Chapter 31

A/N: Hi, Chasers! Wala pong POV si Leigh at si Shawn dito sa chapter na 'to! Sa susunod pa po na mga chapters sila! Sana maintindihan niyo! Moment ito ngayon ni Nash at ng kapatid ni Leigh na si Amirah. xD

Chapter 31: Nash's Choice

Nash's Point of View

Bakit gano'n na lang ang naging aksyon sa 'kin ni Leigh para lang itaboy ko si Am? Eh, siya pa nga ang numero unong suportado sa 'min ni Am kaya hindi ko maintindihan kung bakit nawala na lang 'yon na parang bula.

Tapos pinapapili pa niya ako na lalayuan ko ba si Amirah o siya na ang gagawa ng paraan para mailayo niya mula sa 'kin si Amirah.

Teka, naguguluhan talaga ako! Napapikit na lang ako at isinubsob ko na lang ang mukha ko sa unan ko dahil sa frustrasyon na nararamdaman.

Hanggang sa 'di ko namamalayan na nakahawak na pala ako sa cellphone ko at natawagan ko pa si Amirah nang hindi sinasadya!

[Nash, hello? Bakit ka napatawag sa ganitong oras?] Biglang bungad na tanong ni Amirah sa 'kin kaya napabangon ako bigla mula sa pagkakahiga ko sa kama.

Tumikhim muna ako nang hindi niya iyon naririnig bago ko siya sinagot.

"Ha? Ah, hello, Am. Naistorbo ba kita sa pagtulog mo?" Maingat na tanong ko.

[Hindi naman. Pero bakit ka ba kasi tumawag sa ganitong oras eh may bukas pa naman, 'di ba?] Aniya.

Napakamot naman ako sa ulo ko kahit hindi naman niya iyon makikita at nagsalita ulit. Hindi ko naman kasi alam kung bakit tinawagan ko siya. Namalayan ko na lang na nagri-ring na pala ang cellphone ko at tinatawagan na siya.

"Ah, eh, na-miss kasi kitang katawagan," palusot ko na may halong totoo naman. Maniniwala kaya siya?

[H-Ha? S-Sure ka ba? Na-miss mo 'ko kahit nagkita naman tayo kanina sa school?] She replied like that which made me chuckled.

"Parang sinasabi mo sa 'kin na parang napakaimposible nang pagka-miss ko sa 'yo dahil nagkita lang naman tayo kanina. Hindi ba p'wedeng na-miss lang talaga kita?" Ang cheesy ng mga banat ko pero napapangiti na lang ako kasi totoo naman na may konting pagpapalusot. Feeling ko kinilig talaga 'to sa kabilang linya.

[Hindi naman sa gano'n...] natawa naman ako ng mahina dahil sa naging sagot niya at mahina pa talaga niya iyong sinabi sa 'kin.

"Nagbibiro lang ako. Pero totoo nga, na-miss lang talaga kita kaya ako biglang napatawag sa 'yo. Kita na lang tayo bukas ulit, ha? Good night and sweet dreams, Am," paalam ko sa kan'ya.

[Byie! Sweet dreams din sa 'yo, Ash!] Maligayang paalam din niya kaya napangiti ako bigla.

Pero bago pa niya mai-end ang tawag kahit ako naman ang nag-initiate na tumawag sa kan'ya ay nagsalita ulit ako na nakapagpatahimik sa kan'ya.

I needed the urge to finally say it to her since I finally proved to myself that my feelings for her are more than just the 'like'. Kaya rin nahihirapan ako na pumili sa mga pinagsasabi ni Leigh kanina sa 'kin mula sa kan'ya.

"I love you, Amirah. I really do," I said then I waited for her to react my sudden confession about what exactly is my true feelings for her.

Matagal bago siya nakapagsalita. Gano'n ko ba siya nagulat sa simpleng pagpapahayag ng nararamdaman ko sa kan'ya na hindi agad siya nakapagsalita?

[Hindi ko inaasahan... 'yon, ah?] At sinabayan niya iyon ng pagtawa ng mahina.

"Kinilig ka naman?" Panunudyo ko pa.

[Hmp! Bahala ka na nga, sige na, ba-bye na! Magkita na lang tayo ulit bukas! Good night!] Sigaw na paalam niya saka niya in-end ang tawag.

Tinignan ko pa ang cellphone ko at napailing-iling na lang saka tumawa ng bahagya bago ko ibinalik sa vanity table 'yong cellphone ko at bumalik sa pagkakahiga ng kama.

Kapag nakikita ko kasi si Amirah sa personal ay naduduwag akong umamin sa kan'ya sa kung ano talaga ang totoong nararamdaman ko sa kan'ya, na mahal ko na siya kaya pinagsamantalahan ko na ang aksidenteng pagtawag ko sa kan'ya ng biglaan at doon ko na ipinahayag sa kan'ya ang totoong nararamdaman ko para sa kan'ya.

