Chapter 41
Chapter 41: The Whole Truth
Amirah's Point of View
Minsan talaga sa buhay, nagkakaroon ng ups and downs. 'Yong ups na 'yon ang makakapagpasaya mo at 'yong downs mo naman ang makakapagpalungkot sa 'yo.
So, what if I tell you this? That my love life has its own ups and downs too? May ups at downs din pala ang mapapala ko sa pagkakaroon ng pag-ibig sa buhay ko.
At, nararanasan ko iyon dahil sa isang lalaking tanging nagpapatibok ng mabilis sa puso ko, na nagngangalan ding Zion Nash Collins.
Katulad nang nangyayari ngayon.
"Ano na naman ba'ng pinanggagawa mo d'yan, Nash?" Namo-mroblemang saad ko habang hinihilot ko ang sentido ko.
[I'll explain first, okay? Ami, I'll explain.] aniya.
"Kung bakit ba naman kasi nakipag-away ka pa eh. Alalang-alala ako sa 'yo, hindi mo ba alam 'yon? Kung hindi pa kita natawagan ngayon, hindi mo rin ba aaminin sa 'kin na napaaway ka? Aba, Nash naman, kung hindi pa sinabi sa 'kin ni Ate Zaire mula kay Kuya Nix 'yong tungkol sa napaaway kayong dalawa sa kung sino'ng hinayupak man 'yon, hindi ko pa malalaman 'yon agad-agad," nag-aalala ngunit iritado kong komento.
[Kaya nga magpapaliwanag ako, 'di ba? Napaaway kaming dalawa ni Nix dahil nakita kong inaapi nila 'yong isang babae, muntik na nilang mabiktima kaya lumapit na kami para tulungan ang babaeng 'yon mula sa grupo ng mga gagong 'yon. Alangan namang pababayaan namin ang babae, hindi kakayanin ng konsensiya namin ni Nix 'yon, lalong-lalo na ako. Eh, hindi naman namin alam na ang lalakas palang sumuntok ng mga gagong 'yon, hindi kaagad kami nakailag kaya napuruhan kami. I'm sorry for making you worry, Ami.] Mahabang paliwanag nito.
Hindi ako kaagad nakaapuhap ng maitutugon sa kan'ya dahil nagi-guilty na tuloy ako. Ginawa pala nila iyon para matulungan ang babae na walang kalaban-laban at muntik nang mabiktima sa mga hinayupak na 'yon.
Pero hindi pa rin no'n maibabawi ang ginawa niyang pag-aalalang nararamdaman ko.
"Sa susunod, 'wag na masyadong magpapaaway, ha? Kung kinakailangan lang na mapaaway ka dahil may natulungan ka, ayos lang sa 'kin pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi na ako mag-aalala. Basta, 'wag ka na masyadong magpapaaway, sabihin mo rin 'yan kay Kuya Nix," saad ko.
['Di ka na galit, mahal ko?] Paglalambing na nito.
Natawa naman ako bago sumagot.
"Nag-aalala lang ako, hindi ako galit kagaya nang sinabi mo. At ayan, naglalambing ka na naman. Nako, nako," napapailing-iling na sagot ko.
[Sorry na ha? 'Di ko naman intensiyon na pag-aalalahanin ka eh. I love you, mahal.] Hingi pa rin nitong paumanhin.
"Ano ka ba? Ayos lang, 'no! 'Wag ka nang mag-sorry dahil ginawa mo lang ang dapat mong gawin maliban lang talaga na napaaway ka. I love you more, mahal."
[I miss you, Amirah Haven Carter.] Natawa ako dahil pina-cute pa talaga niya ang boses niya para sabihin 'yon.
"I miss you too, Zion Nash Collins. Matagal-tagal pa tayong magkikita pero sa oras na magkikita na tayo ulit, hindi ko na hahayaan sa sarili ko na mawalay pa ulit sa 'yo," I uttered, lovingly.
[Speaking of which, isu-surprise kita bukas.] Bigla na lang niyang sabi.
Kumunot naman ang noo ko sa biglaan niyang sinabi.
"Ano'ng surprise ang sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong.
[Hindi na 'yon surprise kung sasabihin ko sa 'yo ang mangyayari bukas.] Pabitin talaga ang isang 'to.
"Kainis ka naman eh—" naputol ang pagsasalita ko nang may umistorbo sa tawag namin.
"Amirah, magsisimula na ang klase natin! Halika na!" Biglang saad ng umiistorbo sa tawag namin ng aking nobyo. Si Dome.
"Sige na, mahal. Tatawagan na lang kita ulit kapag hindi na ako masyadong abala. Ba-bye, I love you ulit!" Paalam ko sabay pinarinig sa kan'ya sa cellphone ko ang kiss ko.
[Okay, ba-bye rin, mahal. I love you more!] Paalam din nito sabay ginaya ang ginawa ko sa kan'ya bago ako humagikhik at pagkatapos nama'y ipinatay ang tawag at isinilid ko ang cellphone ko sa bag.
Sumabay naman ako kay Dome dahil naghihintay rin pala siya sa 'kin.
"Sino 'yong katawagan mo?" Biglaan niyang tanong na nakapagpalingon sa kan'ya.
"Ah, 'yon ba? Nobyo ko. Bakit mo naitanong?" Tanong ko.
Bigla na lang nag-iba ang timpla sa mukha niya bago bumuntonghininga at sumagot.
"Wala naman, curious lang. Palagi ka kasing nakabantay sa cellphone mo at may tinatawagan palagi," anito.
"Ah, halata naman pala ako." Napatango-tango ako pagkatapos kong sabihin 'yon.
