Chapter 49

Chapter 49: Back to SoKor

Everleigh's Point of View

Pagkatapos mai-kwento sa 'min ni Zaire ang lahat tungkol sa sinabi ni Nix na plano lahat ng ito kung bakit ganito pa rin ang kahahantungan namin ni Shawn, hindi ako makapaniwala na si Zaire pala ang may pakana ng lahat ng ito. Kaya pala ang kaduda-duda ng pinagsasabi niya no'ng araw na may reunion sa Parker High, doon pala nagsimula ang takbo ng plano niya.

"So, plano mo lang pala ang lahat ng ito, Zaire?" 'Yon ang una kong itinanong sa kan'ya pagkatapos niyang i-kwento.

"Certainly, yes. Alam ko naman na magiging kayo pa rin naman sa huli kaya gumawa kaagad ako ng plano para mas madaliang mangyari 'yon," kampante niyang sagot.

Muntik ko na siyang hambalusin dahil sa sinabi niya pero mabuti na lang at pinakalma ko ang sarili ko. Grabeng pag-iisip naman itong si gaga, nakaka-mind blowing. 'Di ko kinakaya.

"Wow, mind blowing!" sarcastic kong bulalas. Tawa lang naman ang itinugon ng gaga at sumunod ang iba sa pagtawa kaya napasimangot ako.

Pero bigla rin akong napaisip na baka naging kasabwat rin si Shawn sa plano ni Zaire kaya mariin kong ibinaling ang tingin kay Shawn at sakto namang nakatingin siya sa 'kin.

Ngumiti naman siya sa 'kin ngunit medyo naaasiwa siya dahil sa riin ng tingin ko sa kan'ya.

"Ano'ng tingin naman 'yan, pangit?" aniya.

Bigla ko naman itinuro ang daliri ko sa kan'ya sabay nagsalita. "May kinalaman ka ba rito sa plano nitong si Zaire? O, mas tama bang sabihin na kasabwat ka rin? Pinagloloko mo ba 'ko, Shawn?" As I asked him, he refrains his smile and stopped then act as if he's thinking and then suddenly laughed in front of me. Napatawa na rin si Zaire at ang iba ay kitang-kita na nawe-weirduhan sa dalawa kaya sinamaan ko naman sila ng tingin.

"Ano'ng nakakatawa, Deshawn Parker at Zaire Harriet Paige? May nakakatawa ba sa tanong ko?" naiirita kong tanong.

Tumigil naman sila kakatawa pero nanatili ang ngiti bago sumagot si Shawn.

"Of course not, pangit. Saan mo ba nakuha 'yang iniisip mo? Wala nga akong alam na isa sa plano pala 'yon ni Zaire ang pagbibigay sa 'kin ng imbitasyon sa reunion no'n," he reasoned out.

"Eh bakit mo 'ko tinatawanan? T'saka sumabay pa 'tong si Zaire sa pagtawa sa 'yo." Napanguso naman ako.

"I'm sorry for laughing, pangit. 'Di ko lang kasi aakalain na gan'yan pala ang iniisip mo sa 'kin kaya nagpadala ako sa damdamin ko," sabi niya.

"Oo nga at saka nakakatawa naman talaga ang pinag-iisip mo d'yan kay Shawn, Leigh!" sabat ni Zaire.

"Isa na lang talaga, Zaire. Makakalimutan ko na talagang kaibigan pa kita," banta ko ngunit binelatan lamang niya ako.

"Nix, patahimikin mo nga ang girlfriend mo, sumosobra na eh," inis na utos ko kay Nix dahil patuloy pa rin sa pangungutya sa 'kin si Zaire.

"At ikaw Shawn, kanina ka pa tawag ng tawag sa 'kin na pangit. Iniinis mo ba 'ko?" Bad trip na bad trip na talaga ako.

"Hindi naman, pangit—"

"Ayan ka na naman sa pangit mo eh, nakakarindi nang pakinggan kasi paulit-ulit, as much as possible, refrain from saying that endearment," paalala ko.

"Okay, pang—este mahal. Ito naman bad trip na bad trip, chill ka lang. Nagce-celebrate tayo rito, oh, kaya dapat mag-enjoy ka," usal niya.

Unti-unti naman akong kumalma mula sa pagka-bad trip dahil may point nga naman siya. Dapat hindi ako magpaka-bad trip dahil celebration ito.

