Chapter 27
Chapter 27: LDR Part 2
Everleigh's Point of View
Long-distance relationship. Akala ko sa mga k-dramas at movies ko lang 'yon makikita pero ngayon ay higit pa sa mga nakikita kong mga pelikula ang nararanasan ko ngayon. Alam kong mahirap itong gawin dahil hindi mo makakasama ang taong mahal mo dahil nasa malayo siya at base na rin sa kakapanood ko ng mga k-dramas na may long-distance relationship ang plot ng mga kuwento.
Napapangiti nalang ako na parang nadadala ako sa mga ulap at pakiramdam ko'y lumilipad ako dahil katatapos lang ng video call namin ni Shawn, ang nobyo ko.
Nobyo... parang first time pa rin ito sa pandinig ko dahil kahit ilang ulit ko itong sasabihin, hindi pa rin ako magsasawang sabihin 'yon dahil napakasarap pa rin sa pakiramdam.
"Hoy, ate!" Nagulat at napasigaw nalang ako dahil sa sigaw na 'yon.
"Ay, nobyo!" Napahawak ako sa dibdib ko kasabay nang pagsigaw ko.
Nawala nalang bigla ang mga ulap na nakapaligid sa 'kin at hindi na rin ako lumilipad dahil lang sa sigaw na 'yon... galing mismo sa sarili kong kapatid.
Napatingin ako kay Amirah at nakita kong nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa 'kin.
"Ano ba, baby sis? Ginulat mo 'ko!" I exclaimed.
Ngumiwi lang si Amirah saka dumapa sa kama ko.
"Ang OA mong maka-react, ate. Kanina pa kaya ako tumatawag sa 'yo pero parang hindi mo 'ko naririnig kaya gumawa ako ng paraan para mabalik ka sa ulirat. Sa tingin ko, kaya ka nagkakaganiyan ay dahil napatawag sa 'yo si Kuya Shawn, 'no?" Panghuhula niya.
"Oo, bakit? May angal? Saka bakit mo ba ako tinatawag? Talagang babatuhin kita ng unan kapag hindi importante 'yang sasabihin mo sa 'kin," banta ko pa sa kan'ya.
Tumayo siya sa pagkakadapa sa kama at doon na sumeryoso. Kinakabahan naman ako sa pagseseryoso niya, baka nga importante talaga ang sasabihin niya sa 'kin.
"Nandito lang ako para... tawagin ka lang ate! Babush!" She gave me a silly smile and rush towards the door before I could throw her my pillows. Nalinlang ako roon ah!
"Amirah! Bumalik ka rito! 'Di pa tayo tapos!" Sigaw ko at narinig ko pa ang umalingawngaw na tawa ng kapatid ko kaya nasira ang mood ko.
Kahit kailan talaga ang kapatid ko, o! Hindi naman siya gan'yan dati, dahil ba 'to sa manliligaw niya na si Nash? Posible.
***
As a college student, ang daming school works na kailangan kong sagutin at gagawin bago ang deadline at kung after naman ng deadline, malalagot na ako nito. Ang hirap pero kakayanin.
"Miss Buenavola, 'eto na po 'yong natapos kong mga gawain," nakangiti kong sabi. Iba na ang mga teachers noon sa junior at senior highschool dito sa Parker High kaysa ngayon sa college dahil kung terror na kaagad ang adviser mo sa junior at senior high ay mas terror ang adviser mo sa college. Kinakabahan ako dahil terror adviser ko pa naman 'to.
Sinuri niya ng tingin ang lahat nang ibinigay kong mga nagawa at nasagot na mga school works pati na ang pinagawa niya na structure ng isang building sa plate.
Kahapon ko lang nagawa 'yong plate kaya nag-cramming ako dahil ilang beses ako nagkamali sa dapat na iguguhit ko.
Bahagya akong nagulat dahil tumango-tango siya saka inilapag sa gilid niya iyon at tinignan ako ng may matipid na ngiti sa mga labi.
"You can go now, Miss Carter," sambit niya at ibinalik na kaagad ang tingin sa kaharap niya na laptop.
Tumango ako at saka binati siya saka ako nakangiting tumalikod papalayo.
