Chapter 47

Chapter 47: Surprise!

Eros' Point of View

Lumabas na si Leigh at lahat, nakatayo pa rin ako habang nakadungaw kung nasaan siya lumabas kanina.

Hindi ko maiwasang masaktan sapagkat ginawa ko ang lahat para mapaamo ko ang kan'yang puso ngunit pinili niya pa rin ang matagal na niyang itinitibok.

I'm happy for her, though. After all these years, she finally loves her man freely, no more deep problems to come. She deserve the happiness creeping on her lips as she finally found the one.

Engineer Deshawn Parker is really a damn lucky man to be loved by a lovely woman that I risked my feelings to.

Maghihintay na lang siguro ako kung kailan ko makikita at mahahanap ang para talaga sa 'kin.

Inubos ko na lang ang kape at tumayo pagkatapos saka ako aakmang lalabas sana kaso biglang umunang bumukas ang pintuan at pumasok si Veronica.

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang bigla na lamang umuulan sa labas.

"Hey, Architect Sandoval, right? It's nice to meet you again, Architect," bati niya.

"It's nice to meet you, too, Engineer Lastimosa," bati ko rin at nakipaghand shake sa kan'ya.

"Oh my, I forgot something," she frantically uttered after the greeting.

"Kung kailan naman importante 'yong nakalimutan ko, d'yan pa umulan, hay buhay," iritang saad niya.

I chuckled at her remarks which made her look again at my direction.

"What are you chuckling at?" mataray na tugon niya.

"Woah, woah, easy there, Engineer. Gusto mo bang tulungan kita para madala mo 'yong nakalimutan mong gamit dito?" I asked her.

"Sorry, just can control my maldita attitude. Anyway, sure. I really need a help right now," aniya.

Since wala kaming dalang payong, hinubad ko na lang ang mahabang blazer na isinuot ko saka ako umunang lumabas bago siya at doon ko itinakip sa ibabaw ng ulo namin ang blazer ko papunta sa kan'yang sasakyan. Kinuha niya ang gamit na nakalimutan niya at mabilis kaming bumalik sa loob ng shop.

Pinaupo ko siya sa seat na inupuan ni Leigh kanina at bumalik naman ako sa dating pwesto na inupuan ko.

Bago pa man ako umupo sa pwesto ko ay nag-order ulit ako ng kape pero hindi para sa 'kin, kung hindi para kay Veronica. Kaya nang mailapag na ang kape ay ibinigay ko kaagad sa kan'ya ito.

"Para sa 'kin ba 'to? Hala, nakakahiya naman sa 'yo, Architect," bulalas niya.

"No, it's okay. Tapos naman na akong nag-order ng kape rito kanina at mukhang need mo rin mainitan kasi lumabas tayo kanina at naulanan pa rin tayo pero mas lubha kang naulanan," I reasoned out.

"Thank you for this, Architect," she sincerely said.

We talk about the stuff she makes and decided to help her in making a plan for her client's house. Palagi na lang siyang nagpapasalamat sa 'kin pagkatapos kaya naman ay sinabihan ko na lang siya na wala lang 'yon. Gusto ko lang talagang tumulong.

And by the way, she's a nice company to be with.

_______

Amirah's Point of View

Sobrang excited ko na dahil pagbaba namin ni Nash sa eroplano, naisipan kong tawagin si Ate Zaire.

[Oh, Amirah, ba't napatawag ka?] aniya.

"Ate, guess what? Nasa Pilipinas na kami ni Nash!" masiglang bulalas ko.

[Totoo? Nandito ka na? Sinabihan mo na ba ate mo na nandito ka na?] tanong pa niya ulit.

"Hindi pa, ate. Balak ko sanang sorpresahin si Ate Leigh eh. Teka, saan ngayon si ate, Ate Zaire?"

[Ah, nandoon sa kompanya, Amirah. Anyway, alam mo na ba ang balita na ngayon niya sasabihin kung sino ang kan'yang pipiliin?] usisa ni ate.

"Siyempre naman, ate. Alam ko na nga kung sino eh, ang kulang na lang eh kung paano niya sasagutin ang kan'yang magiging kapiling sa buhay," natatawa kong sagot.

