Chapter 46
Chapter 46: Chosen Love
Everleigh's Point of View
Namalayan ko na lang na nasa isang likod na parte na kami ni Shawn ng tent na pag-aari nina Aia at Veron.
"Ano'ng ginagawa natin dito?" Umuna akong nagtanong para naman hindi ako masyadong nao-awkward-an sa sitwasyon namin ngayon.
"Para malayo muna tayo sa kan'ya," aniya.
Siniringan ko siya at bigla na lang siyang tumawa.
"'No problema mo?" I rolled my eyes on him.
"Hindi ka naman kasi mabiro, pero gusto lang talaga kitang dalhin dito dahil kitang-kita mula rito ang mga nagniningning na bituin," saad niya.
Binalingan ko naman ng tingin ang itinuro niyang mga nagkikislapang bituin daw. Pagkabaling ko ay napahanga ako sa aking nakikita. So, totoo nga ang sinasabi niya.
"'Di ba sabi ko naman sa 'yo, kitang-kita ang mga bituin mula rito?" aniya.
"Oo na..." hindi ko siya binalingan ulit ng tingin kahit tumugon ako dahil abala ako sa nakikita ko ngayon sa harapan ko.
"T'saka ito pa." Bigla niya namang kinuha ang aking palapulsuhan at kinuha ang ikalawang daliri ko para ituro ang grupo ng mga bituin na may sinusunod na guhit, na para bang constellation.
"Ganda ng guhit 'no? Hugis-puso," he snickered.
"Woah..."
Akala ko hanggang dito lang matatapos ang paghawak niya sa 'king daliri pero ang sunod niyang ginawa ay gamit ang daliri ko, iginuhit niya ang pumormang puso mula sa mga bituin.
Hindi ko alam pero rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko, na para bang kumawala na ng tuluyan sa kaniyang hawla.
Suddenly the atmosphere becomes romantic. Ewan ko kung bakit bigla nalang nagkakaganoon.
While he was busy with tracing the heart shaped-like stars, I stared at him. The thump of my heart becomes more and more wild as he suddenly met my gaze.
We were just staring for a second not until someone interrupted us. For a moment, the romantic atmosphere suddenly turns into a tense one. But my heart, still, is irregularly beating but not the same as before.
"Sorry to bother you but I have something to tell about, Leigh," ani Eros.
"No, it's okay. Anyway, what is it?" Tanong ko. Alam ko naman ang patutunguhan nito pero tumugon nalang ako para 'di siya mapahiya.
"In case you didn't heard about what I asked earlier..." humugot ng malalim na hininga si Shawn sa tabi ko.
"I know we already cleared it out but what I felt about you just keeps getting stronger, and that I want to prove to you how I really felt for you, Leigh. And yeah, here I am now, hoping you'll give me a chance to court you..." umaasam na nakatingin sa 'kin si Eros.
"This may sound pathetic because we're okay for a year now and I definitely asked you to be friends with me a year ago but Leigh, will you let me prove to you that I can shower you with what I have? In here." Sumingit naman si Shawn kaya napatingin kami ni Eros sa kan'ya at sunod na ginawa niya ay hinawakan niya ang kamay ko at ipinahawak niya sa kan'yang dibdib, kung nasaan ang puso niya.
"Uhm... guys-"
"Guys! Will you two lend me my best friend for a moment?" Thank God, heavens! Dumating on-time si Zaire kaya hindi na ako gaanong na-overwhelm sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon.
"Just for a moment. Please," Zaire said, emphasizing the 'please'.
Hindi ako nagpaalam sa kanilang dalawa dahil nao-overwhelm pa rin ako hanggang ngayon. Hindi na nga ako makatingin ng ayos sa kanilang dalawa eh.
Hinawakan ako ni Zaire sa palapulsuhan at hinila ako papunta sa loob ng tent niya. Pinasara niya pa ang pintuan ng tent.
Pagkaupo na pagkaupo palang namin, bigla niya akong hinampas sa balikat na may kaunting kurot sa tagiliran. Napangiwi naman ako sa impact na idinulot no'n.
"May plano ka bang patayin ako? Sabihin mo lang," pasiring na anas ko.
"Sorry, eh kasi naman eh, paano na 'yan?" Tanong niya.
"What do you mean 'paano na 'yan?'" Pagmamaang-maangan ko.
"Obviously, mukhang seryoso talaga ang dalawang 'yon sa 'yo. Imagine, isang Architect Everleigh Carter, pinag-aagawan at nagsisimula pa lang ligawan nang isang Architect Eros Michael Sandoval at isang Engineer Deshawn Parker? Haba ng hair mo, 'te! Pak na pak!" Hinawakan pa niya ang buhok ko at hinawi-hawi ta's hinimas-himas pa niya.
