Chapter 39
Chapter 39: A Deal is A Deal
Everleigh's Point of View
"P'wede na ba akong bumalik doon, Mister Parker? Tapos ka naman na akong kausapin, 'di ba?" I said, nonchalant.
Parang nabalik pa siya sa ulirat dahil sa katititig sa 'kin kaya muntik na akong mapairap kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko. Oh, ano ka ngayon? Gandang-ganda ka na sa 'kin ngayon pagkatapos mo akong ipinalit sa ibang babae?
"O-Oh, yeah. R-Right," aniya. He pressed his lips after.
Kung hindi ko lang ikinuyom ang kamao ko ay baka hindi ko maisauli sa kan'ya ang panyong ibinigay niya para pahiran ko ang luha kong hindi ko alam kung bakit tumutulo kahit unnecessary lamang iyon.
"Ito pala 'yong panyo mo. Salamat," walang emosyong pasasalamat ko at walang pakialam na diretsong ibinigay sa kan'ya ang panyo niya.
"Sige, babalik na ako," paalam ko at tuluyan ko na siyang tinalikuran at lumayo pabalik sa main place ng event.
Habang naglalakad ako pabalik doon ay inaalala ko kung paano ko kinayang kausapin siya ng gano'n ka-kaswal kahit nini-nerbyos na ako kanina kung paano ko siya haharapin.
Pero tang ina niya, parang walang nangyari sa amin noon kung makapagsalita siya na 'I don't want to see you crying'. Eh, tarantado pala siya eh.
Ugh! I hate him so damn much! Sasampalin ko talaga ang gagong 'yon kapag nagkita kami ulit at ipapamukha sa kan'ya kung sino ang iniwan at ipinalit niya sa 'kin. Cheater will always be a cheater.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko bago nagpatuloy sa paglalakad.
Nang makarating na ako roon sa wakas ay muntik na akong mapasigaw dahil may nabanggaan ako sa kung sino. Akala ko mapapasalampak ako sa sahig na makakapagpahiya sa 'kin ng husto kaya napapikit na lamang ako ng mariin pero mga ilang segundo pa rin ay hindi pa rin ako napasalampak sa sahig kaya iminulat ko ang mga mata ko at ang unang bumungad sa 'kin ay ang taong siyang kinamumuhian ko.
Pero hindi ko namamalayan na nalulunod na ako sa sariling mundo dahil sa uri ng pagkakatingin niya sa 'kin na nakapagparamdam sa 'kin na kami lang dalawa ang nandirito ngayon, na para bang may sarili kaming mundo ngayon.
While staring into his eyes, I can totally see a lot of emotions inside it. Sadness, hopeful, begging, longing and . . . love.
Love . . .
Bigla na lamang ako napabalik sa ulirat dahil sa salitang iyon at umayos ako ng tayo saka pinagpagan ang sariling damit.
"Thank you, again," pasasalamat ko ulit at tinalikuran ko ulit siya saka hinanap si Zaire at si Eros.
Nahanap ko naman agad si Zaire na nasa stage pa rin ngayon kaya hinanap ko na lang si Eros para may kasama ako. Baka sumusunod ang gagong 'yon sa 'kin, mahirap na baka maging stalker ko siya. Creepy.
What did I just saw in his eyes? Love? Nahihibang na ba ako para sabihin 'yon? Imposibleng pagmamahal 'yon, 'di ba? Oo, imposible. Nangloko ang gagong 'yon sa 'kin noon kaya bakit deni-describe ko ang mga mata niya ng may emosyon ng pagmamahal? Kalokohan. Isang malaking kalokohan.
Habang nasa kasagsagan ako ng malalim na pag-iisip ay may biglang kumalabit sa 'kin na nakapagpalingon sa 'kin kaagad dahil sa kaba at dahil baka ang gagong 'yon na naman ang kumalabit sa 'kin.
Muntik ko pang masigawan ang taong kumalabit sa 'kin kung hindi ko lang siya tinignan nang mabuti at nang maaninag ko ang kan'yang mukha ay nakahinga ako ng maluwag. Si Eros lang pala.
Hay nako, mabuti na lang at hindi 'yong inaasahan ko ang kumalabit sa 'kin dahil kung 'yong inaasahan ko ang kumalabit sa 'kin, baka hindi ko na kayanin ang sarili ko na magpa-kaswal na lang at baka masampal ko siya ng 'di-oras.
Pero wait, inaasahan? Aba, hindi dapat ako mag-iisip ng gan'yan. Hindi ko naman siya inaasahan. Hindi naman talaga. Oo, hindi talaga.
"Everleigh, nand'yan ka pa ba?" I went back straight into my senses when Eros says something.
"A-Ah, ikaw pala 'yan, Eros. O-Oo naman, siyempre," walang sense na sagot ko.
