Chapter 35

Chapter 35: Sisters' Bonding

Everleigh's Point of View

Nakita ko namang bigla siyang natigilan sa biglaan ko rin namang pagkompronta. I smirked. There's really something about him. Well, I'm interested.

"Prangka na kung prangka pero gusto kong malaman kung bakit ginawa at sinabi mo sa 'kin 'yon noon. Oh, and wait, is this a part of your play and up until now, you're still going to make me as your target for some kind a shit you did before and you still wanna continue?" I hide my smirk and let my expressionless face show it to him. That question just came out of my mouth without me noticing it. It's a part of my what if na dapat sa isipan ko na lang isinaboses!

Napakurap-kurap naman ito bago nag-sink in sa utak niya kung ano ang mabilisang nangyayari ngayon. Bago siya yumuko bago ako nakarinig ng buntonghininga at pumikit ng mariin bago napailing-iling saka tinignan na niya ako ng dire-diretso na nakapagpabigla sa 'kin pero hindi ko 'yon ipinakita sa kan'ya.

"You're really wise, Architect Everleigh Carter, and I admire you for that." Patuloy pa rin siya sa pag iling-iling kasabay ng kan'yang pagngisi.

"What do you mean?" I asked him even though I already know what he was trying to imply about.

Lumapit naman ng konti ang kan'yang mukha sa 'kin bago nagsalita habang nakangisi pa rin.

"To tell you the truth, yes. Yes, I am. I liked you before to the point that I made wrong decisions like what I did to you. I admit I was wrong. And, that I never forget it that's why I want you to join me for lunch as I'm gonna apologize too," paliwanag niya.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at nagpangalumbabang nang tumingin sa kan'ya.

"Are you sincere?" Nakataas ang kilay na kinikuwestyon ko ang kan'yang paliwanag.

"I'm sincere when I said I'm gonna apologize," seryosong anito kaya tumango-tango ako.

"It doesn't look too sincere for me but  go on. Apologize." Hinayaan ko na lang siya.

Sadista na kung sadista, prangka na kung prangka, ganito lang talaga ako kapag may trust issues na sa mga taong nakapaligid sa 'kin.

Mabilis na akong makaramdam at makapansin kung totoo ba ang mga pinapakitang ugali ng mga nakapaligid na tao sa 'kin.

Due to the fact that I was once hurt twice, ingat na ingat na ako. Especially when picking someone who makes my heart beats. Baka sa huli ay dahil sumunod ako sa gusto ng aking puso, masasaktan naman ako sa huli, tira-tira na naman ng piraso ang aking puso dahil pinaglaruan.

"I'm really sorry, Everleigh. I was so immature back then. Gusto ko lahat ng bagay na magugustuhan ko o kahit tao ay mapapasa 'kin pero akala ko lang pala 'yon dahil magmula nang magkrus ang landas nating dalawa, hindi ko mawari kung ano ang dapat kong gawin dahil hindi naman kita makukuha kasi may nagpapasaya na sa 'yo eh. Ayaw ko namang pagkaitan ang kaligayahan mo kahit hindi ako 'yon. Hindi ako nagparamdam sa 'yo sa nakalipas na mga taon hanggang sa nagkita na naman tayo pero bilang ka-trabaho na. Nagpadala lang ako sa bugso ng damdamin ko noon dahil may tumulak sa 'kin na gawin 'yon sa 'yo para maging tayo. I am really sorry if I was selfish and childish back then. I trully regret it so much," mahabang paghingi niya ng paumanhin. Ramdam ko ang sincerity sa pag-sorry niya at makikita naman sa mukha niyang nagsisisi na siya sa ginawa niya noon.

Pero ang mas tinuonan ko ng pansin ay kung sino ang tumulak sa kan'ya para gawin 'yon sa 'kin.

"You're already forgiven. T'saka 'di na 'yon big deal para sa 'kin ngayon muntikan ko na nga 'yong makalimutan eh. Since high school pa naman tayo noon kaya gano'n ang ipinakita mong ugali sa 'kin noon pero nagbago ka naman na ngayon kaya wala naman na dapat problemahin," I replied as I accept his apology.

I saw how his eyes glistened and how he form his lips to show a genuine smile to me. Abot din naman 'yon hanggang mata kaya masasabi kong totoo ang kan'yang ipinakitang ngiti sa 'kin.

"But wait, did I heard it right? Na may taong tumulak sa 'yo para gawin mo 'yon sa 'kin noon? Sino si—"

"Ma'am, Sir, here are your orders. Enjoy eating," nakangiting sabi ng waiter.

Right! Wala sa timing ang pagtatanong ko. My question was interrupted by the waiter so I don't have any choice but to focus now on my dish with what the food I ordered.

"Shall we eat, then?" Nakangiting tawag ni Eros sa aking pansin kaya tumango ako at nagsimula na kaming kumain para sa lunch.

____

Amirah's Point of View

"Oh, Ash, 'napatawag ka?" Sagot ko sa tawag ni Nash.

[I miss you, baby.] Lambing ang bumungad sa 'kin galing sa tinig niya.

How much I missed his voice and his face.

"I miss you too, kung alam mo lang gusto ko nang makauwi d'yan sa Pinas para makita na kitang muli," masuyong tugon ko.

[Maghihintay lang ako kahit ilang taon pa 'yan. Panghahawakan ko pa rin ang pangako mong babalik ka rito sa piling ko.] Malambing na saad niya.

