Chapter 33

Chapter 33: Love Story

Zaire's Point of View

After five years . . .

Want me to tell you a story about how my perspective about love changed because of him? Simple, just listen.

Charot! Ito kasi ang totoong nangyari sa pagitan naming dalawa ni Nix. Medyo mahaba-habang istorya ito.

The journey about how we ended up being with each other starts one year ago . . .

-FLASHBACK-

One year ago . . .

"Zaire, tatapusin mo talaga 'yang bini-bake mong cake ngayon?" Tanong ni Nix sa 'kin nang mapgdesisyonan niyang bisitahin ako sa condo ko.

"Oo naman, 'no!" Desidido at pursigidong wika ko.

"Baka gusto mong tulungan na lang kita sa pagbi-bake?" Napatingin naman kaagad ako sa kan'ya pagkasabi niya no'n at tinawanan ko lang siya.

Pero nang makitang seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin ay tumigil ako sa pagtawa at pinanlalakihan ko talaga siya ng mga mata.

"Seryoso ka ba? 'Di ka ba magre-reklamo mayamaya o 'di kaya'y mapagod sa pagtulog mo sa 'kin? Ganyan ka naman parati, 'di ba?" Pangungutya ko.

"Seryoso nga at promise, seseryosohin ko na ang pagtulong sa iyo. Mukhang masarap talaga itong bini-bake mong cake ngayon eh," namamanghang palahaw niya.

"Ang sabihin mo masarap naman talaga ako mag-bake ng kahit anong pastries and delicacies, sus," pangungutya ko ulit.

"Oo, inaamin ko na, masarap ka naman talaga mag-bake ng pastries," pagsang-ayon na lang niya bigla.

"Thank you! Oh, siya, magsimula ka na at tulungan mo na 'ko rito para mas mabilis kong matapos 'to at para makakain na tayo rito," pag-iiba ko sa usapan at ibinigay ko sa kan'ya ang rolling pin para sa dough na nasa mesa na.

Napapakamot na lang siya sa kan'yang ulo bago tumabi sa 'kin para magsimula na sa pag-roll ng dough na may nakakalat na harina sa mesa.

Kalaunan ay tinawag niya ang pangalan ko kaya napatingin ako sa kan'ya.

"Oh, ano'ng update? Kaya mo pa ba?" Natatawa kong tanong.

"Kaya pa, pero tignan mo, ayos na ba 'to?" Tugon niya kaya tinignan ko kung maayos lang ba ang pagkaka-roll ng dough.

At, gusto ko na lang pumalakpak sa tuwa dahil maayos ang pagkaka-roll niya sa dough. Nice.

"Nice," usal ko. 'Yon lang ang sinabi ko bago pinagpatuloy ang ginagawa kong pagro-roll din ng dough gamit ang isa ko pang rolling pin.

"'Yan lang ang masasabi mo? Sure ka na ba d'yan? 'Nice' lang 'yong masasabi mo sa dough na sobrang hirap kong ni-roll?" Nakangusong maktol niya.

"So, gusto mong bawiin ko ang pasabi ko n'on? 'Yan ba ang gusto mo?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Joke lang. Pero humarap ka nga muna sa 'kin, Zaire," utos niya pagkatapos niyang mag-peace sign.

"At, ano na nam—Nix!" Napatili na lang ako nang tumama sa 'kin ang harinang binato sa 'kin ni Nix mula sa kung saan niya napulot.

Nang kusot-kusotin ko 'yong magkabila kong mga mata ay nakarinig ako ng tawa galing sa kan'ya kaya nang maaninag ko na ng klaro ang mukha niya ay pinukolan ko siya ng masamang tingin nang makita ko ang ekspresiyong ipinakita niya sa 'kin sa mukha niya. He has this smug look on his face. Nandoon din ang pangungutya na mababasa sa kan'yang labing sobrang lawak ng pagkakangisi.

