upo sa couch.

"Anak, napatawad mo na ba siya?"

"Hindi ko alam dad ehh. Masyado akong nalilito ngayon. Nung nagdinnerdate kasi kami ay parang... ay basta. Hindi ko maintindihan." Sabi ko.

"Anak, itigil mo na ang pustahan na iyan kung napatawad mo na siya, hah? Malilintikan kasi tayo ng Mommy mo."

"Hindi ko alam kung ititigil ko ito o ipagpatuloy ito. Hindi ko na talaga alam."

Hinagod ni daddy ang likod ko at nagsalita.

"Anak, baka pagod lang iyan, magpahinga ka muna, okay?" Malumanay na aniya.

"Thanks Dad for understanding me." Aniya ko.

"Your welcome, son. Sige magpahinga ka na dahil paniguradong bukas na naman ay punta ka na naman sa school." Tinapik ako ni dad.

"Sure, dad. You too." Sabi ko.

Tumango lang si dad at umalis na ako sa couch at umakyat papunta sa room ko. Pumasok ako sa room at sinarado muna ang pinto pagkatapos ay hinubad ko ang sapatos at medyas ko at kinuha ang phone ko. Magtetext na nga lang ako sa kanya...

To Everleigh:
Umm, thanks for tonight.

Msg. Sent.

Nagreply din naman siya kaagad...

From Everleigh:
Welcome.

Yun lang? Well ano pa nga ba? Ang tipid naman nitong magreply.

To Everleigh:
Goodnight. Sweet dreams. Ako nalang ang ipapaginipan mo para tuloy tuloy ka lang sa pagtulog.

Msg. Sent.

From Everleigh:
Tss, asa ka pa! Hindi noh. Oh, siya, sige na night din. Bye.

At yun lang. Inilapag ko na ang phone ko at umalis sa pagkakahiga sa kama at pumunta sa banyo para maligo at makapagbihis din. Pagkatapos kong magbihis ay humiga ako sa kama at mahimbing na natutulog.

~K~I~N~A~B~U~K~A~S~A~N~

Lei's Point of View

Pagkagising ko palang sa umaga ay dali dali akong pumunta sa banyo at naligo. Pumunta ako sa tub at umupo sa maligamgam na tubig. Naalala ko yung mga texts naming dalawa ni asungot. Kinikilig ako dun!

~Flashback (Yesterday Night)~

Nung umalis na siya ay pumasok na ako sa bahay. Pagkapasok ko palang ay nandoon sina mom at dad, pati si sis. Mukhang hinihintay nila ako.

Umupo ako sa couch na katabi nila. At nagsalita si mom...

"Oh anak, kamusta naman ang lakad niyo?" Tanong ni mom.

"Ayos naman po mom." Sagot ko.

"Nakakain ka na ba?" Ani dad.

"Yes, dad. Actually I'm really full na ehh, sobrang dami ng kinain namin nung kasama ko." Sabi ko.

"Umm, ateh pwede po ba naming malaman kung sino po yung lalaking kasama niyo?" Parang batang tanong ni Amirah.

"Oo nga, sino yun, anak?" Si mom.

"Ahh, mom, dad, sis... Kaklase ko po siya, siya si Deshawn Parker." Sabi ko.

Nanlaki yung mga mata nila dad at mom. Si Amirah naman ay pumunta sa tabi ko at bumulong.

"Pwede po bang idescribe mo po ateh?" Bulong niya.

"Sige, idedescribe ko sayo ang itsura niya. Maputi at makinis ang balat. Ang buhok niya ay mala-Donny Pangilinan at black ang kulay ng buhok niya. Ang mga mata niya ay kulay brown, maganda ang mga pilik-mata niya. Matangos ang ilong. Kissable lips, walang pimples at matangkad siya. In over-all Gwapo siya." Mahabang pagdedescribe ko ng pabulong sa kanya.

Napatango naman siya sa'kin at saka umupo na sa dating inuupuan niya. Ibinaling ko naman ang tingin ko kila mom at dad na ngayo'y nagugulat na tumingin sa'kin. Bakit ganyan sila makatingin sa'kin? Ano bang problema sa pangalan ni asungot bakit gulat na gulat sila? Tch, nalilito ako sa kanila.

