Chapter 2

Chapter 2: The Bet

Shawn's Point of View

Hindi maganda ang araw ko ngayon. Dahil kaklase ko yung Everleigh na yun. Akala mo naman na siya yung may-ari ng school eh ako lang naman yung anak ng may-ari ng school na ito, Parker High ang tawag don. Kung anu-ano lang naman ang ginagawa ko dun nohh, at tsaka kailangan igalang ako ng mga students sa campus. At nung dumating na si Everleigh sa campus, nag-uusok na ako sa galit. Hindi ko alam kong bakit ako galit na galit sa kanya eh humingi na siya nang patawad kahapon. Bahala na nga. Tch...

Pagkatapos kong maligo at magdamit ay bumaba na ako at kumain. Hindi ko pinansin yung mga magulang ko kasi talagang pangit yung araw ko. Pagkatapos kong kumain ay dali-dali akong lumabas. Tatawagin ako sana ni mommy nang bigla kong pinaharurot yung sasakyan ko at umalis na.

Papunta palang ako ng school namin ay talagang nag-uusok na ako sa galit dahil makikita ko na naman si pangit. Pagdating ko dun, sinalubong ako ng mga kaibigan ko. Ahh, hindi ko pa pala naipapakilala ang aking sarili. Ako nga pala si Deshawn Parker, ang 18 years old na student campus hearthrob. Ang kaibigan ko nga pala ay si Zion Nash Collins at Nixon Ridge Mckinley. Mga playboy sila dito sa campus namin. Madami na silang napapaiyak na babae. I don't know kung may forever din ba sila. Basta ako, wala akong planong makipag girlfriend. Hindi ako sanay sa mga babae eh. Ang gwapo ko nga naman. Hahaha....

But anyways, ayun na nga madali akong mapikon, gwapong-gwapo sa sarili at tsaka mabilis magalit. Minsan nagiging seryoso ako kahit biro lang naman yun ng mga kaibigan ko.

Papasok na nga kami ng makasalubong ko naman si pangit. Biglang nagpanting yung tenga ko, bigla kung naalala yung nangyari kahapon na tinapunan ako ng coffee sa damit. Kailangan ko pang labhan yun. Tss...

Bago pa siya makalampas sakin ay hinawakan ko na siya sa braso. Nagpumiglas siya pero mahigpit ang kapit ko sa braso niya kaya hindi siya makakapiglas.

"Wag mo nga akong lampasan. Hindi mo ba alam kong sino ako, hah?" Sabi ko.

"Ehh, sino ka ba, ha?" Inis na tanong niya.

"Ahh, hindi mo nga pala alam dahil bago ka nga pala dito. Hayaan mong ako ang magpapakilala sayo. Ako lang naman ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito." Sabi ko.

"Ahh, so ikaw pala ang anak ng may-ari sa school na toh. Oh eh ano naman sayo ngayon. Anak ka lang, hindi may-ari at wala akong pakialam kung sino ka man." Iritang sabi niya habang nagpupumiglas siya.

Mas higpit na ang kapit ko sa braso niya. Bahala na siyang magsakit yang braso niya sa sobrang higpit ng pagkakapit ko.

"Hayaan mo ring ipapakilala ko yung mga magulang ko para makilala mo ako ng lubos, naintindihan mo?" Mariing sabi ko.

"Aray!! Ano ka ba?!" Sabi niya.

"Ang daddy ko ay si Eliseo Parker. Ang mommy ko naman ay si Dorothy Parker." Sabi ko.

Nanlaki yung mata niya. Baka nakilala na niya dati ang mga parents ko. Hindi ko lang alam. Mabilis ding nakarecover yung mukha niya.

"Wala akong paki---- Aray!! Ano ba?! Pakawalan mo na ako." Sabi niya.

Pinakawalan ko naman siya at dali-dali siyang pumasok sa room namin.

Ako naman dito mukhang tanga na tawa ng tawa. Humanda ka lang sakin, pangit ka.

"Huy, anong itinatawa tawa mo dyan, Shawn?" Tanong ni Nash sakin.

"Oo nga, bakit ka ba tawa ng tawa dyan? Mukha kang baliw dyan." Natatawang tanong ni Nix.

"Wala yun." Tipid na sagot ko.

Umiling-iling silang dalawa sa sinasabi ko. At tinalikuran na nila ako. Ako naman dito natatawang sumunod sa kanila.