Kaya naman ay bumawi ako at ibinato ko rin sa kan'ya ang napulot kong harina sa mesa na para dapat sa panibagong batch ng dough at tumama iyon sa mukha niya. Now, it's my turn to laugh.

Pero bumawi na naman siya kaya bumawi rin ako pabalik sa kan'ya at nagpatuloy lang kami sa pagbabato ng harina sa mukha ng isa't isa. Sa tingin ko ay para na kaming mga multo sa dami ng harinang tumama sa mukha naming dalawa. Ngayon ko lang ulit nararamdaman ang kakaibang saya na ito at si Nix pa ang dahilan niyon. Nakalimutan ko na kung kailan ang huling totoong kakaibang saya na naramdaman ko.

With him, I feel happy, safe, and at the same time felt a different kind of emotion I'm not sure what that exactly was.

Doon nagsimula ang pagkakaroon ko ng crush sa kan'ya hanggang sa dumating sa punto na lumalim na ang nararamdaman ko sa kan'ya, na nagugustuhan ko na siya. Kasi, sa bawat pagsasama at pagkikita namin ay binibigyan niya ako ng mixed signals.

Akala ko roon na lang iyon ang mararamdaman ko sa kan'ya knowing na naging playboy siya during our highschool life pero ang sabi naman niya ay nagbago na siya pero akala ko lang pala lahat ng iyon.

Dahil dumating ang araw na talagang inamin ko na sa sarili ko na mas lumalalim ang nararamdaman ko para sa kan'ya. This feeling inside of me is really unexplainable.

I was already on my way to the parking lot when I saw with my own two eyes that Nix was chit-chatting with a girl. They're even so close to each other while they talk about something.

Bago nangyari 'yon ay pumunta talaga si Nix sa condo ko para sumabay sa 'kin papunta sa bakeshop at siya na raw ang magda-drive sa kotse ko para hindi na raw ako mahirapan at mapagod agad dahil sa pagda-drive pa lang. Pinauna ko lang siyang pumunta sa parking lot.

Matagal akong nakatitig do'n bago biglang tumingin sa direksiyon ko si Nix at nagtama pa ang paningin naming dalawa. Shit.

Mabilis akong umiwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad papunta roon sa direksiyon nila para makasakay na ako sa kotse at ako na ang magda-drive papunta sa bakeshop.

Habang papalapit ako sa kanila ay nakita ko pang pinaalis na niya ang babaeng nakangusong tumingin sa kan'ya dahil siguro ay gusto pa nitong makipaglambingan sa mokong pero nakita naman ako ng mokong kaya itinataboy na siya.

Ang sabi niya nagbago na siya pero parang playboy pa rin siya. Walang pinagbago, gano'n pa rin.

Dapat pala ay hindi ko na hinayaan ang sarili kong sobrang ma-attach sa kan'ya dahil masasaktan lang ako. Katulad ngayon.

Ito na ba ang sinasabi ni Leigh na ganito ang mararamdaman mo sa taong mahal mo habang nakita mong may kasamang babae? Teka, mahal? Mahal ko na ba siya?

No matter how hard I try to erase in my mind that I didn't love him and fall for him deeply, still, my heart says otherwise. That I did fall for him deeply. That I really love him.

That's when I suddenly realized, now is the time that I directly confessed to myself that I love him.

Bago pa ako pumasok sa driver's seat ay pinigilan ako ni Nix at pinasandal ako sa kotse.

"Tigil-tigilan mo 'ko, Nix. Tama na ang paglalaro mo dahil hindi na nakatutuwa," mariing saad ko habang iniwas-iwasan ang mga mata niya.

"Hindi mo siguro narinig ang pag-uusap namin kanina," natatawa niyang sambit.

"Oh, bakit ka tumatawa? Pumunta ka na ro'n sa babae mo, tutal doon ka naman magaling 'di ba? Ang maglaro ng damdamin ng mga babae?" I confronted him.