[Eh, sino ba?] May pagka-tsismosa rin pala itong si Ate Zaire.

"E 'di, si Kuya Shawn po," amin ko.

[Hoy, hala! Tama nga 'yong hinala ko! Sa wakas nagtagumpay ako sa plano ko para maging sila rin sa huli! Hay, I'm so happy for them!] she squealed.

Medyo nagulat ako sa biglaan niyang pag-amin na isa siya sa dahilan kung bakit nag-end up ngayon si Ate Leigh at Kuya Shawn.

"Grabe ka talaga, ate. Naging match maker ka na, ha?"

[Ha! Ako pa. Anyway, paniguradong nasa opisina 'yong ate mo ngayon. Sabi pa ni Nix, tumawag kanina si Shawn sa kan'ya, papunta na rin doon si Shawn. Doon ka na rin mangsu-surpresa sa ate mo at dapat kasama na kami, para may celebration na magaganap pagkatapos!] Napanganga na lang ako kung gaano ka-advance mag-isip nitong si Ate Zaire.

"Sige, ate. Malapit na kami, sana kayo rin."

[Sige, salamat sa update mo, Amirah. Magkita-kita na lang tayo ro'n sa labas ng opisina ni Leigh. Good bye!] Paalam niya.

"Sige po, salamat din. Ba-bye rin, ate!" paalam ko rin at pinatay na ang tawag.

Tinignan ko naman si Nash pagkatapos at ngumiti lang siya sa 'kin.

"Tara na?" saad niya pagkatapos niyang ilahad ang kan'yang kamay sa 'kin.

Tinanggap ko naman iyon saka kami magka-holding hands na lumabas ng airport. Mabuti na lang din at hindi na umuulan ulit.

_____

"Good morning, kuya. Can we visit Architect Everleigh Carter inside?" tanong ko sa guard.

"P'wede naman po basta kamag-anak, pamilya, o kaibigan po kayo ng binibisita niyo, ma'am, sir," nakangiting pahayag ng guard.

"Ah, kapatid po ako ni architect at kaibigan niya naman po ang kasama ko," saad ko.

"Ay, sige po, ma'am. P'wede na po kayong pumasok sa loob ni sir," ani ng guard.

"Salamat po, kuya." 'Yon lang at pumasok na kami sa loob ng kompanyang tinatrabahuhan ni ate.

Grabe, kahanga-hanga naman pala ang kompanyang pinagtatrabahuhan ni ate.

Habang naglalakad kami ay may naaninag ang aking mukha na isang pamilyar na mukha hanggang sa mapalaki ang mga mata ko at excited na lumapit sa kan'ya.

"Ate Zaire, nandito ka na!" maligayang bulalas ko.

Napatingin naman sa 'min ang mga tao na nagta-trabaho rito na parang naistorbo ko sila kaya nagpaumanhin kaagad ako sa kanila.

Tumawa lamang si Nash pati sila Ate Zaire at Kuya Nix kaya sinimangutan ko sila.

"Just in time lang pala kayo. Halina kayo, baka ma-late pa tayo ro'n nang dating at mabulilyaso ang plano mong pag-surprise sa sarili mo para sa ate mo." Hinatak naman kaagad ako ni Ate Zaire habang nag-uusap na naglalakad naman sila Nash at Kuya Nix.

Narating naman namin kaagad ang 5th floor ng building kung saan ang opisina ni Ate Leigh gamit ang elevator saka kami dali-daling naglalakad patungo sa mismong pintuan ng opisina niya.

Nang makarating na kami, sa wakas, sa tapat ng pintuan ng opisina niya, sinabihan ko na kaagad sila kung ano ang formation na gagawin namin para ma-surprise talaga si ate. Siyempre, dapat ako 'yong nasa gitna, si Ate Zaire naman ay nasa pagitan ng paanan ko—ideya niya iyon kaya nagulat ako noong una pero kalauna'y sumang-ayon na lang din—si Nash naman na nasa kaliwa ko at si Kuya Nix naman na nasa kanan ko. I made a face like I was shocked.

