Chapter 34

Chapter 34: A New Start

Everleigh's Point of View

After five years . . .

They say when you find your true love, the two of you will end up together forever.

But for me, it isn't.

Just like what happened to me before and to the man that I thought was my one and only true love. It never really happened to me.

Siguro, magiging matandang dalaga na lang ako sa hinaharap. Nape-predict ko na ang future ko na magiging gan'yan na lang ako sa hinaharap.

After all, what had happened to me before are all just in the past and cannot be done again in the present.

As what they said, move on. I really had moved on from the past. My wounds have healed. I'm thankful that I cannot go back in time.

I'm thankful he's just a part of my past and will never be in the present.

"Architect Carter!" May tumawag na nakapagpalingon sa 'kin.

"Ano na naman, Architect Sandoval?" Pasiring na saad ko.

Yes, I'm now an architect. My dream that finally came true. Pagkatapos ng lahat na mga naranasan ko noon, nagiging worth it na ngayon.

"Wala lang, gusto ko lang sumabay sa 'yo. Pwede naman, 'di ba?" Nakangiting saad niya.

"Sinungaling, sa pagkakaalam ko gusto mo na naman siguro akong iimbitahan na kumain na kita lang dalawa, am I right?" Hula ko pa kahit alam ko naman na talaga ang pakay nitong lalaking 'to.

Napabuga siya ng hangin saka ipinasok ang magkabilang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya at humarap ng tuluyan sa 'kin.

"I admit, yes. For the nth time, wanna join me for lunch, Architect Carter?" nakangiting tanong niya.

Tinaasan ko lamang siya ng kilay bago tinugon ang kan'yang paanyaya.

"I would've said no for the nth time but since you're so determined, I'm definitely joining you for lunch, Architect Sandoval," kaswal na sagot ko.

Mas lalo namang lumawak ang kan'yang ngiti.

"Then, follow me, Architect Carter," utos niya at umunang maglakad kaya sumunod ako sa papalayo nang bulto niya.

Napailing-iling na lamang ako dahil sa aksyon na ginawa niya. Hindi man lang ba siya magpapaka-gentleman sa 'kin? Hindi ba dapat sabay kaming dalawang maglakad at hindi 'yon siya ang unang maglalakad papalayo?

Oh, well. Ngayon ko lamang siya pagbibigyan pero sa susunod ay hindi na. I don't really care much about him since before he tried to win me over and believing himself that I was his when in fact, I'm not.

-FLASHBACK-

Pagkatapos noon ay pabuntong hininga akong lumabas ng restroom. Pero bago pa ako makalayo mula sa restroom ay bigla na lang nag announce 'yung nasa speaker.

"Good morning, students! Please go to our quadrangle for an announcement! I hope we can see you all there now!" Sabi ng nasa speaker.

Nagtaka naman ako pero umiling lang kalaunan at tumatakbong papunta sa quadrangle. Medyo malayo kasi ang pinaggamitan kong restroom sa quadrangle.

Nang papalapit na ako sa quadrangle ay nakita kong halos lahat ng mga estudyante ay nandoon na.

Nang nasa quadrangle na ako ay medyo masikip ang daan para makapunta sa gitna kaya naki excuse na lang ako, mabuti na lang at madlaing sinunod 'yon ng mga nadadaanan kong estudyante. But totally weird, right?

Bakit naman wala silang ginawa sa 'kin na ikakapahamak ko?

Napansin ko din sa kanilang mga mata ang takot kaya sila nagsitabi para makadaan ako.

Ganun na ba talaga ako kasama para sa paningin nila ngayon?

At iniisip ba nila na idadamay ko rin sila?

I shiver when there's whispering on my ear and says something.

"Dapat ka talagang katakutan dahil pati ako, dinamay mo pa diyan sa patibong mo," bulong niya. Si Eros.

Inilayo ko ang sarili ko mula sa kanya pero ngumisi lang siya sa 'kin.

"Don't worry, Leigh. I won't hurt you but I'll make sure that I have a way on how to make you mine," aniya saka ngumingising lumayo mula sa direksyon ko.

Dinamay ko siya pero gusto niya pa rin ako?

Napailing iling na lang ako saka huminga ng malalim at tulala na nakatingin sa harap.

-END OF FLASHBACK-

I was dumbfounded at that time and now, I'm confused than dumbfounded of what does he meant by making a way on how to make me his. But, that was just before, right?