Napailing-iling naman siya sa mga pinagsasabi ko at nginisian lang ako.

"Hindi ko 'yon babae. Actually, pinsan ko 'yon. Nagkita lang kami ulit dito at may binigay pa siyang advice sa 'kin tungkol sa babaeng mahal ko," kwento niya.

"Tapos?" Naiinip na komento ko.

"Mukhang misunderstanding ito ngayon ah. Let me tell you that I don't play with girls' feelings anymore, I'm done with that, Zaire. And... it's you whom the woman that I love," biglang amin niya.

Namimilog ang mga matang tinignan ko siya at napabuka ang bibig ko para makabulalas. "A-Ano?"

Huminga naman siya ng malalim at hinawakan ang aking magkabilang kamay at tinignan ako ng kan'yang mga matang naglalambing.

"I repeat, it's you whom the woman that I love. I have fallen in love with you, Zaire," masuyong pag-uulit niya.

Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Bakit niya ako pinapakilig? At, bakit gan'yan siya makatingin sa 'kin? Nakakailang na, ha!

"Pinsan ko lang talaga iyon. Nagkita lang kami tapos ay may ini-advice siya sa 'kin kung paano kita liligawan ng maayos pagkatapos kong umamin sa nararamdaman ko para sa 'yo," paliwanag niya.

"Naduduwag ka, 'no?" Hula ko. Medyo nagfi-fit in na sa utak ko ang mga nangyayari ngayong araw.

"Yeah, hindi kasi ako sanay. Noon kasi ang mga babae pa ang lumalapit sa 'kin para manligaw dahil nga isa akong—"

"Isa kang playboy, oo. 'Yon naman ang sasabihin mo 'di ba?" Natatawa kong pagpapatuloy.

Napatawa naman siya ng marahan at hinawi ang natitirang buhok sa mukha ko papunta sa likod ng aking tainga.

"Zaire, pwede ba kitang ligawan? I know it sounds common to hear of what I just said but I can't think of anything else rather than to say the common phrase when courting someone," paliwanag naman niya kaya natawa naman ako ulit.

"Ihatid mo muna ako sa bakeshop bago ako pumayag na ligawan mo 'ko," kondisyon ko at pinindot ang kan'yang ilong bago ko binuksan ang passenger seat at pumasok.

Nakita ko naman siya sa bintana na nakatulala kaya napapailing-iling na lamang ako at binuksan ang bintana para tawagin siya at bumalik sa ulirat.

"Hoy, ano na? Tutulala ka lang ba d'yan? Drive ka na!" Pagtatawag ko ss pansin niya. Nabalik naman siya sa ulirat at ikinamot lang niya ang kan'yang ulo bago bumukas ang pinto at umupo sa driver's seat.

"Go na, Bodyguard McKinley," natatawang utos ko sa kan'ya kaya nagsimula nang umandar ang kotse at bumyahe na. Napapailing-iling lang naman siya nang sabihin ko sa kan'yang siya ang ang aking bodyguard for today.

After that day, pinayagan ko na siyang ligawan ako. Hindi nagtagal matapos ang limang buwan ay naging kami na.

Maraming mga problema ang dumarating sa buhay namin bago ko pa man siya sagutin pero na-overcome naman namin lahat ng iyon. Ngayong kami na, gusto kong magtagal kami kahit marami pang mga  problema ang darating sa buhay namin bilang magkasintahan.

-END OF FLASHBACK-

Oh, ayan! Ang daming mga pangyayari sa love story naming dalawa.

Mahal na mahal ko ang lalaking iyon kahit naging playboy pa siya noong highschool pa lamang kami. Nagbago naman na siya ng tuluyan at wala na akong problema.

Wala na akong maihihiling pa kundi siya lang ang gusto kong mahalin ngayon at magpakailanman. I hope he will be my first and last man that I want to love in this lifetime.

___________________________________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top