"Pustahan tayo, Nix. Papa-inlove-in ni Shawn 'yung kaaway niyang si Everleigh. Tingnan natin kung ano ang mangyayari pagkatapos nito. Pusta ko ay mainlove din si Shawn sa kanyang kaaway." Bulong ni Nash kay Nix. Ngumingisi si Nash habang binubulong niya 'yon.

Nadinig ko naman yun. Anong sinasabi nila? Pustahan? Bakit naman nila kailangan magpustahan? Napapaisip naman ako.

"Uy, nadinig ko yun. Anong sinasabi niyong dalawa?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Mamaya na natin yan pag-uusapan, Shawn. Ngayon ay kailangan pumasok na tayo sa room natin. Baka nandon na si Prof. Hojilla." Sabi ni Nix.

"Oo nga naman, Shawn. Mamaya na lang natin pag-uusapan." Sabi naman ni Nash.

"Sige, basta sasabihin niyo sakin mamaya yung napag-usapan niyo, ha?" Sabi ko.

Nagthumbs-up naman silang dalawa.

Pumasok na kami sa room at talaga namang nakalimutan ko nga pala na magkatabi kaming dalawa ngayon ni pangit. Tch.

Umupo na ako dun sa upuan ko nang hindi man lang nagsalita.

Pagkatapos ay pumasok na si Prof. Hojilla at tiningnan niya lang kami.

"Hello class, sorry for being late, meron kasi akong inaasikaso sa bahay eh." Sabi ni Prof.

"Okay lang yun, Prof." Sabi naming lahat.

"So anyways, shall we start the class?" Nakangiting tanong ni Prof.

"Yes, Prof." Nakangiting sabi naming lahat.

Ayun na nga dumidiscuss na si Prof. at ako naman ay nakinig. Wala naman akong ibang ginagawa kundi makinig at sumagot na lang. A.P. adviser kasi si Prof. at hindi ako mahilig sa history. Ang boring kasi ehh.

~Discuss~

~Short Quiz~

~Discuss~

~Dismiss~

At natapos na ang klase.

At gaya nang napag-usapan namin kanina ni Nix at Nash ay sinabi nila ang lahat sakin at ako ang pinag-usapan nila kanina. Nagpustahan kami at sinabi nila na kailangan paibigin ko si Everleigh. Gusto ko sanang tumanggi pero hidni na pwede kaya wala akong choice kung hindi gagawin ang mga ipinagagawa nila.

Ano ba namang pustahang ito? Tch. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Paano ko ba gagawin toh, eh una ko palang siyang makita ay umusok na ako sa galit. Bahala na nga.

Kailangan talaga akong mapalapit sa kanya kung hindi talo ako sa pustahan na ito. Tss.

At talaga namang nagpapasalamat ako na bukas pa pala ako gagawa sa pustahan na ito.

Tapos na kasi yung klase namin kaya bukas nalang gagawin ko yun.

Pumunta na ako sa kotse ko at ipinaandar yung kotse at umalis na sa school.

Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si mommy na naka-upo. Mukhang naghihintay siya sakin.

"Mommy, bakit niyo po ako hinihintay?" Tanong ko kay mommy.

"Hindi ka man lang nakinig sakin kanina ehh, so ngayon lang ako makakapagsabi sayo." Sabi ni mommy.

"Ano po yun mommy?" Tanong ko.

"Wag kang gagawa nang kalokohan. Kung meron ka mang kalokohang gagawin sa school ay grounded ka sakin. Naiintindihan mo?" Sabi ni mommy.

Napalunok ako. Paano na yung pustahan namin. Patay.

"Ok po, mommy." Sabi ko.

"Good. Go to your room now and get some rest. I love you." Sabi ni mommy.

"I love you too, mommy. Kayo rin po mommy." Hinalikan ko wa pisngi si mommy.

Pagkatapos nun ay dumiretso ako sa kwarto at hinubad yung sapatos at medyas ko at napahiga sa kama. Ang dami kong problema ngayon. Paano na yung pustahan namin? Paano kung sasabihin ko na lang sa mga kaibigan ko na hindi ko kaya? Pero hindi pwede eh... paano ba ito? Tsk. Nakakainis naman kasi eh.

Nakatulugan ko yung dami ng iniisip ko.

___________________________________________________________________________________

Edited: July 23, 2021

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top