Chapter 21
Chapter 21: Realization
Everleigh's Point of View
"I-I love you too, Shawn. Sana makahanap ka ng taong para sayo, 'yung kayang panindigan ang pagmamahal niya para sayo, you deserve that anyway."
Pagkatapos noon ay ako na ang humiwalay sa yakap at mabilis na pinalis ang natitirang tuyong luha sa mga mata ko at nginitian siya ng pilit.
Sana nga tama itong desisyon ko. I hope this is the best for the both of us. Sana hindi ako magsisisi sa desisyon kong ito na palayain ka na at magdesisyon na lang akong mag move on ng tuluyan.
Tumingin pa muna ako sa kanya bago ko napagdesisyonang umalis na pero bago pa 'yon ay hinigit ako ni Shawn at kinulong niya ako para mapalapit pa ako sa kanya. Nagtama ang paningin naming dalawa, makikita ko sa kanyang mga mata ang lahat ng emosyon niya sa 'kin, at isa na doon ang pagmamahal niya sa 'kin.
I thought that I'll never experience this kind of love and I'll never experience hurting because of this feeling but I guess, things are always bound to happen, even if you don't wish it could happen, fate and destiny will make a way for you to experience that life.
Akala ko ay kapag naranasan ko nang magmahal o magkagusto, hindi ako makakaramdam ng sakit pero mali pala ako.
Napatunayan kong hindi lahat ay masaya pagdating sa pag ibig. Love has its ups and downs. Merong masasayang pagsasamahan pero meron ding mga masasakit na samahan na mararanasan mo... at ito na nga 'yon. Hindi ko inakalang magmamahal ako ng ganito kasakit.
Maaaring hindi ko na 'to mararamdaman ulit kapag sa ibang tao na pero hindi ko naman kayang ilunod o ipagpilitan ang sarili ko sa kanya dahil mukhang hindi talaga kami para sa isa't isa itinadhana.
"I love you so much, Leigh. Hindi ko alam kung paano ko 'to sasabihin pero nang sinabi mong mahal mo na ako, parang nagkaroon ako ng konting pag asa sa puso ko—sa 'yo, pero nawala lang 'yon kaagad ng sinabi mong malaya na ako mula sa 'yo. Sobrang sakit, alam mo ba 'yon? Ang akala ko, magtatanong ka pa kung meron ka pa bang pag asa rin sa 'kin dahil humingi ka na rin ng tawad at pinatawad mo na rin ako pero mali ako. Please, kahit isang tanong lang kung may pag asa pa ba para sa 'ting dalawa, I'm willing to decline the offer to go to other country for my studies or I will tell my parents about this. Please, Leigh... I love you, I can't live without you," nanghihinang sabi niya kaya mas lalo lang din akong napaiyak at parang gusto ko ding gawin ang pinapasabi niya sa 'kin.
Pero alam kong magsisisi rin siya kung hindi siya makapag aral sa ibang bansa, mas kailangan niya 'yon kaysa sa pagmamahalan namin sa isa't isa. Gusto kong doon na lang niya itupad 'yong pangarap niya kaya nagmatigas ako sa harap niya.
"S-Shawn... please, pinapalaya na kita. You're free now, kahit gaano ko hiniling na makasama ka habang buhay ay hindi ko naman kayang ipagkait ang pangarap mo, ang pag aaral mo doon sa ibang bansa kaya hindi ko magagawa 'yang sinasabi mo. Oo, mahal kita pero hindi sapat 'yon para maging tayo ulit pero naging tayo nga ba? We're both hurting and if we will continue this, we'll regret in the end, masasaktan pa rin naman din tayo hanggang sa huli. We're not going to heal the wounds in our heart if we'll continue this. Sorry but no, wala tayong pag asa sa isa't isa, kaya pwede ba, kahit ngayon lang, sundin mo naman ako?" Nanghihina na nanginginig na sabi ko.
Naramdaman ko naman na tumango siya pero may sinabi pa siya sa 'kin.
"Just this once, pwede ba kitang halikan ulit? Pangako, hindi na 'to mauulit," aniya kaya nagpilit akong nag angat ng tingin sa kanya.
Ako na ang unang kumilos para tumingkayad sa kanya at halikan siya habang patuloy na tumutulo 'yung luha ko sa mga mata ko.
