Chapter 44
Chapter 44: Friends
Shawn's Point of View
Cupid really has his own way to meet the person who I wanted to see the least. Tina-try ko na ngang mag-move on eh. Pero ano ba'ng ginawa ni kupido? E 'di, pinaglandas na naman ang krus sa pagitan naming dalawa ni Leigh dahil sa mga projects na 'to.
Kung bakit ba naman kasi naisipan ng aming tagapamuno na maghanap ng architects sa kung saan doon nagta-trabaho si Leigh. Kunsabagay, wala namang alam ang tagapamuno namin kung ano ang nangyari sa nakaraan namin ng isa sa mga architects na naroon kasi hindi ko naman ito gaanong ka-close at hindi pa ako pala-kwento.
"Solasce Architecture Incorporated," pagbasa ni Aia, isa sa mga kasamahang engineer namin sa kompanyang tinatrabahuhan ko.
"Ito na siguro 'yong sinasabing kompanya na ipinagmamalaki ni Sir Del Rio, 'no?" Dagdag pa niya.
I just nodded and then I immediately went to the security so that we can proceed to walk inside the said company.
"We're from Walton Engineering Company," sabi ko sa security.
Ipinakita ko naman sa kan'ya ang ID ko. Sinenyasan ko naman ang mga kasamahan ko na ipakita rin 'yong sa kanila.
Tumango naman ang security at nagsalita.
"Pasok na po kayo, mga ma'am at sir," magalang na anito kaya tinanguan ko pang muli ang security at saka tuluyan na kaming pumasok sa kompanya na ito.
Diretso naman na kami sa conference room nila dahil sinabihan naman na kami ng aming tagapamuno na sinabihan na rin nito ang tagapamuno sa kompanyang ito para magpatawag ng urgent meeting.
Expected ko nang magkikita kami ulit at hinahanda ko na ang sarili ko kung sakaling makita siya ulit pero nang makita ko na talaga siya ng harap-harapan, parang naumid ang dila ko dahil wala pa ring kupas ang kagandahan niya. Kaso may panira ng moment dahil bigla na lang sumulpot ang nobyo niya at si Aia. Hindi na lang ako nagsalita pang muli.
Pagkatapos ng meeting ay nagkandabuhol-buhol na ang damdamin ko. Kasi may parte sa 'kin na masaya dahil makikita at makakasama ko siya palagi dahil sa project na kasama siya bilang architect namin at may parte rin sa 'kin na iwasan siya dahil gusto ko na ngang magmove-on dahil 'yon ang ipinapahiwatig ng mga kilos niya sa 'kin no'ng araw na nagkaroon kami ng closure. At saka isa rin sa dahilan kung balit gusto ko siyang iwasan ay kasama namin sa project na 'to ang kan'yang nobyo. Eros daw ang pangalan ng lalaki.
Teka, 'yon ba 'yong Eros na pinagselosan ko noon dahil sa paghihiganti ni Leigh dahil sa katangahan na ginawa ko noon? Kung hindi ako nagkakamali, napakapamilyar din naman ng lalaking nobyo ni Leigh.
Hindi ko alam kung bakit pero may nag-udyok sa 'kin na susundan ko silang dalawa at napadpad na nga ako sa isang coffee shop. Teka, magdi-date ba sila rito?
Pumasok na rin ako at umupo sa hindi kalayuang upuan upang marinig ang kanilang pinag-uusapan.
"Dito na natin ititigil ang pagiging fake couple nating dalawa."
Natigilan ako dahil sa biglaang pagsabi niyon ni Leigh.
Fake couple?
Tama ba ang naririnig ko?
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumatambol-tambol ang puso kong muli.
Magmo-move on ka na nga, 'di ba, Shawn? Eh, ano itong nararamdaman mo ngayon? Shit ka talaga.
"I'm sorry, Eros, but I can't do this anymore. I don't want to hurt you. Dapat ko na 'tong tigilan dahil alam kong magsisisi lamang ako sa huli at masaktan pa kita. Hindi 'yon kakayanin ng konsensiya ko lalo pa't naging malapit ka na sa 'kin bilang kaibigan ko," rinig ko pang paliwanag ni Leigh.
"It's okay. I know you want to end this game because you don't to hurt me. But, you can't exactly control my heart to stop hurting, you know? Hindi mo ba nahahalata, Leigh? I love you, Architect Carter," biglang pag-amin ni Eros.
Napasulyap ako sa kung ano ang naging reaksiyon ni Leigh at kitang-kita ko ang pag-alpas ng gulat sa kan'yang mga mata at wala siyang masabi.
