Chapter 6

Chapter 6: Friend

Zaire's Point of View

Maaga akong nagising kasi maaga ang pasok namin ngayon sa school. Dali-dali akong bumangon at kinuha ang tuwalya ko.

Pumunta ako sa banyo at nagshower doon. Pagkatapos kong magshower ay nagtoothbrush ako.

Pagkatapos kong magtoothbrush ay lumabas ako sa banyo at kinuha ang hairdryer para tuyuin yung buhok ko.

Tapos ay nagbihis ako ng uniform namin. Sa Parker High ako nag-aral simula nung bumalik ako dito sa Pilipinas. Sa America ako nung elementary pa lang ako. Bakit ako bumalik sa Pilipinas? Kasi nandito ang taong namimiss ko na at matagal ko na siyang hindi nakita, yung bestfriend kong si Leigh. Gusto ko na siyang makita pero hindi pa pwede kasi nandun pa ako sa America nag-aaral nun. Hindi ko alam kong nakalimutan na niya ako pero sana hindi.

Teka idedescribe ko kung ano ang uniform namin.

Meron siyang necktie na brown at puti yung shirt, mukha siyang jacket. Meron din siyang kwelyo at manggas. Sa palda ko ay madaming colors ang makikita mo at fitted siya, with stripes.

Wala naman siyang butones sa pang-itaas. Yung sa sapatos ko ay color black with heels, meron design na flower. I like flower designs and with heels.

Pagkatapos kong magbihis at magdescribe ay kinuha ko ang relo ko at tiningnan ang oras. Makakahabol pa ako. Kinuha ko na din ang bag ko. Inayos ko iyon at sigurado akong wala akong nalimutan sa mga gamit ko sa school.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas ako ng room ko at bumaba na din. Pumunta ako sa kusina at umupo sa bakanteng upuan. Kinuha ko ang plato, kutsara, at tinidor para makapagsimula na akong kumain. Kinuha ko yung fried rice. Gusto ko kasi ng fried rice kaya ayun nalang ang kinain ko. Nagsalin din ako ng juice. Kumain na din ako pagkatapos.

Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko na ang mga kinain ko sa sink. Ang mga kasambahay namin ang bahala sa paghugas.

Hindi ko na hinintay sila Mommy at Daddy lumabas kasi paniguradong hindi nila ako papansinin dahil lang sa trabaho.

Lumabas na ako ng bahay. I'm ready!!

Ughh! Napasapo ako sa noo ko. I almost forgot to introduce who am I.

I am Zaire Harriet Paige, an 18 year old highschool student. I'm an only child. My parents are Zara Paige and Hendrix Paige. My hobbies are playing badminton, swimming, riding a horse, and adventures.

Done. Perfect introduction. I am practicing my introduction and this one is the perfect one.

Naglakad ako papuntang garage at hinanap yung motor ko. Tutal wala naman akong kapatid kaya yung motor ko nalang ang improtante sa akin at saka meron siyang pangalan. Si Wynter.

Ahh dun. Nahanap ko na yung motor ko. Dali-dali akong naglakad papunta sa motor ko at sumakay doon. I have my keys na. Pina-init ko muna yung trambotso at pagkatapos ay pinaharurot ko na iyon at umalis na ng bahay. Hay finally I'm not bored na. Nakakaboring kasi sa bahay kasi mukha ka lang mag-isa doon pero madami naman akong kasama doon. Ang sarap na merong kapatid. Buti nalang meron akong bestfriend, ang turing ko na sa kanya ay kapatid na din.

Pagdating ko sa school ay ipinark ko muna yung motor ko. Pagkatapos kong magpark ay bumaba na ako at naglakad na papasok sa school.

Yes, it was a big school, famous school, and well, wonderful school.

Pumasok na ako at hinanap yung room ko. Ahah, ayun ang room ko. Tinuro ko ang sa kanang bahagi. Naglakad ako dun. Pagkapasok ko ay biglang nagliwanag yung mga mata ko kasi nakita ko na ang bestfriend ko. Si Leigh. Umupo ako sa harap niya. From now on dito na ako uupo sa harapan niya. Hihi.

Pero mukhang hindi niya naramdaman yung presensya ko. Why? Ah, erase erase baka lang hindi niya ako napansin kasi hinay-hinay lang ako sa paglakad para hindi siya maistorbo.

At sakto namang dumating yung Prof. namin.

~Discuss~

~Quiz~

~Discuss~

~Dismiss~

Pagkatapos ng klase namin ay hindi parin pumapansin sa akin si Leigh. Baka nakalimutan na niya ako. nanlumo ako sa sariling isip. Try ko nga siyang kausapin.

Naglakad ako papunta sa kanya pero naunahan ako sa hindi ko kilalang lalaki. Sino kaya yun lalaki na yun? Kaclose ba niya si Lei?

Hindi ko nalang pinakinggan ang mga sinasabi nila kasi hindi naman ako chismosa nohh.

Kinuha ko na ang bag ko at iniligpit ang mga gamit. Pagkatapos kong ligpitin ay lumabas na ako sa room at naglakad kung saan-saan. Nacurious ako kung sino yung kausap niyang lalaki kanina, hindi naman siya friend ni Leigh, ako lang naman ang bestfriend niya.

Hindi ko namalayan na meron akong nabangga. Hay ano ba yan bakit lutang ako? Pagka-angat ko ng tingin sa kaniya ay nanlaki yung mga mata ko. Siya yung kausap ni Leigh kanina. Patay!

"Sorry." Pagpapaumanhin ko sa kaniya.

"What?! Just sorry!" Bulyaw niya.

Siyempre natakot ako. Ano ba naman yang nakabangga. Maling tao ang nabangga. Nanginginig na ako sa takot.