______

Mayamaya lang ay nagsipagpaalaman na kaming lahat sa isa't isa dahil uuwi na sila. Malalim na rin kasi ang gabi kaya need na talaga nilang umuwi, mabuti na lang at walang nakainom sa kanila ng kahit anong alcoholic drinks kaya alam kong magiging ligtas lang sila at magiging kampante lang ako.

Huling nagpaalam sa 'kin si Shawn pero bago pa siya lumabas ay may hinihintay yata siya mula sa 'kin at alam ko kung ano 'yon.

Napangisi naman ako at nagsalita. "Say please muna." I teased him.

Napanguso naman siya at iniyuko ang kan'yang ulo kaya naman ay mahina akong napatawa at lumapit sa kan'ya para iangat ang kan'yang mukha sa 'kin.

"Sige na nga, pagbibigyan muna kita pero sa ngayon lang ah. Dapat sa susunod may 'please' na, okay?" paalala ko. Parang tuta naman siyang tumango-tango kaya ikinurot ko ang kan'yang ilong bago ko siya pinagbigyan sa gusto niya.

Ako ang unang humalik sa kan'ya bago niya ako ginantihan, akala ko nga mabilis lang 'yon pero nilaliman naman niya ang pinagsasaluhan naming halik kaya nangunyapit ako sa kan'yang leeg bago niya ako tuluyang pinakawalan.

"You're still a good kisser," puri ko sa kan'ya kaya tumawa siya ng mahina.

"Thank you, madame," aniya at may psg-bow pang nalalaman kaya itinulak ko siya ng pabiro at nagsitawanan kaming pareho.

"Sige na, uwi ka na. Good night at mag-iingat ka. I love you," paalam ko.

"Good night and I love you more, pangit," paalam din niya at hinalikan ang pisngi ko bago niya ginulo ang buhok ko saka siya lumabas ng condo.

Ito na ako ngayon, mag-isa na lang ulit sa condo ko pero masaya akong tumalon-talon at tumitili-tili pa. Masaya naman talaga ako sa nangyayari ngayon sa buhay pag-ibig ko.

Iri-risk ko ulit ang puso ko para sa lalaking iyon na paulit-ulit pa ring nagpapatibok ng mabilis sa puso ko kahit nasaktan na ako ng dalawang beses dahil sa naging misunderstanding sa dalawang nakaraang relasyon namin.

I know that he's really the one since high school but as they say, I'm at the right person but in a wrong time. Kaya baka ngayon naman, right person at the right time na talaga ako kasi hindi ko na talaga hahayaang buksan ulit ang puso ko para sa iba dahil wala nang magiging pag asa sa love life ko kapag nasaktan na naman ako o kahit ako 'yong nagkamali at ako 'yong nakapagpasakit sa sarili kong puso. Hindi na talaga ako uulit pang muli kapag nangyari ulit 'yon.

As of now, magpapakasaya muna ako ulit sa taong itinitibok pa rin ng puso ko hanggang ngayon. Baka ito na nga talaga ang natitirang pag asa sa love life ko.

______

Amirah's Point of View

Sa wakas ay nakauwi na rin ako sa unang tahanan ko at makikita ko na ulit sina mommy at daddy. At saka kasama ko rin ngayon si Nash para matigil na ang tensiyon sa pagitan ni daddy at nitong nobyo ko. Handa na kami para sa isa't isa ngayon at kung hindi pa rin matatanggap iyon ni daddy, ipaglalaban na namin ang pagmamahalan namin sa isa't isa.

Nakarinig naman ako ng huminga ng malalim kaya tinignan ko naman si Nash at napangiti naman ako dahil kitang-kita ko ang kaba kasaby ang determinado niyang mukha habang nakatingin sa gate sa harapan namin.

"Ayos ka lang? Handa ka na ba?" tanong ko sa kan'ya.

Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinigpitan niya ang kapit n'on.

"Kinakabahan lang ako sa daddy mo pero ayos lang ako. Ready na ako, slight," mahinang tinig na aniya kaya natawa ako ng mahina.

Ipinaharap ko naman siya at hinawakan ang magkabila niyang kamay at pinagsalikop iyon sa 'kin saka kami nagtitigan sa isa't isa.

"Nash, listen to me. Kahit ano'ng mangyari, nandito lang tayo parati para sa isa't isa, ipaglaban natin 'to. We can do this, okay?" pagpapatatag ko sa loob niya. Kahit ako rin naman, kinakabahan pero hindi ako tuluyang nagpakain no'n kasi alam kong kaya kong ipaglaban ang pagmamahalan namin sa isa't isa, mahal ko si Nash eh, at walang makakapilit sa 'kin na 'wag ko siyang mahalin dahil bawal ako magmahal ng matagal nang hindi na babaero. Nagbago na siya ng tuluyan kaya alam kong magiging panatag ang loob ko.

