Chapter 4
Chapter 4: Call
Everleigh's Point of View
Pagkatapos ng klase namin sa history ay nagligpit na ako ng mga gamit ko. Naramdaman ko ang titig ni Shawn sakin pero hindi ko na lang iyon pinansin at sa halip ay ipinagpatuloy ko ang pagligpit ng mga gamit ko.
Hanggang sa magsalita siya na hindi ko naman inaasahan.
"Tutulungan kitang iligpit ang mga gamit mo." Sabi niya.
"Hindi na. Kaya ko naman ito." Sabi ko.
"Okay. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo eh." Sabi niya.
Hindi na ako nagsalita kasi baka mangungulit na naman siya sakin at dumaldal pa ito.
Teka, bakit bigla nalang siyang bumait? Ehh kahapon lang naman ay nag away kami. Ano ba ang nakain niya?
At kanina lang din ay humingi siya ng tawad sakin. Hindi naman ako nagpa-uto sa kanya baka hindi naman totoo ang mga sinasabi niya.
Nagsalita na naman siya. Hay, nakakainis.
"Ummm, meron ka bang gagawin ngayon?" Tanong niya.
"Meron. Madami akong kailangang gawin dito at doon sa bahay." Sabi ko. Kahit wala naman akong gagawin ngayon. Gusto ko nang lumabas at lalayo sa lalaking ito.
"Sayang. Gusto ko lang naman kitang yayayain sana sa bahay namin." Saad niya.
"At ano naman ang gagawin ko dun?" Humarap ako sa kanya para pagtaasin siya ng kilay.
"A dinner. I just want you to meet my family and have a dinner." Pagkaklaro niya.
"A dinner? Pag-iisipan ko muna baka naman hindi yan totoo ang mga sinasabi mo dyan." Hindi kumbinsidong ani ko. Nainigurado lang ako kung totoo ba ang mga sinasabi niya.
Tumingin ako sa bag ko. Hindi ko pa pala natapos ang pagliligpit ko. Bakit ba kasi ang daldal ng lalaking ito? Pati ako nadala sa kadaldalan niya. Tch.
Pagkatapos kong magligpit ng gamit ay meron akong nakalimutang sasabihin sa kaniya. Humarap ako sa kanya at nagsalita ako.
"Teka. Ano ba ang nakain mo? Bakit bigla ka nalang bumait? Ehh kahapon lang ay gusto mong makipag-asaran sakin. Sagutin mo ako." Sunod-sunod na tanong ko. Nakakapagtaka kasi, ano ba ang nakain niya ngayong araw?
Naghintay ako sa kung ano ang isasagot niya pero mukhang nag-isip pa siya kung ano ang maaaring isasagot sa kanya.
Naiinip na ako dito. Mukhang nagsasayang lang ako ng oras dito. Dapat hindi nalang ako nagtanong sa kanya.
"Ummm, gusto ko lang namang magsorry sayo at makipagkaibigan." Sabi niya.
Kumbinsido naman ako sa sagot niya.
"Okay. Basta hindi pa kita mapapatawad at makipagkaibigan sayo ngayon. Baka hindi ka pa nagbabago." Sabi ko.
"Okay, okay. I understand. So if you wanna go to my house, call me, okay?" Sabi niya.
"Okay." Maikling sabi ko.
Pagkatapos kong makipagdaldalan sa kaniya ay lumabas na ako ng room at inilabas ko yung phone ko at tinawag si Amirah. Sigurado naman akong nagdala siya ng phone ngayon.
~Ring~
~Ring~
~Ring~
~Ri---
"Hello sis." Pagbati ko.
[Hello ate.] Pagbati niya din sakin.
"Nasaan nga pala yung room niyo? Sabay tayong pupunta sa canteen." Tanong ko.
[Uhmm sa taas ateh. Sa unang room.] Sabi niya.
"Ahh, okay. Pupuntahan kita dyan. Bye." Sabi ko.
[Sige ate. Bye.] Sabi niya.
In-end ko na ang call at pumunta na din sa taas at nakita ko naman kaagad yung room nila kaya naglakad lang ako.
Nakita ko naman agad si Amirah. Lumapit ako sa kanya.
"Tara na. Kain na tayo, I'm sure nagugutom ka na." Sabi ko.
"Ate, bakit alam mo na nagugutom na ako?" Tanong niya.
Natawa ako. "Alam ko kasi na madali kang magutom. Ang takaw mo kaya." Sabi ko.
"Hindi kaya." Sabi niya.
"Sige na. Mamaya na ang daldal." Sabi ko.
