Chapter 20

Chapter 20: Closure

Nix's Point of View

"Hey, babe. Don't you want some more of me? Hmm," the girl moaned at me, almost revealing her breasts but I looked away immediately.

Hindi ko alam kung bakit ko 'yon nagawa pero there's a part of me na dapat titigilan na siya.

Pilit pa rin akong iniharap ng babae at pinilit na halikan ang labi ko pero iwinaksi ko lang ang kanyang kamay sa mukha ko at itinuro ang nasa labas ng kotse. Senyales na gusto ko na siyang palabasin.

"Babe, bakit mo itinuro ang nasa labas?" Nalilitong tanong niya kaya tinignan ko siya ng seryoso at inulit ang pagtuturo ko. Sana naman lumabas ka na at magets mo.

"Babe naman, hindi mo na ba na eenjoy ang ginagawa ko para sayo? Maybe, gusto mo nang ganito para hindi mo na ako papalabasin... eto, hmm," she moaned again which I find it irritating.

"Ano ba?! 'Di ba sabi ko, ayaw ko kaya pwede ba lumabas ka na nga lang!" Hindi ko mapigilang taasan siya ng boses kaya mabilis niyang inayos ang sarili niya at dali daling lumabas sa kotse ko ng padabog.

Aba, may gana pang magdabog ah!

Dapat na lang pala hindi ko na pinatulan 'yon. Tsk!

Inayos ko ang nagulo kong buhok at damit saka kinuha ang cellphone sa bulsa ng pants ko at tinawagan si Zaire.

I need her.

Mabuti na lang at sumagot din siya kaagad. Nasa may poste kasi ang kotse ko at malapit lang sa school kaya mabilis ko ring hinanao si Zaire pero hindi pa rin siya lumalabas.

[Hello, Nix? Oh, bakit ka pala tumawag?] Tanong niya sa kabilang linya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Hello, Zaire... uhm, akala ko kung ano na ang nangyari sayo, mabuti na lang at sinagot mo ang tawag ko," sabi ko.

[Oy! Tunog nag aalala 'yang tinig mo ah, concerned ka ba sa 'kin? Yieee!] Panunukso niya sa 'kin kaya napatawa na lang ako.

"Oo, concerned ako sayo, bakit may angal? Haha," natatawa kong saad kaya napatigil siya sa kakanukso sa 'kin at natahimik ang kabilang linya. Tinignan ko naman kung hindi pa niya ibinaba ang tawag at hindi pa nga pero bakit naman siya natahimik? May mali ba sa sinabi ko? Eh, nag aalala lang naman ako sa kanya?

"Zaire? Nandyan ka pa ba?" Tawag kong muli sa kanya.

[A-Ah, oo nandito pa a-ako. At t-tsaka wala naman akong a-angal, haha!] Mahahalata sa kanyang tinig na umuutal utal pa siya.

"By the way, pwede ba kitang sunduin? Nasa kotse kasi ako ngayon," sabi ko.

Matagal bago siya nakasagot.

[Ah, oo n-naman! Teka papalabas na ako, hinihintay ko pa kasi sila Leigh eh, sige bye!] Aniya.

"Ah, sige. Good bye din," sabi ko saka siya na ang nagpatay ng tawag.

Pinaandar ko na ang kotse at hininto ko sa tapat ng gate iyon. Napangiti ako ng hindi ko namamalayan ng nakita ko kaagad si Zaire na papalapit sa direksyon ko. Siya lang mag isa.

Kaya lumabas ako at mabilis na lumapit sa kanya saka tinulungan siyang bitbitin ang bag niya. Katamtaman lang naman ang bigat pero para sa 'kin ay baka mabigatan si Zaire kaya ako na lang.

"Hoy, Nix, ano ba? Kaya ko naman, hindi naman masyadong mabigat ang bag ko. Nangongonsensya ka pa," aniya pero umiling lang ako saka nginitian siya.

"Pasalamat ka, gwapo ka kahit playboy ka," mahinang sabi niya na narinig ko naman dahilan kung bakit ako napangiti.

"Anong sabi mo? Ang gwapo ko? Nagpapasalamat ka ba na gwapo ako?" Nangingiting saad ko pero tumawa lang siya saka tinap niya ang balikat ko.

"Hindi ano ka ba, ang sabi ko pasalamat ka, playboy ka, haha!" Tumatawang aniya kaya nawala saglit ang ngiti ko bago tumawa na lang sa kanya ng pilit na.

