Chapter 5
Chapter 5: Dinnerdate?
Shawn's Point of View
Pagkatapos kong kumain sa canteen kasama sina Nix at Nash ay pumasok na kami sa mga room namin.
Pagpasok ko sa room ay hinanap ko kaagad si pangit. Pero nabigo ako, hindi ko nakita si pangit ngayon mukhang may pinuntahan siguro yun. Hindi ko lang alam kung nasaan siya. Teka nga bakit ko nga ba siya hinahanap? Ano ba ang pake ko sa kaniya?
Dumiretso nalang ako sa upuan at umupo na din. Hay, ang boring naman.
Ilang minuto na ang nakalipas at nakita ko na si pangit. Tumigil siya saglit sa kanyang linalakaran. Mukhang may iniisip siya. Baka yun yung pinag-usapan namin kanina.
Pagkatapos ay dumiretso siya sa inuupuan niya at doon umupo. Lumingon naman ako sa kanya. Mukhang naramdaman niya na lumingin ako kaya tumingin nalang ako sa harap baka kung ano-ano na ang kanyang iniisip dyan.
Hanggang dumating na din yung Prof. namin sa Science.
~Discuss~
~Quiz~
~Dismiss~
Ang bilis naman matapos yung Science namin. Tsk. Bahala na nga. Akala ko pa naman mahaba-haba yun, hindi naman pala.
Tumayo ako upang ligpitin ang mga gamit ko at pagkatapos ay lumpait ako kay pangit na ngayon ay may iniisip. Ano kaya ang kanyang iniisip?
So nagsalita ako para naman magsalita rin siya.
"So nakapag-isip ka na ba?" Tanong ko. Nagulat siya kaya natawa ako. Hahaha...
"Ayy! Ano ba?! Bakit nanggugulat ka?" Patay!! Nainis yata siya.
"Hindi naman kita ginugulat ehh. Tinatanong ko lang naman kung nakapag-isip ka na ba sa mga sinasabi ko kanina?" Tanong ko.
Halatang nag-iisip pa siya. Sana pumayag siya.
Nagsalita na din siya. Pero nabigo lang ng konti.
"Hindi pa. Kung tatawag ako sayo mamaya, it means na pumayag na ako sa gusto mo pero kapag hindi, hindi." Sabi niya.
Tsk. Akala ko pa naman na nakapag-isip na siya, hindi naman pala. Umasa lang pala ako.
"Okay. If you say so." Sabi ko.
Wala naman akong choice. Hindi ko naman siya mapipilit kaya okay lang.
Tumayo na siya at saka padabog na lumabas ng room. Halatang naiinis siya sakin. Hindi man lang niya inayos yung nasa bag niya. Pikon! Hahaha!
Umiling nalang ako sa kanya. Lumabas na ako ng room at pumunta na papunta sa kotse ko. Pagkapasok ko sa kotse ay pinaandar ko na iyon at umalis na din sa school.
Pagdating ko sa bahay ay nakasalubong ko sila mom at dad. Kinakabahan ako baka alam nila ang mga pinaggagawa ko sa school. Bakit naman ako kinakabahan eh hindi naman na ako nakipag-away kay pangit dahil lang sa lintik na pustahan na yon? Tsk! Bahala na nga!
"Anak, kamusta sa school?" Tanong ni Mom.
"Ahh, okay lang naman mom. Walang problema." Sabi ko. Halatang kinakabahan ako ngayon.
"Wala namang problema eh. Eto kasing mommy mo minsan nagagalit sayo kasi baka meron naman kang pinagtitripan o gumawa ng kalokohan sa school." Sabi ni Dad.
"Baka lang naman kasi nakalimutan mo yung mga sinabi ko sayo nung isang araw. Pinapaalala lang kita, Shawn." Paalala ni Mom.
"Hindi ko naman yun kinalimutan, Mom. Siyempre wala naman na akong ginawa nang kalokohan sa school. Wag kang mag-alala mommy." Sabi ko kay mommy.
"I'll make sure of that." Sabi ni Mommy.