With this kiss, I'll shower all the love I felt for you.
Nang matapos ay humiwalay na ako sa halik at pilit na pumiglas sa pagkakakulong ko sa kanya at yumuko na bago tumalikod at handa ng umalis.
"Leigh, susundin ko ang sinasabi mo, hindi 'to para sa 'kin din, para sayo rin 'to. Paalam... p-pangit."
Hindi na ako muling tumingin sa kanya at nagpatuloy na lang sa paglalakad papalayo pero narinig ko 'yon.
Gusto kong bumalik at yakapin siya saka sabihin sa kanya na meron pang pag asa para sa 'ming dalawa pero sabi ng isip ko na hindi na talaga pwede kaya nagmatigas na lang akong tignan siya.
Good bye... my love.
Zaire's Point of View
Pinuntahan ko si Amirah sa quarters nila, baka nandoon si Leigh. May sasabihin kasi ako sa kanyang importante.
-Flashback-
"Teka, si... Eros ba 'yon at si... Veron?" Pilit kong inaninag kung sino 'yong dalawang nakita kong lalaki at babae.
Nagulat ako dahil muntik na kaming makita nilang dalawa kaya hinatak ko si Nix sa may bandang poste at sumulyap muli sa dalawa.
Bakit nandoon pa sila?
At... ano ang pinag uusapan nilang dalawa?
Parang may kakaiba akong nararamdaman. Hindi maganda ang kutob ko sa kanilang dalawa.
May... gagawin ba silang masama?
Pero bago pa ako ulit makalapit sa kanila ay narealize ko na ang lapit lapit pala namin ni Nix sa isa't isa at muntik pa kaming maghalikan dahil sa biglaang paglingon ko paharap sa kanya kaya nagkagulatan kaming pareho.
Hanggang sa ako na ang lumayo at naiilang na tumingin sa kanya saka binaling na muli ang tingin sa dalawang taong 'yon.
Alam kong si Veron at Eros 'yon dahil sa pananamit at postura nila. Siguradong sigurado ako na silang dalawa 'yon!
Kaya hahang lumalapit ako papalapit sa oanila ay nagtatago kao sa mgan kaharang na poste para hindi nila ako makita. Nang makalapit ako ng tuluyan sa kanila at nagtago sa isang kahoy malapit sa kanila ay nagulat ako at muntik nang makasigaw ng may tumakip sa bibig ko at pinasenyales ako na tumahimik ako.
Akal ko naman kung sino, si Nix lang pala! Parang spy 'tong lalaki na 'to ah!
Pinakawalan naman niya kaagad ang bibig ko ng hindi na ako komportable sa pagkakahawak niya at tinignan siya ng masama. He was taken aback by my sydden expression on my face.
"Anong ginawa ko?" Pabulong na saad niya.
"Bakit ka ba nandito ha? Bakit mo ba ako sinusundan?" Pabulong ko ring tinanong sa kanya 'yon.
Bumuntong hininga siya saka mariin na pumikit at tinignan ako ng matiim. Wow! Siya pa ang may galit ah!
"Look, baka may mangyaring masama sayo rito kaya kita sinundan. Mapapahamak ka pa dyan sa ginagawa mong 'yan," aniya.
"Ay, masyado lang concerned sa 'kin? Kaya ko na ang sarili ko Nix saka ako na bahala sa sarili ko. Hindi mo na ako kailangan pang bantayan, baka makaabala pa ako sayo," sabi ko at tinuon na lang ang pansin sa dalawa na nag uusap pa naman rin ngayon.
Mabuti na lang at hindi nila kami narinig dahil kung hindi ay susupalpalin ko talaga 'tong si Nix dahil sa pagtatanong niya kanina.
"By the way, who's Veron and Er—"
"Oh, just shut up, Nix, okay? Baka mahuli pa tayo ritong dalawa dahil dyan sa madaldal mong dila eh," iritang sabi ko habang nakatuon pa rin ang atensyon sa kanila.
"Eros, I know that you're inlove with Leigh, and so as me at Shawn. Kaya kita kailangang mag usap ngayon para sabihin ko sayo na may paraan pa para maangkin mo si Leigh at ako kay Shawn. Just listen to me first," sabi ng nagsasalitang si Veron.
May itinatago ka palang lihim na ikinukubli Veron. Napakawalang hiya at masama mo!
