Chapter 48
Chapter 48: Planned
Shawn's Point of View
I never thought that this day would happen. That I can finally be the better version of me freely with the girl I'm in love with. 'Cause she gave her third chance of her love to me. It feels so surreal.
We shared our kiss like it's our first time in front of our friends and they do the same too. We finally reconciled get back together inside her office.
Pagkatapos ng pinagsaluhan naming halik sa isa't isa kaagad na nagbunyi ang mga kaibigan namin dahil sa pagbabalikan naming dalawa.
"May handa ba?" Excited na tanong kaagad ni Zaire.
Napansin kong sinamaan kaagad ni Leigh ng tingin pero balewala lang sa kan'ya 'yon at patuloy lang sa pang-aasar sa kan'ya kaya natawa na lang kaming lahat sa pagbabangayan ng dalawa. Buti na lang at tumigil na si Zaire dahil lumapit sa kan'ya si Nix at may sinabi sa kan'ya na nakapagpatigil sa kan'ya.
"Uh, guys, this place is not supposed to be celebrated," ani Leigh kaya nanlaki ang mga mata ni Zaire at may sasabihin pa sana nang dinagdagan ni Leigh ang kan'yang pahayag.
"Pero, p'wede naman tayo doon sa condo ko mag-celebrate ta's pera nating lahat gagastuhin natin sa ipapahanda natin."
"How about tayo na lang magluluto ng gusto nating ihandang mga pagkain then ako na ang bahala sa pagbe-bake ng cake para kompleto 'yong selebrasyon natin?" suhestiyon ni Zaire.
"May point ka, Ate Zaire. 'Yon na lang kaya, Ate Leigh?" pagsang-ayon ni Amirah.
"Hmm, p'wede naman. 'Yan na lang siguro para mas ma-enjoy pa natin ang selebrasyon na gusto ninyo while nagtutulungan tayo sa pagluluto at pagbe-bake. Ikaw, okay ka naman sa paganito nila, 'diba, asungot?" Leigh looked at me while she asked me if I agree.
"Oo, okay naman sa 'kin saka mas maayos na rin 'yon para makapag-save tayo ng mga pera natin," sang-ayon ko.
"Sige, mamayang alas singko, punta na kayo kaagad sa condo ko dahil nand'yan na ako by that time," plano ni Leigh. Sumang-ayon naman kaming lahat sa kan'ya.
"Sige, p'wede na kayong umalis sa opisina ko. Kitakits mamaya," dagdag niya.
Bago umalis si Zaire ay binalingan muna niya ako ng tingin at ngumisi naman siya bigla sa kan'ya.
"May tea ako sa 'yo mamaya, ishe-share ko sa lahat. Sige, bye, bes!" she cheerfully waved a good bye at her and finally, lumabas na siya kasama si Nix.
Pero bago pa niya pinalabas si Amirah ay nakipag-eye contact siya sa kapatid niya after niyang tawagin ang kapatid niya. Base on their eye contact, may sasabihin siguro itong si Leigh kay Amirah na hindi ko alam kung malalim ba o hindi mamaya sa condo niya.
"Good bye ate, kuya, see you two mamaya," paalam ni Amirah sa 'min at kinawayan lang kami ni Nash bago sila lumabas ng tuluyan sa opisina ni Leigh.
Nang mawala na sila sa paningin ko ay bigla na lang sinubsob ni Leigh ang kan'yang ulo sa dibdib ko.
"Kakaiba talaga ang kaibigan kong 'yon. 'Di ko nga alam kung bakit ko siya natatagalan," nakangusong sabi niya kaya tinawanan ko naman siya.
"Anong nakakatawa?" nakanguso pa ring tanong niya.
"Natatagalan mo siya dahil kahit tinotopak minsan si Zaire ay naging totoo siya sa 'yo at maging ikaw sa kan'ya. That's what we call true friendship," komento ko sa sinabi niya.
"Hmm, tama nga naman," pagsang-ayon niya.
Mayamaya lang ay hinawakan ko na siya sa magkabilang gilid ng ulo niya habang nakaangat ang tingin niya sa 'kin at doon ako ngumiti.
"Sige na, may trabaho pa ako, pangit. Mamaya na lang tayo ulit maglambingan," nakangiting usal ko.
"Lambingan ka d'yan. Sige na, layas na, magta-trabaho pa rin ako rito," inis niyang saad kaya tinawanan ko ulit siya.