"I trust you, Ami. Yeah, we can do this," aniya kaya napangiti ako kaya napangiti na rin siya. That's my man.

Pinagsalikop namin ang aming mga kamay nang pagbuksan kami ng gate ni . . . mommy.

"Mommy?" tawag ko sa pangalan niya.

"Amirah, anak, ikaw na ba talaga 'yan?" Nangingilid na ang luhang nakatingin sa 'kin si mommy mula ulo hanggang talampakan.

"Opo, ako na nga po ito. Nakauwi na po ako," naiiyak kong saad.

Mabilis ko namang tinakbo ang natitirang distansiya naming dalawa at saka ko siya niyakap ng mahigpit. Miss na miss ko na si mommy.

"Oh, anak ko, nakauwi ka na talaga. Aaron, honey, nandito na ang anak natin, si Amirah! Nakauwi na siya!" Pinakawalan naman ni mommy ang yakap naming dalawa para tawagin si daddy bago ulit siya humarap sa 'min.

"Miss na miss na kita, anak," naiiyak niyang usal habang hinahawakan niya ang pisngi ko.

"Miss na miss na rin po kita, mommy, kayo ni daddy," sabi ko rin pabalik.

"Yakap nga tayo ulit, 'nak. Miss ko na kasi ang mga yakap mo," natatawang saad niya kaya napatawa na rin ako at tumango-tango dahil sang-ayon ako sa sinabi niya.

Hinayaan ko lamang na magyakap kami ng ilang segundo ni mommy bago kami sabay na pinakawalan ang yakap sa isa't isa.

Pagkatapos ng yakap namin ay tumingin si mommy sa likod ko kaya bumati kaagad si Nash sa kan'ya.

"Good evening po, Mrs. Carter," bati ni Nash at lumapit naman si mommy sa kan'ya at nginitian siya.

"Good evening, hijo. Ikaw si Nash, tama ba?" aniya kay Nash.

"Opo, ako nga po 'yon," sagot ni Nash.

"At, ikaw rin 'yong nobyo nitong anak kong si Amirah, tama ba, hijo?" tanong ni mommy. Natawa naman ako ng mahina saka napailing-iling dahil sa kalokohan na naisip ni mommy.

"Ah, opo. Ako nga po 'yong nobyo ng anak niyo," magalang na sagot niya.

Mommy patted his head and said, "Don't worry, hijo. Botong-boto ako sa 'yo sa simula pa lang, palagi kang ikini-kuwento ng anak ko kaya alam kong mabuti kang bata at mamahalin mo rin ng mabuti ang anak ko."

Napangiti naman kami ni Nash dahil sa sinabi ni mommy at nagsalita siya. "Salamat po sa tiwala niyo, Mrs. Carter."

"No big deal, hijo. At saka 'wag mo na akong tawaging Mrs. Carter, tita na lang ang itawag mo sa 'kin magmula ngayon," dagdag pa ni mommy.

"Sige po, Mrs. Carter—I mean tita," aniya.

"Oh, siya, pasok na tayo para makilala ka na rin ng maayos nitong asawa ko. 'Wag kang mag-alala, hijo, kami ng anak ko na nobya mo ang bahala kung magkaroon man ng problema sa pagitan niyong dalawa ng asawa ko, we got your back, hijo," pagchi-cheer ni mommy sa kan'ya kaya ngumiti siya.

"Salamat, tita," pasasalamat niya.

Ngumiti lang si mommy at pumasok na kami sa bahay. Nang nasa loob na kami ay naghihintay na pala sa sala si daddy, nakaupo sa sofa habang nakahawak sa kan'yang newspaper. Nang makita na niya kami ay isinantabi niya ang newspaper at tumayo.

"Good evening, daddy," bati ko sa kan'ya saka ako lumapit at nagmano sa kan'ya.

"Good evening, Sir Carter," bati rin ni Nash at saka aambang yuyuko lang nang magsalita si daddy.

"Sino'ng nagsabing yumuko ka, hijo? Hindi ako santo para yukuan mo 'ko, magmano ka lang sa 'kin at ayos na sa 'kin 'yon," malalim na boses na utos ni daddy.

"Pasensiya na po, sir," aniya at lumapit kay daddy saka nagmano siya nito.