Kahit ako rin naman. Ibig sabihin, may karibal ako?
Shit ka talaga, Shawn. Akala ko ba magmo-move on ka na? Oh, eh, ano na naman itong kalokohan mo ngayon?
"But it's all okay. I know that you can't love me as much as you love Engineer Parker before. What you've felt about Engineer Parker before is an unconditional love. Do you still love him even until now, don't you?" Prangkang usal ni Eros.
"Eros, I'm sorry..." 'yon lang ang nasabi ni Leigh sa kan'ya.
"Kung kailan sobrang hulog na hulog na ako sa 'yo..." usal ni Eros at napabuntonghininga.
"I'm sorry, Eros. Kung alam ko lang, hindi ko na sana 'yon ginawa ang deal na 'yon kung alam ko lang na umaasa ka na rin dahil doon, I'm really sorry," nagi-guilty na saad ni Leigh.
"It's alright. Alam ko naman na maaaring mangyari 'to eh. Deal lang naman 'to at hindi naman talaga ako dapat umaasa sa mga ganitong bagay dahil sa una pa lang, pumayag ako sa deal na 'to at alam ko na kung ano ang magiging consequences ko kapag pumasok ako sa deal na 'to. Kaso nga lang, hindi maiiwasan na umaasa ako. 'Wag ka nang mag-sorry, desisyon ko na pumayag kaya dapat kong harapin ang kahihinatnan nang pagpayag ko," masuyong sinabi ni Eros at hinawakan ang pisngi ni Leigh.
Hindi ko na napigilang tuluyan na akong tumayo at lumabas. Bahala na kung bakita nila ako dahil gusto ko lang lumayo sa lugar na 'yon.
Ito ba ang dahilan kung bakit binigyan ako ng Diyos ng ikalawang pagkakataon na mabuhay? Ang makitang may ibang nagpapasaya ng pinakamamahal mong tao sa buhay na 'to?
Kasi kung 'yan lang ang purpose kung bakit nabuhay pa akong muli, epektibo ang sakit na nararamdaman ko.
Magmo-move on na ba talaga ako?
Everleigh's Point of View
Sa hindi inaasahang dahilan ay napasulyap ako sa pintuan ng coffee shop kung saan kakalabas lang ng isang pamilyar na tao.
Panigurado namang engineer 'yon pero hindi babae, kundi lalaki.
Teka, si Shawn ba 'yong lalaki na 'yon?
At ano namang ginagawa ng lalaking 'yon dito?
Teka, narinig din ba niya ang pag-uusap namin ni Eros?
Kaya ba siya lumabas ng coffee shop ay dahil doon sa narinig niyang pinag-uusapan namin.
"We can still be friends, right?" Tanong ko nang luminga ako pabalik kay Eros.
"Leigh . . . I know that you don't feel the same way for me but can I at least court you? Kahit walang kasiguraduhan, basta maiparamdam ko lang sa 'yo kung gaano kita pinapahalagahan ng puso ko. Kung hindi mo kayang suklian ang pagmamahal na nararamdaman ko sa 'yo, ayos lang. Wala naman akong pinanghahawakan dahil manliligaw lang naman ako sa 'yo," aniya, umaasam.
"Eros naman," buntonghininga na komento ko.
Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko. "Inaasahan ko nang hindi mo 'ko pagbibigyan, kahit pa umaasa ako, pero pinanindigan mo talaga na wala ka nga talagang nararamdaman para sa 'kin. Hindi na kita pipilitin. Pero kung sakali mang magmahal ka ulit, nakareserba lang ako para sa 'yo. Joke lang, eto na, kung sakali mang magmahal ka ulit, 'yong makakapagpasaya sa 'yo habang buhay kasama ang taong iyon."
"Thank you for respecting my decision, Eros, my friend," biro ko.
"Ouch, my friend talaga? Joke lang ulit," natatawa niyang saad kaya sumabay ako sa tawa niya.
"Halika na nga, loko-lokong 'to!" Napapailing-iling na yaya ko at hinila na siya para makalabas na sa coffee shop.
Ngayon, ang natitira ko na lang problema ay si Shawn, ang nag-iisang ex ko.
Shawn's Point of View
"Shawn, sandali!" I heard a familiar feminine voice but I tried to act as if I didn't heard it. Nakilala ko kaagad ang tinig na 'yon.
"Shawn, mag-uusap nga tayo!" Tumigil lang ako nang kasabay nang pagsigaw niya no'n ay ang biglang paghawak niya sa kamay ko. A volt of electricity run through my veins as our palms hold each other.
Nagkatinginan kaming dalawa at kalaunan ay iwinaksi namin ng sabay ang aming mga kamay papalayo sa isa't isa. Damn it.