Pagkalabas ko ay sumuntok-suntok ako sa ere dahil sa sayang nararamdaman, akala ko susungitan na naman ako ni ma'am dahil sa mga nakaraang araw, sinusungitan niya ako at parang walang planong makipagbati sa 'ming mga estudyante sa 'min, lalo na ako, kaya ngayon ay sobrang saya ko talaga dahil nginitian ako ni ma'am at tumango-tango pa siya sa mga nagawa kong mga school works at isang plate para sa guhit ng isang building. Na-impress ko na siya sa wakas! Pinaghirapan ko kaya 'yon, mabuti nalang at parang gusto ni ma'am 'yon. My hardwork yesterday really paid off today.
Naglakad kaagad ako papunta sa kaibigan kong si Zaire na nasa kabilang department building na katabi lang dito sa department namin. Nang nasa seksiyon na ni Zaire ako nakatayo ay nakita kong papalabas na siya kaya naghintay ako sa may pinto.
Pagkalabas niya ay bigla kong isinaklit gamit ang isang kamay ko sa braso niya kaya nagulat siya pagkatingin niya sa 'kin, kalaunan naman ay kinurot pa ako sa tagiliran kaya napadaing ako ng kaonti.
"Nanggugulat ka na naman sa 'kin, Leigh. May plano ka bang papuntahin ako sa ospital?" Aniya kaya napatawa ako ng bahagya.
"Wala naman, may good news akong sasabihin sa 'yo. Punta muna tayo sa field, shall we?" Nangingiti kong saad kaya gumitla ang kan'yang noo kapagkuwan ay napatango na lang at naglalakad na kami patungo sa field.
Pagkaupo namin sa isang bakanteng bench sa field ay nagtanong kaagad siya sa 'kin.
"Ano naman ang good news na sasabihin mo sa 'kin, ha? At bakit dito pa sa field?" Bungad kaagad na tanong niya sa 'kin habang nagtatakang sinuyod ako ng tingin.
"May sakit ka ba? Bakit ka ngiting-ngiti riyan?" Dagdag na tanong pa niya.
"Bungad na bungad mo sa 'kin, pulos tanong. Wala naman akong sakit, 'eto na, sasabihin ko na..." at sinalaysay ko ang good news na sasabihin ko sa kan'ya.
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay nakahinga siya ng maluwag.
"Mabuti naman at ganoon ang reaksiyon ng adviser mo, mukhang na-impress mo yata. Sana all, ako naman ay heto, as usual, walang ka-impress-impress si sir, parang pinaglihi sa sama ng loob si Sir Augustin." Napatawa ako sa termo na ginamit niya sa pagde-describe sa adviser niya.
"Ayos lang 'yan. Baka nga magkaroon ng himala at ngingiti na ang adviser mo," biro ko pa.
"Sana nga," sang-ayon niya.
"Anyway, kumusta na kayo ng nobyo mo?" Pag-iiba niya sa usapan. Mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil sa tanong niya.
Speaking of my boyfriend, 'eto may nagri-ring sa bulsa ng skirt ko kaya kinuha ko 'yon at nanghihingi na naman ng video call ang boyfriend ko.
"Ayos lang naman parati, 'eto na pala siya, o." Napatingin din tuloy si Zaire sa screen ng cellphone ko pagkasagot ko sa video call ni Shawn.
"Shawn, kumusta na?" Bungad na pangungumusta kaagad ni Zaire kay Shawn.
[Oy, Zaire! Ikaw pala 'yan, akala ko kung sino. Ayos lang ako rito, kayo ni Nix, kumusta na? Hindi pa rin ba dumada-moves itong kaibigan ko sa 'yo?] Natatawang tanong ni Shawn kay Zaire.
"Sa tingin mo may gusto sa 'kin si Nix?" Tanong niya kaya sumabat na ako.
"Pakiramdam ko, oo. Halata kaya na may gusto sa 'yo 'yong tao, frenny," sagot ko.
Bigla nalang namula ang kan'yang mga pisngi dahil sa sinabi ko kaya napatawa kaming dalawa ni Shawn.
"Ewan ko ba do'n sa tao na 'yon," ani Zaire.
[Hay, ang torpe naman ng kaibigan ko, hindi nagmana sa 'kin.] Taas-babang sabi ni Shawn kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Weh? Ba't naghihirap ka pa sa pagsasabi sa 'kin na may gusto ka sa 'kin? Humahanap ka pa ng tiyempo, mana ka rin sa kaibigan mo. Mabuti pa itong si Nash, nanliligaw na sa kapatid ko," biased na sabi ko.
Nakita ko pang napanguso si Shawn sa sinabi ko kaya napatawa ako. Ako naman ngayon ang panalo.
