Chapter 32
Chapter 32: Sweet Memories
Amirah's Point of View
Ugh! I hate him!
Bakit ba niya sinabi 'yon kagabi pero hindi naman pala niya kayang panindigan 'yon?
What does he think of me? Some sort of a laughing stock?
Alam naman niyang may gusto ako sa kan'ya at pinayagan ko pa siyang ligawan niya ako. Umasa akong totoo 'yong sinasabi niyang mahal na niya ako kasi 'yong tono pa lang ng kan'yang boses kagabi habang nasa tawag kami sa isa't isa ay alam kong sincere at genuine iyon.
Tapos malalaman ko na lang kanina na joke lang pala niya iyon? Umasa talaga ako ro'n!
Or maybe, I was too dazed yesterday while we're on a call because of him that I didn't even realized he was just messing around.
Or, maybe I misenterpreted by what he said? Because, I like him too much I just put malice on what he confessed or more like a joke to me.
Ugh! Gulong-gulo na talaga ako sa kan'ya. Bakit ko ba siyang pinayagang manligaw sa 'kin kung ang nararamdaman lang naman pala niya sa 'kin ay simple lang. . . siguro.
Call me immature but I really wanted to feel that kind of love from someone. Not just my family. Something different. Something sweet and new. And, something more romantic.
I definitely felt all of it towards Nash. But, it just doesn't feel right. Perhaps, I think I am the only one who feels this way, not him.
Tinakluban ko ng kumot ang mukha ko habang pinapatid-patid ko sa ere ang mga paa ko dahil sa frustration na nararamdaman ko ngayon.
Pupuntahan ko kaya si ate at sasabihin sa kan'ya kung paano maaagapan ang sobrang pag-iisip kay Nash dahil lang sa ginawa at sinabi niya sa 'kin kanina? Hindi ako mapakali! Pero ayaw ko rin namang maistorbo si ate. Busy siguro 'yon sa paggawa ng plates niya ngayon eh.
Pero bahala na nga! Kakausapin ko sa ate. I'm gonna seek advice to her since she's an expert in to this kind of feeling and I think she also experienced it with Kuya Shawn.
Lumabas ako sa silid ko para puntahan si ate sa silid niya. Nang nasa tapat na ako sa room niya ay akmang papasok na sana ako dahil nakabukas naman ito pero napatigil ako dahil nakarinig ako ng mumunting paghikbi sa silid niya.
Sinulyapan ko ang nasa parte ng loob na nakabukas at doon nakita ko si ate na humihikbi sa kan'yang kama.
This is exactly dejá vù.
Hindi ko na lang pinilit na pumasok sa loob ng silid niya at bumalik na lang ulit sa loob ng silid ko para solusyonan ang problemang kinakaharap ko ngayon.
Pero nakakapagtataka na umiiyak ngayon si ate. May nangyari bang malaking away sa pagitan nilang dalawa ni kuya?
Pero imposible naman yata 'yon kasi hindi gawain ni Kuya Shawn na may mangyaring malaking away o problema sa pagitan nilang dalawa ni ate. I know how much Kuya Shawn loves Ate Leigh.
Sosolusyonan ko na nga lang ang sarili kong problema kay Nash. Letseng paasang 'yon!
Kung bakit ba naman ginagawa niyang biro ang pagsabi ng 'mahal kita', hindi na dapat ako mamomroblema sa pagharap ko sa kan'ya bukas sa school.
Pero bakit sobra-sobra akong affected sa pagbawi niya ng katagang 'yon mula sa 'kin? Nakakapagtataka kasi hindi naman ako ganito sa kan'ya noon eh!
I'm just only 17 and yet he's a year older than me, 19.
Hindi na ito posibleng puppy love o happy crush lang, 'di ba?
Maski ako, nalilito kung ano na nga ba ang tunay kong nararamdaman ko sa kan'ya ngayon. It suddenly feels different now.
Nairita kaagad ako sa bigla niyang pagbawi ng katagang 'mahal kita'.
Napabuntonghininga na lamang ako at nag-isip-isip kung ano ang p'wede kong gawin bukas kapag magkikita kami ro'n.
While biting the nail of my thumb, an idea pops on my head which made me stand up immediately. Ngiting aso pa ako habang naiisip 'yon.
Iiwasan ko na lamang siya bukas at kapag hindi na masyadong naiilang o nalilito ako, saka ko na lang siya haharapin. Tama, 'yan dapat ang gagawin ko bukas.