"Opo ate." Sabi niya.
At naglakad kami papuntang canteen. Kailangan pa naming bumaba ng hagdan kasi nasa taas kasi ang room nila.
Umupo si Amirah sa may bakanteng upuan.
"Amirah, mag-oorder lang ako ng pagkain. Dyan ka muna hah?" Sabi ko.
"Opo ate. Dito lang po ako. Hihintayin kita." Sabi niya.
Naglakad ako at lumapit na rin para makapag-order na ako.
"Ate, dalawang kanin at isang fried chicken at isang egg. Dalawa ding coke." Sabi ko.
Tumango lang si ateh at isa-isa niya akong binigyan non.
"Salamat ateh." Sabi ko.
"Your welcome ma'am." Sabi niya.
At lumakad na ako papalayo at pumunta sa upuan naming dalawa ni Amirah.
"Eto na. Kain na tayo." Sabi ko.
"Wow. My favorite food, fried chicken." Parang batang sabi niya.
Natawa tuloy ako. "Sige na kain ka na kung hindi ka kakain uubusin ko ang fried chicken mo. Sige ka." Pananakot ko.
"Wag naman po ate." Nakangusong sabi niya.
Kumain na din siya at kumagat sa fried chicken.
Kumain na din ako kasi gutom na din ako.
"Ang sarap ate. Bili tayo ulit nito pagkatapos ng klase." Magiliw na sabi niya pagkatapos naming kumain.
"Hindi pwede. Pagalitan ka ni Mommy pag-uwi natin." Paalala ko.
Nakasimangot siya. Natawa tuloy ako.
"Wag ka nang malungkot. Bibili din tayo, next time." Sabi ko.
Nagliwanag ang mukha niya. "Talaga ate?!" Tumango ako. "Yes! Thank you ateh. Your the best ate to me. I love you ateh." Sabi niya.
Nakakataba ng puso yung mga sinasabi niya.
"Your welcome, Amirah. And your the best sister to me. I love you too." Sabi ko.
Yumakap siya sakin. Ang sarap pala sa pakiramdam na meron kang kapatid na kagaya ni Amirah. Maswerte ako na naging kapatid ko siya.
Kumalas na siya sa pagyakap sakin at tiningnan ako.
"Ohh, ate. Bakit ka pinangiliran ng luha dyan?" Sabi niya.
Hindi ko man lang namalayan na pinangiliran ako ngayon ng luha.
"Ehh kasi, ang swerte ko dahil naging kapatid kita." Sabi ko.
Lumapit siya sakin at saka bumulong.
"Ate, wag kang magdrama dito. Nasa canteen tayo oh."
Oo nga pala nandito kami sa school. Baka magdrama ako dito. Nandito pa kasi kami sa canteen.
"Tara na. Baka malate tayo sa susunod na subject natin." Sabi ko.
"Sige ate." Sabi din niya.
Tumayo na din ako. Naglakad kami at hinatid ko muna siya sa room niya.
"Bye sis." Sabi ko.
"Goodbye din, ate. Magkita tayo pagkatapos ng klase ahh?" Sabi niya.
"Oo naman. Sige na pumasok ka na." Sabi ko.
Pumasok na din siya sa loob at pinanood ko siyang umupo sa kaniyang upuan at pagkatapos ay umalis na din ako at naglakad patungo sa room ko. Pumasok na ako sa room at bigla nalang nawala yung ngiti ko nang nandyan na naman yung asungot na yun. Naalala ko bigla yung sinabi niya kanina. Pupunta ba ako o hindi?
Umupo na ako at doon ako nag-isip.
Naramdaman kong lumingon siya sakin pero hindi ko siya pinansin. Busy ako sa iniisip ko.
Hindi din siya nagsalita at ibinalik ang tingin sa harap.
Pupunta ba ako sa bahay niya o hindi nalang?
Ano ba naman 'yan nakakalito naman. Mamaya ko nalang iisipin baka mas lalo lang akong malilito. Sakto naman ang dating ng Prof. namin sa Science.
Nakinig nalang ako sa mga sinasabi ni Prof.
~Discuss~
~Quiz~
~Dismiss~
Ang bilis naman ng klase namin sa Science. Pero bahala na, hindi ko naman gusto ang Science subject eh. Mas gusto ko yung English namin.
"So nakapag-isip ka na ba?" Nagulat ako dahil bigla nalang siyang nagtanong.
"Ayy! Ano ba?! Bakit nanggugulat ka?" Inis na tanong ko.