"Uhm, mag-uusap tayo ngayon din," seryoso at maawtoridad na utos niya sa 'kin.
Hindi ako nagsalita at blangko lang ang ekspresiyon na ipinakita ko sa kan'ya.
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita ulit. "About what you've heard earlier, it's true that Eros and I are just a fake couple. Itinigil ko 'yon dahil hindi ko na siya kayang paasahin pa lalo pa't umamin na siya sa 'kin na may nararamdaman na rin pala siya sa 'kin. Pero hindi ko siya binigyan ng chance para manligaw sa 'kin. But, I'm only saying this to clear the 'what ifs' in your mind."
"Walang kami, Shawn, kung 'yan ang iniisip mo kanina. All these years ay hindi naging kami. Naging ka-close ko lang si Eros ulit bago lang."
"Nandito ako para mabigyan ng sapat na closure ang nangyari sa 'tin noon. Kung bakit nakipagbreak up ako sa 'yo kaagad kahit hindi kita ipinagpaliwanag kung bakit."
"Humihingi ako ng tawad dahil sa nangyari sa 'yo noon. Hindi mo deserve 'yon. Dapat ipinagpaliwanag kita para sana tayo pa rin hanggang ngayon. Dahil sa misunderstanding na 'yon, nagkanda-miserable ang buhay-pag ibig ko. Sa totoo lang, hindi ko alam na gano'n pala ang kinasapitan mo noon sa ibang bansa. Kung sana, nakinig na lang ako sa paliwanag mo noon e 'di sana hindi mangyayari na binugbog-sarado ka. Hindi ko alam, Shawn."
"H-Hindi ko talaga alam, Shawn. P-Patawad... s-sorry, h-hindi ko a-alam. K-Kasalanan ko kung bakit nangyari 'yon sa 'yo." Nanunubig na ang kan'yang mga mata at kalaunan ay bigla na lang siyang umiiyak sa harapan ko.
Sa hindi malamang dahilan ay lumapit ako sa kan'ya at niyakap siya ng mahigpit.
"Shush, 'wag mong sasabihin na kasalanan mo. Ako ang gumagawa ng mga bagay na makakapagpapahamak sa 'kin kaya 'wag mong sasabihin 'yan. 'Wag ka na ring humingi ng tawad dahil wala ka naman talagang kasalanan. Hindi mo kasalanan ang nangyari sa 'kin noon, Leigh. Ako dapat ang humihingi ng tawad sa 'yo dahil ako ang dahilan kung bakit bigla tayong nagkaroon ng misunderstanding sa isa't isa. Tahan na, please. Ayaw kong makita kang umiiyak na naman dahil sa 'kin, tahan na," masuyo at malambing na pagpapatahan ko sa kan'ya. May kasama pang paliwanag.
Ngunit hindi siya tumahan at nagpatuloy lang sa pag-iyak kaya hinayaan ko na lamang siya na umiyak sa balikat ko.
Deserve ko ba ang babaeng 'to? Palagi na lang kasi siyang umiiyak ng dahil sa 'kin eh.
Bakit mo naman kasi kami pinaglalaruan ng ganito, Tadhana? Ano ba talaga ang plano mo sa 'ming dalawa? Puro na lang ba pagpapasakit ang gagawin mo sa 'min?
______
Nang tumahan na siya ay pinaupo ko muna siya sa bakanteng bench na nakita ko sa hallway na 'to. Sumandal siya sa balikat ko na nakapagpabigla sa 'kin.
"Sorry pala sa pag-iyak ko kanina, nabasa tuloy 'yong isinuot mo ngayon sa balikat na parte mo," aniya at nahihiyang yumuko habang nakasandal pa rin sa balikat ko.
Natawa na lang din tuloy ako. Ang cute-cute talaga ng babaeng 'to kahit kailan. Maganda na nga, cute pa.
Namayani na lang bigla ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nagpapakiramdaman kami sa isa't isa. Hanggang sa umuna na akong nagsalita pagkatapos ng katahimikan.
"Leigh..." tawag ko sa pangalan niya, for the first time in a while.
"Hmm?" Tugon niya.
"Can we be friends again, pangit?"
Kahit maging kaibigan lang. I want to take it slow this time. Hanggang sa mapatunayan ko na sa kan'ya na karapat-dapat ba talaga ako sa kan'ya.
Kung karapat-dapat ba talaga ako sa babaeng nagngangalang Everleigh Carter na una't huli kong babaeng mamahalin sa buhay na 'to.
___________________________________________________________________________________
6 chapters to go. :o
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top