"Ang init ng ulo mo ngayon, ah? Pero mamaya na kita kukulitin. Good bye, pangit," paalam ko.
"Good bye rin, asungot," paalam niya rin.
Bago ako lumabas ng opisina niya ay binigyan ko pa muna siya ng halik sa noo niya bago ako kumaway ulit sa kan'ya para magpaalam ulit hanggang sa makalabas na ako ng tuluyan.
Ayan tuloy, ngiting-ngiti ako ngayon kahit narating ko na ang construction site na pinamamahalaan ko. Napansin tuloy iyon ng mga construction workers at kinakasama kong engineer din ngayon, si Aia.
"Ngiting-ngiti, Engr. Parker, ah? Balik-love life ba ulit?" hula nito na may konting pangungutya sinabayan ko siya.
"Yes, it is," pagko-confirm ko dahilan para tumili siya kaya tumingin halos lahat ng mga tao na nagta-trabaho rito sa site sa kan'ya.
"It's nothing, workers. Get back to work!" Pasigaw kong sinabi sa kanila para dinig nila, mabuti na lang at sinunod nila ang inutos ko.
"Sorry, engineer, pero sino ang lucky girl na 'yan?" panunukso niya ulit.
"Architect Everleigh Carter," siwalat ko dahilan para mamilog ang kan'yang mga mata at tinakpan ang bibig mula sa pagkakabuka nito.
"O, M, G, I knew this would happen pero 'di ko pa rin in-expect. Finally, I congrats, engineer," maligayang bati niya sa 'kin.
"Thank you, Engr. Lastimosa. Anyway, let's get back to work now, engineer." I used my authoritative tone back and after that, we finally get back to work.
______
Everleigh's Point of View
Five PM . . .
Gaya nga ng sinabi ko, maaga akong nakauwi galing sa trabaho para igi-great ko sila ng warm welcome kapag nakarating na sila rito sa condo ko.
Manonood dapat ako ng bagong korean drama ngayon kaso biglang tumawag si mommy kaya sinagot ko kaagad nang may ngiti.
"Hello, mommy. 'Napatawag ka?" tanong ko.
[Miss ka na namin ng daddy mo, 'nak.] usal nito.
"Miss ko na rin po kayo d'yan, mommy," sabi ko pabalik.
[Kailan ka ba uuwi ulit rito, 'nak? T'saka, kumusta ka na pala d'yan? Ayos ka lang ba parati? 'Yong kapatid mo? Miss ko na rin si Ami, kailan pala uuwi ang kapatid mong 'yon?] sunod-sunod niyang tanong.
I lightly chuckled and I answered one by one at her questions.
"Mommy, dahan-dahan, mahina 'yong kalaban. Anyway, malapit na rin naman po ang bakasyon namin at maayos na maayos po ako rito palagi, mommy, kaya 'wag ka nang mag-alala. T'saka tungkol naman kay baby sis, secret muna. Malalaman mo rin kung kailan, mommy," natatawa kong saad.
[Mabuti naman at ganoon ka palagi d'yan, anak. At teka, ayan ka na naman, Everleigh. 'Di mo talaga sasabihin sa 'kin, 'nak?] Ini-imagine ko ang mukha ni mommy na nakanguso kaya palihim akong tumawa at saka napangiti.
"Si Amirah na lang ang magsasabi sa 'yo tungkol sa pag-uwi niya, mommy. Anyway, kumusta naman kayo d'yan ni daddy?"
[Ayos naman ako rito pero 'yong daddy mo, alam mo naman 'yon, kahit nasa bahay lang ngayon, ang ginagawa no'n palagi ay para sa business, wala ring maayos na pahinga.] Bumuntonghininga si mommy pagkatapos sabihin sa 'kin.
"Sabihin mo sa kan'ya na magpahinga rin paminsan-minsan, mommy. Ayan na naman siya, palagi na lang puro business ang nasa utak niya. That's bad for his health," paalala ko.
[Kahit ano'ng sabihin ko, 'di pa rin 'yon makikinig sa 'kin, 'nak.] sumbong ni mommy sa 'kin.
"Hand over the phone to him, mommy. Ako ang kakausap sa kan'ya, makikinig 'yon sa 'kin," seryosong pahayag ko.
['Wag na, 'nak. Baka mag-away pa kayo, ako na ang bahala sa daddy mo. Magpahinga ka muna d'yan, mas kailangan mo pa 'yan ngayon.] tanggi niya.
