Chapter 24

Chapter 24: Time to Wait

Everleigh's Point of View

"I still, and will always love you, Shawn, so don't ever leave and break me this time. That's an order."

Ewan ko ba kung bakit nasabi ko 'yon pero ngayon, ang masasabi ko lang, nakakahiya 'yong sinabi kong 'yon sa kan'ya.

Kaya ko lang naman nasabi 'yon kasi makulit siya.

Para na ngayong nagkulay ng kamatis ang pisngi ko dala ng kahihiyan kaya ang ginawa ko para hindi niya makita ay yumuko nalang.

As in, sa pakiramdam ko, nakakahiya talaga. Peste!

Pero alam kong makikita rin naman kaagad niya ito dahil pipilitin na naman niya ako na mag-angat ng tingin at ipaharap ako sa kan'ya.

"Leigh, nahihiya ka ba?" Medyo nakarinig ako ng mahinang tawa galing kan'ya kaya sinamaan ko siya ng tingin pero hindi 'yon nagtagal at iniwasan nalang siya ulit.

Nagulat nalang ako ng bigla nalang niya akong hinigit dahilan para mapasubsob ako sa kan'ya. Nabalik din naman kaagad ako sa huwisyo.

"Hoy, asungot, ano ba 'yang ginagawa mo ha? May makakakita sa 'ting mga tao rito sa ganitong posisyon. Ano ba?" Reklamo ko pero mas hinigpitan pa niya lalo ang pagkakahawak niya.

Ano ba 'tong asungot na 'to? Alam ba niayng maraming tao rito sa airport? Nakakahiya kaya 'yong ganitong posisyon namin.

"'Wag mo na lang pansinin ang mga taong nakatingin sa 'tin, it's none of their business anyway, and..." binitin pa niya. Hay, nako!

"'Wag mo nang ibitin!" Reklamo ko na naman.

Napatawa lang siya saka nagsalita na muli. "Hear my heart everytime it beats. It shows that in every beat, it says how endlessly my love is real for you." Pinapakilig siguro ako ng asungot na 'to! Effective rin naman!

"Hmph! 'Wag ka ngang magpakilig d'yan!" Wika ko na lang.

Tumawa siya ng mahina saka binulongan ako. It makes me ticklish!

"Kinilig ka naman?" Tanong niya.

"O-Oo." At nautal pa talaga ako!

Humiwalay ako sa pagkakasubsob sa kan'ya, mabuti nalang at hinayaan niya ako.

"Leigh..." sambit niya bigla sa pangalan ko tapos hinawakan niya ang magkabila kong kamay.

"Ano na naman?" Kunwaring mataray na tanong ko.

"I just wanted to say, I'm still smitten into you too... I never would have thought that this thing called love happens to me, to us. I'm a bully to you but it turns out to be a loverboy to be fond at you," he seriously said.

I think my heart melts because of what he have said. Oo, noong una ay magkaaway talaga kami kasi bully siya, bi-nully niya ako pero ngayon hindi ko naman alam na mangyayari pala talaga 'to sa 'min. Well, they say, expect the unexpected and that's what I feel, we feel.

"Thank you for still loving me, Shawn, so am I to you, 'til eternity," masayang pahayag ko.

Nakita ko namang ngumiti siya at napansin ko ang kan'yang magkabilang tainga na parang namumula. Wait, kinikilig din ba siya?

"Kinilig ka naman?" Balik-tanong ko na sa kan'ya. Now, it's my turn to laugh while seeing at his ears in a reddish color.

"Gusto mo bang halikan kita, ha?" Nagulat ako sa kan'yang hamon kaya natutop ko nalang nag sarili kong bibig.

Kung hahalikan niya ako, does that mean, dito niya gustong halikan ako?

Nakakahiya kaya 'yon!

"No way, hindi rito." Sinamaan ko kaagad siya ng tingin kaya tumawa na naman siya.

"Sige, sabi mo 'yan eh," aniya habang natatawa pa. Inismiran ko na lang siya.

Maya-maya lang ay nagsalita ako nang may sumagi sa isipan ko.

"Totoo ba talagang aalis ka na ngayon?" I asked him which made him look at me with a serious look.

"Oo, nakahanda na ako lahat no'ng itinaboy mo ako noong araw na 'yon," aniya saka napaiwas ng tingin.

"I'm sorry for doing that to you, gusto ko lang naman ng closure no'n at nalilito pa rin ako sa kung ano ang mga idedesisyon ko no'n," sinserong usal ko.

"Leigh, it's okay. I know that you want me to go to another country for my own sake and for my dreams to be true," aniya.

Hindi ko alam pero naiiyak ako, iiwanan niya naman ako.

I hugged him immediately to cry on his shoulders.

"K-Kaya ako nandito kasi gustong kong pigilan kita sa p-pag-alis pero h-hindi naman ako gano'n k-ka desperada para g-gawin 'yon sa 'yo," I said in between my sobs.

"Shh, tahan na." Pinapatahan niya ako at saka niya hinalikan ang gilid ng noo ko.

"It's just for one year lang naman 'to. Don't cry, makakasama mo naman ulit ako kapag natapos na ang one year na nandoon ako, okay?" Pahayag niya at hiniwalay niya ang yakap ko sa kan'ya saka pinahiran ang luha ko.

