Chapter 29

A/N: At, ito na nga! Balik-update na ulit ako rito, ha-ha! Pasensiya na sa inyo kung palagi ko itong ini-onhold, sa totoo lang kasi, nawawalan na ako ng motivation na ituloy 'tong kuwentong ito na noon naman ay sobrang excited ko na matapos ito. Pero gusto kong matapos ito para maibahagi ko sa inyo ang naisip kong plot para rito. Sana suportahan niyo pa rin ako hanggang dulo ng kuwentong ito! Thank you so much for patiently waiting and understanding po! Lahams ko kayo, Chasers! ♡

Chapter 29: Worried

Everleigh's Point of View

Nang magising ako, ang unang pumasok sa isipan ko ay si Shawn at ang nangyari kahapon. Kaya mabilis akong bumangon sa pagkakahiga sa sariling kama at kinuha sa vanity table ang nakapatong doon na cellphone ko saka binuksan iyon.

Akmang pipindutin ko 'yong pangalan ni Shawn sa list of contacts ko nang magbago ang isip ko. Napabuntonghininga ako, nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba ang pagtatawag ko sa kan'ya o hindi.

Sa huli ay inilapag ko na ulit ang cellphone ko sa vanity table at umupo sa gilid ng kama at napahilamos sa sariling mukha at pumikit ng mariin.

Nakakapagod mag-overthink. Pero kailangan ko siyang kausapin tungkol doon sa pino-problema niya.

Tatawagan ko na lang ulit si Shawn mamaya. May tiwala naman ako sa kan'ya na hindi siya gagawa ng ikakasakit sa 'kin at tuluyan na lalayo ang loob ko sa kan'ya.

Bumangon muli ako sa kama saka sinulyapan pang muli ang nakapatong na cellphone bago ako naghanda sa sarili habang papasok sa banyo.

Nang matapos ako sa lahat-lahat ay lumabas ako sa silid ko at mabilis na tinungo ang daan sa kusina. Nang makapasok ako sa kusina ay nakita ko roon ang mga magulang ko na abala sa kan'ya-kan'yang ginagawa pero napatigil lang nang maramdaman ang presensiya ko saka nginitian ako ni mommy habang si daddy naman ay walang imik na nagkakape.

"Hey, mom..." bati ko kay mommy at masuyo siyang hinalikan sa pisngi at lumapit ako kay daddy at gano'n din ang ginawa ko sa kan'ya katulad ng kay mommy pagkatapos kong sabihin na, "...dad." saka ako umupo sa tabi ni mommy.

Tutulungan sana ako ni mommy sa paghahanda ng kakainin ko at ilalagay iyon sa plato ko nang pigilan ko siya at ako na ang gumawa para sa 'kin.

"Uh, mom, dad, nasa'n si Amirah? Bakit wala siya rito sa hapagkainan?" Takang tanong ko nang mapansing wala nga pala rito si Amirah.

Saan ba nagsuot itong kapatid ko?

Matapos kong tanungin 'yon sa kanila ay bigla na lang naging mailap ang mga mata ni mommy at si daddy naman ay sumeryoso habang itinatabi niya ang hawak niyang newspaper.

"Uh... umuna nang pumasok sa school ang kapatid mo, 'nak... kaya hindi mo siya nakikita ngayon sa hapagkainan," sagot ni mommy at ngumiti. Pero alam kong nagsisinungaling si mommy sa 'kin at pilit lang ang ngiti niya habang nakatingin sa 'kin kaya huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Mom, alam kong nagdadahilan ka lang base sa mga ikinikilos mo. May nangyari ba rito nang hindi ko nalalaman?" Tanong ko ulit habang nakataas na ang isang kilay.

Napapikit na nga ng mariin si mommy at bumuka ang bibig niya para magsalita. "Tanungin mo na lang ang daddy mo, 'nak," aniya at sumulyap si mommy sa direksiyon kung saan nandoon na nakaupo si daddy at humihigop na rin ng kape.

Nalilito ko namang binalingan ng tingin si daddy saka inulit ang tanong. "May nangyari ba rito nang hindi ko nalalam—" nagulat ako at napatutop sa sariling bibig nang bigla na lang pinutol ni daddy ang tanong ko.