Ayaw ko na siyang pagdudahan pero may parte pa rin sa 'kin na pagdudahan pa rin siya dahil sa kan'yang mga nasabi sa 'kin noon. Did he really meant what he said?

Gusto ko siyang komprontahin para tanungin siya tungkol sa nangyari noon. It was a good idea that I agreed to join him for lunch to ask him questions regarding what he said to me in the past.

___

"Ano'ng gusto mong kainin?" Tanong niya pagkatapos ibigay ng waiter ang dalawang menu sa 'min.

"The first one that is placed on the menu. How about you?" Tanong ko pabalik.

"I would choose the same as what you want you to eat," sagot naman niya at binalingan ang waiter na sumusulat na ng mga order namin sa kan'yang dalang mini-notebook.

"Two cordon bleu coming right up!" sabi pa nito bago lumayo na sa 'ming mesa.

While roaming around the restaurant we're in, I suddenly felt a familiar feeling in this place.

Ngayon ko lang na-realize na kaya pala familiar ang restaurant na ito dahil nakapunta na ako rito noon . . . with him.

-FLASHBACK-

Tahimik lang kami habang nagda-drive siya. Pagdating na namin sa restaurant ay dito pa lang nagsalita si asungot.

"Bakit tayo nandito? 'Di ba sabi mo sa bahay niyo tayo kakain? Eh, bakit dito?" Takang tanong ko.

"Joke lang 'yon. Dito sa restaurant tayo kakain para mas romantic tignan," nakangising sabi niya.

"Romantic ka d'yan. Wala namang nakakatawa sa joke mo," pasiring na saad ko at napaismid na lang.

Ipinark niya ang kotse at pagkatapos ay bumaba pa siya para pagbuksan ako ng pinto.

Bumaba naman ako at sabay na kaming pumasok sa restaurant.

Pinagbuksan kami ng pinto ng guard at pumasok na kami. Do'n kami sa table na may nakahanda nang mga pagkain. Mukhang napaghandaan din ang table na ito. Paniguradong magbabayad ng malaki si asungot nito.

Nang makaupo na kami ay naisipan kong magsalita at magkomento.

"Ang romantic naman dito. Ikaw ba ang nag-isip nito?" Tanong ko. Nakaramdam ako ng pagka-awkward dahil sa biglang pagsabi ko ng 'romantic'.

"Oo naman. Ako pa," mayabang na sagot niya.

"Ang yabang mo," bulong ko.

"Ano'ng sabi mo?" rinig kong tanong niya.

"Ah, wala, wala," sabi ko na lang. Ayaw kong magbabangayan na naman kami rito sa restaurant na 'to. I don't want to ruin this moment.

Hindi na rin kami nakapagsalita ulit kasi nakahanda na rin ang mga pagkain namin at kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na kumain na dahil nag-uusap pa kami. Namangha ako sa mga pagkaing nakahanda kasi nakakatulo-laway talaga. Paniguradong masasarap ang mga ito.

Nakit kong kinuha niya ang kanin at inilagay sa plato ko.

"Ako na," usal ko.

"Ako na lang," angal niya.

Hindi na lang ako nagpumilit kaya nagpatuloy siya sa ginagawa niya.

Pagkatapos no'n ay kumuha na siya ng tig-iisang pagkain na nakahanda at sunod na inilagay sa plato ko bago siya kumuha ng kan'ya bago kami sabay na kumaing dalawa.

Nakakatuwa lalo pa't ngayong araw lang kami hindi nakikipagbangayan. Na parang hindi kami magkaaway.

-END OF FLASHBACK-

"Why are you smiling?" Napabalik ako sa ulirat ng magtanong si Eros.

I shouldn't be smiling like an idiot, matagal na 'yon. Hindi na 'yon maibabalik. This is the new me and the new start of my precious life.

Nawala ang pagkakangiti ko dahil sa sinabi niya at tumikhim bago nagsalita.

"Nakakain na rin ako ng mga pagkain sa restaurant na 'to noon. Anyway, matagal pa ba ang order?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Malapit na siguro 'yon," saad niya. Tumango lamang ako.

Naisipan kong tanungin siya patungkol noon kaya naman ay kinompronta ko na siya na nakapagpatigil sa kan'ya.

"Why are you so eager to make me yours before? Wait, do you like me before, Architect Eros Michael Sandoval?" I confronted him while staring directly at his eyes.

___________________________________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top