Narinig din namin ang pinag-uusapan nila sa loob kaya naki-tsismis na lang din kami.

_______

Everleigh's Point of View


"Hi, nandito ka pala," I greeted him.

"Hey, yeah," bati niya rin.

"Uhm... I don't know where to start," I chuckled after.

"I guess, it's the end for me..."

Napatingin naman ako sa kan'ya nang nagtataka sa biglaan niyang pagsabi no'n. Ano ang kan'yang ibig sabihin?

"I saw you talking to Eros and I look at your expressions with him as you two hugged. You already sorted it out with him, right? I knew by the time I saw it, it was really the end for me, for the both of us and I understand that. Our relationship from the past did not seem to work out as the second time around came. It's alright for me that you're happy with someone else and not me. I guess, I'm unfortunate of love in this lifetime. I'll be happy and contented that you'll be happy with him, too. I love you but I guess my love isn't enough for you to love me back this time. I wish you two the best in your relationship," mahabang pahayag niya. Na para bang na-reject siya o 'di siya pinili.

So, nakita niya ang nangyaring pag-uusap namin ni Eros kanina? But, it was just to settle things out. Hindi ko naman sasagutin si Eros dahil hindi ko naman siya mahal.

Itong lalaki na nasa harapan ko ang mahal ko at pinili ko pero ito pa 'yong nagsabi sa 'kin na para bang pinagtatabuyan niya ako para mapunta ako kay Eros.

Kailangan niyang maliwanagan, oo.

"Wait, ano ba ang sinasabi mo?" Tanong ko, naguguluhan.

"Pinili mo si Eros at hindi ako, right?" Maski siya naguguluhan na rin sa inaakto ko.

"Teka nga, teka nga, all along akala mo pinili ko si Eros at hindi ikaw? First of all, hindi ko siya pinili. Second, nakipag-usap lang ako sa kan'ya sa cafe shop na 'yon to settle things out, at ang turing ko lang sa kan'ya ay kaibigan lang. Third, ikaw ang mahal ko, Shawn, kaya..." I was frustrated but at the same time getting nervous and overwhelmed by the atmosphere between us after I said those words to him who was clearly dumbfounded.

"Kaya ako 'yong pinili mo?" aniya, lito pa rin.

"Yes, clearly, it is. My gosh, I'm frustrated because you're so slow at this. Geez."

Hinintay ko lang siya hanggang sa mag sink-in sa kan'ya ang nangyayari ngayon. He let out a relieve sigh and stared at me for a moment and smiled.

"At ano na naman ang problema mo—" I was cutted of because of his sudden hug.

"I thought you really chose Eros over me. Kaya tinanggap ko na lang ang reality ko. Pero guess what? My instincts are wrong at pinatunayan mo 'yon. You made me really happy, Leigh. You chose me after what we've experienced in our past relationships, that was two times. And now, it's the third one and—"

"And, it will be the last relationship that I'll have, I called it a forever," pinutol ko ang sasabihin niya at dinagdagan ko lang.

Tumingin ako sa kan'ya at nginitian siya ng todo kaya ngumiti rin siya ng marahan sa 'kin pagkatapos ng yakap naming dalawa. Hinawi-hawi niya ang takas na buhok sa mukha ko habang nakatitig lang siya sa 'kin ng masuyo.

"I never thought that this day would ever come, really. I thought I lose this bet," aniya kaya napatingin ako sa kan'ya at lumayo ng konti.

"Ano'ng pusta na naman 'yan, ha?" banta ko. I glared at him.

Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko bago sinagot ang tanong ko.

"We had a bet with Eros, but this time, a good one. Eros told me that if I win by you choosing me, he'll stop pursuing you and just be friends but if he wins by choosing him, I'll do the same too," paliwanag niya. Nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko naman kung ano na naman ang pustahan na ginawa nila.

Masasapak ko talaga siya 'pag hindi valid 'yong reason niya kasi hindi talaga maganda 'yong pustahan na ginawa nila ng kaibigan niya noon sa 'kin. Target talaga nila ako no'n kaya nasaktan talaga ako at muntik ko na siyang hindi mapatawad.