"Bakit ngayon ko lang nalaman na may kinakasama na pala itong kapatid mo, Everleigh, at alam mo rin naman pala 'to sa simula pa lang? Tapos, pinayagan mo pang paligawan 'yong lalaki para sa kapatid mo?" Father exclaimed.

Matapos magsink-in ang mga sinabi ni daddy sa 'kin sa utak ko ay bumuka ang bibig ko para magsalita.

"Dad, wala namang masama ro'n—"

"Meron. May masama ro'n!" Daddy's voice thundered. Napipilan ko ang sariling magsalita ulit.

"Narinig kong isang playboy ito," ani daddy saka matiim niya akong tinitignan. Hinawakan naman ni mommy ang kamay ko.

"Kaya ngayon pa lang, kung hindi mo gustong masaktan ang kapatid mo dahil sa lalaking 'yon, ilayo mo si Amirah sa kan'ya," patuloy ni daddy.

"B-But, dad, that guy had change—"

"Wala akong pakialam kung nagbago na ba ang lalaking iyon o hindi basta ayaw kong lumapit-lapit ito sa kapatid mo. Sabihin mo ring itigil na ang kahibangang manligaw at siguraduhin mong hindi na ito makakalapit sa kapatid mo. Understand?" Father said in an authoritative tone.

"D-Daddy—"

"Do you understand, Leigh?" Muling paninigurado ni daddy at matiim ulit akong tinignan.

Huminga ako ng malalim at unti-unting tumango-tango.

"Good. It's for your sister's sake, Everleigh. Isipin mo ang mararamdaman niya kapag masaktan siya dahil sa lalaking iyon sa huli at dahil na rin sa pagkababaero nito. Ayoko namang mapahamak ang kapatid mo sa mga taong tulad n'on," rason ni daddy at hinilamos ang sariling palad sa mukha at huminga ng malalim saka nagpaalam na at lumabas.

Mula nang mawala si daddy sa kusina, roon ako unti-unting napaupo ulit sa kinauupuan kong upuan.

Dumagdag pa talaga 'to sa pino-problema ko, oh!

Naramdaman ko namang hinawakan na ako ni mommy sa magkabilang kamay ko at ipinaharap niya ako sa kan'ya. Masuyo naman siyang ngumiti at tinignan ako.

"Pagpasensiyahan mo na iyong daddy mo, ha? He's just so overprotective about your sister, Amirah. Maski nga lamok ay hindi iyon ipinadapo sa balat ng kapatid mo dahil ayaw nitong masaktan ito," saad ni mommy.

"Pero, mommy, parang naso-sobrahan naman yata si daddy sa kan'yang gusto. Totoo naman talagang nagbago na si Nash at gusto niyang patunayan iyon sa pamamagitan ng panliligaw niya sa kapatid ko at pagrespeto niya sa atin bilang pamilya ni Amirah," I ranted.

"Naniniwala naman talaga ako sa 'yo, 'nak. Hindi naman kita pinalaking sinungaling, maging ganoon din kay Amirah, pero wala tayong magagawa sa gustong gawin ng daddy mo. Siya ang masusunod sa pamilyang ito," pahayag ni mommy at bumuntonghininga.

"Gagawa ako ng paraan, mommy. Sa ginagawang ito ni daddy ngayon, sinasaktan na niya si Amirah ng hindi niya namamalayan," I said with determination.

"'Nak, wala 'yong saysay ang paggagawa mo ng paraan. Alam mo naman ang daddy mo, hindi na talaga magbabago ang mga utos na binibitowan niya. Just focus on your studies and to your own lovelife, okay?" Saad ni mommy.

"No, mommy. I'll do whatever it takes just for my sister to be happy, even if it means hurting myself. Mababago ko ang isip ni daddy, basta magtiwala lang kayo sa 'kin, please," I plead and make a puppy eyes on her.

Humugot ng malalim na hininga si mommy saka tumango-tango. "Alright, alright," walang magawang pagsang-ayon ni mommy.

Kaya naman ay lumiwanag ang mukha ko at pinupugpog ko ng mga halik ang buong mukha ni mommy. "Yes! Thank you, mommy. Thank you! Thank you for always on my side!"

Natatawa naman akong ipinapatigil ni mommy sa ginagawa ko sa kan'ya saka nagsalita.

