Chapter 43
Chapter 43: Deal Ended
Everleigh's Point of View
Ano nga ba ang dapat kong gagawin?
Kakausapin ko na lang kaya muna si Amirah para ikuwento rito kung ano na ang nangyayari sa love life ko at baka may maibibigay siyang feedback o love advice para rito?
Pero baka maistorbo ko lang siya? Ay bahala na. Hindi ako mapakali eh.
Kinuha ko na lang ang cellphone ko at pinindutan ang number niya para tawagan siya.
"The number you have dialed is now unattended. Please try your call later."
"The number you have dialed is now unattended. Please try your call later."
Inilapag ko na lang ulit ang cellphone ko sa mesa at bumuga ng marahas na hangin bago pinaglalaruan ang kamay ko para mag isip-isip kung ano ang dapat kong gagawin mamaya.
'Di ko naman matawagan 'yong kapatid ko dahil unattended siya at 'di ko naman maistorbo si Zaire dahil binigyan naman na niya ako ng advice kahapon. Baka mainis lamang 'yon sa 'kin.
What if uunahin ko na muna 'yong problema ko kay Eros bago kay Shawn?
Eh, paano naman kung uunahin ko muna 'yong kay Shawn bago kay Eros?
Aish! Napakakomplikado naman ng problemang ito, oh!
Tadhana naman kasi eh.
Bakit mo naman ako pino-problema sa lovelife ko?
Ano ba talaga ang gagawin mo sa 'kin sa mga paganito mo?
Sino ba talaga ang magiging ka-endgame ko?
Sabihin mo naman sa 'kin kung sino para mas madali ko nang masolusyonan kaagad ang problemang kinakaharap ko ngayon din.
"Architect Carter, pinapatawag ka ngayon sa conference room. May urgent meeting daw," biglang pagtawag sa 'kin sa kakapasok lamang na si Eros habang humahangos pa na nakatingin sa 'kin.
Tumango lamang ako at kinuha ang mga gamit na kakailanganin ko para sa urgent meeting na 'to at saka lang ako tumayo.
Umuna naman siyang maglakad at sumunod lamang ako pero nagsalita ako bago pa siya makapihit ng door knob sa office ko.
"Eros, can we talk later? Let's have some coffee, libre ko. I have something to say to you," buntonghininga kong sagot.
Kunot naman ang kan'yang noo habang nakatingin siya sa mukha ko.
"What's with the sudden sigh? Anyway, sure," pagpayag niya.
"Nothing," sagot ko na lang.
Hindi na siya muling nagsalita pa at tuluyan na niyang ipinihit ang door knob para makalabas na kaming dalawa.
"Ladies first, as usual," nakangiti pa niyang usal bago pa may payuko-yuko pa siyang nalalaman na nakapagpailing sa 'kin kasabay nang marahan naming pagtawa sa isa't isa.
"Lokong 'to," usal ko na lang pabalik at sinunod na lang ang kan'yang sinabi bago siya sumunod sa 'kin papalabas nang makalabas na ako mula sa office.
Habang naglalakad kami papunta sa conference room ay nagsalita siya.
"Leigh, 'yong sinabi mo sa 'kin kanina, tungkol saan ang pag-uusapan natin?" Usisa niya.
Tiningala ko naman siya. Mas mataas kasi siya ng konti sa 'kin.
"Mamaya na natin 'yan pag-usapan. Sinasabi ko sa 'yo, 'pag umusisa ka pa sa 'kin tungkol d'yan ulit, sasapakin talaga kita 'pag ikaw ang dahilan kung bakit late tayong darating sa conference room. Urgent meeting nga, 'di ba? Dapat mabilis tayong makarating doon," banta ko at sinamaan siya ng tingin kaya napakamot naman siya sa kan'yang batok.
"Napakasadista mo talaga eh, 'no?" mahinang sabi niya na sakto lang hanggang abot sa tainga ko.
Hindi ako tumugon at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"'Eto na lang. Talaga bang ililibre mo 'ko ng kape mamaya?" Biglang aniya.
"Oo nga—" naputol ang dapat kong sasabihin nang may mahagip ako ng paningin.
Nakita kong papalapit dito sa direksiyon namin ang grupo ng mga nakayellow na protective cap which are engineers, siguro.
Natigilan naman ako nang mahanap ng mga mata ko ang isang engineer na ayos na ayos pa ang postura at kasuotan habang paparating sa direksiyon na 'to. Si Shawn.
Bakit siya nandito sa kompanya namin?
Ano namang gagawin niya rito?
"Leigh, nasa harap na tayo ng pintuan ng conference room. At... nakaharang tayo sa pintuan," pabulong na aniya habang nakatingin sa papalapit na talagang mga grupo ng engineers.
Nabalik naman ako sa ulirat at umusog naman ako papalayo sa pintuan para bigyan sila ng daan.
Pero napahinto naman sila nang makita nila kaming papasok na rin sa conference room.
"Hi! You must be Architect Everleigh Carter, right?" sabi ng isa sa kasamahang babae ni Shawn.