"Hindi naman kita ginugulat ehh. Tinatanong ko lang naman kung nakapag-isip ka na ba sa mga sinasabi ko kanina?" Tanong niya.
Ano ba naman yan. Hindi pa nga ako nakapag-isip ehh at tatanungin pa ako kung nakapag-isip na ba ako. Stupid. Tch.
"Hindi pa. Kung tatawag ako sayo mamaya, it means na pumayag na ako sa gusto mo pero kapag hindi, hindi." Sabi ko.
"Okay. If you say so." Sabi niya.
Palagi kong nadidinig yang 'Okay. If you say so' na yan. Nakakainis.
Tumayo ako at kinuha yung bag ko. Tsaka ako padabog na lumabas ng room. Hay.. nakakabuwisit naman ng lalaking yun. Hindi ko man inabalang iligpit yung gamit ko kasi nakakainis talaga yung lalaki na yun.
Umakyat ako para sunduin si Amirah. Biglang nawala yung inis ko.
Nang makita ko siya ay lumapit ako sa kanya.
"Hi sis. Uwi na tayo." Sabi ko.
"Hello ate. Sige po ate. Gusto ko naman po kasing umuwi eh." Sabi niya.
Sabay kaming bumaba ng hagdan at lumakad na papalabas. Nakita naman namin kaagad yung driver namin kaya pumasok na si Amirah sa kotse at sunod ako. Pagkatapos ay isinara ko na. Pinaharurot naman ni Manong yung sasakyan at saka umalis na din kami sa school.
Pagdating namin sa bahay ay umupo si Amirah sa dining area at kumain ng sandwich. Ako naman ay dumiretso na sa kwarto.
Inilapag ko yung bag at saka ako humiga sa kama.
Dapat ko ba siyang tawagan?
Bahala na nga. Pagbibigyan ko siya ngayon.
Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si asungot. Sinagot naman niya iyon.
"Sige. Papayag ako. Pupunta ako dyan sa inyo. Magbibihis lang ako." Sabi ko.
[Sige. Susunduin kita. Teka nasan ka nga pala nakatira?] Sabi niya.
"Malapit lang sa school natin. Sa left ka dumaan. Sige bye." Sabi ko.
Bago pa siya makapagsabi ng Goodbye ay ibinaba ko na ang phone. Dumiretso ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagdamit ako ng dress na green. At pinacurly ko yung buhok ko at nagliptint din. Nagsandals din ako at pagkatapos ay dinala ko yung purse ko. I'm ready.
Lumabas na ako ng room. Sumalubong sakin ang nagtatakang tingin nina Amirah, Mommy, at Daddy.
"Ahh, Mom, Dad, Sis. May pupuntahan lang ako." Sabi ko.
"Bakit, anak? May kasama ka ba?" Tanong ni Mommy.
"Opo, Mommy. Susunduin niya ako rito."
"Alam niya ba kung nasaan tayo nakatira?" Tanong ni Daddy.
Lumingon ako kay daddy. "Opo, daddy. Malapit lang naman tayo sa school namin ni Amirah." Sabi ko.
Tinanguan lang ako ni Daddy so it means papayagin akong umalis ni Daddy. Tumingin ako kay Mommy.
"Sige, anak. Payag ako basta wag kang magpapagabi masyado." Sabi ni Mommy.
"Okay po Mommy. Sige na mommy, daddy, sis aalis na po ako. Bye." Hinalikan ko sila sa pisngi at umalis na din.
Naghintay ako kay asungot. Nasaan na ba yun? Tawagan ko na nga lang. Kinuha ko phone ko at tinawagan siya ulit. Sinagot naman niya.
"Ohh nasaan ka na? Naghihintay na ako rito." Tanong ko.
[Malapit na ako. Nakita na kita.] Sabi niya.
Tumingin naman ako sa daan at ayun nga siya. Paparating na. Infairness ang ganda ng sasakyan niya ahh.
Ibinaba ko nalang yung phone ko.
Hanggang sa huminto ang sasakyan at lumabas siya.
"Wow. You look gorgeous." Namamanghang sabi niya.
"Thank you." Sabi ko nalang. First time kong marinig sa kanya na pinuri niya ako kaya naman parang may kumiliti sa tiyan ko na hindi ko alam kung aan 'yon naman nanggaling.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay na rin ako sa front seat katabi niya.
At pumasok na din siya sa loob. Pinaandar na niya yung kotse at umalis na din kami. Bakit nga ba ako pumayag na makipagdinnerdate sa kanya?
___________________________________________________________________________________
Edited: July 25, 2021
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top