"Oh, siya, sige na. Kumain ka na ulit at nang makapasok ka na sa school, ikaw talagang bata ka oh." Natawa na lang ako nang makitang umiling-iling si mommy pagkatapos niyang sabihin 'yon sa 'kin at tumango ako saka nagsimula nang kumain.

Pagkatapos ng klase namin ay sabay kami ni Zaire na pumunta sa canteen para magmeryenda. Since vacant naman ang susunod ay sinulit na namin ang oras para makapagmeryenda man lang.

Ta's bigla na lang nagbukas ng topiko si Zaire at tungkol naman 'yon sa relasyon namin ni Shawn, nangungumusta raw si gaga.

"'Di ko pa siya nakakausap, Zaire," sagot ko.

Sumandal naman siya sa table habang nakaupo sa bench at matamang nakatingin sa 'kin.

"Ta's wala kang balak?" aniya pero umiling ako at hinarap siya.

"Tatawagin at kakausapin ko naman siya after ng classes natin ngayong hapon," sagot ko ulit.

"Ay, 'wag mong ipagpapahapon, ngayon na at nang hindi ka na mag-overthink," balewalang saad niya.

"Gaga, hindi pa ito ang tamang oras," I said then rolled my eyes.

"Sige na, tawagan mo na. Kaya 'di ko talaga gusto 'yang pa-LDR-LDR niyo eh, nakakainis. Ako pa 'yong palaging kawawa kasi ako 'yong tiga-advice sa 'yo sa kung ano ang tamang gawin kahit malapit na akong mauubusan ng mga advice para sa 'yo," reklamo niya habang nakangiwi nang nakatingin sa 'kin.

Natawa naman ako at kinuha na lang ang cellphone ko mula sa bulsa at inilahad iyon sa kan'ya.

"Oh, dahil ikaw naman ang nag-suggest niyan, ikaw ang tatawag at ako ang babati," usal ko.

"Gaga ka ba?" Hindi-makapaniwalang tanong niya habang palipat-lipat ang cellphone ko na hawak na niya at sa akin.

Inirapan ko siya sabay salita. "Mas gaga ka kaya pindutin mo na 'yong call button at nang makatawag ka na."

Pinandilatan niya ako bago niya sinunod ang iniutos ko sa kan'ya. Pinakita pa niya sa 'kin 'yong pagpindot niya ng call button at nagsimula na itong mag-ring. Ni-loud speaker niya rin 'yon para makarinig ako.

Inabot kami ng ilang oras dahil sa paghihintay na sumagot siya. Nakailang ulit din kaming umulit-ulit sa pagpindot ng call button at doon na kami nawawalan ng pag-asa na sumagot si Shawn. Nag-aalala na ako.

Ngunit nagulat na lamang kami ng sa huling pagpindot namin ng call button ay mabilis pa sa kidlat na sinagot na ni Shawn ang tawag kaya nakahinga ako ng maluwang at may munting ngiti na nakaukilkil sa labi ko.

Kinuha ko naman kay Zaire ang cellphone ko at binelatan siya kaya nginiwian niya ako na ikinatawa ko lang ng walang boses.

Akmang magsasalita na dapat ako nang bigla ko na lang narinig ang boses na 'yon ni Shawn.

[L-Leigh... always remember that I love you so, so much more than my life, okay? I-I love you... p-pangit.] Tutugon din dapat ako ng 'I love you' pero bigla na lang nawala sa linya si Shawn kaya kumunot ang noo ko.

Pero nawala 'yong pagkakakunot ng noo ko nang ma-realize 'yon. Napalitan iyong ekspresiyon ng mukha ko kanina nang pag-aalala.

Ramdam na ramdam kong nahihirapan si Shawn magbigkas ng mga salitang iyon kaya mas lalong dumagundong ng mabilis ang puso ko.

Hindi ko na halos marinig ang mga sinasabi ni Zaire dahil nakatuon sa isipan ko ang nangyari kani-kanina lang. 'Yong nasabi ni Shawn bago niya ako pinatayan ng tawag kahit hindi pa naman ako nagsasalita.

May hindi ba ako alam sa nangyayari sa kan'ya ro'n?

____________________________________________________________________________________

A/N:

Yey! May update na ulit, BWAHAHA. Anyway, mabilis na UD lang 'to kasi kinapos na ako sa oras pero doncha worry, Chasers, kasi sa susunod na mga chaps ay hindi ko na kayo bibiguin. Salamat! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top