"Halika na nga," yaya niya nang matawa siya sa sinabi ko at hinila ako para makaabot kami on-time para sa klase.
May feelings talaga siguro itong si Dome sa 'kin. Ramdam na ramdam ko eh, halatang-halata.
____
Bigla na lang akong naalimpungatan nang may narinig akong nagdo-doorbell sa condo'ng binigay nila mommy at daddy sa 'kin dito sa States.
Kahit gusto ko pang matulog ay hindi ko magawa dahil ang ingay talaga ng door bell na 'yon. Ngayon na nga lang ako nakababawi ng tulog, may umiistorbo na naman.
Sa pagkakaalam ko, wala naman akong bisita ngayon so sino ang nagdo-doorbell?
Kaya naman ay sobrang iritado ko habang naglalakad papunta sa pintuan.
Nang mabuksan ko na ang pintuan ay halos manluwa ang mga mata ko at nawala lahat ng antok at pagkairita ko dahil sa hindi inaasahang tao na bibisita sa 'kin dito sa States.
"Surprise, mahal!" He exclaimed.
Ano ang ginagawa ng isang Collins dito sa States?
Lagot ka sa 'kin mamaya, Zion Nash Collins.
____
Shawn's Point of View
"Sige, pakikinggan kita pero one minute lang. At, magsisimula na ngayon ang one minute. Start," mabilis na pagpayag niya at pagbibilang ng numero habang nakatingin sa relo niya.
"The truth was... I never cheated on you from the very start," pagsisimula ko. Tinignan ko siya pero walang imik pa rin siyang nagbibilang habang walang pakeng nakatingin sa relo.
"Fifty-four seconds," pagbibilang niya.
"Noong napatawag ka sa mga oras na 'yon, hindi ko alam kung bakit napunta kay Veron ang cellphone ko kaya siya ang sumagot sa tawag mo. Dahil sa kalasingan niya ay ibinitiw niya ang mga salita sa 'yo na nagsasabing bagong girlfriend ko siya kahit alam niya na hindi ko kailanman siya papatulan. Bago pa mangyari ang lahat ng iyon ay pinuntahan ko siya sa isang bar para mabantayan siya dahil baka may mangyari na naman sa kan'yang masama katulad nang muntik na siyang mapagsamantalahan ng mga grupo ng kalalakihan doon at alam ko sa sarili ko na kapag may mangyari sa kan'yang masama, hindi kakayanin ng konsensiya ko iyon at lalo pa't lasing siya. Maling-mali siya sa nagawa niya pero hindi no'n maibabalik ang pagsasama nating dalawa kaya halos kinamumuhian ko siya no'n. Alam niyang may nobya na 'yong tao pero sinabi niya 'yon sa tawag mo mismo, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na 'yon d-dahil... d-dahil alam ko nang iyon na ang huling tawag mo sa 'kin at iyon na rin ang h-hiwalayan natin," pagpapatuloy ko.
Nagsisimula na ring uminit ang magkabilang sulok ng mga mata ko. Sinubukan kong tignan siya at nang tinignan ko siya ay hindi na siya nakatingin sa kan'yang relo at dumadaloy na ang kan'yang luha sa mukha niya. Hindi na rin siya nagbibilang ng numero.
"Pagkatapos nang nangyari, kahit alam kong wala ka nang paki kung ano ang kasasapitan ko, gusto ko pa rin na malaman mo kung ano ang nangyari sa 'kin kinabukasan. Alam mo bang bugbog-sarado ako ng sinasabi kong mga grupo ng kalalakihan na nagdulot sa 'kin nang pagka-coma nang mahigit sampung buwan? Pagkatapos nila akong bugbogin ng todo, sobrang nahihirapan na ako at pakiramdam ko sa mga oras na iyon ay katapusan ko na. Muntik ko nang sinukuan ang sariling buhay kung hindi lang bigla ka na lang pumasok sa isipan ko at nai-imagine ko ang mga panahong nakasama kitang masaya ka palagi. Dahil sa 'yo, hindi ko sinukuan ang sarili kong buhay at sinabi ko pa sa sarili ko na kaya siguro binigyan ako ng Panginoon na mabuhay ng ikalawang pagkakataon ay para gawin ang mga dapat kong gawin sa buhay ko na ikasasaya ko at isa na roon ang makita kang muli, Leigh."
"And, I just want to say sorry to you. I'm sorry. Kung naiirita ka na sa 'kin, kung hindi mo na ako gustong makita ulit, kung naki-creepyhan ka na sa 'kin dahil palagi kitang isini-stalk, siguro hahayaan na kita. Pasensiya na kung naging desperado ako sa 'yo kanina para lang magpaliwanag sa totoong nangyari noon. I say, this will also serve as a closure between the two of us. May bago naman nang nagpapasaya sa 'yo, si Eros 'yon, 'di ba? As long as you're happy, I'm also happy too."
"S-Shawn..." hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.
"Siguro, titigilan na kita. Do what makes you happy, Leigh. Kahit hindi na siguro ako ang nagpapasaya sa 'yo, ayos lang dahil may iba nang nagpapasaya sa 'yo. Ilang taon na rin naman ang nakalilipas, siguradong naka-move on ka na. I still love you but I won't make a move," naiiyak na pahayag ko.
"I'm sorry, again, pangit..." usal ko bago siya tinalikuran at naglakad na papalayo.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa mga mata ko at nagtuloy-tuloy iyon hanggang sa humihikbi na ako nang maisipan kong tumigil at sumandal. Hinayaan ko lang ang sarili kong magmukmok doon dahil sa sobrang bugso ng damdamin.
Is this really the end for the both of us?
I think so . . .
___________________________________________________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top