Chapter 19
Chapter 19: Sister's Talk
Everleigh's Point of View
Nang nakalabas na ako galing sa room na 'yon ay ganun din ang pagpapakawala ko ng malalim na hininga, nakahinga ako ng maluwag.
Tumingin pa muna ako doon bago ako patakbong umalis doon para puntahan si Zaire at para makapag usap kami ng masinsinan habang namahawak ang kamay ko sa bibig ko.
Biglang bumalik sa isipan ko ang nangyari kanina. Hinalikan niya ulit ako. Gusto ko 'yong ulit ulitin pero masasaktan lang ako.
Pero 'yong puso ko, ang lakas pa rin ng tibok niyon. Iba talaga ang epekto ko sa kanya.
'Yong halik na 'yon kanina, nararamdaman kong doon na lahat ng emosyon niya ay inilabas niya 'yon sa pamamagitan ng paghalik sa 'kin.
Ngayon ko lang ulit natikman ang mga labi niya kaya alam kong iba pa rin sa pakiramdam ko. Parang first time ko pa rin 'yon.
Nanumbalik din ang mga alaala naming dalawa nung mga nakaraang buwan. Ang sarap balikan ang mga araw na 'yon pero alam kong imposible kasi hindi din naman 'yon matutupad pa.
Sinabi niya sa 'kin kanina na gusto niyang makipag closure sa 'kin pero umiling ako kasi hindi pa ako handa na doon lang pala matatapos ang namamagitan sa 'min at pupunta na siya sa ibang bansa pagkatapos ng closure namin at ng graduation day.
Maybe, kapag hindi na ako pero kailan ako magiging handa?
Nang nasa may restroom na ako ay bigla kong nakita si Zaire na papalapit sa direksyon ko ng hindi niya ako nakikita kaya nagtago sa pintuan ng cr. Kailangan ko talaga siyang makausap ngayon, kailangan na magkabati kami ngayon dahil hindi ako sanay.
Nang naramdaman kong pumasok na siya ay nagulat siya ng makita ako sa likod ng pintuan kaya akmang lalabas siya ng hinawakan ko ang kanyang braso para pigilan siya sa kanyang paglabas.
"Zaire..." tawag ko sa kanya pero wala lang siyang imik, hindi din niya ako tinitignan.
"Zaire, please let's talk," pagkasabi ko no'n ay humarap na siya sa 'kin.
"Doon tayo sa may salamin mag usap, Leigh," walang ekspresyong sabi niya.
Hindi ko mabasa ang nasa isip niya kaya kinakabahan ako.
Nang nasa pwesto na kami ay tumikhim pa ako saka huminga ng malalim bago ako nagsalita.
"I'm sorry, Zaire..." panimula ko, tinignan ko siya pero wala pa rin siyang ekspresyon na tinignan ako.
"I'm sorry because I know I made the wrong decision, narealize ko na... mali pala ako. Nagsisisi na ako sa mga ginawa ko sa kanya. Narealize ko na walang patutunguhan itong paghihiganti ko at hindi pa ako tuluyang nakamove on sa kanya. Nadala lang ako sa bugso ng damdamin ko kaya hindi ko namamalayan na may nadadamay na pala akong ibang tao sa away namin. Ako ang dahilan kung bakit big deal na 'to sa 'min ang aming away. Sorry talaga," pagpapaliwanag at pagpapaumanhin ko kay Zaire.
Nakayuko na ako ngayon at nilaro laro lang ang mga daliri ko sa kuko ko.
Nagulat ako ng hinawakan niya 'yong isang kamay ko kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.
Ngumiti na siya sa 'kin.
"Leigh, 'yan lang talaga ang hinihintay ko mula sayo. Nagtampo at nagalit lang naman ako sayo kasi parang sumobra ka sa mga pinaggagawa mo. Mabuti na lang at nagising kita kanina! Nag aalala din ako sayo dahil baka ipagpatuloy mo na naman 'yang kagagahan mo!" Aniya saka walang atubiling niyakap ako kaya natatawa ko rin siyang niyakap.
"'Wag mo nang uulitin ang ginagawa mo ngayon ah! Kundi, friendship over na tayo!" Sabi pa niya sa 'kin kaya natatawa akong tumango at sumagot.
"Oo naman, hindi ko na 'yon uulitin, promise!" Sagot ko.