Pati na din ikaw Eros, hindi niyo kailangang gawin 'yan dahil lang sa pansarili niyong kaligayahan. Sigurado akong walang patutunguhan 'yang mga pinaggagawa niyo sa mga kaibigan namin.
"You need Leigh 'di ba? Make a move on her and make sure na hindi masasayang 'yang mga ginagawa mo sa kanya, siguradong masusuklin din ang nararamdaman mo para sa kanya kapag patuloy mo lang 'yon magagawa at ganun din ang gagawin ko, magsisimula tayo bukas. Dapat walang makakaalam nito dahil kung hindi ay palpak tayo, hindi natin sila mapapasaatin. Ito lang ang sasabihin ko sayo, okay? Just stick to the plan, ako na bahala sayo," mahabang dagdag pa ni Veron kaya nagpantig bigla ang tenga ko sa mga naririnig mula sa bibig niya.
Ang sarap manakal at manampal ng katulad ni Veron.
Akala ko mabait siya o ordinaryo lang na ganyan ang kanyang mukha na parang nerd pero may masama pa lang ugali.
Kailangan kong sasabihin ito kay Leigh.
"Sige, hindi ko din 'to ipagkakalat unless kaya mo 'kong traydurin..." nagsalita rin si Eros.
Hindi ko na kaya pang marinig ang sinasabi nila kaya mabilis akong tumakbo papalayo, bahala na kung makita nila ako basta masabi ko lang kay Leigh ang totoo.
Pero hinawakan ni Nix ang braso ko para pigilan ako kaya tinignan ko siya.
"Nix, kailangan nating sabihin kila Shanw at Leigh ang kanilang pinag uusapan para mabalaan natin sila. Hindi natin sila kayang paniwalaan, mga sinungaling sila, kaya tara na!" Sabi ko sa kanya kaya mabilis siyang tumango at sabay kaming pumunta sa kotse niya.
Pero bago pa kami makaalis ay nagsalita si Nix.
"Pwede pa naman kahit bukas 'di ba, Zaire? Late na ngayon at baka nag aalala na rin sayo ang mga magulang mo," aniya kaya napabuntong hininga ako saka tumango na lang kahit gustong gusto ko nang sabihin ang mga nalalaman ko para masabi na kay Leigh.
-End of Flashback-
Pero bago pa ako makapunta doon ay nakita ko na siyang patakbong tinahak ang direksyon ko kaya nag aalala kong linapitan siya kaya siya nagulat.
Nakita kong may luha siya sa kanyang mga mata pero pinunasan niya 'yon saka nginitian ako pagkatapos siyang magulat na nandito ako.
"Leigh, okay ka lang ba? May nangyari bang masama sayo?" Nag aalalang tanong ko.
"Ah, w-wala, Zaire. Okay lang ako hehe," aniya kaya tumango na lang ako kahit hindi ako naniniwala sa kanya.
"Leigh may sasabihin sana ako sayo," sabi ko kaya tinignan niya ako at tumugon.
"Ano naman 'yon? Importante ba 'yan?" Tanong niya kaya tumango ako.
"Si Veron at si Eros may gagawing masama sayo at ni Sha—" napatigil ako sa pagsasalita ng tumigil siya sa paglalakad.
Tinignan ko siya at nakita ko sa kanyang mukha na may namumuong luha sa gilid ng mga mata niya kaya lumapit ako sa kanya at pinahiran 'yon.
Bigla na lang niya akong niyakap kaya yumakap na lang din ako sa kanya. I know she's not okay, obvious naman.
Nang masabi ko ang pangalan ni Shawn ay ganun ang naging kilos niya kaya napaghahalataan ko na namang hindi pa rin sila magkasundo. Hay, ano ba naman 'yan?
Ang gulo ng lovelife nila.
Kung bakit ba naman kasi... kasalanan talaga ng pustahan na 'yon eh. Siya may pakana, nakakainis!
At bigla na lang din akong napaisip na wag ko na lang muna sasabihin sa kanya itong mga nalaman ko dahil baka magbreakdown pa siya sa harap ko. Hindi ko kakayanin 'yon lalo pa't kaibigan ko siya. Nasasaktan rin ako para sa kaibigan ko. Hay...
***
4 months after . . .
