Chapter 3
Chapter 3: Shawn's Decision
Shawn's Point of View
K*I*N*A*B*U*K*A*S*A*N
Hanggang sa paggising ko ay hindi mawala yung sinabi ni Mommy kahapon. Tsk...
Paano ba ito? Tanong ko sa isip.
Bahala nalang yung sinabi ni Mommy basta nakapagdesisyon na ako na itutuloy ko yung pustahan na yun...
Kailangan hindi ito makakaabot kay Mommy o di kaya'y kay Daddy kasi paniguradong grounded ako.
Naligo muna ako, nagsepilyo at pagkatapos ay nagbihis. Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba na din. Pagkatapos ay umupo ako sa bakanteng silya at nagsimulang kumain. Nagtinginan sila mommy at daddy sakin pero ako tuloy-tuloy sa pagkain. Wala akong imik. Pagkatapos kong kumain ay lumabas na din ako ng bahay at pumasok sa kotse ko. Ipinaandar ko at pumunta na sa school.
Pagdating ko dun ay bumaba na ako at pumasok na din. Pagpasok ko pa lang sinabayan na ako ng mga kaibigan ko. Hindi talaga kami mag-iiwanan. Ang swerte ko kasi meron akong mga kaibigan na kagaya nila.
Habang naglalakad kami ay nagsalita si Nash....
"Shawn, yung pustahan natin ahh? Wag mong kalimutan yun."
"Oo naman. Gagawin ko yun. Hindi ko nakalimutan yun." Sabi ko.
"Siguraduhin mo lang baka hindi mo na itutuloy dahil lang nainlove ka na kay Everleigh." Sabi naman ni Nix.
"Ako? Maiinlove sa kanya? Hindi mangyayari yun nohh... At tsaka paano ako maiinlove sa kanya ehh nagsimula kami sa magkaaway so dapat magkaaway din kami sa huli." Sabi ko.
Hindi na din sila nagsalita pa...
Pagkapasok ko pa lang sa room, hindi ko talaga gusto makipagtabi sa kanya pero wala naman talaga akong choice. Tinitiis ko lang naman siya.
Umupo ako sa tabi niya at nagsalita ako. Nagulat siya dahil nagsalita ako ng malumanay...
"Umm, sorry pala sa nangyari kahapon. Nagalit kasi ako dahil dun sa nangyari sa isang araw." Malumanay na sabi ko. Labag sa kalooban kong magsalita ng sorry kay pangit pero kailangan ko talagang gawin to dahil lang sa pustahan.
"Ngayon ka lang nagsorry. Hah, anong akala mo sakin madaling magpatawad? Hindi ako ganyan. Hindi kita mapapatawad sa ngayon dahil sinaktan mo ako kahapon." Inis na sabi niya.
Ako din naman ahh? Hindi din naman kita mapapatawad dahil sa ginawa mo sakin... gusto ko iyong isatinig sa kanya pero pinigilan ko kasi baka mas lalong magalit siya at hindi niya ako mapatawad. Tsk... Ang hirap pala nito...
"Okay, kung yan ang gusto mo. Maghihintay ako kung sakaling mapatawad mo na ako." Sabi ko. Halatang nagpipigil lang ako ng inis.
Sakto namang dumating si Prof. at hindi na din nakapagsalita si pangit.
~Discuss~
~Quiz~
~Discuss~
Habang nagdidiscuss si Prof. ay tumingin ako kay pangit. Halatang hindi niya naramdaman na lumingon ako sa kanya kaya ganon nalang ang tutok niya sa Prof. namin. Tinitigan ko siya...
Maganda ka pala kapag hindi galit... Ang sarap mong titigan...
Wait... What?! Ano ba ang sinabi ko? Ang sarap mong titigan... Bakit ko ba nasabi yon?
Hindi ko na siya tinitigan baka kung ano ano nalang ang mga sinasabi ko sa isip ko.
Nakinig na lang ako sa Prof. namin kahit ang boring ng history... Hay...
Pagkatapos ng history class namin ay nagliligpit ako ng mga gamit habang si pangit naman ay ganun din. Gustong-gusto kitang asarin kaya lang hindi pwede so kailangan ko lang magtiis para hindi makagawa ng masama sayo. Tsk...