Bumuntonghininga ako at pumikit ng mariin saka huminga ng malalim bago nagsalita ulit.
"Tawagan mo na lang ako, mommy, kapag 'di pa rin nakikinig sa 'yo si daddy. Ako na ang bahala roon. Magpahinga ka na rin po, ha? Sige po, good bye, mommy. I love you," paalam ko.
[Ikaw rin d'yan, anak. Mag-iingat ka palagi. Good bye and I love you, pati rin ng kapatid mo.] May pahabol pang tunog ng kiss si mommy kaya napangiti ako at pinatay na rin niya ang tawag pagkatapos.
Napailing-iling na lang ako pagkatapos ng tawag. Si dad talaga, oo, ang tigas talaga ng ulo.
Mayamaya lang ay may nag-doorbell kaya mabilis akong nakarating sa tapat ng pintuan at binuksan iyon.
Bumungad sa 'king ang mukha ni Shawn kaya binigyan ko siya ng ngiti at tuluyan ko nang binuksan ang pinto nang makita kong isa-isa silang nagpakita sa 'kin habang humahagikhik.
"Sige na, pasok na kayo," sabi ko bago sila tuluyang pumasok.
"Ang aesthetic naman ng condo mo, ate. Ang pleasing sa eyes," namamanghang bulalas nito.
"Gusto ko kasing maaliwalas ngunit may style nang kaunti ang decoration ng condo ko kaya ginawa kong ganito. Mabuti naman at nagustuhan mo, baby sis." I wandered my condo, too, as I was talking.
"Okay, tama na muna 'yan. Maghanda na tayo sa lulutuin natin. Ikaw Leigh, pati na rin si Amirah, samahan niyo 'ko sa shop. Kayong mga lalaki, marunong naman si Nix sa pagluluto kaya makakaasa kayo sa kan'ya, kahit ano na lang ang lutuin niyo basta masarap at magugustuhan namin, ha? Sige na, aalis na kami," utos ni Zaire na may pagmamadali.
Bago pa kami makalabas ay hinalikan ko ang pisngi ni Shawn at saka ako humiwalay, si baby sis naman ay magkabilang pisngi niya hinalikan si Nash, at ang panghuli naman ay si Nix na ang lumapit kay Zaire para halikan ito sa noo bago kami lumabas ng condo ko.
Paglabas namin ay nakita ko ang isang motor na medyo may pagkaluma na at pamilyar din.
"Sa 'yo ba 'to, Zaire?" tanong ko kaagad.
"Ah, 'yon ba? Oo, naaalala mo pa ba si Wynter? Siya 'yan, ngayon ko nga lang ulit siya ginamit, nakakamiss rin pala mag-drive ng motor," natatawa niyang saad.
"Ah, kaya pala ang familiar. Mabuti naman at ginamit mo ulit si Wynter ngayon," komento ko.
"Hala, purple. Ang cute ng kulay, Ate Zaire," komento rin ni Amirah.
"Thank you, Ami. Oh, siya, sige na, pupunta na tayo para matapos na 'to!" pag-iiba niya sa usapan.
Umangkas kaagad si Zaire sa motor niya at sumunod si Amirah bago ako, may dala ring tatlong helmet si Zaire at ipinasuot niya 'yon sa 'min bago niya pinaandar ang motor niya at tuluyan na kaming umalis.
Nix's Point of View
"Gawin na natin ang pinapagawa ng aking mahal na nobya, boys," napapailing-iling na saad ko sa kanila nang makita ko ang nayayamot nilang itsura.
"Yamot na yamot? Akala niyo ako ang sasama kay Zaire at magtutulungan kayo ng sarili niyong mga nobya rito at magso-solo, 'no? Well, that's unlucky, you know how my girl friend's brain works," natatawa kong pahayag. Totoo rin naman na ganoon si Zaire, 'yan ang na-obserbahan ko sa kan'ya noong naging kami na.
"Ang unfair," maktol ni Nash pero binatukan lang siya ni Shawn para tumahimik na.
"Tama na ang pagmamaktol, gagawin na lang natin ang ipinapagawa ni Zaire, baka maging proud at masaya din sila sa 'tin kapag nagawa natin 'yon." May point naman si Shawn.