Pero sa kabila ng kasiyahan na nararamdaman ko ngayon at kaluwagan ay hindi ko pa rin maialis sa isipan ko ang nangyaring pag-uusap namin ni Leigh kanina.

Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko. Ngayon na naamin ko na kay Amirah na mahal ko siya ay mas lalo pang mahirap na pumili sa dalawa dahil kahit dalawa ang pipiliin ko ay masasaktan pa rin si Amirah at tuluyan ko na siyang hindi malalapitan at makikita ulit.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay napatingala na lang ako sa cellphone ko sa vanity table ng marinig ko iyon na nagri-ring kaya napakunot naman ang noo ko at kinuha pa rin iyon na hindi ako bumabangon mula sa pagkakahiga ko sa kama ko dahil naaabot ko naman.

Akala ko si Amirah 'yong tumatawag sa 'kin kaya nagsimulang sumibol sa aking labi ang isang ngiti at mabilis na tinignan kung siya nga ba ang tumatawag pero napawi lamang iyong ngiti ko nang iba ang pangalan na tumatawag sa 'kin at hindi si Amirah.

Siya na naman.

Si Aia na naman.

Hindi ba talaga ako titigilan ng babae na 'to?

Nakakairita na.

"Ano na naman ba, Aia?" Iritadong tanong ko.

[Oh, hello, Nash! Natanggap mo na ba 'yong balita mula kay Everleigh Carter? So, how was it?] Mukha pa siyang excited marahil sa tono na ginamit niya sa kabilang linya.

Napamaang na lamang ako dahil alam ko na kaagad kung ano ang kan'yang mismong ipinapahiwatig sa akin.

Kaya pala gano'n ang naging aksyon ni Leigh sa 'kin kanina ay may ginawa na namang hindi kaaya-aya si Aia na narinig siguro ni Leigh at kinompronta ako. . . at hindi na ako natutuwa sa babaeng ito ngayon.

"Ano ang mga sinabi mong kasinungalingan kay Leigh, Aia Lastimosa?" Seryoso ngunit mariin na tanong ko.

[Oh, well, I said that you haven't change with you being a playboy and you know what's most exciting? I said to Everleigh earlier in our classroom that I was one of your ex-flings and that I saw you kissing with someone for the past few days. What's more funny is that she actually believe with everything that I said to her! It is really funny, to be honest!] She laughed on the other line.

Hindi ko magawang tumawa dahil sa mga sinabi niyang lahat na kasinungalingan kay Leigh tungkol sa 'kin. Tanginang babaeng 'to.

"Bakit mo ginawa iyon?" Mariing tanong ko ulit.

[Because I want you back! T'saka para hindi na ulit lumapit 'yang Amirah na 'yan sa 'yo dahil pagmamay-ari mo naman na ako-"

"Fuck, what are you to say that to the sister of the woman I love, huh?! Do you think I would keep you for all the things you said to Everleigh?" I shouted through gritted teeth.

[But, Nash, I'm here for you. At nasabi ko na 'yon kay Everleigh, hindi ko na mabawi pa ang mga nasabi ko sa kan'ya at paniguradong kinamumuhian ka na no'ng Everleigh na 'yon ngayon-]

"Shut the fuck up! Kapag hindi mo binawi ang mga sinabi mo sa kan'ya-"

[Or else what? Sinabi nang hindi ko na mabawi 'yon kasi naniwala naman siya kaagad at saka wala ka nang magagawa kundi ay lumayo ka na sa kanila dahil idadamay ko talaga ang sinasabi mong mahal mo na si Amirah.] Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nakakaloko siyang tumawa.

[Pag-isipan mong mabuti ang desisyon mo, Nash, kundi ay alam mo na ang mangyayari sa pinakamamahal mong Amirah at baka mapahiya pa iyon bukas. Good bye, Nash! Mwuah!] Pahabol pa niya bago niya in-end ang tawag.

Binato ko ang cellphone ko sa kama at napamura ng wala sa oras.

Tang ina! Pati ba naman si Amirah, dadamayin niya sa kan'yang mga kalokohan?

Hindi ko na alam kung ano ang unang sosolusyonan sa mga iniisip ko ngayon st dumagdag pa ang babae na 'yon sa poproblemahin ko.

Umupo ako sa gilid ng kama at mariin na pumikit at bumuntonghininga.

Sa mga sinabi ni Leigh sa 'kin kanina ay alam ko na kung bakit gano'n ang naging trato niya sa 'kin. Dahil pala 'yon kay Aia.

Ano'ng magagawa ko ngayon? Paniguradong kapag nagbitiw ako ng isang desisyon ay susulpot na naman ang babaeng iyon.