"Aasahan ko 'yan, ah?" I sniffed.

"Cute. Oo naman," aniya.

Napangiti na lang ako kahit may tuyong luha pa ako sa mukha ko.

Pero... kailan 'yong label namin?

Amirah's Point of View

Ano na kaya nangyayari ngayon nila ate at kuya?

Habang nag o-overthink ako sa kung ano mang posibleng mangyayari sa kanila ni ate ay bigla na lang may pumitik sa noo ko kaya napabalik ako sa huwisyo at napaaray dahil doon.

Sinamaan ko kaagad 'to ng tingin. Nang-iistorbo eh.

Pero nang makita ko kung sino ang pumitik sa 'kin ay napalitan ng nakakatawang ekspresyon at pakiramdam ang nararamdaman ko.

Sino ba naman kasing hindi matatawa kung ang pumitik naman sa 'yo ay pagkaharap mo naman ay nakakatawa na ang mukha? Walang iba kun'di si Nash lang ang makakagawa nito sa 'kin.

Parang clown 'yong mukha eh, dinagdagan pa ng finger sign kaya mas lalo akong natawa... nagawa niya pang kumilos ng parang unggoy kaya hindi ko na mapigilan at mapahagikhik ng todo.

"Hoy! Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo sa sarili mo, ha? Tama na 'yan! Ako ang nahihiya para sa 'yo!" I said in between my laugh which made him chuckled enormously and suddenly stop from doing silly things.

"Gusto lang kitang patawanin, hindi ba 'yon p'wede? Saka, kanina ka pa kasi lutang," natatawa niyang pahayag.

"Oo na, napatawa mo naman na ako 'di ba? Mabuti na lang at tumigil ka na kun'di kukutusin talaga kita," pabiro na banta ko sa kan'ya.

He smirked by what I said and immediately walk towards me and all of a sudden, his face gets closer to mine.

"Kung hindi ako titigil, kukutusin mo pa rin ba ako?" Tumango naman ako ng walang-atubili saka linabanan ang kan'yang pagkakatingin sa 'kin.

"Kung kukutusin mo ako, hahalikan kita?" Hindi 'yon statement kun'di patanong niyang sinaad 'yon.

Kaya namula ang aking magkabilang pisngi. Peste 'tong abo na 'to, alam niya talaga kung papaano ako pamumulahin ang pisngi.

He chuckle and just ruffle my hair and go away from being close to each other.

"Ang cute mo, Am." Mas lalo akong namula ng dahil doon.

Bakit ba kasi nag-exist ang ganitong abo? Grabe kung makakita ng paraan kung paano pamumulahin ang pisngi ng mga babae, katulad ko.

Alam kong bata pa ako para mag-isip ng ganito pero 'yon talaga ang nararamdaman ko ngayon.

And I can feel that I'm consumed by my feelings for him which is I like him. I don't why but it in my mere thought and in this age which is only 16, I really like him, all about him.

"Hindi mo 'ko madadaan sa gan'yan, abo! Tara na nga, balik na tayo roon sa kinaroroonan nila ate at kuya," pag-iiba ko sa usapan.

"Oh, sige. Pero tatawagin lang muna natin sila Zaire at Nix ah, baka nagdi-date—este, nagfi-friendly date sila ngayon habang nandito sila sa labas ng airport." I giggled and gently nodded my head about what he said.

Pagkatapos namin silang tawagin ay nakita pa namin sila na tumatawa habang may isinusuri silang mga gamit doon bago kami bumalik sa kinaroroonan ni Ate Leigh at Kuya Shawn.

Pagkarating namin sa kanila ay napasulyap kami at hindi muna namin sila ginulat o tinawag man lang dahil sa nakayakap sila isa't-isa saka... parang umiiyak si ate? Bakit kaya?

Pagkatapos no'n ay nagsimula na kaming pumunta patungo roon. Mukhang napansin siguro 'yon ni ate kaya napatingin siya sa 'kin o siguro sa 'min at dali-daling pinunasan ang kan'yang luha saka nginitian kami kaya napaharap din sa 'min si kuya.

"So, okay na kayo?" Umunang nagtanong si Ate Zaire sa kanila.

Tumango silang dalawa kaya nagpatuloy kami sa pagtatanong.

"Hindi ka na ba aalis ng bansa, kuya?" Tanong ko rin.

Si ate ang sumagot. "Tutuloy pa rin siya pero just for  one year lang naman daw at babalik din kaagad siya rito sa Pinas."

"'Wag mo kaming kalimutan do'n, dre ah?" Tinapik-tapik pa sa balikat si kuya nila Ash at Kuya Nix.

"Sira, isang taon lang 'yon 'no, tsk." Napatawa na lang kami dahil doon.

"Kahit kailan talaga kayo, wala talagang seryosohan ang magaganap," sabat ni Ate Zaire sa kanila.

For now, we'll just have to wait for Kuya Shawn to go to another country, ang tagal kasi ng airplane.

For now, that airplane helps us to bond together even just for a minute so it's just time to wait...

___________________________________________________________________________________

A/N:
Sorry kasi ngayon lang po ako nakapag update. Baka hindi na naman ako maka update nito sa susunod na mga araw dahil sa paparating na bagyo na dadaan pa sa amin dito sa Central Visayas, super typhoon daw. :<

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top