Siya lang ang lakas ng loob na nagsabi sa 'kin na hindi daw ako gwapo pero iba ang dating sa 'kin. May amats ba ako sa kanya?

"Nagdidilim na pala ang kalangitan, anong oras na ba?" Aniya kaya tinignan ko ang relo ko kung ankng oras na.

"5:00 p.m. sharp na," sabi ko ng tiningnan ko iyon.

"Hala, uwi na tayo, baka naghihintay na si daddy sa 'kin!" Natatarantang sabi niya. Para siyang tanga habang nagtataranta.

"Oh, sige, sige," natatawa kong sabi saka naglakad na kami patungo sa kotse ko.

Pero napatigil ako sa paglalakad ng tumigil din si Zaire at may tinignan at inaninag.

"Teka, si... Eros ba 'yon at si... Veron?" Who's Eros and Veron?

Nash's Point of View

K I N A B U K A S A N

Mabuti naman at nakapaghanda na ako sa mga gamit ko kaya abala ako ngayon sa pagpapagwapo sa sarili ko. Oo, abala ako sa salamin ngayon kung maayos lang ba ang postura at ayos ko.

Baka si Amirah ang unang magpuri sa 'kin 'pag nagkataon. But, speaking of her...

Hindi ko pa rin nakalimutan 'yong ginawa niyang pag amin sa 'kin na may gusto raw siya sa 'kin tapos hindi na niya ipinakita pang muli ang kanyang mukha sa 'kin dahil sa hiya.

Bakit naman siya mahihiya sa mukha kong 'to? Eh, hindi naman ako pangit, gwapo kaya ako!

Pero hindi ko alam pero parang sumaya ang puso ko sa narinig na pag amin niya sa 'kin.

Tapos doon pa sa clinic naisipan niyang umamin sa 'kin?! Imagine, ang unique no'n para sa 'kin haha.

Hanggang ngayon siguro, nahihiya pa rin siya o di kaya'y iiwasan niya ako... but that's not gonna happen again.

Nang matapos akong makapagbihis ng senior boy scout na uniform, parang naisip ko na bumalik ako sa pagkabata ko.

Bahala na nga lang, once lang naman mangyayari ito kaya ayos lang na susuotin ko 'to.

Kinuha ko na lahat ng mga gamit ko at lumabas na ng kwarto ko.

"Ma, Pa? Uuna na po ako!" Tawag ko sa kanila pagkatapos kong kinuha ang natitirang dalawang sandwiches doon sa mesa na may palaman na peanut butter at sinimulang kainin 'yung isa at mabilis na lumabas ng bahay.

Pero naabutan ko doon si papa sa kotse niya na kailangan ko rin ngayong gamitin.

Lumapit ako kay papa at nagsalita.

"Pa, pwede ko bang magamit ang kotse mo ngayon? Kailangang kailangan ko po kasi eh," sabi ko kay papa.

"Nash, may nagsabi sa 'kin na ginagamit mo raw itong kotse ko para sa pang araw araw mong kaligayahan at isa na raw doon ay ang pagpapasok ng mga babae sa loob ng kotse ko at doon mag... hay, ikaw talagang bata ka oh," aniya at napahilamos sa mukha.

"At sino naman po ang nagsabi sayo niyan, Pa? Hindi po totoo 'yan, ginagamit ko lang ang kotse niyo po para sa transportasyon ko patungo sa school po," pagtatama ko.

"May isa kasing babae na sa tingin ko'y estudyante rin base sa uniporme na suot niya na lumapit sa 'kin at nagsabi sa 'kin na ganun pala ang ginagawa mo. Hindi ko din alam ang pangalan niya kung 'yan ang gusto mong susunod na itatanong mo sa 'kin," seryosong sabi ni papa.

"Pa naman, wala ba kayong tiwala sa anak niyo? Hindi niyo naman po ako pinalaki ng ganyan tapos wala po kayong tiwala sa sarili niyo pong anak? At talagang kailangang kailangan ko po talagang magamit ang kotse niyo ngayon. Tignan mo pa 'tong dala kong mga gamit..." inisa isa ko ang mga dalang gamit ko saka ipinakita 'yon kay papa bago iyon ibinaba ulit.

Bumuntong hininga si papa bago sumagot kaya napa 'yes' na langako sa isipan ko. Wala talagang makakatanggi sa gwapong pagmumukha kong ito.