Pagkatapos ng graduation ceremony namin ay napagdesisyonan ng mga magulan namin na magcelebrate sa isang restaurant kaya sumang ayon kami.
At last graduate na kami as senior highschool. Paniguradong masstress na naman kami kapag nakatungtong na kami sa college, pero alam naman na namin kung anong course ang kukunin namin ni Leigh pero sad to say, hindi kami magkaparehas ng course.
Mahilig talaga siya pagdating sa arts saka ako naman mahilig mag bake. Ewan ko ba sa kanya bakit hilig niya 'yon simula pagkabata pa.
Nung isang araw nga nagbiro pa siya na siya daw ang magguguhit someday sa bahay ng magiging pamilya naming dalawa. Masyado lang advance mag isip?
Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam muna ako kay Tita Evie para makapag bonding kami as bestfriends ni Leigh, mabuti na lang at pumayag kaya kinuha ko na ang palapulsuhan ni Leigh at hinatak siya palabas. Tapos na din kasi siyang kumain eh.
Nang makalabas na kami sa restaurant habang pareho ng nakadress kasi nandoon pa sa loob ng restaurant 'yung grad uniform at toga namin pati sa certificates ay napagdesisyonan kong umupo na lang sa mga bench na nandoon kaya nagreklamo pa ang gaga sa 'kin pero pumayag din naman saka nagsalita.
"Tell me Leigh, nakapag usap na ba kayo ni Shawn? Nagkasundo na ba kayo?" Straightforward at excited na tanong ko.
Napabuntong hininga siya saka pinaglaruan niya ang mga daliri niya.
"Oo, nung araw pa mismo ng camping namin. Klaro na sa 'min ang lahat ng nangyayari noon, at pinalaya ko na rin siya nung araw na 'yon kasi pupunta na siya ng ibang bansa para doon na mag aral pagkatapos ng graduation at ito na nga ang araw na 'yon para umalis na siya," aniya kaya napasinghap ako.
Akala ko pa naman napagkasundo ko na sila. Hindi pa rin pala.
"May sinabi din ba siyang iba na nakapagbigay sayo ng dahilan para hindi mo siya layuan?" Tanong ko.
She loves Shawn kaya gusto kong magkasundo na sila, gusto kong masaksihan ang pag iibigan nilang dalawa.
I hope it's not too late. Kailangang marealize ni Leigh na kailangan niya rin ang pagmamahal ni Shawn para sa kanya.
Kahit pa pumunta ng ibang bansa si Shawn at least may koneksyon pa rin sila at baka magkasila pa.
Gusto kong maging masaya ang bestfriend ko.
"Oo, pero wala din namang saysay 'yon kasi pupunta na talaga siya sa ibang bansa at wala na akong magagawa doon," aniya pero umiling lang ako.
"Leigh, hindi 'yan totoo. Kung totoong mahal mo si Shawn, kahit pupunta pa siya ng ibang bansa para makapag aral ay pwede niyo pa ring ipagpatuloy ang pagmamahalan niyong dalawa. Leigh, gusto kong maging masaya ka at nakita ko 'yon ng makilala mo si Shawn. Kung totoong mahal mo siya, hindi mo siya susukuan, hindi mo siya lalayuan, hindi mo siya... sasaktan ng ganoon. Kaya kung ako sayo, pumunta ka na doon sa airport, baka hindi pa lumilipad ang eroplanong sinasakyan niya ngayon. May oras pa, Leigh. Hindi pa masyadong late para hindi ko masaksihan ang pagmamahalan niyong dalawa. You deserve a happy relationship," sabi ko kaya tinignan niya ako.
There was a glimpse of hope in her eyes kaya alam ko na may pag asa pa.
Tumayo siya bigla kaya tumayo rin ako.
"What are you waiting for? Puntahan mo na siya, deserve mong maging masaya, deserve nyong maging masaya para sa isa't isa," nakangiti kong sabi kaya nginitian niya ako at niyakap kaya niyakap ko din siya pabalik saka nagsalita at nagpara na ng taxi.
"Salamat, Zaire. Salamat dahil pinarealize mo ako na may pag asa pa kaming dalawa, salamat talaga, you're the best bestfriend ever!" Aniya kaya napangiti ako.
You two deserve each other that's why I never gave up on you both.
___________________________________________________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top