Chapter 38
Chapter 38: Casual Talk
Everleigh's Point of View
Naiinis ako, sobra! Eh, paano ba naman kasi ang hapit nang gown sa 'kin at hindi ako komportable sa dress na 'to. Backless pa siya kaya mas lalong nakakadagdag ng pagka-uncomfortable sa kaloob-looban ko.
Kanina pa ako reklamo ng reklamo tungkol dito sa dress ko eh ito namang si Zaire, ipinagpipilitan pa rin niyang suotin ko ang dress na 'to kaya wala akong choice kung hindi ay suotin na lang ang dress. May kasama rin naman kasing pinaka-main reason kung bakit kailangan ko talagang suotin ang dress na 'to kahit hindi ako komportable. Ugh!
-FLASHBACK-
"Oh, ano na namang mukha 'yan? 'Di ka ba happy para sa reunion ngayon, Leigh?" Pang-aasar ni Zaire sa harap ng pagmumukha ko.
Sinamaan ko naman siya ng tingin na lalong nakapagpatawa niya kaya nginusuan ko na lang siya pagkatapos dahil wala talagang epekto ang pagpupukol ko ng masamang tingin sa kan'ya bago nagsalita.
"Kailangan ko ba talagang suotin 'to? Ang hapit-hapit niya t'saka tingin ko, mukha akong nakahubad dahil backless ito," reklamo ko.
"Hay nako, Leigh. Face me first and I will you the main reason why you should wear that dress," aniya nang humarap ako sa kan'ya at sabay turo niya sa dress na isinuot ko.
"Naiinip na ako sa tagal mo ba namang magsalita ng rason," maktol ko.
"'Di ba sa reunion ngayon ay invited lahat ng estudyante na nakapag-aral sa Parker High? When I mean all, I mean even those people who doesn't graduate in this school but they studied here. At, isa na roon ang ex mo. Walang hindi makakatanggi sa invitation na ipinadala namin sa kanila dahil nakasaad na roon na hindi na p'wedeng mag-back out. You want to have a beauty revenge, Leigh, right? Kaya nga ito ang ipinasuot ko sa 'yo para mas magiging makamandag ang kagandahan na mayroon ka at baka maglaway pa 'yong ex mo kakabunganga sa labi niya dahil sa amazement na nararamdaman," mahabang paliwanag niya.
She has a very good point but . . . I'm not comfortable talaga eh.
Napabuntonghininga na lang ako at pumikit ng mariin bago sinalubong ang tingin niya at tumango ng seryoso. Bahala na, basta ba makapag-beauty revenge lang ako sa gago na 'yon.
After naman nitong reunion na 'to, hindi naman na ito maibabalik ulit. Hindi ko na 'to susubukan ulit.
"That's the spirit, girl! Sige na, kaunting handa na lang, tapos ka na at p'wede ka nang rumampa sa entrada ng paaralan," malakas na utos na aniya sa 'kin.
Ang dami talagang pinaghandaan ng babaeng iyon sa reunion na 'to.
-END OF FLASHBACK-
Huminga ako ng malalim at pumasok ako sa entrada ng paaralan para makuhanan ako ng litrato galing sa photographer bago tuluyang pumasok sa loob n'on.
Namangha ako sa loob ng paaralan, dami talagang nakakalat na designs, ang aesthetic tignan. Pinaghandaan talaga 'to ni Zaire. Sigurado akong malaki ang nagastos ni Zaire para lang dito.
Habang tinatanaw ko ang mga naggagandahang designs ay napabaling ang atensiyon ko sa stage at lumabas doon si Zaire na dala-dala ang kan'yang microphone para magsimula na sa programme.
Hindi mo aakalaing may maluwag siya sa turnilyo dahil ang desente niya sa isinuot niyang blue tube dress at ang buhok naman niya ay nakalugay ngunit kulot na kulot naman pero may inipit sa gitna ng kan'yang buhok. Tumangkad nga siya ng kaunti eh dahil sa ginamit niyang gawa sa glass na stiletto.
"Good evening to one and all! We're all gathered here tonight for the all-students' reunion of Parker High!" Masiglang bati niya bilang emcee.
Nagpalakpakan at naghiyawan naman ang mga tao dahil sa masiglang bati niya. Hindi ko na rin mapigilang pumalakpak ng malakas.
Nagtuloy-tuloy lang ang pagsasalita niya sa harap para maging lively kahit papaano ang mga tao naririto na sinasamahan pa niya ng mga pambihirang joke na aakalain mo talagang sasabihin niya talaga sa harap ng napakaraming mga tao.
Masaya akong nakisabay sa mga kalokohan ng best friend ko nang may maramdaman akong parang nakatitig sa 'kin. Hindi ko na dapat 'yon papansinin pero kakaiba talaga ang nagagawa ng pagtitig na iyon sa kung sino dahil maski ang puso ko ay parang nagha-hyperventilate. Napapalunok pa nga ako pero iwinaksi ko iyon sa isipan ko dahil kung mai-imagine ko pa lang ang mukha ko habang nararamdaman ko ang mga kakaibang pakiramdam na 'to ay mukha na akong matatae na ewan o mas tamang sabihin na kinakabahan . . . sa hindi malamang dahilan.
