Chapter 25

Chapter 25: It's Official

Shawn's Point of View

Mabuti at hindi pa rin naglanding ang airplane na sasakyanin ko dahil gusto ko pang makasama ang babaeng minamahal ko, siyempre pati na rin ang mga kaibigan ko.

Hindi ko mapigilang kiligin kanina habang bumabanat si Leigh kanina. Sinabi ko sa kan'ya kanina na hahalikan ko siya para hindi na siya mang-asar sa 'kin muli. Mabuti na lang at effective.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa mga naghihintay para sa pagdating ng eroplano na sasakyanin.

Nagpaalam muli sina Zaire at Nix kaya kinantyawan namin sila, there's really going on romantically between them but they kept on denying it. Maya-maya rin ay sumunod din sila Nash at Amirah kaya pinanlakihan ko ng mga mata si Nash habang si Leigh nama'y kumunot ang noo, normal para kay Leigh na ganoon ang reaksiyon niya kasi nakatatandang kapatid ni Amirah si Leigh at nagtataka marahil ito sa kung bakit napapadalas na ang pagsasama nilang dalawa.

"Wait," ani Leigh kaya napahinto ang ang dalawa.

"Harap," utos niya kaya humarap din ang dalawa.

"May gusto ba kayo sa isa't-isa?" Prangkang tanong ni Leigh kaya nanlaki ang mga mata namin, tanda na hindi namin inaasahan na deretsahan niyang sabihin 'yon sa dalawa.

"A-Ate..." hindi alam kung paano sasagutin ni Amirah ang tanong niyang 'yon.

"Isang tanong, isang sagot. The answer is only yes or no, in tagalog, oo o hindi," aniya habang nakataas ang kilay na nakatingin sa kanilang dalawa.

Nagkatinginan ang dalawa dahil doon saka napalunok si Amirah habang si Nash ay parang natatae na ewan. Kinakabahan siguro 'tong mokong na 'to.

Obvious na may gusto sila sa isa't-isa base sa mga ikinikilos nila pero ewan ko ba kay Leigh kung bakit kailangan pa niyang tanungin 'yon sa kanila, but I think she just wanted to confirm it.

"Ano na? Walang sasagot sa inyo? Titingin lang ba kayo d'yan sa isa't-isa? Don't tell me totoo-"

"Yes, we like each other." Magkasabay pa sila ng pagkakasabi niyon kaya natutop ang sariling bibig ni Leigh sa pagsasalita.

Walang nagsasalita rito sa 'min at ang mga naririnig ko lang ay mga sigaw ng tao at pagdedeparture ng airplanes, at iba pa.

I thought Leigh will disagree that her younger sister should not like a guy and Amirah decided to say something but before she could do that, Leigh uttered something that they should really be in shocked, even me.

"Yieee! I'm so proud of you, sis! Sa wakas at nagkakagusto ka na sa isang lalaki! Akala ko inosente ka pa sa mga gan'yan pero akala ko lang pala 'yon. You just made me happy, baby sis!" May galak na sabi niya sa kapatid niya.

"P-Pero ate... I thought, hindi ka papayag? K-Kasi 'di ba over-protective ka sa 'kin? Tapos masyado pa akong bata para sa gano'n 'd-diba?" Maingat na may pagkautal na pahayag ni Amirah kay Leigh.

Pero kinunotan lang siya ng noo ni Leigh saka napatawa lang ng bahagya.

"Oo, sinabi ko 'yan sa 'yo noon kasi ang akala ko gusto mo lang ng mag-aral ng mag-aral, pero ngayon naman pala ay meron ka na ring nagugustuhan, hindi ko naman kaya 'yon ipagkait sa 'yo dahil mas nananaig din sa 'kin ang kagustuhang malayang maipadama ang nararamdaman mo sa taong nagugustuhan mo. Siyempre dahil ate mo 'ko kaya susuportahan kita," paliwanag ni Leigh habang nakangiting nakatitig sa kapatid niya.

Nabigla si Leigh nang yumakap sa kan'ya si Amirah ng mahigpit habang ngumingiti.

"Ikaw talaga ang the best ate para sa 'kin." Namasa ang mga mata ni Leigh ng dahil doon saka ginantihan din ng yakap si Amirah.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Nash at pagkatapos ay binalingan muli ng tingin ang magkakapatid.

Lumapit din naman si Nash sa 'kin saka nagsalita. "Bro, parang gusto ko rin ng may kapatid, nakakainggit sila."

Napatawa ako sa kan'ya saka siniko siya sa tagiliran. "Tapos aasarin mo lang naman, tsk. Inggit ka nalang muna dahil alam kong hindi mangyayari 'yang sinasabi mo," wika ko.

Napakamot na lang siya sa batok at pagkatapos ay ibinaling ang tingin namin na nasa harapan namin.

Napaisip na lang ako saglit sa napag-usapan namin ni mommy pagkatapos sa closure namin ni Leigh no'n.

-Flashback-

5 months ago...

"Hey, son," tawag sa 'kin ni mommy habang papalapit siya sa 'kin kaya binalingan ko siya ng tingin.

"Yes, mom?" Tugon ko.

Umupo siya sa tabi ko habang ako naman ay naghintay na magsalita siya.

Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita. "I know you very well, 'nak. 'Yong babae na sinabi kong pamilyar ang mukha, nakita ko pang nakatingin ka sa kan'ya ng may pangungulila. You're inlove with her, do you?" Natigilan ako saglit sa sinabi ni mommy.

Nag-iwas ako ng tingin kay mommy saka linaro-laro ang mga daliri ko.