"Oh, siya, sige na. Pero kapag napatunayan ko ang sinasabi ng estudyanteng babae kanina, lagot ka sa 'kin, Zion Nash Collins, naiintindihan mo ba?" Aniya kaya tumango ako. Tumango naman siya at ibinigay sa 'kin ang susi ng sasakyan saka mabilis kong inilagay lahat ng mga gamit ko sa likod ng kotse bago ako pumasok sa driver's seat saka inistart ang makina saka pinaandar na.

Binuksan ko pa ang bintana para magpaalam muli kay papa. Pero nakita kong nasa tabi na pala ni papa si mama na nakatingin lang sa 'kin na walang ekspresyon.

"Pa, Ma, una na po ako. Paalam po, ingat kayo," sabi ko saka pinatakbo na ang sasakyan papalayo sa bahay namin.

Sumagi na naman sa isipan ko 'yong sinabi ni papa sa 'kin kanina na magdadala ako ng babae sa kotseng 'to?

Partially, totoo ang sinabing 'yon ni papa pero 'yong iba ay hindi na totoo.

Mukhang alam ko na kung sino ang nagsabi sa 'kin niyon kaya napailing iling na lang ako. What a pathetic b*tch.

It's my ex-fling. May gusto 'yon sa 'kin, gusto ko pa nga siyang patulan pero may topak yata kaya hindi ko na itinuloy at baka makmgkatopak rin ako dahil sa kanya. Tss.

Madiskarte talaga 'yon.

Tinawagan ko siya, nasa numbers lists ko pa rin ang number niya kaya madali lang sa 'kin na tawagin siya, unless hindi na siya gumagamit ng sinave kong number dito sa cellphone ko.

Pero may sumagot din naman at nagsalita.

[Oh, hello Nash. May sinabi ako sa papa mo kaya sigurado akong narinig mo na 'yon kaya hihingi ako sayo ng pabor.] Aniya sa kabilang linya.

"Pwede ba, Aia, tigilan mo na ako! Walang saysay 'yang mga pinaggagawa mo sa buhay ko dahil kahit anong gawin mo ay wala pa ring magbabago saka I don't need your favor," galit na wika ko.

[Eh bakit mo ako tinawagan in the first place?] Tanong niya.

"Kasi 'yong sinabi ko kanina ay 'yon ang dapat tandaan mo kaya 'wag mo na akong guguluhin pa. And please, don't ever... blackmail me or you'll face the consequences of what might happened to you," mariin kong sabi.

[But—] pinatay ko na kaagad ang tawag bago pa man siya makapagsalitang muli.

Hay, nakakainis talaga ang babae na 'yon. Dapat lang pala na hindi ko pinatulan 'yon at baka magmukha na rin akong topakin ngayon.

***

10:01 AM

Pagkatapos ng opening programme kanina ay hinanap ko si Amirah pero hindi ko siya makita.

Asan na 'yon?

Ang nakita ko lang ay sina Leigh at Zaire.

Kaya naglakad ako papalayo doon sa mataong lugar at hinanap siya sa mga rooms na walang mga tao. Mabilis lang siyang makilala dahil sa kanyang tangkad.

Nang madatnan ko siyang nakaupo sa may library at nagbabasa ng libro habang nakaheadset ay nakangiti na ako habang papalapit na sa kanya.

Nang tumabi na ako sa kanya ay doon siya napatingin sa direksyon ko kaya makikita talaga ang gulat sa mata niya. Umiwas na lang ulit siya ng tingin sa 'kin at yumuko saka mas pinag igihan na ang pagbabasa ng libro... ng nakabaliktad kaya nagpigil ako ng tawa.

Kinuha ko ang isang pares ng headset sa kanang tenga niya at itinapat iyon sa tenga ko saka ibinaliktad ng tama ang libro para mmas makapagbasa rin ako.

Naramdaman ko naman ang kanyang titig sa 'kin kaya tinignan ko din siya at nagtama ang tingin namin saka nagsalita ako.

"Ganyan ba talaga ako kagwapo para sa paningin ko? Grabe ka naman makatitig sa 'kin, Am," natatawa kong saad saka meron pang tikhim tikhimkaya napabalik siya sa ulirat at pansin ko ang pamumula ng mga pisngi niya kaya hindi ko mapigilang sundutin at pisilin iyon. I find it cute though.

"May callsign ka na pala sa 'kin ngayon, Ash ah," aniya saka nginitian ako.

Parang biglang nawala 'yung awkward atmosphere sa 'min kaya ngumiti rin ako. I like her smile.

"Ikaw din sa 'kin," sabi ko.

Once I look straight into her eyes, I can say that...

