Chapter 30

Chapter 30: Letter Before Call

Everleigh's Point of View

Hanggang sa makapasok ulit kami ni Zaire sa sari-sariling room department at pumasok ang professor ko sa subject na 'yon ay umuukilkil pa rin sa isipan ko ang nangyari kanina sa kasagsagan ng pagtawag ko kay Shawn.

What does he actually mean by that?

Hindi ko maiwasang isipin ang maaaring masamang mangyari sa kan'ya ro'n dahil sa uri ng pananalita niya habang nagsasalita siya sa 'kin kanina.

"Miss Carter, are you listening?" Napabalik ako sa ulirat nang biglang may tumawag sa apilyedo ko kaya napatingin ako sa harapan, only to see Miss Buenavola's intimidating face and eyes looking directly on mine.

Napalunok ako dahil nakataas na ang kilay nito at parang naiinip na sa hindi ko malamang dahilan. Uh-oh, I forgot that Miss Buenavola is a terror professor in our department.

Kung bakit ba naman kasi nasa ibang planeta ang isip ko kakaisip sa nangyari kanina kay Shawn habang katawagan ko siya.

"For one last time, where's your output for your group so that you and your group will discuss what's the meaning of your output as well as every bits of details in it?" Tanong ni Miss Buenavola, nagsisimula na ring sumisingkit ang magkabilang mata nito.

Huminga ako ng malalim at tumayo saka tinignan ang kaklase kong kagrupo ko rin at isa-isa ko silang tinanguan. Tumingin din ako sa katabi ko na siyang may dala sa pinaglaanan naming output.

Even though I keep on overthinking about Shawn and what he's been doing there, I can always focus on my studies as well. At isa na itong group output na 'to ang pinokus ko the day before yesterday, sa bahay namin ng mga magulang ko ginawa namin ito.

Hindi naman pabigat ang mga kasamahan ko at marunong namang mag-participate at makipag-cooperate kaya mabilis naman namin natapos ang output namin nang may matagumpay na ngiti sa mga labi namin. And because of that artwork, I gain new friends too but not as close as Zaire.

Nang nasa harap na kami dala-dala ang group output namin ay nginitian at tinanguan ko sila para pakalmahin-baka kinakabahan na sila ngayon at hindi lang ako-bago kami nagsimulang inilathala ang amin hanggang sa mga detalye niyon.

Nang matapos naman ay tumuon na ang pansin ko sa nanunuring tingin ni Miss Buenavola sa akin. Tila kinabahan na naman ako dahil doon pero hindi ko ipinahalata.

"Hmm, I see. It was well-executed and well-defined. So, it circulates about love, huh? Job well done to this group, the output is much better than what I expected and it is also relevant and relatable in these days. Your hardwork and time that all of you put in this output is worth it, I can really see that. All of you who are in this group impresses me today, I hope y'all continue doing it for the next days." Nawala na lang na parang bula ang aking kaba nang 'yon ang komento ni Miss Buenavola sa 'min at sa pinaglaanang output namin.

Sumibol naman ang matagumpay na ngiti sa aking labi at narinig ko pa ang mumunting pabulong na pasigaw ng mga kasamahan ko dahil nasiyahan ang terror professor namin na ito sa output namin.

The hardwork, effort, and time we put in this output is really worth it and really paid off. Thank, God!

Kaya nang makabalik ako sa inuupuan ko ay tahimik na nagsusumigaw ang aking isipan dahil maayos ang paglalahad namin sa pagpaliwanag ng aming group output. Ang saya ko ay umaapaw na siguro hanggang langit.

Paano ba naman, eh, second time na yata 'to na na-impress sa 'kin—sa 'min si Miss Buenavola. Isang malaking karangalan na 'yon sa 'kin na ma-impress ang isa sa terror professor sa department namin.

After a while, where I am on my way to the department where Zaire was, someone suddenly touched my shoulder which made me looked into that person.

It's no other than, my groupmate earlier on our group output. Kung hindi ako nagkakamali, Aia ang pangalan nito. Nagtaka naman ako dahil sa biglang paghawak niya sa balikat ko.

"Hi! I'm Aiarein Luminea Lastimosa, well, baka nakalimutan mo na ang pangalan ko..." natatawang bati niya kaya ngumiti na lang ako ng tipid. "...anyway, you're Everleigh Carter, right? If I'm not mistaken?" Tumango lamang ako sa tanong niya.

"Well, may sasabihin sana ako sa 'yo pero hindi rito. P'wede bang bumalik ka muna sa room natin? Pabor ko lang, gusto ko kasi 'yong pribado para makapag-usap tayo ng maayos," she beamed.