"Mom, dad, bakit kayo makatingin sa'kin ng ganyan?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

Medyo nakarekober na ang mukha ni mom at dad pero si mom ang unang nagsalita para ipaliwanang kung bakit ganon ang reaksyon nilang dalawa sa pagbanggit ko sa pangalan ni asungot.

"Ummm, anak kasi anak kasi siya sa bestfriend ko yung mommy niya. At yung papa mo naman ay bestfriend sa tatay ni Shawn, kaya ayun." Paliwanag ni mom.

Nanlaki ang mga mata ko, so magbestfriends pala ang mga magulang namin, bakit hindi ko alam? Bakit walang sinasabi si asungot sa'kin? Paano niya naman sasabihin yun kung kaaway ko naman siya sa school? Stupid talaga ako minsan eh noh. Kaya pala nagulat ako sa mga sinabi ni asungot sakin nung first day palang ng klase namin nung sinubukan kung magpumiglas sa pagkakapit ng braso ko sa kanya. Ang mga pangalan ng mga magulang niya ay mukhang narinig ko noon pero nakalimutan ko ngayon pero bigla nilang bumalik yung nakalimutan ko dahil sa sinabi ni mom sa'kin ngayon.

"Sorry anak kung ngayon lang ako nakapagsabi sa iyo ito, nakalimutan ko na kasi eh." Pagpapasensya ni mom sa'kin.

Hinawakan ko naman ang isang kamay niya.

"Wag kang humingi ng tawad sa'kin, mom. Ayos lang sa'kin, okay?" Sabi ko kay mom.

"Ehem..." Tumikhim si dad at nagsalita...

"Anak, siguro napagod ka sa lakad mo kaya magpahinga ka na, ha? Goodnight, 'nak. Saranghae." Sabi ni dad.

"You too, dad. Saranghae." Humalik ako sa pisngi ni dad, mom, at sis at nagpaalam kina mom at sis na magpapahinga na ako. Tumango naman sila.

Dumiretso na ako sa kwarto at hinubad yung sandals ko at inilapag ang purse ko at pumunta sa banyo para makapagbihis ng pantulog na damit.

Pagkatapos kung magbihis ay humiga ako sa kama at unti unti ko na talagang pinikit ang mga mata ko pero biglang napadilat ako dahil sa pagvibrate ng phone ko. Nakakainis, sino naman kaya ang nagtext sakin ng ganitong oras?

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung sino ang nagtext sakin, si asungot lang pala.

From Shawn:
Umm, thanks for tonight.

Nagreply din naman ako sa kanya.

To Shawn:
Welcome.

Msg. Sent.

Yun lang ang naisagot ko kasi wala naman akong ibang sasabihin ehh.

From Shawn:
Goodnight. Sweet dreams. Ako na lang ang ipapaginipan mo para tuloy tuloy ka lang sa pagtulog.

Huh! Ang kapal naman ng mukha nito! Makareply na nga lang.

To Shawn:
Tss, asa ka pa. Hindi noh. Oh, siya, sige na night din. Bye.

Msg. Sent.

Akala ko pa naman magtetext pa siya sa'kin pero mukhang hindi na kaya inilapag ko na ang phone ko sa may lamp at pinatay ko na ang lamp at ipinikit ang mga mata ko. Oo na napapaginipan ko siya, hehe.

~End of Flashback (Yesterday Night)~

Kinikilig ako dun ehh. Pagkatapos kong magpalubog sa tub ay nagshower ako at lumabas na ng banyo habang nakatapis sa towel.

Ngayon ay mag u-uniform na ako dahil kahapon na naipadala ang uniform namin.

Hindi na ako magdedescribe dahil nakakapagod magdescribe eh.

Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok ay isinuot ko na ang uniform ko at tumingin sa salamin. Ang fit naman nito, pero bahala nalang dahil bagay naman sa'kin at komportable. Isinuot ko din ang long socks ko at with heels na sapatos. Pagkatapos kong magbihis lahat ay inayos ko pa ang buhok ko at sa bag ko. Nag hair clip ako. Tapos, ay lumabas na ako ng room ko at bumaba sa hagdan at pumunta sa kusina para kumain. Nandoon na din si Amirah, dad, at mom na kumakain na. Sabay kaming pupunta sa school ni Amirah ngayon.

Habang naglalagay ako ng pagkain sa plato ko ay nagsalita si mom.

"Anak, meron pa lang maghahatid sa iyo sa school, hindi si manong, mukhang yung kaklase na kasama mo kahapon. Si Amirah ay ihahatid nalang ni manong papunta sa school." Sabi ni mom.

"Okay po, mom." Sabi ko.

Kumain na ako. Nagugutom na kasi ako ehh at saka ang sasarap nang mga pagkain sa lamesa kaya nilantakan ko yung favorite kong pagkain ko.

"Anak, kamusta na ang pagdadrawing mo?" Tanong ni dad.

Nilunok ko muna yung pagkain ko bago magsalita baka kasi mabulunan pa ako ehh.

"Ayos naman po, dad. Maghahanap pa kasi ako ng club dun." Sabi ko.

Tumango lang si dad.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam ni ako nila mom, dad, at sis. Pagkalabas ko palang ay meron ng nakaparada na kotse, kotse ni asungot.

Bumaba si asungot at pinagbuksan ako ng pinto sa kotse niya. Aba! Napakagentleman naman nito! Kinikilig na ako! Pagkasakay ko ay pumasok na din sa loob ng kotse si asungot at umalis na sa bahay at papunta na kami sa school.

Walang nagsasalita sa'min. Hindi ko naman alam kung paano sisimulanin ang pag-uusap kaya ayun, hindi na lang din ako nagsasalita.

Pero kalaunan din ay nagsalita na si asungot...

"So, kumusta pala ang tulog mo kagabi? Napaginipan mo ba ako?" Nang-aasar talaga siya sa'kin.

Sasabihin ko ba sa kanya? Wala namang masama kung sasabihin ko sa kanya ehh, pero talagang kinabahan ako, baka isipin niyang meron akong gusto sa kanya.

Huminga ako ng malalim at nagsalita.

"Ayos naman, oo napaginipan kita kagabi pero wag kang mag-iisip ng kung ano hah." Pagsabi ko ng totoo ko sa kanya.

"Sabi ko na nga ba ehh, bakit mo ako napaginipan, pangit?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya sa huli. Ako?! Pangit?! Nababaliw na ba siya?! Sasabihin ko nga sa kanya na asungot ang tawag ko sa kanya para pareho na kaming mga pangit na endearment, hahaha!

"Wala lang bigla ka na lang sumagi sa isip ko, asungot." Siyempre nanlalaki ang mga mata niya dahil na rin sa sinabi ko sa kanyang asungot. Buti nga sayo! Tse!

"Ahh, asungot pala ha?" Inistop niya ang kotse at saka kiniliti niya ako.

"Uy, tama na hindi ako makahinga." Hindi ako makasabi ng tama dahil nakikiliti ako.

Huminto naman siya sa pagkiliti sa'kin at tumingin ng diretso sa'kin.

"Ako, asungot. Ikaw, pangit. Hahaha pareho pala tayong pangit ang endearment, hahaha!" Tatawa tawang sabi niya.

"Oo, ang pangit talaga ng endearment nating dalawa, hahaha!" Natatawang sabi ko din.

Humupa na din ang tawa naming dalawa. At diretso niyang tiningnan ang mukha ko.

___________________________________________________________________________________

A/N:

Medyo childish ang pagkakasulat ko sa chapter na 'to kaya pagpasensiyahan niyo na. 😂

So anyways, thanks for the votes and thanks for reading it.

Hope you'll enjoy my story!

Instagram account: @chanelcabilete
Twitter account: @cabiletechanel

Follow niyo ako dito, dyan ako magsasabi kung kailan ako mag-uupdate. Thanks Chasers!

Edited: July 25, 2021.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top