"Hello, yes. And, you are?" tugon ko.
"Engineer Aiarein Luminea Lastimosa," nakangiting aniya.
I know her. She's my classmate when we're just in senior high school.
Nagulat ako ng kaunti nang mabilis siyang nakipag-shake hands sa 'kin kaya kahit gulat pa rin ako ay ibinalik ko rin ang pakikipagkamay sa kan'ya.
"It's nice to meet you again, Architect." She smiled after.
"Same here, Engineer," nakangiting bati ko.
Tumikhim naman bigla si Eros kaya napatingin kaming lahat sa kan'ya.
"Baka p'wede na tayong pumasok, 'di ba?" tanong niya.
Kinurot ko naman siya sa tagiliran kaya napaigik siya ng kaunti bago namin binuksan ang pintuan para makapasok na kami sa conference room.
Sa urgent meeting namin, pinag-usapan namin ang tungkol sa paghahanap nila ng architects para sa kanilang paparating na big projects at naisipan nila na kumuha ng mga architects na galing sa kompanya namin.
Ang CEO namin ang bahalang magde-decide kung saan dalawa sa architects namin ang mapupunta sa dalawang kani-kanilang engineers for each big projects.
Sa huli, napunta kaming dalawa ni Eros kila Shawn at Aia.
Ang awkward ng pagsasama namin, 'di ba?
Paano ko ba malalampasan 'to kung paniguradong magkakaroon ng tensiyon sa pagitan nila Shawn at Eros dahil sa misunderstanding na nangyari sa pagitan naming tatlo?
Darn it. Bahala na kung ano man ang mangyayari sa pagsasama naming apat.
____
Eros' Point of View
Matapos ang urgent meeting ay nasa coffee shop na kami ngayon ni Leigh.
Sa wakas at malalaman ko na rin kung ang sasabihin niya sa 'kin.
Na-curious ako lalo dahil sa pagdagdag niya ng salita na mahalaga daw ang sasabihin niya sa 'kin kaya hindi na 'yon nawala pa sa utak ko hanggang sa matapos ang urgent meeting.
Nag-order siya ng americano at ako naman ay frappuccino.
Nang makaalis na ang waitress ay ako ang umunang bumasag sa panandaliang katahimikan.
Pinatong ko muna ang magkabilang kamay ko bago pinagsalikop pareho iyon saka nagsalita.
"Ano nga pala 'yong pag-uusapan natin?" Curious na talaga ako kaya hindi ko mapigilang diretsuhin siya.
"I'll tell you when our ordered coffees are finally here," sagot naman niya kaya napasimangot ako at napanguso pa.
"Hindi na ako makapaghintay," nagsusumamo kong usal.
"Mamaya na," natatawa niyang tugon.
Sa hindi malamang dahilan, habang nakatingin ako sa kan'yang ngiti ay napangiti na rin ako ng hindi ko namamalayan.
That smile makes my heart suddenly melt.
Shit talaga.
"Hoy! Ano'ng nginingiti mo d'yan? Ito na 'yong mga in-order nating coffee oh," paalala niya habang iwinawagayway niya ang kan'yang isang kamay sa mukha ko para mabalik ako sa ulirat.
Effective naman ang kan'yang pagkaway kaya nawala ang malawak kong ngiti at tinignan ang frappuccino ko saka ako yumuko ng husto.
Feeling ko nga namumula na talaga ang magkabila kong pisngi dahil sa kahihiyang nararamdaman.
Shit! Bakit naman kasi ang ganda-ganda niya sa paningin ko?
Inlababong-inlababo na nga talaga ako.
"Eros..." tawag ni Leigh sa pangalan ko.
Pati sa pagtawag niya sa pangalan ko, napakaganda ng pakinggan.
"Eros Michael Sandoval!" Napabalik na naman ako sa ulirat dahil sa biglaan niyang pagsigaw sa buong pangalan ko.
"Ayos ka lang? Kanina ka pa kasing tulala r'yan eh," nag-aalalang tanong niya.
"O-Oo naman, siyempre ako pa," sumagot ako kahit medyo nautal pa ako.
Napailing-iling naman siya at sumimsim siya sa kan'yang kape bago nagsimulang magsalita.
"Dito na natin ititigil ang pagiging fake couple nating dalawa."
Napatigil ako sa pagsimsim sa frappuccino ko.
Talaga bang tunay na niyang ititigil ang deal namin?
Napakaayos ko na sa sitwasyon naming dalawa eh. Tanggap ko na eh.
Pero bakit?
___________________________________________________________________________________
A/N:
Sorry for the delay of updates for this novel. Hindi lang dahil ay marami akong pinapanood na k-dramas kundi dahil din sa nawawalan na ako ng creative juices para sa kwentong ito. Pero, susubukan ko pa rin ibalik ang creative juices na nagkakawala na. Kung may lutang akong moments para sa chapter na 'to, pagpasensiyahan niyo na talaga. :')
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top