'Di pa ako handang magkita ulit kami bukas sa school kaya mas mabuti na rin siguro ang pumasok na ideya kong ito.
——
Nasa library ako ngayon, nagbabasa ng random na libro. 'Di ako mahilig sa pagbabasa ng mga ganitong libro, katulad ng romance books, pero iba itong pinagdiskitahan ko ngayon eh, nakakamangha ang bawat pahina nito habang binabasa ko iyon ng maigi.
Nakakalahati na ako nang maisipan kong tumigil sa pagbabasa kasi tumunog na lang bigla ang tiyan ko hudyat na bigla akong nagutom at mabilis na ibinalik sa shelves ang librong iyon pagkatapos ay lumabas na ako ng library.
As I was walking, suddenly I heard voices meters away from where I'm standing. Out of curiosity, I walk towards the direction of that voices.
Mas nagiging klaro at palaki nang palaki ang kanilang mga boses. Hanggang sa tumigil ako sa may dingding at doon ako nagtago. Inusisa at maingat na sinulyapan ko rin ang mga boses nila.
Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanilang dalawa at mabilis na itinago ulit ang mukha ko dahil biglang na lang iginawi ang mukha ng babaeng 'yon sa direksiyon kung nasaan ako ngayon nakatago.
Si Nash 'yong kausap at 'yong babae naman ay nakikilala ko rin kasi kaklase iyon ni ate eh. Si Aiarein.
"When will you stop, Aia?" Rinig kong naiinis na tanong ni Nash sa babae.
"I definitely stopped, Nash. Hindi ko naman talaga kayang gawin 'yong mga sinasabi ko sa 'yo no'n. Tutal, pinaniwala mo naman na si Amirah na biro 'yong pagsabi mo ng katagang 'yon at senyales 'yon na itinaboy mo na siya sa buhay mo—"
"Hindi ko itinaboy si Amirah sa buhay ko at hindi rin iyon totoong biro. Mahal ko na talaga siya, Aia," sabi ni Nash na nakapagpatibok ng mabilis sa puso ko.
"Are you kidding me, Nash? I thought..." usal ni Aia.
"You think I will go out with you after you've blackmailed me? I'm not dumb, Aia," mariin nitong sagot.
"But, but, Nash... I want you. I need you. Please, I'm begging you." She's literally pleading in front of him.
Umiling-iling lamang si Nash at nang tinalikuran niya si Aia ay nagtama ang paningin naming dalawa kaya roon na ako nagsimulang mag-panic. Nakita niya akong parang nakikisagap ng tsismis!
Lalayo na sana ako nang mabangga ako sa parang matigas na bagay. Pag-angat ko ng tingin ay nanlaki ang mga mata ko dahil nandito na pala ngayon sa harap ko si Nash.
Even if I'm still shocked about what I've witnessed, I pretended that I didn't see him and just continue walking.
But, he catched my wrist which made me stop from walking. Napapikit ako ng mariin dahil sa kuryenteng dumaloy sa palapulsuhan ko dahil sa paghawak niya n'on.
Unti-unti akong humarap sa kan'ya at binigyan siya ng walang makikitang kahit anong emosyon sa mukha ko.
"You heard our conversation, right?" aniya. I remained my stoic face.
Kunwari, ganito ang pinapakita ko sa kan'ya sa mukha ko pero kalaunan ay gusto ko na siyang yakapin dahil sa saya.
Oo, gan'yan ako karupok pagdating sa kan'ya!
"Look, I'm really sorry for what I've said. Hindi ko maipaliwanag sa 'yo ang ginawa kong kagagohan kahapon kasi baka gagawin talaga ni Aia na idadamay ka niya sa kagagahang gagawin niya. Gusto lang kitang protektahan—"
Mabilis kong idinipa ang distansiya naming dalawa at mula roon ay niyakap ko siya. Pansin kong natigilan siya pero kalaunan naman ay ginantihan niya ako ng yakap.
"'Wag ka nang magpaliwanag. Naiintindihan ko na kung bakit. And to answer your question, Nash, yes, I heard your conversation with Aia so now I understand why you did that to me. Ako ang may kasalanan kasi tinawag pa kitang 'paasa'," nakangusong pahayag ko habang yakap ko pa rin siya.
"So, narinig mo rin ang iba ko pang sinabi sa kan'ya tungkol sa 'yo?" Tanong niya bigla at hiniwalay niya ang yakap naming dalawa.
"At, ano naman 'yon, aber?" Pagmamaang-maangan ko kahit alam ko naman kung ano ang gusto niyang iparating.
