Chapter 23

Chapter 23: It's not too late

Everleigh's Point of View

Hinanap-hanap ko pa rin siya kahit alam ko sa sarili ko na hindi ko siya makikita pang muli dahil nakaalis na siya sabi ni Tita Dor pero gusto ko pa ring hanapin siya.

Kahit alam kong imposible na makikita ko pa siya, palagi kong sinasabi sa isipan ko na hindi pa huli para mabago ang isipan niya. I hope it's not too late, I hope.

Pero nakailang lingon na ako sa paligid kung nandiyan ba siya pero kahit ni isang anino niya, wala.

Nanghihina na lang akong nakaupo sa waiting area at nagsimula ng tumulo ang mga luha ko.

Hindi pwede... hindi siya pwedeng umalis... kailangan ko siya... mahal ko siya...

Pinalis ko na lang ang mga luha ko kahit patuloy lang ito sa pag-agos dahil sa bugso ng damdamin ko. Patuloy lang ako sa pagpalis ng luha ko ng may biglang may nag-abot sa 'kin ng hanky kaya kahit hindi ko siya makita dahil sa nangingilid kong luha ay pinasalamatan ko na lang siya at kinuha ang hanky para pahiran ang dumaraosdos na luha sa mata ko.

Dapat pala hindi ko na lang siya itinaboy pero gusto ko lang naman na abutin niya ang pangarap niya doon.

Pero mas lamang pa rin pala ang pagmamahal ko sa kanya.

Nang matapos ay ibabalik ko na sana ang hanky sa kanya nang mag-angat ako ng tingin sa kanya at muntik ng mahulog ang hinahawakan ko pa ring hanky ng makita ko... siya.

"S-Shawn?"

Zaire's Point of View

"Tingin mo maaabutan pa kaya ni Leigh si Shawn, Zaire?" Tanong ni Nix sa 'kin.

"No one knows, even me. Pero parang nga, pero hindi ako sigurado, ah basta," I keep on shrugging which made him laugh that's why I laugh too.

Mukha kasi akong timang, palaging umiling-iling kahit wala naman akong pinagpipilian na tanong.

Minsan kahit sa sarili ko, hindi ko alam kung ano ang mga pinaggagawa ko at minsan para na akong baliw without even me knowing. How funny though.

"Pero alam mo, I like that personality of yours. Noong una kasi, ang intimidating ng aura mo pero nang nakilala na kita ay nagbago ang pananaw ko sa 'yo. Don't judge the book by its cover as what many have said," he smirked and shrug at what have he said earlier.

"I'll take it as a compliment," nakangiti kong sabi, ngumiti din siya sa 'kin pabalik.

"Zaire..." he trailed of.

"Hmm?"

Nang mag-angat ako ng tingin ay nagulat ako ng ang lapit ng mukha niya sa 'kin kaya nag-iwas ako ng tingin.

Muntik na kami maghalikan!

Pero hindi ko alam dahil doon ay bigla na lang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung saan 'yon nanggaling pero gano'n ang naramdaman ko kanina. Kakaiba.

"I like you—"

Hindi natapos ang kanyang sinabi ng biglang nag-ring ang cellphone ko kaya  kinuha ko 'to at sinagot ang tawag.

Number lang ang nakalagay kaya nagtaka ako, sino kaya 'to?

Pero nasagot ang katanungan ko nang may sumagot sa kabilang linya.

[Ate Zaire, si Amirah 'to. Ate, may itatanong lang sana ako sayo.] Anang nasa kabilangl inya. Si Amirah lang pala 'to.

At ano naman ang itatanong niya?

"Oh, ikaw pala 'yan Amirah. Ano naman 'yon?" Tanong ko.

[May alam ka po ba kung saan pupunta ngayon si ate?] Aniya.

Hindi nga pala ipinaalam ni Leigh sa kapatid niya kung nasaan siya ngayon.

"Nasa airport siya ngayon para habulin si Shawn. Ako ang nagsabi sa kanya no'n. Bakit mo naman natanong?" Taka kong sinabi sa kanya 'yon.

Teka, susundin ba niya si Leigh. Sino naman kasama niya kung gano'n?

[Pupuntahan ko kasi ate eh, sige ate. Bye na.] Boom! Tama ang hinala ko na susundin niya ang ate niya.

Bigla na lang niyang binaba ang tawag kaya hindi ko masabi sa kanya ang dapat kong sasabihin sa kanya.

May kasama nga kaya siya sa pagpunta ro'n? Ang bata pa niya para pumunta doon sa airport ah.

Inilagay ko na lang ulit sa bulsa ko ang cellphone saka malalim ang iniisip.

"Zaire, may problema ba?" Tanong niya kaya nagpakawala ako ng buntong-hininga.

"Tanong ko lang, may kasama kaya si Amirah papunta sa airport? Susundin niya kasi ang kapatid niya doon, nag-alala ako para sa kalagayan niya," sabi ko.

