Chapter 22

Chapter 22: Follow Him

Everleigh's Point of View

Nang sabihin 'yon ni Zaire ay parang may bumuhos na malamig na tubig sa 'kin at natigilan.

Narealize kong hindi ko pa pala kayang kalimutan siya, ngayon, masasabi kong kinakain ko lang ang mga salitang lumabas sa bibig ko nung araw na 'yon.

Akala ko kaya ko siyang kalimutan para hindi na mas lalala 'tong nararamdaman ko para sa kanya pero sa halip ay mas lumalala lang pala 'tong nararamdaman ko para sa kanya, nahulog na ako ng tuluyan.

I have fallen deeply inlove with him to the point that I'd ate my own words.

Kaya ito ako ngayon, pinakiusapan si manong driver na pakibilisan ang pagmamaneho patungo sa airport. May oras pa, maaabutan ko pa siya.

I need to follow him immediately to tell him that I still need him, that I cannot live without him.

Funny how I turn to be this way, because before I thought that when the people I watched on kdramas and tv was inlove, they follow their true love and said some words that makes me feel before that it's cringe or gross, now I look like the same person who I've watched to before.

Napailing na lang ako sa sarili kong nagawa. Well, people changed because of that one word called love. At isa na ako doon na makakapagpatunay na totoo talaga na magbabago lang ang isang tao kapag nagmahal na.

Napabuntong hininga na lang ako habang hindi mapakaling tinignan ang cellphone ko, nagtatype na ako sa isa sa kaibigan ni Shawn, si Nash. Alam niya kung ano ang number ni Shawn.

Nang sinend ko naman ay mabilis din naman siyang sumagot at binigay agad ang number ni Shawn sa 'kin. Mabuti na lang. Pinasalamatan ko din siya pagkatapos.

Nang pinindot ko ang number ni Shawn at tinawag siya ay nag ring lang iyon ng nag ring kaya hinintay kong sagutin niya ang tawag ko.

I waited for him to answer my call but he doesn't kaya muli na naman akong napabuntong hininga at bigla nawala saglit ang pag asa na lumukob sa puso ko.

Pero bigla na lang may nag ring sa cellphone ko kaya mabilis ko 'tong tinignan at nagkaroon na ulit ng pag asa ang puso ko dahil nakita ko sa screen name ang pangalan ni Shawn, ang taong mahal ko kaya sinagot ko din naman kaagad 'yon pero biglang nawala 'yong ngiti ko ng ibang boses ang narinig ko, boses ng isang babae na pamilyar.

[Hello? Are you there? Bakit mo tinatawag ang anak ko? Hello, excuse me?] Tanong ng ginang sa kabilang linya.

Ang mama pala ni Shawn ang humawak ngayon sa cellphone niya!

Matagal bago ako makapagsalita.

"Uh, hello po. Ako po pala si Everleigh, kaklase ni Shawn, maaari ko po ba siyang makausap ngayon?" Tanong ko.

[Ah, hija, pasensya na pero wala na rito si Shawn sa airport eh, may—] bigla ko na lang pinutol ang sasabihin dapat ng mama ni Shawn.

"Ah, sige po Mrs. Parker, sorry sa pagputol po ng dapat sasabihin niyo. Sige po, paalam po," sabi ko kaya sumagot din naman kaagad ang ginang saka ko na binabaan ang tawag.

Mas binilisan pa ni manong ang pagdadrive dahil pinakiusapan ko na naman siya ng paulit ulit. Nanghihina na ako na nanginginig dahil parang iiyak na ako anomang oras.

Hindi pwede 'to. Hindi pa siya pwedeng makaalis ng bansa.

I frustratedly brushed my hair under my palms. Nagsisimula ng uminit at humahapdi ang mga mata ko dahil parang iiyak na ako.

No, this can't be.

Hanggang sa tumigil na si manong kaya mabilis kong ibinigay ang nakahandang pera sa kamay ko at ibinigay 'yon kay manong saka mabilis na binuksan ang pinto ng taxi at lumabas na saka pumasok sa airport.

Hinanap ko kaagad siya doon sa maraming nakaupo na mga tao na naghihintay para sa kanilang flight schedule.