Ang dahilan, ayon, natawa siya sa napakawalang kwenta kong sagot sa kan'ya. Para hindi ako mapahiya ay tumawa rin ako ng sabay sa kan'ya dahil talagang napahiya ako sa kagagahan ko.
"Anyway, p'wede ba kitang samahan kahit saan ka magpunta? Napapansin ko kasing wala ka sa sarili mo kanina pa lang eh," anito pagkatapos niya akong pagtawanan dahil sa napakawalang kwenta kong sagot.
"Ah, 'yon lang ba? Sure, wala namang problema sa 'kin," saad ko. Nginitian naman niya ako.
Kailangan ko rin naman si Eros ngayon sa tabi ko dahil baka magkita na naman kami ng lalaking 'yon at baka magawa ko ang pinagsasabi ko sa isipan ko kanina tungkol sa kan'ya.
Ayaw ko namang gawin 'yon dahil baka pati ako ay mapahiya sa gagawin ko sa kan'ya at baka maging talk of the town kami ng wala sa oras. Sa rami ba namang taong nandito sa reunion na 'to, tignan na lang natin kung hindi ba 'yon kakalat.
___
Eros' Point of View
(A/N: This is the first-ever POV of our second lead, Eros Michael Sandoval. Bantayan niyon maigi ang sarili niyo kung hindi niyo gustong magka-second lead syndrome. HAHAHA.)
By the looks of it, I can clearly see wht's bothering Everleigh so much.
Nakita ko kanina kung ano ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Nasaksihan ko ang lahat-lahat.
Kahit tagong-tago ako ay hindi ko ipinalagpas sa pandinig ko ang pag-uusap nilang dalawa sa ibang building.
I know she's hurt deep inside but I smiled a little hearing how casual she is when she had a conversation with her ex.
I felt proud at the sight of it.
Thankful nga ako dahil naging close kaming dalawa pagkatapos nang pagkalinawan namin sa restaurant na 'yon.
And it was at this moment that I know, I am totally fucked up so damn much.
I like her before. Just a 'like'. Just an admiration and adoration.
But now, why does my heart is telling me that I have fallen in love with her?
Is it possible? To have fallen in love when you thought you just like that person?
Napatunayan kong naging kakaiba ang pagpintig ng puso ko nang makita silang malapit sa isa't isa. Si Shawn na nakahawak sa bewang niya at siya nama'y nakahawak sa balikat nito na parehong nakatitig sa isa't isa.
Hindi ko kayang tagalan ang nasasaksihan ko kaya naman ay mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanila at pinagtuonan na lang ng pansin ang nagsasalita ngayon sa harap na si Zaire. Siya kasi ang emcee.
____
"Eros, p'wede ba kitang makausap? Sandali lang 'to," tawag ni Everleigh sa pansin ko at nagmamadali siyang lumapit sa 'kin.
"Sure," tugon ko kaya naman ay bigla na lang niyang hinaklit ang braso ko at hinila ako papunta sa opisina niya.
Nang makapasok kami sa opisina niya ay roon siya nagsimulang magsalita na nakapagpagulat sa 'kin.
"Favor lang 'to ah. P'wede ka bang maging fake boyfriend ko? Ititigil ko lang to kapag gusto ko nang tumigil," paghingi niya ng pabor sa 'kin.
Nang ma-proseso ko na ang pinagsasabi niya, I crossed my arms while smirking at her.
"Give me one good reason why I should accept your favor," hamon ko.
"Palaging nakasunod sa 'kin ang lalaking 'yon! Nakakailang at nakakainis na! Naki-creepy-han na ako sa kan'ya! Hindi ko na siya kinakaya," she blurted out.
I chuckled because of how the way she toned and said those words to me. Ang cute lang.
"Okay, favor accepted," I agreed.
Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin base sa rason niya pa lang. Kailangan niya nang magbabantay sa kan'ya. At, ako ang napili niya para bantayin siya mula sa ex niya.
She suddenly squealed then hugged me. Dahilan para matigilan na naman ako.
Pagkatapos niya akong yakapin ay inilahad niya ang kamay niya sa 'kin.
"A deal is a deal, Eros," saad niya kaya naman ay tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay at nakipag-handshake kami sa isa't isa.
"Then, a deal is a deal it is, Everleigh," I replied back.
Nginitian naman niya ako na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.
As long as I see her genuinely smiling because of happiness, I'm willing to take the risk when I'm with her.
I could do everything just for her.
Just for Everleigh Carter only.
___________________________________________________________________________________
A/N: I'm into k-dramas this days at isa na roon ang Cheer Up na naglalaman ng love triangle trope. Dahil sa na-inspired ako, isinulat ko ang love triangle trope na 'yon dito sa kuwento na 'to.
Sino kaya ang magiging ka-endgame ni Leigh? Well, let's see for the next chapters.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top