Kaya hindi talaga maganda ang pustahan, nakakasakit ka kasi ng isang tao eh.

"Pero bakit may pustahan pang magaganap? Kung p'wede namang diretsuhin niyo na lang ako, 'di naman ako nangangagat eh," nakangusong sambit ko.

"Ginawa ko lamang 'yon dahil si Eros 'yong may pakana no'n, 'di ko naman gustong mag-away kami dahil sa 'yo kaya pumayag na lang ako sa pusta niya." Buntonghininga niya.

"Kunsabagay, ayaw ko rin naman kayong nakikitang nag-aaway, lalo na 'pag ako 'yong dahilan n'on..." usal ko.

"Hmm..." he just mumbled. At ang sunod niyang ginawa ay hinimas-himas ang buhok ko, ang natitira ko na namang buhok sa harap ng mukha ko ay hinawi niya at ipinasok sa gilid ng tainga ko.

Tiningan niya ako ng masuyo at hindi ko mapigilang ngumiti sa simpleng kilos niyang 'yon.

Pero unti-unting nawala rin ang ngiti sa labi ko nang unti-unti ring lumalapit 'yong mukha niya sa mukha ko kaya pumikit na lang ako dahil alam ko naman ang susunod na mangyayari.

Malapit na sana dahil nalalanghap ko na rin ang hininga niya kaso napatalon ako sa gulat at napalayo kami ni Shawn sa isa't isa nang biglang bumukas ang pintuan at ginulat kami ng tinig nila Zaire, Nix, Nash, at Amirah.

"Surprise!" sigaw nilang apat saka sila pumasok isa-isa at huli namang pumasok si Amirah at lumapit siya sa 'kin saka niyakap ako.

"Ate, surprise! Nandito na ako, makakasama na kita ulit," masayang bati niya.

Ginantihan ko naman siya ng yakap pagkatapos nang naramdaman kong gulat at nginitian siya, nangingilid na rin ang luha.

"Baby sis naman, sorpresang-sorpresa talaga ako sa inyo, ito pala 'yong sinasabi mong surprise kanina sa tawag natin," naiiyak kong saad.

"'Yan din naman talaga ang plano ko, ate. Tinulungan lang ako ni Ate Zaire para matupad talaga ang binabalak kong surprise," natatawa niyang pahayag pagkatapos namin maghiwalay mula sa yakap.

Tinignan ko naman si Zaire na nakangisi lang sa 'kin kaya inirapan ko siya.

"'Di niyo naman ako in-inform na pupunta pala kayo rito, Zaire. Sinama mo pa itong kapatid ko sa kalokohan mo," pabirong reklamo ko.

"Ay, sorry, ha. Tinulungan ko lang naman 'yang kapatid mo, malay ko bang magsu-surprise siya sa 'yo," sarkastikong usal niya at binelatan pa ako.

"'Eto naman 'di mabiro," natatawa kong bawi. Natawa rin naman siya at nagsunod-sunod din naman ang tawa hanggang sa napuno ng mga tawa ang loob ng opisina ko.

"Anyway, p'wede na kayong mag-kiss ng asungot mo then pagkatapos ay magce-celebrate tayo dahil tapos na ang pagpipili ni beshie para sa kan'yang love of her life!" komento ni Zaire kaya nagsitawanan kami.

Napailing-iling na lang kami ni Shawn at umuna akong humarap sa kan'ya saka hinawakan ko ang kan'yang manggas para mapalapit sa mukha ko. Pero nagulat ako nang ngumisi siya at dinukwang ako para siya 'yong makaunang sumakop sa labi ko.

"Rated SPG. Striktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan—" narinig kong sabay na sabi nang dalawa sa pangunguna ni Zaire kaso naputol lang iyon nang mag-interrupt si Nash at Nix sa kanila at hindi na lang ako nag-mind sa kanilang mga business dahil busy ako sa pagtuon ng pansin sa lalaking ito na patuloy na sumasakop sa labi ko.

___________________________________________________________________________________

3 chapters to go.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top