Sana hindi pa huli.

Amirah's Point of View

Tinignan ko pang muli sina Ate Zaire at si ate hanggang sa paglabas nila at paglayo sa restaurant ng biglang nag vibrate 'yung cellphone ni mommy na hawak hawak ko.

Kaya tinignan ko ang cellphone at tinignan ang notification sa taas, isang message galing kay Nash sa facebook kaya pinindot ko 'yon saka tinignan ang kung ano ang minessage niya sa 'kin.

Nash:

Hello, Am. Pwede ba kitang yayaing makipag usap? Asan ka ba ngayon?

Me:
Hello Ash, sige. Nasa isang restaurant malapit sa school lang ako. Lalabas na lang ako para madali mo lang akong mahanap.

Nash:
Ah, sige. May sasabihin kasi ako sayo.

Me:
Huh? Pwede naman dito mo na lang sabihin 'yang mga dapat sasabihin mo sa 'kin eh.

Nash:
I need a personal meet up, Am.

Me:
Okay. Magpapaalam lang ako kila mommy then lalabas na ako.

Nash:
Okay.

At inilog out ko na ang account ko sa facebook saka sinuli na kay mommy ang cellphone niya.

"Ah, mommy?" Tawag ko rito kaya  tumingin siya sa 'kin.

"Yes, 'nak?" Tugon ni mommy sa 'kin habang may nakapislit na ngiti sa labi niya.

"Sorry for interrupting your talk, pero lalabas muna ako mommy ah? Susunod ako kila ate," paalam ko.

"Sure dear," ani mommy saka hinalikan pang muli ang pisngi ko bago lumabas na ng restaurant pagkatapos ko ding magpaalam kay daddy na mukhang dapat tatanggi, mabuti na lang at nagpumilit ako saka nag puppy eyes kaya pinayagan na lang ako.

Nang makalabas ako ay may nakita akong bench at doon ako umupo saka naghintay kay Ash. Hanggang sa meron akong nakitang kulay itim na kotse saka lumabas niyon ang lalaking gusto ko.

Medyo may pagkailang pa rin ako sa kanya ngayon dahil sa ginawa niyang pagsabi sa 'kin na siya raw ay mukhang may gusto sa 'kin.

Sa 'kin pa talaga ah.

Tumayo ako at lumapit doon habang hindi niya ako nakikita. Nang pagkalapit ko na sa kanya ay akmang gugulatin ko siya ng lumingon siya sa direksyon ko kaya nagkagulatan kami. Kalaunan naman ay napatawa na lang sa isa't isa. It's kinda embarassing but we tried to laugh to stay away from the embarassing moment we just made earlier.

Pagkatapos noon ay ako na ang unang nagsalita.

"So ano ang pag uusapan natin?" Tanong ko.

Hindi niya ako sinagot saka inaya niya pa akong pumasok sa kotse kaya wala akong nagawa kundi sumunod na lang.

Nang parehas na kaming nakapasok pareho ay nanuot sa 'kin 'yung panglalaking amoy niya at dumagdag pa 'yung AC na in-on niya.

"So ano nga 'yung pag uusapan natin?" Diretsong saad ko.

"May alam ka ba sa nangyayari ngayon sa ate mo?" Tanong niya.

"Oo, dahil kapatid ko siya eh, bakit?" Tanong ko din pabalik ng nalilito na nakatingin sa kanya.

"'Yung ate mo kasi, biglang nagtext sa 'kin kung ano raw number ng kaibigan kong si Shawn, tapos parang nararamdaman kong nagmamadali siya yata, saan ba ngayon 'yung ate mo?" Aniya kaya sumagot ako kaagad.

"Kasama lang siya ngayon ni Ate Zaire eh pero hindi ako sigurado kung saan sila pupunta," sabi ko.

Napaisip naman siya saka kinuha 'yong cellphone niya at may tinawagan.

Pagkatapos no'n ay bigla na lang siyang nagsalita ulit.

"Tumawag ako kay Nix, ang sabi niya, kasama daw niya ngayon si Zaire tapos hindi daw kasama ni Zaire 'yung ate mo," aniya kaya natigilan ako.