Nagdalawang-isip ako kung susundin ko ba 'yong pabor niya pero sa huli ay pumayag na lang ako dahil talagang desperada siyang kausapin talaga ako. Inanyayahan naman niya ako sa pagpasok namin pabalik sa room.

Tumingin-tingin pa muna siya sa paligid sa room at nang wala ng ibang tao ang nandito ay saka siya tumingin sa 'kin at nagpakawala ng malalim na hininga.

"'Di ba kilala mo naman si Zion Nash Collins o Nash kung tawagin?" Tumango naman ako at naging interesado bigla sa mga sasabihin pa n'ya.

"Well, isa ako sa mga ex-fling niya noon. But, not totally as in matagal na talaga," pag-amin niya bigla.

Napakunot naman ako sa noo ko dahil sa biglaang pag-amin niya kaya nagtanong ako. "Why would you tell me such a thing between you and him?"

"Eh kasi, baka may bago na naman siyang ibibiktima sa pagiging playboy niya kaya sinasabi ko 'to sa 'yo. Baka may natitipohan na naman siya ngayon na siguradong paglalaruan ng damdamin sa ibibiktima niya, katulad nang ginawa niya sa 'kin," nakatungo nang sabihin niya iyon. Bigla akong naawa sa kan'ya sa hindi malamang kadahilanan.

"Eh, akala ko ba nagbago na siya—"

"Hindi totoo iyan. Wala pa rin siyang ipinagbago, playboy pa rin siya. Nakita ko nga siyang may kahalikang babae no'ng mga nakaraang araw. Nagsasabi ako ng totoo," agad na sinagot niya nang mabilis siyang nag-angat ng tingin sa 'kin.

Napaisip ako ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay naging matabang ang aking awra at umusbong ang pag-aalala ko para sa kapatid ko na natitipuhan ngayon ni Nash at maging gano'n din si Amirah para kay Nash.

"Sige, salamat sa pag-amin sa 'kin. Sige, lalabas na ako, maiwan na muna kita rito ah? Good bye, Aia," nakangiti kong pagpapaalam sa kan'ya bago ko siya tinapikan sa balikat at lumabas na sa room.

Nakapagdesisyon na ako. Tama nga talaga ang sinabi ni daddy, dapat ko nang itaboy si Nash mula kay Amirah dahil paniguradong magkakaroon ng first time heartbreak itong kapatid ko pero hindi ko 'yon hahayaang mangyari iyon sa kapatid ko kaya habang mas maaga pa, malayo ko na siya sa maaaring maging dahilan ng pagkawasak ng kan'yang puso.

Kaya naman ay pinuntahan ko si Nash sa department nila. Mabuti naman at nakita ko siyang kalalabas lang ng kanilang room kaya lumapit ako sa kan'ya at sinenyasan siya na sumama sa 'kin.

Nakarinig naman ako ng kantiyawan sa kasamahan niya na naging dahilan ng pagpanting bigla ng tainga ko.

"Woy, bagong chix mo na naman 'to, 'pre, 'no?"

"Iba ka talaga, 'pre!"

"Wala ka pa rin pala talagang pinagbago!"

"Lakas ng amats mo, 'dre!"

Ngunit pinanatili kong ipinakalma ang sarili at tinalikuran na lang sila. Alam ko rin naman na nakasunod sa 'kin si Nash dahil base pa lang sa mga yapak ng mga paa na sumusunod sa 'king direksiyon.

Lumiko kami sa bandang kaliwa sa likod ng kanilang department building at do'n kami tumigil.

"Leigh, ano'ng kailangan mo sa 'kin at bakit mo 'ko pinapapunta rito?" Nakakunot-noong tanong niyang nakatingin sa 'kin.

Tinignan ko naman siya ng seryoso at matiim.

"Pinapapili kita; layuan mo ang kapatid ko o ako na mismo ang magsabi sa kan'ya na siguradong ikatataboy niya para sa 'yo?" Seryoso ngunit mariin na tanong ko sa kan'ya.

Shock and dumbfound is clearly evident on his face.

"So, ano? Pili na," seryosong usal ko habang nakapandekwatro ang aking magkabilang braso at nakatingin sa kan'ya.

"Bakit mo 'ko pinapapili? May ginawa ba 'kong masama?" Takang-taka talaga siya.

"Inuulit ko, layuan mo ang kapatid ko o ako na mismo ang magsabi sa kan'ya na siguradong ikatataboy niya para sa 'yo?" Mariin na ngang tanong ko, ibang sagot sa itinanong niya sa 'kin.