May hinala na ako sa kung sino ang tumitig sa 'kin pero mas minabuti kong tignan siya ng harap-harapan . . . At tama nga ako.
A man standing in front just meters away from me with his neat and formal gray tuxedo. Ayos na ayos ang kan'yang buhok at kung may hahawak man doon ay paniguradong magugulo ang napakaayos ng buhok niyang iyon.
It's . . . him.
It's . . . Deshawn Parker . . . the greatest cheater of all time.
Kahit pasimple ko siyang dini-describe sa isipan ko ay pinanatili ko ang walang emosyon. I should be cold to him, right?
Or, much better if I should just be casual towards him?
Kahit pinanatili ko ang walang emosyon ko ay pumipintig ng malakas ang puso ko nang bigla na lang siyang lumalapit sa 'kin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon.
Pero nang may mga dumaang tao sa pagitan naming dalawa ay roon na ako nagkaroon ng ideyang lumayo sa pwesto na 'yon. Hindi pa ako handang kausapin siyang muli sa mga oras na 'yon.
Hanggang sa hindi ko namamalayan na nakalayo na ako ng tuluyan sa parte ng lugar na pinaunlakan ni Zaire sa reunion na 'to.
Nasa may hallway na ako ng mga nagkukumpulang room at alam kong may mga floors na banda rito dahil napamilyaran ko ang daang tinatahak ko.
I just walked and walked and walked until I reached the floor where I seemed to be so familiar at.
Habang naglalakad ako ay mas tinititigan ko ng mabuti kung saang banda ng parte na 'to ang naaalala ko pa noon. Hanggang sa napahinto ako hindi kalayuan sa isang room ilang metros ang layo galing sa 'kin.
And as I tried to recall of what I remembered in this part, all of a sudden I felt a sudden pang in my chest na naging dahilan kung bakit naramdaman ko ang mainit na isang butil ng likidong nasa kamay ko.
-FLASHBACK-
Papunta na nga sana ako sa room ko nang biglang may nabangga ako sa hindi ko kilalang lalaki. Patay . . .
"What the heck? Are you blind, Miss?" galit na tanong niya.
Nagdala kasi siya ng kape nang bigla ko siyang nabanggaan nang hindi sadya at nadumihan 'yong damit niya.
"I-I'm so, so, so, sorry. I-I'll clean it for you," tarantang paghingi ko ng paumanhin at akma ko na sanang pahirin ang uniporme niya gamit ang wipes na dala ko pero nagulat ako nang bigla na naman siyang sumigaw.
"What?! Do you think that will remove the stains on my clothes, huh?" Galit na talaga siya, base pa lang sa nakakahindik na sigaw niya. Pulang-pula na nga eh.
"Sorry, hindi ko kasi sinasadya. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko, sorry talaga," paumanhin ko na mukha nang sarkastiko at walang paki.
Naso-sobrahan na kasi siya eh, nag-sorry na nga 'yon tao, ayaw pa tanggapin.
"You're gonna pay for this," mariin na banta niya pagkatapos ay tinalikuran na niya ako kasama ang kanyang dalawang kaibigan na nanonood lang pala sa 'ming dalawa na nag-aaway.
Bakit wala silang ginagawa? Para lang silang nanonood ng movie. Hindi man lang nila pinigilan ang asungot na 'yon.
-END OF FLASHBACK-
Nang maalala ko ang lahat ng 'yon ay mas lalong sumisikip ang dibdib ko.
"What are you doing here?" Natigilan lamang ako nang may boses na kumausap sa 'kin.
Ang boses na 'yon ang nasa iniisip ko ngayon. Ang lalaking siyang dahilan kung bakit naging ganito ako.
I swiftly removed my remaining tears before having the courage to look at him in the eye.
"I was just wandering. Anyway, I'll go back now, Mister Parker," simple at kaswal na sagot ko bago siya nilampasan.
Pero bago ko pa siya tuluyang nilampasan ay hinawakan niya ang braso ko at pinaharap niya ako sa kan'ya.
"Here. Wipe your tears, I don't want to see you crying, Miss Carter," aniya at inilahad niya sa 'kin ang panyo niya.
Habang ito ako naman ay nanatili lang nakatitig sa panyo na kan'yang inilahad at nararamdaman na naman ang mabilis na pintig ng puso ko dahil sa ginawa niyang paghawak sa braso ko.
Sarkastiko na lang akong napamura sa isipan. I don't want to see you crying, Miss Carter. Nice joke. Napakawalang-hiya talaga niya. An asshole and a jerk.
Huminga na lamang ako ng malalim at pinanatiling kalma ang sarili. Sinasabi ko na sa isipan ko na magiging kaswal lang ako pagdating sa gagong nasa harap ko ngayon.
Just a casual talk and we're done.
___________________________________________________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top