Chapter 40
A/N: Woah! I made it this far, finally! After 2 years, nakaabot na rin ako sa chapter na 'to. Malapit na po talagang matapos ang kuwentong ito kaya subaybayan niyo po ang kwento nila Shawn, Leigh, at Eros para malaman niyo na kung sino ang nakatadhanang lalaki para sa buhay ni Leigh. :>
Chapter 40: Desperate Begging
Shawn's Point of View
Noon, akala ko 'yong mga babae lang ang maghahabol sa 'kin at wala naman akong pinagsisisihan doon dahil ang ibig sabihin no'n ay kilala nila ako o mas tamang sabihin ay sikat.
Hindi ko nga naisip noon na maghahabol ako ng babae at magmamahal ako ng gano'n kalala. Wala 'yon sa bokabularyo ko noon dahil kuntento na ako sa kasikatan na mayroon ako, idagdag pa na isa ako sa anak ng may-ari ng paaralang Parker High.
Ngayon ay napapailing-iling na lang ako sa mga sinasabi ko noon, napakalaking kasinungalingan. I only ate my own words because of that certain lucky girl who captures my heart accidentally and unintentionally.
Ngayon ay ang masasabi ko lang, hindi sapat ang kasikatang mayroon ako dahil nawawala naman 'yon pero 'yong babaeng mamahalin ko sa buhay na 'to ay hindi naman mawawala.
Desperado na kung desperado, pero gusto kong siya ang magiging kapares ko hanggang sa huli kong hininga. I am really fallen deeply in love with her, still. After all this years, I didn't let my feelings for her fade.
Hindi ko hinayaang may makapasok na ibang taong maglalaman sa puso ko kung hindi ang babaeng mamahalin ko habang buhay lamang ang hahayaan kong makapasok sa puso ko dahil siya ay ang nagmamay-ari nito. It's Everleigh Carter only.
Sa kan'ya lang ako magiging alipin at mamahalin ko habang buhay. Hindi ko siya ipagpapalit kaninuman.
And, I will make it up to her as soon as possible. I want to make things clear with her. I want her to listen my reason, which is the whole truth, about what happened that day when she just broke up with me without hearing my side, without me trying to explain why.
I am so upset that time and it took me a long time to move on. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakamove-on sa nangyaring break up naming dalawa. Unti-unti na rin naghihilom ang sugat sa puso ko.
Hindi ko nga rin alam kung paano ko nakayanan na labanan ang buhay ko mula sa kamatayan noong nalaman kong na-coma ako for ten months. After ten months, the first person I saw when I woke up was Veron.
Grabe 'yong pagkamuhing nararamdaman ko kay Veron sa panahon na 'yon not until she cleared out the things she messed up big time while I listened to her.
-FLASHBACK-
"B-Bakit ka nandito? A-Ano'ng ginagawa mo rito? T-Teka, nasaan ako?" Sunod-sunod na tanong ko pagkatapos kong nilinga-linga nag paningin ko. Pulos puti ang nakikita ko.
"Shawn, you're here in the hospital. I was the one who help you get in here... nine months ago," aniya kaya bigla akong napatigil sa paglinga dahil sa huling sinabi niya.
"N-Nine months ago? W-Wait, ano ba'ng nangyayari? B-Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin, V-Veron?" Kahit nahihirapan ako magsalita ay pinilit ko pa rin ang sarili ko para maliwanagan ako sa mga nangyayari.
"You... were in coma for about ten months... Shawn. Ngayon ka lang gumising ulit pagkatapos ng mahabang tulog mo," mahinang sabi niya.
Hindi ko pa napo-proseso ang mga sinabi niya sa 'kin kaya hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa nangyayari.
"You know what, Shawn? You should probably get some rest. Kailangan mo pang magpalakas at mabilis na maka-recover," pag-iiba niya ng usapan.
"I-Ikaw, bakit ka nandito? A-Ano ang ginagawa mo rito? H-Hindi pa ba sapat na sinira mo ang r-relasyon namin ng babaeng m-mahal na m-mahal ko?" Puno ng pagkamuhi ko iyon ng tinanong ko sa kan'ya iyon.
"S-Shawn... I-I... I-I'm sorry." 'Yon lang ang nasabi niya. Hindi ako makapaniwala sa biglang pagsabi niya ng gano'n.
"'Y-Yon lang? S-Sorry lang? H-Hindi mo ba alam kung gaano k-kasakit sa 'kin na n-naghiwalay kami ng babaeng m-mahal na m-mahal ko dahil sa k-kagagawan mong w-walang k-kwenta, ha? T-Tell me, is your sorry e-enough to ease the pain that I'm f-feeling right now?" Hindi ko na mapigilang ibuhos ang pinipigilan kong mga luha sa harap niya.
Akma na sana niya akong hahawakan nang sumigaw ako ng biglaan na nakapagpagitla sa kan'ya.
"V-Veronica Aisle Lastimosa, you may now leave. L-Leave this room once and for all!" Maawtoridad na sigaw ko.
Walang sabi-sabi ay lumabas siya kaagad ng room na 'to kaya roon lang ako kumalma. Napabuntonghininga ako at mariin kong ipinikit ang aking mga mata bago bumalik sa pagkakahiga dahil sa bigla akong nahilo.
___
"S-Shawn, I need to tell you something, if you don't mind?" Bigla na lang ako nakarinig ng ingay mula sa pagsasalita niya.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako alinlangang tumango kaya lumapit siya sa 'kin.