Pumunta si Mommy sa kwarto nila ni Dad.
Phew! That was close. Thanks to my Dad.
"Thanks, Dad for saving me." Sabi ko kay Daddy.
"Welcome, son. Bakit ka naman gumawa ng kalokohan sa school ehh wala namang bumabalita sa amin kung meron ka bang ginawang kalokohan sa school." Sabi ni Daddy.
"Sige na, dad. Punta na po ako sa kwarto. At pagkatapos ay pupunta po ako sa isang restaurant na may kasamang babae." Sabi ko.
"What! Kasamang babae?!" Gulat si daddy.
"Opo, daddy. Gusto ko po kasing magdinnerdate po kami." Sabi ko.
"Anak. Sigurado ka ba dyan sa ginagawa mo?" Tanong ni Daddy.
"Opo, dad. Pagbigyan niyo po ako." Sabi ko.
Matagal bago nakasagot si daddy. "Oo naman, anak. Payag ako. Ako na bahala sa mommy mo, ha?"
"Thanks, dad." Sabi ko.
"Ohh, sige na sige na." Sabi ni dad.
Tumango lang ako kay daddy at umakyat na din para makapagbihis na ako.
Pagkapasok ko palang sa kwarto ay naligo na ako at nagbihis na din ng pantulog na damit. Baka hindi na yun tumawag. Tutal magkaaway naman kami, ano naman ang dahilan kung hindi siya papayag, diba?
Nanuod lang ako ng t.v. nang biglang nag-ring yung phone ko. Muntik na akong matumba sa kinauupuan ko. Sino ba kasi ang tumatawag? Tsk!
Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Si pangit lang pala.. Sinagot ko iyon.
[Sige. Papayag ako. Pupunta ako dyan sa inyo. Magbibihis lang ako.] Sabi niya sa kabilang linya.
Napangiti ako.
"Sige. Susunduin kita. Teka, nasan ka nga pala nakatira?" Tanong ko.
[Malapit lang sa school natin. Sa left ka dumaan. Sige bye.] Sabi niya.
Bago pa man ako makapaggoodbye sa kanya ay binabaan niya ako ng linya. Napakabastos naman nito.
Inilapag ko ang phone ko at tsaka dali-daling nagbihis ng pormal na isusuot. Pagkatapos ay nagmedyas at nagsapatos na din. Kinuha ko ang susi ko at dali-daling pumunta sa kotse ko. Hindi man lang ako nag-abalang magpaalam kay Mom kasi alam na ni Dad na papunta ako sa isang restaurant na may kasamang babae.
Pumunta na ako kila pangit. Nang biglang nag-ring na naman yung phone ko. Nakakainis. Istorbo na naman.
Kinuha ko nalang iyon at saka sinagot nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.
[Ohh nasaan ka na? Naghihintay na ako dito.] Nagulat nalang ako kasi si pangit pala ang tumatawag, akala ko kung sino.
"Malapit na ako. Nakita na kita." Sabi ko. Totoo namang nakita ko na siya. Talagang naghihintay siya sa akin.
Binabaan na niya ang phone. Baka nakita na niya ang kotse ko.
Huminto yung sasakyan sa mismong bahay nila at saka ako bumaba ng sasakyan.
Namangha ako sa kanyang isinuot.
"Wow. You look gorgeous." Sabi ko.
"Thank you." Sabi niya.
Pinagbuksan ko siya ng pinto. Alangan namang hindi. Nakakabastos kaya yun.
Kaming dalawa ang magkatabi sa sasakyan. Pero para sa akin wala lang yun.
Tinawagan ko ang mga staff sa isang restaurant para makapaghanda sila ng mga pagkain. Hindi ko yun ipinarinig kay pangit. Susurpresahin ko siya. Pagkatapos ay ibinaba ko na ang linya at pinaandar na ang sasakyan.
Tahimik lang kami habang nagdadrive ako. Pagpunta na namin dun sa restaurant ay dun nalang nagsalita si pangit.
"Bakit tayo nandito? Diba sabi mo sa bahay niyo tayo kakain? Ehh bakit dito?" Takang tanong niya.