"Iiwanan na kita rito, Leigh, ah? Pupuntahan ko lang kung saan na lumipad ang lokong 'yon," ani Zaire saka tumayo na at pinagpag ang sariling skirt. Bago pa siya makalakad ay pinaulanan ko siya ng panunukso kaya namumula na naman ang pisngi niya saka tumalikod na at naglakad na papalayo.
Binalingan ko ng tingin ang nobyo ko saka nginitian siya.
"Bakit ka napatawag, Shawn?" Tanong ko.
[Gusto lang kitang kumustahin d'yan tungkol sa pag-aaral mo.] He stated.
Inilahad ko sa kan'ya ang nasabi ko kanina kay Zaire at pagkatapos niyon ay napangiti siya ng malapad sa 'kin saka nag-thumbs up pa sa 'kin.
[Good job, Leigh.] Aniya kaya pinasalamatan ko siya.
[May tumatawag sa 'kin, i-o-off ko muna 'yong sa 'tin ah? Baka importante 'tong tumatawag sa 'kin, babalikan din kita mamaya.] Nakangiting sabi niya pero hindi abot sa mata kaya nagtaka ako.
Kahapon naman ay ayos lang naman siya at binola pa nga ako. Ngayon ay nakikita ko sa kan'yang mukha na pagod siya at parang ang tamlay niyang tignan. Wait, nagpupuyat ba siya kagabi?
Naghintay pa ako ng mga ilang minuto dahil naghihintay pa rin ako sa pagtawag muli ni Shawn sa 'kin. Nawawalan na ako ng pag-asa na hintayin ang tawag niya nang bigla nalang tumunog ulit 'yong phone ko kaya nabuhayan ulit ako niyon at iniharap sa mukha ko.
Nakahinga ako ng maluwag dahil si Shawn ang tumatawag pero this time ay hindi video call iyon kun'di ay ordinaryong tawag lang.
Sinagot ko iyon at itinapat sa tainga ko.
"Mabuti at tumawag ka na ulit, asungot. Nagtatampo ako ng kaonti dahil hindi na video call iyon," sabi ko habang nakangiti.
Walang sumagot sa kabilang linya kaya nagtataka ako, hindi ugali ni Shawn na paghintayin ako sa tawag lalo pa't siya ang umunang tumatawag sa 'kin.
Pero maya-maya lang ay may narinig akong isang halakhak... sa isang babae.
Ako na ang pumatay sa tawag. Maraming naglalaro sa utak ko dahil lang sa halakhak na 'yon sa isang babae.
Ba't may kasama siyang babae? Kaya ba ganoon katamlay ang mukha niya at parang pagod siya dahil napuyat siya sa kakatawag sa babaeng iyon?
Umiling-iling ako para alisin ang mga naiisip kong 'yon sa utak ko. Hindi 'yon gawain ni Shawn, nag-ooverthink lang siguro ako.
Pero kahit anong gawin kong limutin ang mga naiisip ko ay hindi ko maiwasang magselos.
Sino ba 'yong babaeng iyon?
Nag-init bigla ang sulok na bahagi ng magkabilang gilid sa mga mata ko. Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa pag-ooverthink.
***
Natapos ang klase nang wala ako sa sarili at wala akong naririnig sa discussion ng guro namin kani-kanina.
Pagkalabas ko ay nandoon na pala naghihintay si Zaire. Nang mapansin niya ako ay ngumiti siya sa 'kin pero biglang naglaho iyon nang mapansin ang itsura ko.
Inalo niya ako saka nagsalita ng may pag-aalala. "Hey, may nangyari ba habang nagvi-video call kayo ni Shawn?" Tanong niya.
Pinaupo niya ako sa may hagdanan. Nag-aalinlangan pa akong sasabihin 'yon sa kan'ya pero sa huli ay isiniwalat ko pa rin ang naging pag-uusap namin ni Shawn.
"Hay, Leigh. Don't overthink too much, alam mo bang isa 'yan sa mga paraan para makasira ng isang relasyon?" Anas niya pagkatapos kong sabihin 'yon.
"Just an advice, don't get jealous over petty things, especially that girl you're talking to. Malay mo may kaibigan palang babae si Shawn or what and don't be an overthinker, hindi 'yan ang solusyon para patahimikin ang selos mong nararamdaman. Talk to him and ask him, confront him too. As easy as that, okay?" Dagdag pa niya.
Tumango lang ako at medyo bumuti ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.
I'll try to talk to him. Baka nagkakamali lang ako ng akala at tama ang mga sinabi ni Zaire sa 'kin.
___________________________________________________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top