"Tutulungan kitang iligpit ang mga gamit mo." Sabi ko.
"Hindi na. Kaya ko naman to." Sabi niya.
"Okay. If you say so." Sabi ko.
Hindi na siya nagsalita pa kaya nagsalita ulit ako.
"Ummm, meron ka bang gagawin ngayon?" Tanong ko.
"Meron. Madami akong kailangang gawin dito at doon sa bahay." Sabi niya.
"Sayang. Gusto ko lang naman kitang yayayain sana sa bahay namin." Sabi ko.
"At ano naman ang gagawin ko dun?" Humarap siya sakin.
"A dinner. I just want you to meet my family and have a dinner." Sabi ko.
"'A dinner? Pag-iisipan ko muna baka naman hindi yan totoo ang mga sinasabi mo dyan." Sabi niya.
Ano ba naman to. Ang hirap pakisamahan sa pangit na ito. Kailangan ko talaga siyang imbitahin para naman makakapagsolo ako sa kanya mamaya sa bahay.
"Teka. Ano ba ang nakain mo? Bakit bigla ka nalang bumait? Ehh kahapon lang ay gusto mong makipag-asaran sakin. Sagutin mo ako." Sabi niya.
Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? Stupid! Kapag nalaman niya ang totoo edi talo na ako sa pustahang ito. Tch...
Halatang naiinip na siya sa kahihintay kung ano ang isasagot ko sa kanya.
"Umm, gusto ko lang namang magsorry sayo at makipagkaibigan." Ewan ko ba kung tama ba ang naging sagot ko.
Mukhang kumbinsido naman siya sagot ko. Nakahinga ako ng maluwag. Hay...
"Okay. Basta hindi pa kita mapapatawad at makipagkaibigan sayo ngayon. Baka hindi ka pa nagbabago." Sabi niya.
"Okay, okay. I understand. So if you wanna go to my house, call me, okay?" Sabi ko.
"Okay." Maikling sabi niya.
Lumabas na ako sa room at naglakad. Habang naglalakad ako ay meron akong nabangga. Hindi ko alam kong sino basta babae siya.
"Sorry." Sabi niya.
"What?! Just sorry!" Bulyaw ko.
Nanginginig na siya sa takot. Hahaha... Buti nga sayo.
"I-i'm s-so s-sorry. I-i d-didn't m-mean i-it." Garalgal na sabi niya.
"What's your name, Miss?" Galit na tanong ko.
"I-I'm Z-Zaire H-Harriet P-Paige." Sabi niya habang nanginginig.
"Ahh, so you are Zaire Harriet Paige. What a nice name. Tabi nga dyan! Tsk!" Sarkastikong sabi ko.
At pagkatapos ay nilampasan ko na siya at naglakad papalayo. Tss... Ano ba ang nangyayari sa mga babae ngayon?
Habang naglalakad ako ay nadatnan ko sila Nash at Nix. Nag-apir kami.
"Ohh, sino naman ang nakabangga sayo?" Tanong ni Nash.
"Ahh, yung babaeng yun? Si Zaire daw. Ang pangit ng pangalan." Sabi ko.
"Wehh. Hindi kaya. Ang ganda ng pangalan niya." Sabi ni Nix.
"Bahala ka nga dyan. Sa iyo na 'yong babaeng yun." Sabi ko.
"Yeah. Panibagong chikababes na naman. Hahaha." Sabi ni Nix.
"Wag lang puro pangchichiks pre. Kailangan din maging seryoso ka sa mga babae. Yung kayang magpapatibok ng puso mo. Yan yung totoong pagmamahalan." Mahabang sabi ko.
"Uy, bakit ka ba naghuhugot dyan? Brokenhearted?" Nanunuksong sabi niya.
"Hindi nohh. Wala naman akong girlfriend ehh." Sabi ko.
"Oh, eh ano naman yung pinagsasabi mo kanina lang?" Tanong niya.
"Wala yun." Sabi ko. "Tara na nga. Kain na tayo." Sabi ko.
"Oo, nga. Kain na tayo gutom na gutom na ako." Sabi ni Nash.
At sabay kaming pumunta sa canteen...
___________________________________________________________________________________
Edited: July 24, 2021
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top