"I think I like you, Am."

Shawn's Point of View

"Leigh, can we talk?" Tanong ko ulit sa kanya.

Ngayon, unti siyang humarap sa 'kin at tinignan ako saka tumango.

Maybe this is the time I'm gonna have a closure with her.

Pagkatapos nito, pwede na talaga ako tuluyang magmove on o pwede ding hindi.

Kailangan namin magkaliwanagang dalawa at ito na siguro ang araw na 'yon.

Nang nasa abandonadong gusali muli kami ay doon ako nagsimulang magsalita.

"Leigh, 4 months from now, pupunta na ako ng ibang bansa at gusto ko kapag nasa ibang bansa na ako ay maliwanag na sa 'kin ang lahat. 'Yong wala ng mga tanong sa isip ko kaya gusto kong makipag closure sayo, sana maintindihan mo," panimula ko.

"Oo, naiintindihan ko, Shawn," sagot niya which made me faced her direction.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago tumingin sa 'kin at nagsimula ng magtanong.

"Totoo bang ginusto mo ako, Shawn? Totoo bang nagsisisi ka sa ginawa mo sa 'kin?" Tanong niya sa 'kin.

"Hanggang ngayon pa rin ba, pinagdududahan mo pa rin ang nararamdaman ko para sayo at pati na rin 'yong pagsisisi ko, Leigh? Oo, talagang ginusto kita at nagsisisi na rin ako sa ginawa ko sayo. I'm sorry for hurting you and I'm sorry if I make you cry. Hanggang ngayon gusto—mahal na kita. Sorry if it took too long to confess this because I thought this day will not happen. At kung aaminin ko man 'yon ay wala pa rin namang magbabago 'di ba? Kaya walang saysay 'yon... unless..." sabi ko saka nagpatuloy.

"Unless, may nararamdaman ka pa ba rin sa 'kin? At nagsisisi ka rin ba sa ginawa mo din sa 'kin?" Ani ko.

Binabalik na naman namin ang nakaraan at sana malagpasin namin ang pangyayaring 'to.

"I-I'm sorry... Shawn... for what I have done to you too and... I thought I had finally moved on from you but I guess, I was wrong. Akala ko madali ka lang kalimutan pero hindi pa rin malimot limot nitong puso ko ang presensya mo at palagi kang hinahanap nito..." tinuro pa niya ang nasa dibdib niya bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"After all this time, mahal na pala kita ng hindi ko namamalayan. Masyado lang akong nabulag at nadala sa tindi ng emosyon ko kaya hindi ko na namamalayan ang nararamdmaan at mararamdaman mo. And I guess, tama 'yang sinabi mo na walang saysay itong nararamdaman natin kasi nakapagdesisyon ka na doon ka na mag aral sa ibang bansa, leaving us behind. Kaya siguro ito na 'yong time na dapat tuluyan na akong makamove on sayo, ganun ka din sa 'kin," aniya saka pinahiran ang hindi ko namalayang luha niya sa mata niya.

"Maybe nasagot na natin ang lahat ng mga katanungan sa isip natin kaya eto ang huli kong pakiusap sayo," aniya at unti unting lumapit sa 'kin.

"Kung makahanap ka man ng iba doon sa ibang bansa, mahalin mo siya ng lubos higit pa sa pagmamahal mo sa 'kin and I will be happy for you. Kung saan ka masaya, doon din dapat ako," aniya habang nakangiti.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinigpitan ang pagkakahawak niyon.

So, kailangan ko na nga talagang mag move on ng tuluyan sa kanya.

Ito ang pinakahihintay kong kompirmasyon galing sa kanya at hindi ko maipagkakailang mas masakit pala marinig ang kompirmasyon niya sa harap mo.

"Leigh... I guess this is the end of us, I love you," pagkasabi ko no'n ay tumulo ang isang patak ng luha sa kanang mata ko.

Lumapit ako ng dahan dahan sa kanya at saktong pagkasabi niya nito ay hinalikan ko ang kanyang noo habang nakayakap kami sa isa't isa habang umiiyak.

"I-I love you too, Shawn. Sana makahanap ka ng taong para sayo, 'yung kayang panindigan ang pagmamahal niya para sayo, you deserve that anyway."

___________________________________________________________________________________

A/N:

Sorry, ito lang nakayanan ni otor, gusto ko nang matulog kaso baka mambulabog na naman itong chapter na 'to sa isipan ko kaya ko 'to tinapos. Sana magustuhan niyo pa rin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top