At ayon, nagsimula na kami sa paglulutom. Inuna muna naming lutuin ang spaghetti bago ang pancit at adobong manok. Siyempre, 'di ko kinalimutan na magluto ng bigas bago kami nagsimula sa mga pagkain na lulutuin. Shawn and Nash are kind of messy when doing this things in my command. Hindi marunong magluto eh. Buti na lang at nandito ako para mag-guide sa kanila kung ano ang tamang gawin sa ilulutong mga masasarap na pagkain. We also enjoyed every moment we made while we're cooking some delicious foods.
Pagkatapos lutuin ang lahat ay inilapag na namin sa lamesa ang nakahandang mga pagkain at saktong-sakto naman na nag-door bell kaya sinenyasan ko si Shawn na siya ang magbukas ng pinto, mabilis naman niya iyon nasunod at binuksan ang pinto.
Pumasok naman kaagad sila Zaire, Amirah, at Everleigh dala-dala ang isang box na alam kong ang loob nito ay isang cake na gawa ng aking nobya t'saka nila ito inilapag sa lamesa.
"Ayan, nakahanda na rin ang lahat sa wakas! Good job, guys!" Maligayang puri ni Zaire at binigyan kaming lahat ng thumbs up. Napangiti naman ako roon. No wonder she's my happy pill.
"Kaya ang ibig sabihin nito ay... magcelebrate na tayo! Let's go party, party!" Hiyaw niya kaya nagtawanan kami at sumunod naman na nagpatugtog ng kanta si Leigh na sakto sa vibes naming lahat kaya nagsimula na kaming umindak.
Nilapitan ko naman si Zaire at tinawag siya kaya napatingin siya sa 'kin nang may ngiti sa labi.
"Wanna dance?" tanong ko at tumango naman siya kaya kinuha ko ang kamay niya at hinila siya sa gitna ng sala saka ko hinapit ang beywang niya at pinagsalikop ang mga kamay naming dalawa. We dance energetically with the vibes of the song and so, other couples tried our dancing too.
The enjoyment we had is insane. Ngayon lang ulit ako nakaramdam nang ganitong saya sa buong buhay ko. Nagpapasalamat ako na naging kaibigan ko sila at nakilala ko ang tanging nagpapatibok ng mabilis sa puso ko, ang nobya ko, ang aking Zaire.
Zaire's Point of View
Ang saya-saya namin habang sumasayaw kami at nagpapa-go with the flow kami dahil sa vibes ng music. Kitang-kita ko pa nga ang kasiyahan sa mga mata ni Nix at nang dalawang nagkabalikan na sini-celebrate namin ngayong araw na ito.
At hanggang sa matapos ang kanta at ang pagsayaw namin ay nagsipagkainan na kami at pagkatapos no'n ay nagsimula kaming nag-uusap pero with a twist, never have I ever. Pakana ko 'to eh kaya ako ang host.
"Alright, magsimula tayo sa nagkabalikan kani-kanina lang. Leigh, ito ang unang ibibigay ko sa 'yong tanong. Ready ka na ba?" Nakangisi kong tanong. Nakaka-excite din kasi eh.
"Ready na ready na."
"Okay, ito na. Never have I ever used a person for hurting someone's feelings because of her revenge," sabi ko.
Nakasimangot naman siyang sumagot kaya napahalakhak ako. "I have. Wala nang ungkatan ng past, Zaire. Ang daya mo, immature pa 'ko no'n, nakakahiya."
Binelatan ko lamang siya at nagpatuloy sa paglalaro para na kay Shawn. "Shawn, never have I ever inisip mong hindi kayo maghihiwalay noon ni Leigh."
"I have, but, yeah, everything happens for a reason," nakangiting sagot niya.
"Ang mature mo pakinggan. Anyway, doon tayo kay Nash bago si Amirah. Loyalty check muna," nakangising saad ko.
"Nash, never have I ever naging paasa sa isang tao dahil sa sariling kaligayahan."
"I have, I hade past flings before when I was still a playboy. At saka ayon, napaasa ko sila, humingi naman ako ng tawad pagkatapos nang lahat ng ginawa ko sa kanila," he sincerely answered.
"Mabuti naman kung ganoon. Anyway, kay Amirah na tayo. Never have I ever may nagkagusto sa 'yo maliban kay Nash." Feeling ko kasi may nagkagusto pa rin itong si Amirah kahit may nobyo na, sa ganda ba namang 'yan, may nagkakagusto talaga sa kan'ya.
"I... have." Nagulat kaming lahat maliban kay Leigh na tahimik lang at seryoso.