"Nevermind, Ami," nakangusong usal niya at napabuntonghininga pa siya.
Bigla naman akong tumawa ng mahina at hinawakan ang kan'yang kamay.
"Joke lang 'yon, 'no. Oo, narinig ko rin 'yon. Sabi mo pa nga 'mahal ko na talaga siya, Aia'." Ginaya ko pa ang tono ng boses niya habang sinasabi ko ang mga sinabi niya kanina sa babaitang 'yon.
"Pero, Nash, to tell you the truth, hindi ko pa masasabing pareho na tayo ng nararamdaman ngayon sa isa't isa. Hindi ko matukoy kung ano ang tunay na nararamdaman ko na para sa 'yo ngayon. Sana maintindihan mo. Kapag natukoy ko na 'yon, ikaw ang unang taong pagsasabihan ko," seryosong saad ko.
"I'm good at understanding, Ami. I respect you and your decisions so it's no big deal for me," sinserong sabi niya sa 'kin at nginitian ako.
"Thank you, Ash."
Sana kapag natukoy ko na kung ano ga ba talaga ang totoong nararamdaman ko para sa kan'ya, magiging masaya rin ako sa mararamdaman ko.
Everleigh's Point of View
Ilang araw na akong ganito. Palaging naiisip si Shawn at ang mga memories na pinagsamahan namin sa mahabang panahon.
Tuwing gabi na lang akong umiiyak dahil sa kan'ya. Bwisit!
Nakaya pa niyang lokohin akong muli. Ano'ng akala niya sa 'kin? Isang laruan?
Bwisit ang manlolokong 'yon!
Dapat hindi ko na siya binigyan ng second chance para patunayan niyang karapat-dapat ko siyang sagutin at mahalin ulit.
Winasak na naman niya ang puso kong ito. Palagi na lang siya. Wala na bang iba?
Bakit siya pa, sa lahat ng tao sa mundo? Bakit niya akong nagawang saktan ng ganito? Ano ang ginawa ko sa kan'ya para saktan niya ako ng ganito? Hindi ko siya maintindihan!
Ang ginawa ko lang naman sa kan'ya ay mahalin siya pero bakit iba ang ginawa niyang kapalit sa 'kin?
May hinala na rin talaga ako sa Veron na 'yon. Minsan ko na rin nakausap 'yong babaitang 'yon. Nakipagsabwatan pa ako sa kan'ya at ng Eros na 'yon para paghigantihin si Shawn.
At sa gabi namang ito, naiisip ko na naman ang mga pinagsamahan naming dalawa.
When he surprised me because it's my birthday.
-FLASHBACK-
"Surprise, baby!" He shouted which made me go frantic.
"Oh my God! Shawn!" I shouted.
"Happy birthday, baby!" Sabay pa siyang tumawa habang binabati niya ako.
Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako at matapos niyon ay binigyan niya ang halik sa labi.
Nang pakawalan niya ang labi ko ay lumayo muna siya sa 'kin dahil may kukuhanin daw siya. Pagkatapos naman ay bumalik ulit siya sa pwesto kung nasaan ako.
Hawak-hawak niya ang isang maliit na regalo at iniabot niya sa 'kin.
"This is my gift for you. Pinaglaanan ko rin 'yan ng oras kaya hindi ako masyadong nagpaparamdam sa 'yo these past few days. I'm sorry for that. Open it, baby," aniya. Parang siya pa ang excited na buksan ko ang regalo.
Binuksan ko naman kaagad 'yon at nang makita ko na kung ano ang nasa loob ng regalo niya, roon nagsimulang mamasa ang mga mata ko.
"I have my name and yours imprint on it. I hope you love it, Leigh," dagdag pa niya sa necklace na hawak ko.
"This is beautiful. I really love it, Shawn. Thank you for making my day this happy," I said sincerely.
"Anything for my beautiful girl. I love you, baby," he said lovingly and kissed my forehead.
"I love you, too, Shawn," I replied back lovingly. Hinayaan kong namnamin ang halik niyang iyon sa aking noo at sa moment na 'to na kami lang dalawa ang naririto.
Sana ganito na lamang kami habang buhay kung hindi lamang siya pupunta sa ibang bansa.
I will always be forever loyal to him.
I will cherish this sweet memories with him until forever.
-END OF FLASHBACK-
How will I cherish these sweet memories with him if he's the one whose behind all of my sufferings that I've experienced right now?
____________________________________________________________________________________
A/N:
Happy New Year, Chasers! I love y'all! 2023 here we come! <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top