"Siguro, si Nash ang kasama niya. Para masigurado natin, pwede naman nating sundin sila do'n para malaman natin," yaya niya oaagad sa 'kin.

Tumango ako saka umalis kami at pumunta na din sa airport gamit ang kanyang motor. Sayang at hindi ko nadala si Wynter, sa susunod dadalhin ko na lang siya.

Third Person's Point of View

"S-Shawn?" Gulat at utal na tanong ni Leigh sa tao na nagbigay sa kanya ng hanky.

She thought Shawn was completely gone. Akala lang niya pala, dapat pala hindi niya ipinutol ang tawag kanina nang may sasabihin dapat ang ina ng lalaki. How stupid of her.

"Leigh, bakit ka ba nandito?" Anang tinig ni Shawn nang itinanong nito ito sa kanya.

Humarap siya ng tuluyan at tumayo ng maayos kay Shawn.

"A-Akala ko, nakaalis ka n-na," umiiyak na aniya sa lalaki.

"May hinahanap lang ako sa labas. At saka, bakit ka nandito, Leigh?" Tanong nito sa kanya.

Magsasalita na sana siya nang may tumawag sa pangalan niya at sa binata.

"Leigh!" Tawag ni Zaire sa pangalan niya.

"Shawn! Bro!" Tawag din ni Nix sa lalaki.

Pagkalapit nila ay nagtataka niyang tinignan si Zaire at Nix na ngayo'y nakatingin sa kanilang dalawa.

"Sandali, naguguluhan ako. Bakit ba kayo nandito? Hindi ko naman kayo ipinaalam kasi alam kong susundin niyo 'ko rito," nagtataka ring saad ni Shawn kay Nix.

Bigla na lang din sumulpot sa kung saan sila Nash at Amirah kaya nagulat ang binata.

"Bakit ba kayo nandito lahat? Ano 'to, isang pagtitipon? Nalilito ako," ani Shawn.

"We just came here because we thought you're gone and it's possible that Leigh will breakdown here. She wants to tell you— I mean, confess to you that she has always been inlove with yo—" bigla nalang tinakpan ng mga kamay ni Leigh ang bibig ni Zaire para patahimikin.

No! Bakit niya 'ko inilaglag?

Napabungisngis din ang tatlo kaya alam niyang nagkulay kamatis ang pisngi niya base sa pag iinit ng pisngi niya nang maramdaman niya ito.

Ibinaling din ng tingin ng binata sa kanya kaya nailang siya. Nakaramdam siya ng kaba sa dibdib, dumadaga din ang dibdib niya sa naghuhuramentado niyang puso.

"T-Totoo ba, Leigh?" Isang tanong at hindi niya alam kung bakit umurong ang kanyang dila para magsalita.

Hindi pa pala ako handa!

"Totoo ba talaga? Do you mean it? Do you still love me, Leigh? Do you?" Bigla na lang lumapit ng malapit sa kanya ang lalaki kaya mas lalong dumadaga ang dibdib niya.

"Oy, sagutin mo na, Leigh. Sabi mo pa nga, it's not too late tapos ngayon napipi ka pa? Come on, aminin mo na," nanunuksong sabi ni Zaire sa kanya.

"Zaire," saway niya at sinamaan din ng tingin ang kaibigan pero tanging hagikhik lang ang sinagot nito.

"Don't change the topic, Leigh. Answer me, do you still love me? Kaya ka ba umiyak dahil akala mo huli ka na para sabihin mo sa 'kin ang mga katagang 'yon? Kaya ba?" Tanong ni Shawn.

"Uhm..." hindi niya alam kung paano niya sasabihin ng diretso ang mga katagang 'yon.

"Guys, let's leave them so that they can solo here." Narinig niya pang sabi ni Zaire sa mga iba niya ring kaibigan at kapatid. 'Wag! 'Wag kayong umalis!

Umalis na kaagad sila kaya walang nagawa si Leigh kundi ay salubungin ang tingin ni Shawn sa kanya.

Pero nakalulusaw ang tingin nito sa kanya kaya nag-iwas na lang din siya ng tingin.

Pesteng puso 'to oh! Hindi mapakalma!

"Asnwer me one last time, Leigh. Do you really still love me?" Tanong na kaagad ulit ni Shawn sa kanya.

Napalunok muna siya ng makailang beses bago pumikit at huminga ng malalim.

Saka siya nagsabi ng hinihintay na kasagutan ng lalaki.

"I still, and will always love you, Shawn, so don't ever leave and break me this time. That's an order."

___________________________________________________________________________________

A/N: hanuhba! Kinikilig ako shuta ^^

Sorry for the late update. Hectic lang talaga schedule ko since malapit na ang first quarterly exam. Good luck na lang sa 'kin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top