Humiwalay siya ng yakap sa 'kin at sinamaan ako ng tingin. Oh, ano na naman ba ang nasabi kong masama sayo? May topak ata 'to eh.
"Walang kasiguraduhan 'yang promise, promise mo na 'yan. Ika nga nila, promises are meant to be broken, kaya hindi ako naniniwalang hindi mo na uulitin 'yon!" Tinampal pa niya ang balikat ko kaya tumawa ako.
"Oo na, hindi ko na talaga uulitin! Nagsisisi na ako sa mga ginawa ko sa kanya," sabi ko.
Marupok talaga siya pagdating sa 'kin, kita niyo na!
"Saka, Leigh..." aniya kaya tumugon ako at hinintay ang sasabihin niya sa 'kin.
"Pwede ka bang magback to be an ordinary girl na lang? Namiss ko 'yong dating ikaw eh. Ang saya saya mo no'n, tapos ngayon, parang natatakot na ako sayo," nakangusong sabi niya kaya napaisip ako.
Kung gusto ko nga talagang mag move on, dapat bumalik na ako sa dating ako.
'Yong masayahing Leigh, 'yong nakikipag asaran sa kaibigan ko at sa kapatid ko.
"Pwede naman, pero hindi naman gano'n talaga kadali 'yon pero I'll try na mangyari 'yang gusto mong maging, sa 'kin," nakangiti kong sabi kaya ngumiti siya sa 'kin.
"Mabuti! Thank you, ah!" She said, almost giggling.
May topak din talaga 'to minsan. Kani-kanina lang wala siyang karea-reaksyon tapos ngayon tumatawa at ngumingiti na.
"Labas na tayo. Tapos doon natin itutuloy ang pag uusap natin," aniya kaya tumango ako at sabay kaming lumabas ng cr.
Pero nagulat kami ng paglabas namin ng cr ay may nakaabang na isang babaeng buhaghag ang buhok at merong freckles.
Siya 'yong babaeng inutusan ko na ibigay ang letter na sinulat ko para kay Shawn.
Ano naman ang ginagawa niya rito?
"Hello, Veron. Anong ginagawa mo rito?" Nakangiting tanong ko.
"Uhm, wala naman. Naghihintay lang kasi ako na lumabas kayo dahil mag c-cr din ako," aniya.
"Ah, sige," tumabi kaming dalawa ni Zaire kaya pumasok na siya at sinarado ang pintuan.
Ang weird naman niya.
Hindi ko na lang 'yon pinansin at saka kami lumayo na doon at nagsimula na kaming mag usap pero hindi din naman pinalagpas ni Zaire ang kay Veron kanina.
"Leigh, bakit alam niya ang pangalan mo at pati rin ikaw sa kanya? Magkakilala din ba kayo?" Tanong niya.
"Nung nasa isip ko pa kung paano makipaghiganti kay Shawn ay inutusan ko siya na ibigay niya kay Shawn ang letter na isinulat ko. And, no, hindi kami magkakilala, sadyang ang kulit niya na magsabi ako ng pangalan ko sa kanya at ganun din siya sa 'kin kaya wala akong nagawa kundi sinabi ang pangalan ko," sagot ko naman sa kanya.
"Ah, kaya pala, pero napansin mo ba ang kilos niya kanina? Ang weird, nararamdaman mo din ba 'yon?" Aniya kaya tumango ako.
"Maiba na nga tayo, Zaire. Tsk, ano na ang namamagitan sa inyo ng kaibigan ni Shawn?" Pagdadivert ko sa usapan.
Namula din naman siya kaagad kaya gusto kong matawa sa reaksyon niya.
"Si Nix ba?" Aniya kaya tumango ako.
"Wala! Magkaibigan lang talaga kami, Leigh! Wala talagang namamagitan sa 'min! Wala talaga!" Masyado naman yatang defensive ah?
"Okay, haha. Pero masyado ka namang defensive diyan, chill!" Natatawa ko nang saad kaya mas lalo siyang namula at hinampas pa ang kaliwang balikat ko pero hindi ko 'yon pinansin at saka nagsimulang tumawa.
"Letse ka talaga, 'no? Eh, kayo ba ni Shawn, ayos na ba kayo? Nagkabalikan na ba kayo, ha? Tss!" Aniya kaya napatigil ako sa pagtawa.