"I just wanted to apologize to you for what happened. I know it must be so hard for you that Leigh suddenly breaks up with you because of what I've done. Hindi ko iyon sinasadya. Oo, alam kong maling-mali ako sa parte na 'yon kahit pa lasing ako nang sabihin ko 'yon sa tawag niya dapat para sa 'yo pero kinuha ko ang cellphone mo. I was desperately hoping that time to get a chance with you as being my boyfriend. I like you. To the point that I almost have an obsession with you. Nagawa ko 'yon dahil sa inggit at selos kasi gusto kita, gustong-gusto kita. I was also full of hatred to her. Sinaktan ka niya nang makailang-beses pero nagkabalikan na naman kayo ulit kaya nagalit ako ng husto para sa kan'ya. Even though I was really drunk that night, hindi ko dapat pinakialaman ang cellphone mo at sabihin kay Leigh na may bago ka nang girlfriend at ako iyon. I know I was being unreasonable that's why I'm here sincerely apologizing to you for what happened. Kung may maitutulong man ako para lang magkabalikan kayo ulit, gagawin ko 'yon ng buong puso. Hindi na ako maninira ng ibang relasyon lalo na't hindi ko naman mapipilit ang isang taong wala naman talagang nararamdaman sa 'kin sa simula pa lang. What I'm feeling right now is unrequited. Pero mawawala naman 'to. And, I truly regret it so much, I'm so sorry, Shawn. It's okay if you don't want to forgive me for what I did because I understand."
"Sige, lalabas muna ako," paalam niya pagkatapos ng kan'yang mahabang pagsasalaysay para lang humingi siya ng paumanhin sa 'kin saka siya tuluyang lumabas.
I was lost for words when she explained all of that. But right now, my hatred for her does not fade. Hindi ko pa siya kayang patawarin ngayon. Hindi pa.
-END OF FLASHBACK-
Now that I came back here in the Philippines for good, I wanted to explain to Leigh about what happened five years ago.
Alam kong hindi magiging madali dahil ikalawang pagkakataon ko na siyang nasaktan nang hindi ko sinasadya at pinagsisisihan ko na.
Kaya naman ay naisipan kong sundin si Leigh kahit saan siya magpunta. Alam kong creepy pero 'yon lang ang naisip kong paraan para masubaybayan siya kung saan siya pupunta dahil naghahanap pa ako ng tamang tiyempo para magpaliwanag sa kan'ya ng maayos. Bahala nang maging stalker ako sa kan'ya kahit ngayon lang.
At mukhang napapansin niya rin na sinusundan ko siya kaya roon muna ako tumigil sa pagsusunod sa kan'ya at hinayaan muna siya.
_____
Everleigh's Point of View
"Eros, I saw him. Dito na magsisimula ang pagpapanggap mo bilang fake boyfriend ko," paalala ko sa kan'ya kaya tumango siya. I clinged into his arms like a lazy cat.
"Boyfie, gusto mo ba ng makakain? Hmm?" Kunwaring paglalambing ko kay Eros habang sinusulyapan kung nand'yan pa ba ang gagong 'yon sa paligid namin.
"Sure naman, lov—" napatigil sa pagsasalita si Eros nang biglang sumulpot sa harapan namin ang lalaking palaging sumusunod sa 'kin.
Ang gagong kinamumuhian ko ng husto.
"Architect Carter, can we talk for a moment?" Seryosong tanong niya habang tinitignan niya ang magkahawak na naming kamay.
"Payag ka ba, boyfie?" Nakangiting tanong ko kay Eros. Pinanlakihan ko naman siya ng mata.
"P'wede namang dito mo na lang sabihin kung ano ang pakay mo sa nobya ko. Hindi naman siguro 'yan gano'n importante, 'di ba?" Seryosong saad niya sa lalaki.
"This is private and it is more important as ever," sagot naman ng gago.
I saw Eros smirked and saw the asshole's jaw clenched creating a tension between them.
Huminga na lang ako ng malalim at nagsalita na para mawala ang namamagitang tensyon sa kanilang dalawa.
"Sige, papayag na ako pero sandali lang ito," sagot ko na nakapagpatingin nilang dalawa sa 'kin.
Binulungan ko naman si Eros bago siya tumango-tango. Pero ang bigla na lang niyang ginawa ay hinalikan niya ako sa noo na nakapagpatigil sa 'kin.
"Good bye, love," nakangiting pamamaalam ni Eros at kinawayan niya ako kaya kahit hindi pa napo-proseso sa isipan ko ang ginawa niyang paghalik sa 'kin ay kinawayan ko siya pabalik bago ko namalayang hinila na ako ng lalaking panira sa moment.
Hanggang sa napunta kami sa hindi mataong lugar. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil hindi pa rin siya nagsasalita at tinititigan lang ako.
"Oh, ano ang sasabihin mo sa 'kin, Engr. Parker?" Tanong ko, nababagot na kakahintay.
"Pangit..." natigilan ako nang marinig ko ang salitang iyon mula sa bibig niya.
"I'll explain everything that had happened five years ago, pangit. Please listen to me just this once," he begged.
"Wala tayong dapat pag-usapan pa, Engr. Parker. Past is past, 'yon ang mahalaga," I answered him coldly and I tried to walk away but he suddenly kneel in front of me which made my eyes wide open.
"Please, just this once. You need to know the whole truth, Leigh. I'm begging, desperately begging to you just to listen my explanation," he begged desperately.
What did he mean by the whole truth?
Hindi pa ba sapat ang mga narinig ko noon mula sa tawag niya na sinagot ngi bang babae para lang i-anunsiyo na siya na ang bagong nobya ng manlolokong ito?
So, ano ang ipinaglalaban niya?
Why did he sounded desperately begging just to let me listen to his nonsense explanation?
This guy really keeps getting into my nerves.
___________________________________________________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top