So, bakit nung kanina ay sabay pa silang lumabas ni Ate Zaire?

"Alam mo ba kung nasaan si ate, Ash?" Tanong ko.

"Malay ko, hindi ko din alam kung nasaan din ngayon si Shawn, ang lakas ng amats eh dahil bigla na lang nawala pagkatapos ng graduation. Sa tingin mo... nagtanan silang dalawa?" Pabirong tanong niya kaya hinampas ko ang kanyang balikat ng pabiro.

Lokong 'to, kung ano ano pa sinasabi, magtanan daw? Eh, hindi nga in good terms si Ate Leigh at Kuya Shawn kahit ngayon eh.

"Pero seryoso nga, saan nga ba nagsuot 'yong dalawa na 'yon? Maski si Shawn, hindi niya pinaalam sa 'kin kung saan siya pupunta o aalis eh," biglang seryosong sabi niya.

Napaisip din ako. Oo nga, saan ba nagsuot si ate ngayon?

"Tawagan mo kaya si Zaire, baka alam niya kung nasaan 'yung ate mo ngayon at baka nandoon din sa parehong lugar si Shawn," sabi niya saka ibinigay sa 'kin ang cellphone niya at nagtype ng number ni Ate Zaire saka tinawagan na siya.

Pagkaraan ng ilang minuto ay sinagot din naman niya 'yung tawag ko.

"Ate Zaire, si Amirah 'to. Ate, may itatanong lang sana ako sayo," bungad kong sabi kay Ate Zaire.

[Oh, ikaw pala 'yan Amirah. Ano naman 'yon?] Tanong niya.

"May alam ka po ba kung saan pupunta ngayon si ate?" Sabi ko.

[Nasa airport siya ngayon para habulin si Shawn. Ako nagsabi sa kanya no'n. Bakit mo naman natanong?] Aniya.

"Pupuntahan ko kasi si ate eh, sige ate. Bye na," sabi ko kaya nagpaalam din kaagad si ate saka ko pinatay ang tawag at ibinigay kaagad kay Ash 'yon.

"Oh, ano daw sabi?" Aniya.

"Nasa airport si ate ngayon dahil hinabol daw niya si Kuya Shawn doon," sabi ko.

So ibig sabihin no'n ay...

"Aalis ng bansa si Shawn/Kuya Shawn," sabay na sabi naming dalawa.

Kinuha niya ang pagkakataon na 'yon na paandarin ang kotse at mabilis na umalis kaya kaagad idn kaming nakarating sa mismong airport.

Third Person's Point of View


Habang abala sa paghahanap si Leigh kung nasaan si Shawn ay bigla na lang may humawak sa braso niya kaya tinignan niya kung sino iyon at gulat siyang nakatingin kay Amirah at Nash. Nakahawak ang kamay ni Amirah sa braso niya.

Tinanggal din naman kaagad ni Amirah ang pagkakahawak sa braso ni Leigh saka nagsalita si Leigh.

"Anong ginagawa niyo rito? Bakit kayo nandito?" Tanong niya.

"Sabi kasi ni Ate Zaire na nandito ka raw at ngayon lang rin namin nalaman ni Nash na nasa airport rin daw si Kuya Shawn at naghinala kami na aalis siya ng bansa," sabi ni Amirah kaya tinignan niya si Nash.

"Hindi mo din alam, Nash?" Nalilitong tanong niya kaya tumango din si Nash sa kanya.

Pati mga kaibigan niya, hindi niya pinaalam?

Anong klase din siyang kaibigan?

"Umuwi na lang kayo, ako na bahala rito," sabi niya sa dalawa pero umiling lang sila kaya napabuntong hininga siya saka hinayaan na lang silang nandito at hinanap ulit si Shawn.

On the other hand, habang pabalik papasok si Shawn sa airport dahil nahulog ang kanyang dala dalang panyo sa labas ng airport ay napatigil siya ng makita niya kung sino ang nakita niya sa may maraming upuan.

Si Leigh ba 'yon?

Bakit siya nandito?

___________________________________________________________________________________

A/N:
Bored si author niyo kaya baka mabored din kayo sa chapter na 'to. 😑

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top