Ayaw kong madamay si Amirah sa kagagawan ng babaeng iyon pero baka masaktan ko lamang siya dahil sa mga ipinapapili sa 'kin ni Leigh na gagawin para mapalayo lamang ako sa kapatid niya.

Ah! Hindi ko na alam kung ano ang makabubuti para sa kan'ya. Nahihirapan ako.

Nag-isip-isip muna ako hanggang sa nakapagdesisyon na ako sa mga pinapapili sa 'kin ni Leigh at ang mga sinabi ni Aia kanina tungkol sa pandadamay niya kay Amirah.

Amirah's Point of View

Nang makarating ako sa school kinabukasan ay hinanap ko kaagad si Nash.

Sa nangyaring tawag sa pagitan namin kagabi ay hindi ko maipagkakailang kinilig ako at bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa biglang pagsabi niya sa 'kin sa kung ano ang totoo niya talagang nararamdaman para sa 'kin.

Nire-respeto niya ako kaya re-respetuhin ko rin siya bilang manliligaw ko na napaka-sweet at caring.

Nang makita ko siya ay binati ko siya ng may ngiti sa labi at binati naman niya ako ng may ngiti sa labi pero parang peke iyon dahil hindi umabot sa mga mata niya ang ngiting iyon. May problema ba siya?

Kaya naman ay bumulong ako sa kan'yang tainga kung may problema ba siya.

"May problema ba?" Tanong ko ngunit umiling lamang siya kaya napanguso ako.

"May problema ka eh, sabihin mo na agad para masolusyonan natin! Natin kasi kasama ako sa kung ano'ng pinoproblema mo ngayon, kaya sabihin mo na," I said with glee.

"Mamayang recess na, sulitin muna natin ngayon na magkasamang masaya. Ayaw kong mapawi 'yang ngiti mong iyan ngayon dahil mahalaga sa 'kin 'yang ngiti mong iyan," mahinang pahayag niya sabay ngiti sa 'kin at ginulo ang buhok ko.

Parang may pinaghuhugutan yata 'to ngayon eh pero ano naman kaya 'yon?

"Sige na nga. Mamayang recess," usal ko at tumango-tango.

Magkasabay kaming pumunta sa classroom ko dahil gusto niyang ihatid niya ako bago siya umalis at pumunta na sa classroom din niya.

Mabilis din ang oras kaya naman ay hindi ko namalayan na oras na pala ngayon ng recess. Sa sobrang okupado ng isip ko tungkol sa bumabagabag ngayon sa iniisip ni Nash ay hindi ko na namalayan na oras na pala ng pinakahihintay ko, ang malaman kung ano talaga ang pinoproblema ngayon ni Nash.

Pero iba na kaagad ang kutob ko dahil doon at kinakabahan ako na natatakot na ewan. Hindi ko alam, naghahalo na kaagad ang emosyon ko dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman mula sa maaaring pinoproblema niya ngayon.

Nasa hallway na ako naglalakad nang may humawak sa palapulsuhan ko at hinila ako palayo roon sa hallway at dumaan kami sa likod ng labas sa isang classroom. Si Nash ang humila sa 'kin kaya kampante ako.

"So, ano? Ano'ng pinoproblema mo ngayon-"

"Nagbibiro lang ako kagabi nang sabihin kong... mahal... kita kagabi sa tawag, Amirah," mahinang usal niya na nakapagpatahimik sa 'kin ng tuluyan. Rinig na rinig ko 'yon.

Ano?

"P-Pasensiya na at dinamay pa kita sa mga biro ko kagabi," dagdag pa niya.

Sa hindi malamang dahilan ay biglang uminit ang magkabilang sulok ng mga mata ko dahil sa bugso ng damdamin.

"I-I'm... s-sorry," nahihirapang usal niya pero hindi ko pinansin ang paghihirap sa pag-usal niya.

Ngunit pinanatili ko ng blangko ang mga mata kong nakatitig sa kan'ya para ipakita sa kan'ya kung ano ang ginawa niya sa 'kin.

He tried to touch me but I stayed away from him.

"Don't touch... me," mariin kong utos.

Para naman akong may nakitang ibang emosyon na nababanaag sa mga mata niya pero hindi ko 'yon pinansin dahil baka guni-guni ko lang 'yon.

"I hate you, Nash," I said as cold as ice as I stared blankly at him.

"A-Ami..." he called me.

Hindi ko siya pinansin nang tawagin niya ang pangalan ko nang makita niya akong papaalis na.

Pero bago pa ako umalis ng tuluyan papalayo sa kan'ya ay tumigil ako sa paglalakad at nagsalita ng hindi siya tinitignan bago ako naglakad ulit.

"Paasa."

___________________________________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top