"Ewan ko sa 'yo t'saka, ewan ko kung hahayaan ko pa bang buksan ulit ang puso ko. Minsan na itong nasaktan ng dalawang beses dahil na rin sa sariling kagagahan ko. Baka masaktan ulit ito dahil sanay na akong magpadala sa emosyon ko at hindi na ako makikinig sa paliwanag ng magiging partner ko sakaling may misunderstanding na naman ang mangyayari. Takot na akong sumubok muli," buntonghininga na pahayag ko.
"Hay, ano ka ba naman, Leigh. Nago-overthink ka na naman. Alam mo bang masama 'yan para sa sarili mo? 'Wag kang masyadong magpapaapekto sa gan'yan. T'saka, paano mo mao-overcome ang toxic trait mo na 'yan kung hindi mo susubukan ulit? And, this time may commitment na ang mangyayari, hindi tulad noon. Kung ito na ang huling pagkakataon na magkakaroon ka ng love life ulit, grab the chance na, baka magsisi ka pa sa huli at magiging tatandang dalaga ka na lang talaga. Hindi mo naman gusto 'yon, 'di ba?" panga-advice niya sa 'kin.
Umiling lamang ako kaya tumango-tango siya at tumalak na naman.
"Ayon naman pala eh! Dapat grab the chance ka na talaga ngayon kung gusto mo pang magkaroon ng makulay at matino na love life, 'yong sigurado na talaga. Kaya kung sino man sa dalawa ang magiging partner mo, alam kung nasa mabuting kalagayan ka na rin. Mababait ang mga 'yon t'saka alam kong aalagaan ka nila ng maayos kung sino ang pipiliin mo, trust me. Kaya 'wag ka nang mag-overthink d'yan! Nakakawalang ganda 'yan, sige ka! Baka magka-aging ka na kahit hindi ka pa nagti-thirty!" Palahaw niya sa huli. Okay na sana 'yong advice niya kung hindi niya lang dinagdagan ng nakakalokang komento sa huli. Loka-lokang 'to talaga.
"Salamat sa lahat, Zaire, kung hindi pa kita naging matalik na kaibigan, hindi ko alam kung saan ako kakapa ng mga advice patungkol rito aside sa bunso ko. Thankful ako na naging matalik na kaibigan kita. I love you so much, beshie." Hindi ko alam pero biglang nagsituluan ang mga luha naming dalawa.
"Grabe naman sa pabiglang words of gratitude na 'yan! Halika nga nang mayakap kita ng mahigpit na mahigpit!" Natatawa niyang tugon kaya napatawa na rin ako at lumapit ako sa kan'ya para bigyan siya ng yakap. Niyakap naman niya ako ng mahigpit na mahigpit tulad nga ng sinabi niya.
"I love you more, beshie ko. Palagi mo 'yang tatandaan kapag feel mong walang nagmamahal sa 'yo, nandito lang kami ng kapatid mo, always and forever," aniya.
I'm lucky I met her and became my one and only best friend, a forever one. Also, to my sister, I'm lucky to have her, too. Lucky enough that I won't ask for more.
______
Kinabukasan ay naisipan naming pumunta sa falls para doon na kami maligo, mabuti na lang at sang ayon sila sa ideyang iyon kaya wala nang problema pa sa pagpipilit at pagpapayag sa kanila. Hindi rin naman kasi sila mukhang KJ, kaya ayos na 'yon.
Habang papunta kami ro'n ay medyo matalahib ang dadaanan at hindi talaga safe sa mga naka-shorts na lang pero sa kaso ko, hindi talaga ako safe, late ko nang na-realize na dadaan pa kami sa isang matalahib na daanan tapos nag-shorts pa 'ko. I'm so stupid.
"Shit," napamura ako dahil biglang humapdi 'yong tagiliran ng paa ko. Napatigil din sila dahil sa biglaang pagmumura ko.
"Leigh, ano'ng nangyari?" Tanong kaagad ni Zaire.
When I tried to look at it, it was already bleeding.
"Wait, you're bleeding! Guys-" naputol ni Zaire ang kan'yang sasabihin nang bigla na lang lumapit sa harapan namin sila Shawn at Eros, parehong nag-aalalang tumingin sa 'kin.
"Leigh, what happened to you?" tanong ni Eros.
"Let me cover it up first to prevent the bleeding," ani Shawn at may kinuha siyang damit para ipaikot sa nasugatan kong paa at itinali iyon.
"Thank you, Shawn," pasasalamat ko rito. Eros still look at me with worry.