"Joke lang yun. Sa restaurant tayo kakain. Para mas romantic." Sabi ko.
"Romantic ka dyan. Wala namang nakakatawa sa joke mo." Napaismid nalang siya.
Ipinark ko ang kotse at bumaba na ako para buksan ng pinto si pangit.
Bumaba naman siya at sabay na kaming pumasok sa restaurant.
Buti nalang nakahanda na ang mga pagkain. Kailangan ko pang magbayad. Bahala na meron naman akong pera ehh.
Pinagbuksan kami ng pinto ng guard at pumasok na kami. Dun kami sa romantic na table. Mukhang napaghandaan din ang table na ito. Malaking bayad ito.
Umupo na kami. At nagsalita na naman siya. Siyempre sa pustahan itong ginagawa ko. Hinding-hindi ako maiinlove sa pangit na yan.
"Ang romantic naman dito. Ikaw ba ang nag-isip nito?" Tanong niya.
"Oo naman. Ako pa." Mayabang na sagot ko.
"Ang yabang mo." Narinig kong bulong niya.
"Anong sabi mo?" Tanong ko.
"Ahh, wala wala." Sabi niya.
Hindi na kami nakapagsalita kasi nakahanda na din ang mga pagkain namin.
Namangha siya. Siyempre nakakamangha nga naman kasi ang sasarap ng mga pagkain dito.
Kinuha ko ang kanin at inilagay sa plato niya.
"Ako na." Sabi niya.
"Ako na lang." Sabi ko.
Hindi naman siya nagpumilit kaya nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko.
Pagkatapos nun ay kumuha na din siya ng mga pagkain at inilagay sa plato niya.
Ako din kumuha ng kanin at pagkain.
Kumain na kami at maya-maya pa ay tumuloy siya sa pagsasalita.
"Ang sarap pala ng mga pagkain dito." Sabi niya.
"Masarap talaga dito." Sabi ko.
Ipinagpatuloy naming kumain. At pagkatapos naming kumain, siyempre busog kaming dalawa. Uminom siya ng tubig, ako din.
Pagkatapos naming kumain ay nagbayad na ako. Lumabas na din kami dun.
Pinagbuksan ko siya ng pinto at gaya ng dati ay magkatabi kaming dalawa sa kotse ko.
"Balik tayo dun kapag meron tayong oras." Sabi ni pangit.
"Oo naman." Sabi ko.
Tumingin siya sa akin. "Talaga?" Paninigurado niya.
Tumango lang ako. Pagkatapos ay pinaandar ko na ang kotse at umalis na doon sa restaurant.
Hinatid ko muna siya sa kanya. Huminto ako. At lumabas ako ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto.
Humarap siya sakin. "Thank you for the dinner." Sabi niya.
"Your welcome." Sabi ko.
"Ohh, sige na. Uwi ka na baka inaantok ka na dyan." Sabi niya.
"Concerned?" Tanong ko.
"Anong concerned ang sinasabi mo dyan. Wag ka ngang feeling close, hindi naman kita kaibigan at saka hindi pa kita napapatawad." Sabi niya.
"Mapapatawad mo ba ako ngayon?"' Tanong ko.
Pinag-isipan pa niya.
"Siguro, oo. Napapatawad na kita sa mga ginawa mo sakin." Sabi niya.
Napatawad na din kita. Wait what?! Ano sabi ko? Hindi, hindi ko pa siya mapapatawad sa ngayon.
"Uy, anong iniisip mo dyan?" Tanong niya.
"Wala . Thank you nga pala dahil napatawad mo na ako." Sabi ko.
"Wag ka nalang magthank you sakin." Sabi niya.
"Okay." Sabi ko.
Sumakay na ako sa kotse ko at kinawayan ko siya at nagpaalam na.
"Goodbye." Paalam ko.
"Goodbye din." Paalam din niya. Kinawayan niya din ako.
At umalis na ako sa bahay nila. Hindi ko nga din alam kung bakit nakangiti na ako eh.
___________________________________________________________________________________
Edited: July 25, 2021
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top