"I don't know, Zaire. Basta ang nasa isip ko lang ngayon ay kung papaano ako makakapag move on sa kanya at kung kailan ako magiging handa para sa sinasabi niyang pakikipagclosure sa 'kin. Gusto ko pa rin siya..." napabuntong hininga na lang ako at ganun din siya sa 'kin.
"Pero iba ang nakikita ko sa mga mata mo, you felt longing and... love. Hindi mo na siya gusto kasi mahal mo na siya, am I right, Leigh?" Aniya. Kahit hindi ko man aminin ay sinagot din naman 'yon ng puso ko dahil sa bilis ng pagtibok nito. Tumango ako.
"Yes, Zaire. I'm totally inlove with Shawn," pag-amin ko.
"Kaya ka naman pala hindi pa handa sa closure na sinasabi niya kasi mahal mo siya eh, mas lalo na ang pag momove on mo. Hindi na ganun kadaling kalimutan ang nararamdaman mo ng higit pa sa gusto. Masakit na 'yan kapag pinili mong mag move on." Bumuntong hininga din siya.
"You need to talk to Shawn, Leigh. Para gumaan 'yang pakiramdam mo and to make things clear between you and him. You need a closure with him, too," aniya.
I need a closure with him, huh?
"Sige na nga, baka bukas. Saka dapat ko ding kausapin ang kapatid ko para magkaayos na kami. Hindi ako sanay na hindi kami nagkakaayos ng kapatid ko. Miss ko na si Amirah," sabi ko.
Bigla na lang may itinuro si Zaire sa likod ko kaya tinignan ko 'yon at nagulat ako ng mapagtanto kong nandoon si Amirah. Teka, narinig ba niya ang sinabi ko?
"Sige, mauna na ako. You need a sister's talk too," ani Zaire at tinapik pa ang balikat ko saka niya ako iniwan sa hallway ng first floor ng kasama si Amirah.
I can feel the awkward atmosphere now.
Pero gusto kong panindigan ang sinabi ko kanina na magkabati kami ng kapatid ko at baka ito na. Susulitin ko na ang pagkakataon.
Amirah's Point of View
Narinig ko lahat ng sinabi ni ate kanina. Gusto ko din namang magkabati kami pero paano naman kung palagi din naman kaming magkakaiwasan?
"Amirah," tawag niya sa 'kin pero yumuko lang ako.
"Amirah, ayaw kong may sama tayong loob sa isa't isa kaya gusto kong magbati na tayo. I'm sorry, Amirah. Sorry dahil sinigawan kita noong araw na 'yon at sorry rin na sinabihan din kita sa mismong araw na 'yon na hindi kita kailangan. Nadala lang kasi ako sa galit ko kaya napagbuntunan kita at hindi ko din naman sinasadya 'yon. Please, patawarin mo naman si ate, hindi ko na uulitin 'yon, mahal na mahal ka ni ate, hmm?" Mahabang paliwanag niya kaya napaangat ako ng tingin.
She really mean it. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang sinseridad.
Nagulat siya ng bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Namiss kita, ate. Napatawad na rin kita.
Nagsimulang tumulo ang mga luha ko habang niyayakap ko si ate. Yinakap din niya ako pabalik.
"Napatawad na kita, ate. I missed you," sabi ko.
"Namiss rin kita, little sis ko. Hindi ko na talaga 'yon uulitin," sabi din niya sa 'kin. Nagiging magaan na rin ang loob ko dahil nakapag usap kami ng maayos.
We really need a sister's talk.
Pero, hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang dinadala kong problema ngayon at isa na doon ang depresyon ko.
Someone's Point of View
I washed my face three times before I faced the mirror with a creepy smile plastered on my lips.
"Magiging akin ka rin, Deshawn Parker, magiging akin ka rin," sabi ko at nagsimula ng tumawa na parang baliw.
"I am sure of that. Kasi may katulong rin ako para maging akin ka. I want to get rid of Leigh to you dahil alam kong isa lang siyang malaking sagabal para sa 'ting dalawa," sabi ko at kinuha ko sa bulsa ng blusa ko ang cellphone saka tinawagan ang maaaring tutulong sa 'kin.
[Oh?] Bungad niya sa 'kin pagkasagot niya sa tawag ko.
"Gusto mong maangkin si Leigh 'di ba, then so be it. Meet me outside the school later at 5:00 p.m. where we will start discussing about it."
[Okay, sure.] Aniya bago ko patayin ang tawag.
Sa wakas...
___________________________________________________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top