"Teka nga, teka nga, bakit mo nga ako pinapapili? Wala naman akong ginagawang masama sa kapatid mo. Alam mo rin naman na may gusto ako sa kan'ya eh at hindi ko siya magagawang saktan, kaya bakit mo 'ko ipinatataboy sa kan'ya? Hindi ko maintindihan," napapailing na pahayag niya.

Bumuntonghininga ako at napalunok pa muna bago nagsalita.

"I'm doing this for my sister's sake, Nash. So, please, just make up your mind already." My voice was as cold as ice as I said it to him.

"Hindi ka makabuo ng desisyon? Kapag hindi pa buo ang desisyon mo hanggang bukas, ako na ang gagawa ng paraan para maitaboy kita sa kapatid ko, tandaan mo 'yan," seryosong-seryosong saad ko at tinalikuran na siya pero bago pa ako makahakbang ng ilang yapak ng paa ay huminto ako at nagsalita nang hindi siya tinitingnan.

"Hindi ka pa rin pala talaga nagbabago. I'm so disappointed in you, Nash. I thought you've completely changed but I guess, I'm wrong when making a guess." And, with that, I left him behind.

Nang makalayo na ako ng tuluyan sa kan'ya ay nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Sana sa pamamaraan kong ito ay hindi masasaktan ang aking kapatid sa mga masasamang taong katulad ni Nash.

___

Nang makauwi ako sa bahay namin nang maghapon ay binati ko pa muna sila daddy, mommy, at Amirah bago ako umakyat papunta sa 'king silid para sana magbihis at makakain na sa baba kasama sila nang matigilan ako pagkasarado ko sa pintuan ng silid ko, pagkapasok na pagkapasok ko dahil sa may nakalagay na parang letter sa vanity table ko.

Sino naman kaya ang naglagay sa 'kin nito? Wala naman akong natatandaan na may nagpapadala sa 'kin ng letter mula sa kung sino o hindi ko kilala at baka ikapaselos pa iyon ni Shawn.

Kaya naman ay hindi muna ako nagbihis at kinuha ang letter na 'yon sa vanity table pagkalapit ko ro'n.

Biglang nagningning ang aking mga mata dahil sa nakitang pangalan kung saan nakasaad kung sino ang sumulat ng letter na 'to. It's from my boyfriend. Aww, so sweet of him.

Binuksan ko iyon ng madalian at mabilis na binasa ang laman ng letter na 'yon. Pero mabilis pa sa alas kuwatrong nawala ang ngiti sa aking labi at ang pagningning ng aking mga mata dahil sa nabasa kong pitong salita.

I'm breaking up with you, Everleigh Carter.

—Deshawn Parker

Sa hindi malamang dahilan ay nabitiwan ko ang letter at nahulog iyon sa sahig at biglang nanginig ang aking labi sa nabasa.

Pero pinanatili kong kinalma ang sarili. Tinawagan ko kaagad si Shawn gamit ang cellphone ko.

Sa tatlong beses ng pag-ring ay sumagot na si Shawn. Magsasalita na sana ako nang biglang napatigil ako sa pagsasalita dahil babae ang sumagot sa tawag.

Bakit may babae?

[Hi, this is Shawn's new girlfriend, Veron!] The girl named Veron beamed. Veron . . . the name's very familiar.

Ito ba 'yong babaeng nerd na inuutusan ko noon?

"P-Papaanong..." hindi ko matukoy kung ano pa ang mga sasabihin ko.

Veron suddenly let out a mocking laugh then I heard the voice of my 'boyfriend' afterwards that laugh.

[I-It's not what you think it is, Leigh—]

I let out a pretentious laugh before I felt my heart clenched because of what I clearly heard.

"Is that what you want, then, Shawn? Then, I'll give you the break-up that you deserve. Tutal, masaya ka naman na sa 'new girlfriend' mo eh. Wala ka palang pinagkaiba sa kaibigan mo, parehas kayong mga manloloko! Hindi ka pa rin nagbabago, isa ka pa ring manloloko! Cheater will always be a cheater!"

Makapigil-hininga kong sinabi iyon bago ko in-end ang tawag at ibinato ang cellphone ko sa kama. Doon, unti-unting umalpas ang luha sa mga mata ko dahil sa sakit, galit, at poot—naghahalo-halo.

You don't deserve my love for you, Deshawn Parker. Nagsisisi akong minahal kita ulit. Manloloko!

____________________________________________________________________________________

A/N: The long wait is over! HAHAHAHAHA, sorry talaga guys! :(

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top