"I'll take your silent as a yes. Kung talagang mahal mo siya, kaya mong irespeto ang naging desisyon niya." Nag-angat ako ng tingin kay mommy habang gulat na nakatingin sa kan'ya.

"Paano mo po 'yon nalaman, mommy?" Tanong ko habang namimilog nag mga mata.

"Sinundan ko kayo no'n. Ang akala ko target mo 'yon sa pagiging bully mo at kaya naisipan mo siyang sundan para humingi ng paumanhin o ano base sa iniisip ko pero pagdating ko roon ay nagulat ako sa mga sinasabi niyong dalawa, nagmamahalan kayo, may minamahal ka na rin sa wakas at hindi ka na likas na campus bully, 'nak. But worry started to consumed me because I saw pain and agony on your eyes especially hers and I can't even do anything about it because I heard what she said and I salute her for that. Kaya niyang magsakripisyo sa pagmamahalan niyong dalawa. I admit, I like her for you. I bet she's a nice girl because she changed you, from being a bully to being a hopeless-romantic loverboy," mahabang litanya ni mommy sa 'kin. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman dahil base sa ipinapakita ni mommy sa 'kin, gusto talaga niya si Leigh para sa 'kin but at the same time nalungkot dahil wala akong magawa kun'di irespeto ang desisyon ni Leigh at 'yon din ang gusto ni mommy para sa 'kin.

"Mommy, p'wede ko bang idecline ang offer papunta sa ibang bansa para mag-aral? I can't leave without her yet, I love her so much I do not want to sacrifice my feelings for her," sabi ko na may pagkaasam.

Bumuntong-hininga si mommy at hinawakan ang magkabila kong mga kamay.

"I'm sorry, Shawn. Wala akong magagawa na rito dahil nasabi ko na sa nag-offer sa 'kin na pumayag ka, pumayag ka na anak eh at wala na akong magagawa pa roon. Inaasahan na nila ang pagdating mo roon pagkalipas ng apat na buwan. And by this, you need to learn how to sacrifice your love for her and in order you to grow maturely and realize it's for the better. Pero don't worry, babalik ka rin naman kaagad dito sa Pilipinas after one year," sabi ni mommy sa 'kin.

Nawalan ako ng mga alibi para sana hindi matiloy ang pagpunta ko sa ibang bansa dahil sa sinabi ni mommy sa 'kin. I think she's right. I need to grow and learn.

"Okay, mommy, tutuloy na lang ako papunta roon," I agreed again.

Ngumiti si mommy sa 'kin saka yinakap ako na parang mama's boy ako.

"Pagmamahal lang pala ang katapat mo sa pagtigil mo bilang bully, 'nak. I need to thank and appreciate that familiar girl for changing my son in a good way for the sake of love," sabi pa ni mommy kaya napangiti ako.

Pero umaasa pa rin ako na sana magbago rin ang desisyon ni Leigh.

Mahal pa rin ba niya kaya ako hanggang ngayon o hindi na dahil lang sa ginawa kong pagkakamali kasi pinusta ko siya?

I heaved a sigh at the thought. Gusto ko pa naman siya maging nobya.

-End of Flashback-

Baka ito na ang panahon para tanungin sa kan'ya 'yon kaya napangiti ako sa naisip. Nagpatulong din kaya ako kay mommy rito.

Leigh's Point of View

Pagkatapos ng yakapan namin ni Amirah ay binalingan ko ng tingin si Shawn na nakangiti pa rin sa 'kin kaya nginitian ko rin siya pabalik.

Ano naman kaya ang ibabanat niya sa 'kin ngayon? Ang corny ng mga banat niya, hindi ko kinaya lalo na kanina.

"Ate, p'wede na ba kaming umalis?" Tanong ni Amirah kaya napatingin na naman ako sa kan'ya. Um-oo kaagad ako.

Akmang aalis na sila ng bigla na lang akong natigilan pagkakita ko sa sahig.

Binasa ko 'yon at napasinghap pagkatapos. Namasa bigla ang aking mga mata.

W I L L  Y O U  B E  M Y  G I R L F R I E N D  ?

Nakabond-paper lang 'yon at 'yong mga letra ay alam kong isinulat lang 'yon. Alam ko kung sino ang sumulat niyon.

"Leigh, will you be my girlfriend?" Inisatinig iyon ni Shawn at isinigaw iyon kahit ang daming taong nandito sa airport.

Binigyan niya ako ng isang bungkos ng rosas kaya tuluyan ng tumatagaktak ang luha sa mga mata ko.

Paano niya ginawa 'to? Ang akala ko wala siyang dala, pinaghandaan ba niya ito? Ang sweet naman.

Tears of joy ang ibig sabihin ng mga luha na tumatagaktak ngayon sa mukha ko.

"Oo naman, asungot. Obvious kaya na ma—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mahigpit niya akong yinakap at pagkatapos naman ay hinapit niya papalapit ang baywang ko sa kan'ya at walang sabi-sabing kinintalan ako ng isang masuyong halik.

'Yon ang dahilan kung bakit naghiyawan ang mga taong naroon habang nakatingin sa 'min.

Wala na palang saysay ang hiya ko dahil na rin sa nalulunod ako sa uri ng halik na ibinigay sa 'kin ng lalaking hanggang ngayon ay minamahal ko pa rin kahit sinaktan niya ako dahil lang sa isang pustahan.

And that's the start of our relationship.

___________________________________________________________________________________

A/N:

Sorry, late update. Hindi 'to last chapter ah, marami pa talaga 'tong chapters haha. 👁👄👁

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top