"I-I'm s-so s-sorry. I-I d-didn't m-mean i-it." Garalgal na sabi ko. Sobra na akong kinabahan dito sa lalaking ito.

"What's your name, Miss?" Galit na tanong niya.

"I-I'm Z-Zaire H-Harriet P-Paige." Bakit ba garalgal ang tinig ko?

"Ahh, So you are Zaire Harriet Paige. What a nice name. Tabi nga dyan! Tsk!" Sarkastikong sabi niya.

Ang kapal ng mukha niya. Ang sarkastiko niya.

Gusto kong ilabas ang sama ng loob ko sa kaniya pero pinigilan ako ng katawan at bibig ko. Natakot ako sa kung ano man ang posibleng mangyari kaya nanahimik lang ako.

Nilampasan niya ako at dire-diretsyo lang siyang naglakad papunta sa dalawa niyang kaibigan.

Napansin kong nakatingin ang isa niyang kaibigan kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanila at tumalikod. Lumakad ako papalayo at pumunta sa canteen. Nalutang lang siguro ako kaiisip kung sino ang lalaking iyon. At malas pa dahil siya ang nakabangga ko. Bwisit naman oh!! Badtrip. Akala ko pa naman hindi masisira yung araw ko. Pero bwisit! Bwisit! Bwisit! Bwisit!

Pagkadating ko sa canteen ay umorder ako ng one rice and corned beef with royal na softdrink.

Pagkatapos ay umupo ako sa bakanteng upuan at doon ako nagsimulang kumain. Nakita ko naman si Leigh kasama ang kapatid niyang si Amirah. Matagal ko na ding hindi nakita si Amirah. Ang liit niya noon pero ngayon ang laki na nang pinagbago niya. Tumangkad siya at pumuti yung katawan niya.

Gusto ko sanang umupo sa kanila pero wag nalang baka masira ko ang moment nilang dalawa. Nakita ko kung paano umiyak si Leigh sa kapatid niya. Madrama talaga itong si Leigh, simula pa pagkabata. Hindi pa rin nagbabago ang pagiging madrama niya. Pero nagbago na ang kaniyang katawan, nung bata pa kasi kami ay mataba siya nun pero ngayon slim na ang kanyang katawan. Pumuti din ang kaniyang balat gaya ng kanyang kapatid. Magkapatid nga sila. Tsk. Tsk. Tsk.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako ng room at umupo sa upuan ko. Hinintay ko si Leigh, gusto ko nang makipag-usap sa kanya, miss ko na siya.

Sakto namang dumating si Leigh. Bago pa niya ako malampasan ay hinawakan ko ang braso niya at hinila siya para mapaupo siya sa tabi ko. Tutal wala pa naman gaanong estudyante dito kaya ayos lang. Wala pa din naman si Prof. kaya ayos lang sakin.

Tumingin ako sa kanya at siya ay naguguluhan sa inakto ko.

"Sino ka? Bakit mo ako hinawakan sa braso at hinila papaupo dito?" Puno ng pagtatakang tanong niya.

So hondi na niya ako matandaan. Bumuntong hininga ako at nagsalita.

"Leigh, hindi mo na ba ako matandaan? Ako ito si Zaire yung bestfriend mo." Pagpapaalala ko sa kaniya.

Napakunot ang kaniyang noo. "What? Wala naman akong naging kaibigan ah?" Sabi niya.

Nanlumo ako. So, totoo nga hindi na niya ako matandaan.

"Ako ito si Zaire yung bestfriend mong mataba, yung bestfriend mo galing sa America." Sabi ko para maalala niya ako.

Kumunot ang noo niya pero kalaunan ay hindi na. Mukhang naaalala na niya ako.

"Zaire, Ikaw ba yan?" Tanong niya.

Tumango lang ako.

"What? Ang laki na nang pinagbago mo." Manghang sabi niya.

"Ang laki na din ng pinagbago mo, Leigh." Nakangiti ko ding sabi.

"Kumusta ka na?" Pangungumusta niya sakin.

"Ayos lang naman." Sabi ko. "Ikaw?"

"Ayos din." Sabi niya.

"Sorry kung ngayon lang ako nakaalala sayo." Pagpapaumanhin niya.

"Ayos lang. Forgiven." Sabi ko.

"Kailan ka pa bumalik dito sa Pilipinas?" Tanong niya.

"Nung pag grade 7 pa lang ako. Dito na ako nag-aaral ngayon sa Parker High." Sabi ko.

"Ahh, okay." Sabi niya.

Hindi na kami nakapag-usap na dahil dumating na si Prof.

~Discuss~

~Discuss~

~Discuss~

~Quiz~

~Dismiss~

At natapos na ang klase namin sa araw na ito.

Pumunta ako kay Leigh.

"Uy, Leigh, Sabay tayong umuwi." Kinalabit ko siya.

"Sorry, Zaire. Sabi kasi ni Mommy at Daddy na umuwi kaming dalawa ni Amirah at meron nang naghihintay samin sa labas." Sabi niya.

"Ahh, okay. Sige, ayos lang sakin. Bye. Kita tayo bukas ulit." Sabi ko.

"Sige, bye." Sabi niya.

Bumalik ako sa upuan ko at nagligpit ng mga gamit ko. Pagkatapos ay tiningnan ko muna si Leigh. At ayun na naman ang lalaking nabangga ko kanina na nakikipag-usap kay Leigh. Sino ba yan Leigh? Stalker mo ba iyan? Dapat tinanong ko nalang sa kaniya kanina eh pero baka malalagutan kami kay Prof.

Hindi ko nalang sila pinansin at lumabas na nang room. Dumiretsyo ako sa parking lot. At sumakay sa motor ko. Pinandar ko iyon at umalis na din sa school.

___________________________________________________________________________________

Edited: July 25, 2021

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top