"Ipaghahanda ko lang kayo ng makakain, ha? D'yan muna kayo, mag-uusap lang kayo, Aaron, ah? Sige, be right back," paalam ni mommy at pumunta sa kusina.

Natira na lang kami ngayong tatlo kasama si daddy sa sala kaya alam kong kinakabahan na naman 'tong si Nash dahil sa sobrang makatitig nitong si daddy sa kan'ya, baka nga napapalunok na rin siya ngayon eh.

"So you're my daughter's boyfriend, aren't you? The one that I despised before because of your past issues? Tell me, young man, talagang nagbago ka na ba ng tuluyan? Karapat-dapat ka na ba ngayon sa anak ko?" Marami ang itinanong sa kan'ya ni daddy kaya kinabahan ako para kay Nash.

Pero nagulat ako nang magsalita ng diretso si Nash kau daddy. "I had changed, Sir. At, karapat-dapat na rin po ako para sa anak niyo dahil mahal na mahal ko po siya at walang makakatumbas ng pagmamahal ko sa kan'ya. Aalagaan ko po siya ng mabuti at mamahalin ko po siya ng lubos gaya nang pagmamahal na ibinigay mo sa kan'ya. Hindi ko po hahayaan na mawala siya sa 'kin, na maghihiwalay kaming dalawa. Nagbago na po ako ng tuluyan, sir, at matagal na po 'yon."

Isang mahabang katahimikan ang namayani bago unti-unting nagsalita ulit si daddy at nakita ko sa kan'yang mukha ang pagsilay ng ngiti sa kan'yang labi. Dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag, alam ko ang ngiting 'yon. Alam na alam ko.

"Well then, you earned my respect and trust, young man. I apologized for doubting you before. Now, I want to acknowledged you because of how brave you are enough to face me now and tell directly to my face about how you really love my daughter," nakangiting pahayag ni daddy.

"And, don't call me sir anymore, instead call me tito," dagdag pa ni daddy.

"Have some sandwiches and biscuits, everyone!" Saktong-sakto naman ang pagdating ni mommy kaya masaya kaming nagsimulang kumain.

______

Everleigh's Point of View

"Baby sis, sabihan mo sila daddy at mommy na pupunta tayo sa South Korea next week. Sabihan mo na rin si Nash, isama mo siya dahil isasama ko rin si Shawn," balita ko.

[Talaga ba, ate? Babalik ulit tayo roon sa Korea? Sige, sige, sasabihin ko na rin sila na maghanda na. Excited na ako!] excited na excited nga siya.

"Oo kaya maghanda ka na rin d'yan. Oh, siya, sige na. Good bye, baby sis!" Paalam ko.

[Good bye, ate!] Paalam din niya at saka pinatay ko na rin ang tawag.

Ito na talaga. Makaka-bonding ko na ulit sila daddy at mommy and at the same time, magkakaroon na talaga kami ng enough time para sa 'ming dalawa ni Shawn. Mabuti na lang talaga at bakasyon na ulit.

_____

1 week after . . .

"Welcome to Seoul, South Korea. Enjoy your stay here, ma'am," bati sa 'kin ng flight attendant kaya nginitian ko siya at lumabas na ng eroplano.

"Omygosh! Ito na talaga, ate! Na-miss ko talaga ang bansang ito!" excited na excited na tili ni Amirah kaya pinatahimik ko naman siya dahil nagtataka na rin ang mga tao na nakatingin sa 'min.

"Nash, pakitahimik nga ng nobya mo d'yan. Ang kulit-kulit eh," natatawa kong utos at binelatan naman kaagad ako ni Amirah.

"Tama na nga ang bangayan niyong magkakapatid. Hindi ba kayo nahihiya sa mga nobyo niyo at gan'yan kayo magbangayan?" saway sa 'min ni mommy kaya napakamot naman kami ng sabay sa ulo.

"Where's your manners, Everleigh and Amirah?" Tiklop kaagad kami ni Amirah sa sinabi iyon ni daddy.

"Nakakatakot pala ang daddy mo, pangit," bulong sa 'kin ni Shawn kaya binulungan ko rin siya.

"Oo, kaya 'wag na 'wag mo talaga siyang babanggain kasi 'yan ang pinuno sa pamilya namin," natatawa kong bulong na may halong pananakot. Natawa na rin naman siya dahil halata namanna nagbibiro lamang ako.

Nang nasa labas na kami ng airport ay sumigaw kaagad ako.

"Welcome to our former hometown, Seoul, South Korea, everyone!"

___________________________________________________________________________________

1 chapter left.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top