"I'm fine, wrong move ko rin kasi naka-shorts ako at late ko na na-realize na napakamatalahib pala nang dinadaanan natin patungo sa falls kaya ayon, nasugatan ako dahil sa sarili kong kagagawan," sagot ko sabay buntonghininga.
"Can you walk?" ani Shawn.
"I think so, let me try," tugon ko at sinubukang tumayo at maglakad pero ilang saglit din 'yon dahil humahapdi at kumikirot na naman ang sugat ko.
"Mukhang hindi gaano, gusto mo bang i-piggy back ride kita? I won't mind," nakangiting yaya ni Shawn ngunit umiling lang ako dahil nakakahiya.
"O gusto mong may umaagapay sa 'yo para hindi ka ma-out of balance habang naglalakad tayo papuntang falls? Ilang lalakarin na lang at nandoon na tayo sa destinasyon natin," suhestiyon ni Eros.
"Guys, okay lang ako rito, pwede naman kayong umuna na. Susunod rin naman ako," pagtanggi ko sa kanilang mga suhestiyon.
Lumapit naman sa 'kin si Zaire at pinanlakihan ako ng mga mata t'saka pabulong na nagsalita sa 'kin.
"Ayan ka na naman, grab the chance na nga eh. Tanggi-tanggi ka pa. Makakalakad ka ba sa lagay mo na 'yan? 'Di ba, hindi? So, ano pa ang hinihintay mo? Kaysa naman gusto mo pang ikaw ang magtitiis sa sarili mo dahil sa naging desisyon mo, aba naman," she scolded me like a mother.
Wala akong magawa kaya bumuntonghininga na lang ako at sumang-ayon sa sinabi ng gagang 'to. Mas pinaboran ko na lang ang yaya ni Shawn dahil feeling ko kapag pinili ko ang yaya ni Eros, magtitiis pa rin naman ako sa sakit ng sugat ng paa ko eh. No choice kaya nakipag-piggy back ride na lang ako kay Shawn.
Nang mabuhat na niya ako, feeling ko nag-iinit na naman ang pisngi ko dahil naiilang na kaagad ako kung gaano kami ka-close sa ganitong position. Ang awkward ng dating para sa 'kin.
Either sa kanilang dalawa, naiilang pa rin ako hanggang ngayon dahil na rin siguro sa biglaang paghingi ng permiso galing sa'kin para manligaw sila sa 'kin.
Pinaglalaruan yata talaga ako ng tadhana ulit. Sana naman sa ikatatlong pagkakataon na 'to, ito na ang magiging forever partner ko na magiging katuwang ko habang buhay.
Sa wakas, nakarating na kami sa falls. Dahan-dahan naman akong ibinaba ni Shawn at pinaupo niya ako sa malaking bato na nakita niya na may tubig rin galing sa falls at saka umupo rin siya.
"Dito ka maliligo?" tanong ko.
"Hindi, doon mismo pero mamaya na 'ko. Ikaw, dito ka na lang siguro. Mapanganib kung doon ka mismo maliligo, alam kong kakatakip ko lang ng sugat mo. Fresh na fresh pa 'yan dahil kanina ka lang nasugatan kaya dito ka na lang," paalala niya.
Somehow, what he said touched my heart because of the evident care and worry he gave to me.
"Salamat, Shawn, palagi," pasasalamat ko.
"You're always welcome, pangit," he teased. Nakatikim tuloy siya ng pagtaboy ko sa kan'ya ng tubig kaya nabasa siya.
"Serves you right, asungot," sabi ko at binelatan ko siya.
"Ah, gano'n pala, pangit, ha." Ipinagtaboy niya rin ako ng tubig bilang ganti sa pagtataboy ko rin ng tubig sa kan'ya.
Nagkakatuwaan lang kami dahil dito hanggang sa basang-basa na talaga kami. Kulang na lang, maliligo na talaga ako.
"Basang-basa mo na, ligo ka na, uy!" sigaw ko.
"Ikaw, maligo ka na rin, basang-basa ka na," aniya habang natatawa.
"Opo, kamahalan. Ikaw rin kaya shoo shoo na," tugon ko at itinaboy ko siya.
Tumawa muna siya bago magpaalam sa 'kin at pumunta na sa mismong falls para roon na maligo. Naligo na rin ako pagkatapos.
Nang matapos na ang lahat sa pagbabad ng tubig, nag-take kami ng pictures at videos.
"Leigh," mayamaya lang ay tinawag ni Eros ang pangalan ko.
"Yeah?" tugon ko.
"Here," aniya at dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ko para ilapag ang ibibigay niya sa 'kin.
"A clip?" tanong ko, naguguluhan.
"I thought maybe you would like it and also it's my admiration gift for you. I hope you will use it everyday," nakangiting saad niya.