"In my four years living outside the country, I interacted someone there to have a new friend, and yes we've been friends, but I observed his actions towards me, and with the help of my sister to help me out if this guy really has feelings for me, it's confirmed, he likes me but I did not entertain at him like I did when I first interacted with him, I acted civil towards him after I confirmed that he likes me, I have my own reason why I acted civil towards him after that. Pag-uusapan pa namin 'to mamaya ni Nash," mahabang paliwanag nito. Napansin ko naman si Nash na nakahinga ng maluwag. Ngumiti lang ako. Buti hindi nagmana itong si Amirah kay Leigh pagdating sa pagha-handle ng isang relasyon.
"Ako naman muna ang magbibigay ng tanong para sa 'yo, Zaire," ani Nix kaya napakurap-kurap akong tumingin sa kan'ya.
"Hoy, madaya, ikaw pa sana eh—"
"Never have I ever nagplano ng lahat magmula nang bumalik ulit sa Pilipinas si Shawn at mabigyan ng chance na makausap si Leigh para humantong sa ganito." I bawled my eyes out as I heard at what he said.
Bakit niya sinabi 'yon?!
"Huh, Zaire? Ano'ng planado ang lahat kung bakit humantong kami sa ganito ni Shawn?" nagtatakang tanong ni Leigh.
Tinignan ko naman ng masama si Nix pero tinawanan lang ako ng mokong. It caught me off-guard.
"Mamaya ka sa 'kin, Nix," bulong ko sa kan'ya bago ako humarap para isiwalat ang lahat nang ibinuking ng mokong 'to sa naging plano ko noon na nangyari na.
"Ito kasi 'yon..."
-FLASHBACK-
"Hello, Shawn?" Sinubukan kong tawagin si Shawn dahil may importante akong ibibigay at sasabihin sa kan'ya. Hindi ko rin kasi pinutol ang ugnayan namin sa isa't isa at isa na dahilan ay si Nix kaya may update ako kung nasaan siya ngayon at kung ano ang ginagawa niya.
[Hello, Zaire. What's up?] tanong nito sa tawag.
"Eh kasi may gusto akong ibigay at sasabihin sa 'yo. Nandito ka na ba sa Pinas?" tanong ko.
[Uh, yeah, why?] takang tanong niya.
"Sige, let's meet at my shop immediately. Ite-text ko na lang kung saan ang address. Importante 'to," paalala ko sa kan'ya.
[Okay, sure. Pupunta kaagad ako. Good bye.] pagpayag niya kaya napangiti ako.
"Sige, salamat. Bye," paalam ko at pinatay na ang tawag.
______
Ilang minuto lang ang nakalipas at dumating na rin sa wakas si Shawn at mabilis na pumasok sa shop ko.
Nakita naman kaagad niya ako kaya lumapit siya sa pinagpi-pwestuhan ko at sinenyasan ko siya na umupo, sumunod naman kaagad siya. Pagkatapos no'n ay ibinigay ko sa kan'ya ang invitation na atat na atat kong ibigay sa kan'ya.
"Invitation para sa reunion ng Parker High?" tanong niya nang mabasa na ang nakasulat sa invitation.
"Yes," maikling tugon ko.
"Did my parents know about this?" aniya at tumango naman ako.
"I asked for their permission first before printing out the invitations and send it to everyone with the help of Nix," paliwanag ko.
"'Wag kang mag-alala, inimbita ko rin si Leigh para magkita kayong muli, makakausap mo na rin siya," nakangiting anunsiyo ko.
"Kung bakit ba naman kasi hindi ako binalitaan nina mom at dad nito eh." Napasimangot siya.
Napatawa naman ako ng mahina at nagsalita ulit.
"At least, nandito ako para balitaan ka dahil kung wala ako, wala na talagang pag-asa sa inyong dalawa ni Leigh. T'saka, matagal ko na rin 'tong plano at ngayon ko lang ginawa dahil may tsansa ka pang magpaliwanag muli sa kan'ya. Baka nga kayo na talaga ang para sa isa't isa eh, naniniwala akong mangyayari pa 'yon, Shawn, kaya binigyan kita ng chance para ipakita mo kay Leigh na karapat-dapat ka para sa kan'ya. I trust you, Shawn," mahabang pahayag ko.
"Thank you for trusting me, Zaire." 'Yon ang huli niyang sinabi bago siya lumabas.
Magtatagumpay ang plano kong ito, sigurado ako roon.
-END OF FLASHBACK-
___________________________________________________________________________________
2 chapters left . . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top