"Alam mo ang corny mo," anas ko kahit nakangiti na ako habang kagat-labing naghihintay sa sagot niya.

[Pero nakangiti ka naman d'yan at kinilig? Ay sus, alam ko ang mga galawan mong gan'yanan, Ami.] Hula niya na nakapagpatawa sa 'kin ng mahina.

"Inaamin ko na. Anyway, mamaya na muna natin itutuloy ang tawag, magsisimula na kami," paalala ko at napatingin sa relo ko na time na pala.

[Good luck, kayang-kaya mo 'yan. Nandito lang ako palagi sa 'yo, mahal ko. I love you.] Pangche-cheer niya.

"I love you so much, mahal. Good bye!" Pagpapaalam ko.

[Good bye, baby!] Paalam din niya bago um-end ang tawag.

Ibinalik ko sa bag ko ang cellphone at mabilis pa sa alas-kuwatrong tumatakbo na ako papunta sa room ko. May nakasabay nga rin sa 'king kakilala ko.

"Sus, late ka rin pala, Mirah," natatawang aniya.

"Parehas lang tayong late, Dome," natatawa ko ring tugon.

"Apir tayo d'yan!" masiglang aniya at nag-high five kami bago pumasok sa room.

Ang saya-saya ni Dome ngayon ah. Nakakapanibago, eh halos nagsusungit ito sa 'kin for the last two weeks tapos ngayon bigla nalang babait? At, parang nakakita ako ng kakaibang emosyon sa mga mata niha habang magkalapat ang aming mga kamay sa isa't isa dahil sa pag-apir naming dalawa o baka guni-guni ko lang talaga 'yon.

Puting-puti ang dingding ngayong week ah. An'yare? Para na pala kaming kinuha ni San Pedro sa klase ng kulay ng room namin eh. Biruin mo puti ang sinuot namin dahil Nursing ang aking kinuha tapos 'yong kulay ng room namin, puti rin. Sino'ng hindi mawe-weirduhan no'n? At, wala pang kadesign-design, nako!

____

[Hello, why'd you suddenly call, baby sis?] Sagot ni ate sa tawag ko.

"Can we talk for a minute, ate? There's something I need to talk about and it's not that deep also," I said seriously.

[Ow, okay... Guys, babalik din kaagad ako ah? Tumatawag kasi sister ko... Sige, bye!... okay, where were we, baby sis?] tanong nito.

"There's a boy I met two weeks ago," panimula ko.

[Paalala ko lang sa 'yo, Amirah, may boyfriend ka na.] Seryosong komento nito pagkatapos kong sabihin ang panimula ng kwento.

"'Wag kang mag-alala, ate. Loyal naman talaga ako kay Nash at mahal na mahal ko siya. Patapusin mo na lang muna ako bago ka magkomento," katwiran ko.

[Oh, sige ba. Makikinig ako.] aniya.

"So 'eto nga, itong lalaking 'to, kaklase ko rin na nurse, his name is Dome. We're not friends, ah? Hindi rin kami close dahil masyado itong nagsusungit sa 'kin for the past two weeks. Pero bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin. Bigla na lang siyang naging mabait sa 'kin, ate. Ang lawak pa ng ngiti niya. Napansin ko rin sa mga mata niya ang kakaibang emosyon noong nakipag-high five ako sa kan'ya kanina dahil parehas kaming late kanina sa pagpasok sa room. And the question is, ano ang ibig sabihin no'n?" Pagtatapos ko sa kwento.

[Hmm... well he's interested on you. More like he has a crush on you.] Isiniwalat niya ang buong kongklusyon niya.

"What?" Hindi-makapaniwalang saad ko.

[He has a crush on you, baby sis! But, please, know his limits. Sabihin mo sa kan'ya na may nobyo ka na, gano'n, para hindi siya umaasa sa 'yo na baka wala kang nobyo kahit meron naman. Ayaw mo namang makasakit ng ibang tao, 'di ba? So, 'yon ang gagawin mo and also, p'wede mo naman siya maging kaibigan dahil karapatan mo naman d'yan magkaroon ng kaibigan since nasa States ka naman. Base sa sinasabi mo tungkol sa Dome na'yon, marunong at nakakaintindi siya ng Tagalog kaya maiintindihan niya siguro na may nobyo ka na at hanggang friends na lang ang turingan niyo sa isa't isa. Kasi malaki ang tiwala ni Nash sa 'yo, mahal na mahal ka pa nga no'n eh, nabigyan mo siya ng assurance na hindi mo siya ipagpapalit sa iba kaya gawin mo rin 'yon sa kan'ya. Do you understand that, baby sis?] Mahabang advice na binigay ni ate sa 'kin.

"I understand, ate. I will make sure I will do what you say and happen," desididong sambit ko.

[Good girl.] anito. Napatawa naman ako kaya napatawa na rin siya.

"Lakas ng amats maka-girl mo sa 'kin, ate, ah? Eh, twenty-two naman na ako ngayon. Lakas talaga ng bonding nating dalawa," natatawa kong komento.

[Sister's bonding naman talaga 'to pero with a different vibe na gustong-gusto naman natin.] Komento rin nito na nakapagpahalakhak na sa 'ming dalawa.

The best bonding talaga ang sa 'min ni ate. May pa-bonding pa gamit ang cellphone. Kahit virtual man, may bonding pa rin. Kahit malayo kami sa isa't isa, 'di mawawala ang pagkakaroon ng bonding naming dalawa.

BEST. SISTERS' BONDING. EVER.

___________________________________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top