"Oh, thank you, Eros. I like it already. Magagamit ko naman talaga 'to since ang luma na rin ng clip na ginagamit ko sa buhok ko. Thank you ulit rito, appreciated," I sincerely uttered. Ang cute ng gift niya para sa 'kin, may maliit pang tulip na sigurado akong design para sa clip na 'to.
"No problem and thank you for liking it," tugon niya at naisipang tumabi sa 'kin saka kami nag-usap ulit.
Ang cute talaga ng clip na 'to. Ma-try ko nga 'to mamaya.
_____
4 months . . .
Palaging bumibisita si Shawn sa company namin para lang bisitahin ako o 'di kaya'y may ibibigay siya sa 'kin, maging ang pagyaya sa 'kin ng mga lugar na nais kong puntahan o maisipan man lang niya. Samantalang si Eros naman ay gano'n din ang ginagawa pero mas marami siyang time na pinaglaanan sa 'kin.
8 months . . .
Sa mga buwan na iyon ay marami na akong nabisitang mga lugar na hindi ko pa napupuntahan-kung may bakasyon kami nila Eros at Shawn-at dahil 'yon sa kanilang dalawa. Throughout those months, maraming mga naging memorable moments sa 'kin kasama either ni Shawn o Eros. At sa mga moments na 'yon, naisipan ko na kung sino sa kanila ang pipiliin ko.
Iisa lang ang kayang magpatibok ng puso ko at iisa lang din ang tingin ko'y hanggang kaibigan ko lang.
10 months . . .
[Sigurado ka na ba d'yan sa pipiliin mo, ate?] tanong niya.
"Sigurado na, baby sis. Baka siya na talaga hanggang sa huli kong hininga," sagot ko.
[Ang seryoso naman ng sagot mo 'te, p'wede na pang-Miss Universe!] may himig na sarkasmo sa tinig niya.
"Basta! Sigurado na ako na siya na," saad ko.
[Sigurado akong excited ka na d'yan, ate. Mamaya, masu-surprise ka rin dahil may darating sa 'yong munting regalo na nami-miss mo na.] excited din na pahayag niya.
"At ano naman 'yon?" tanong ko.
['Di na 'yon surprise kung sasabihin ko sa 'yo ngayon. Anyway, papatayin ko na ang tawag, ate, may pagkakaabalahan na naman ako rito.]
"Oh, sige. Good bye, baby sis, I love you," paalam ko.
"Good bye ate, I love you more," maligayang pagpapaalam niya at pinatay na ang tawag.
Huminga ako ng mariin ako pagkalapag ko sa phone ko. This is really the day.
_____
Inanyaya ko ng kape si Eros sa cafe shop na palagi naming pinupuntahan tuwing may free time sa trabaho.
Kinakabahan ako sa magiging reaksiyon niya pero pinilit kong magsalita.
"I... I like you, Eros... but as a friend only. Itinuring kitang maging kaibigan, sana maintindihan mo," paliwanag ko.
Bumalatay sa kan'ya ang sakit nang makita ko kung gaano kalungkot ang kan'yang mga mata pero nginitian lamang niya ako.
"It's okay, Leigh. I understand. Minahal at mahal mo pa rin siya hanggang ngayon, 'no? Grabe, paano makakahanap ng isang katulad mo na sobrang tapat sa minamahal mo kahit ilang taon na ang nakalipas? 'Yan din ang nagustuhan ko sa 'yo eh, ang pagiging matapat," komento niya.
"Yeah, sana ito na talaga ang huli. Hindi ko na hahayaang masaktan ko pa ulit ang sarili ko. Salamat sa pagmamahal na ibinigay mo sa 'kin, Eros, sa lahat, maraming salamat. Tama 'yong naging desisyon ko na makipagkaibigan sa 'yo ulit at hinayaan ko na lang ang nangyari sa nakaraan sa pagitan natin. I owe you a lot," garalgal na pasasalamat ko.
"Hey, it's no big deal. Ginawa ko lang ang nararapat..." usal niya at kinuha ang kamay kong nakahawak sa tasa ng kape at marahang hinagod 'yon bago niya ibinalik sa dating puwesto ang kan'yang kamay.
"Go, find your man and tell him that you really love him after all these years. He's such a damn lucky man to have you as his lovely girlfriend," pahayag niya habang nakangiti.
"Thank you for everything, Eros. Good bye!" sinsero at maligayang pagpapaalam ko.
Nagyakapan muna kami bago ko siya iniwan sa cafe shop at patakbong tinungo ang daan kung saan ang opisina ko.
But, as soon as I entered my office, there he was, the man I chose as my chosen love.
___________________________________________________________________________________
4 chapters left . . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top