Chapter 18
Soundtrack: Sorry by Justin Bieber
Chapter 18: Wake Up
Everleigh's Point of View
Matapos akong sampalin ni Zaire ay hindi ko pa naproproseso ang mga sinabi at ginawang pagsampal niya sa utak ko kaya naiwan lang akong nakatulala habang siya ay lumabas na.
I thought you'll understand me, Zaire?
I thought you're my friend?
But, am I also being too much?
Mali ba talaga ako? Napasobra ba talaga ako sa ginawa ko kay Shawn?
I don't know but I felt a little pinch and ache on my heart remembering what did I just thought yesterday night.
I realized... I made the wrong decision.
Tama nga ang sinabi niya, I should wake up.
Kung nakamove on na nga ako mula sa kanya, hindi ko na siya gagambalain pa... hindi na ako maghihiganti pa sa kanya.
But... I just can't help it. Nasaktan talaga ako ng sobra sa ginawa niyang pagpusta sa'kin. I was hurt.
And even now, I am. Hindi pa rin nawawala 'yong sakit na nararamdaman ko.
Nadala ako sa bugso ng damdamin ko, poot, at galit kaya hindi ko na namalayan na meron na pala akong dinamay sa away naming dalawa.
Hindi ko man lang inalam kung ano din ang nararamdaman ni Shawn sa mga ginawa ko.
I felt nothing but regret.
What would I do now?
Shawn will go to the other country to continue his studies.
Is it too late now to say sorry for what I have done to him?
Pero paano naman sa'kin? Gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko sa kanya pero paano naman kung hindi din niya gagawin 'yong iniisip ko ngayon?
Paano kung hindi siya humingi din ng patawad sa'kin?
I don't know what to do.
But there's one thing for sure... I want to say sorry to him, call me desperate and pathetic, but my feelings for never changed and I want him.
Hindi ko din naman namalayan na sa bawat pagpatak ng mga luha ko noong nakaraang buwan ay nahulog na ako sa kanya.
That's so stupid of me!
Even if he no longer has feelings for me, I'll try my best even if it will hurt me.
Gusto kong pigilan siya sa pagpunta sa ibang bansa para doon na mag aral.
I have to go back to the old me. Hindi ko na kailangan pang mandamay. Hindi ako 'to. I want peace now.
I am not perfect. I made mistakes too. We all made mistakes because we are just a person.
Tumingin ako pabalik sa salamin saka tinignan kung kamusta na ba ang pisngi ko. Namumula siya kaya mabuti na lang at may dala akong concealer kaya kinuha ko 'yon at ipinahid ko sa parte ng pisngi kong namumula at humapdi dahil sa sampal ni Zaire kanina.
Pagkatapos noon ay pabuntong hininga akong lumabas ng restroom. Pero bago pa ako makalayo mula sa restroom ay bigla na lang nag announce 'yung nasa speaker.
"Good morning, students! Please go to our quadrangle for an announcement! I hope we can see you all there now!" Sabi ng nasa speaker.
Nagtaka naman ako pero umiling lang kalaunan at tumatakbong papunta sa quadrangle. Medyo malayo kasi ang pinaggamitan kong restroom sa quadrangle.
Nang papalapit na ako sa quadrangle ay nakita kong halos lahat ng mga estudyante ay nandoon na.
Nang nasa quadrangle na ako ay medyo masikip ang daan para makapunta sa gitna kaya naki excuse na lang ako, mabuti na lang at madlaing sinunod 'yon ng mga nadadaanan kong estudyante. But totally weird, right?
Bakit naman wala silang ginawa sa 'kin na ikakapahamak ko?
Napansin ko din sa kanilang mga mata ang takot kaya sila nagsitabi para makadaan ako.
Ganun na ba talaga ako kasama para sa paningin nila ngayon?
At iniisip ba nila na idadamay ko rin sila?
I shiver when there's whispering on my ear and says something.
"Dapat ka talagang katakutan dahil pati ako, dinamay mo pa diyan sa patibong mo," bulong niya. Si Eros.
Inilayo ko ang sarili ko mula sa kanya pero ngumisi lang siya sa 'kin.
"Don't worry, Leigh. I won't hurt you but I'll make sure that I have a way on how to make you mine," aniya saka ngumingising lumayo mula sa direksyon ko.
Dinamay ko siya pero gusto niya pa rin ako?
Napailing iling na lang ako saka huminga ng malalim at tulala na nakatingin sa harap.
Maya maya pa'y bigla na lang nagpalakpakan ang mga tao kaya napabalik ako sa ulirat.
Tumingin ako sa kanan at kaliwa ko ng mahagip sa paningin ko si Zaire na nakatingin sa 'kin. Nang magtama ang paningin namin ay agad siyang nag iwas ng tingin.
I guess, we're not in good terms now. Pero sinigurado kong magkakabati kami ngayong araw, marupok siya sa 'kin eh haha.
Meron namang tumabi kay Zaire at tinignan iyon ng biglang tumibok ng mabilis 'yong puso ko.
Si Nix, Nash, Amirah, at... Shawn.
Tumikhim na lang ako ng hindi nila naririnig saka muling tumingin sa harap.
I could feel the throbbing pain in my heart after seeing him.
Gusto ko na lang lumuhod doon at humingi ng tawad sa kanya saka yakapin man lang siya ulit.
I miss him.
Pero pagkatapos nitong paghihingi ko ng tawad ay kahit masakit, mag momove on na lang ako ulit sa kanya.
Pupunta siya ng ibang bansa kaya alam kong nagmomove on na siya sa 'kin ngayon.
Gusto kong pigilan siya sa pag alis pero hindi kaya ng pride ko 'yon. Hindi ko kayang lunukin ang pride ko ng ganun ganun na lang.
Kung hindi ko kayang ipaglaban ang pagkagusto ko sa kanya at tuluyan na siyang umalis, gusto ko na lang din magmove on ng tuluyan.
There's another feeling that slowly starting to resurface on my heart and I... I know this feeling, I just can't believe that I will have this feeling in my life.
"Good morning to all of the students here in Parker High. Malapit na ang end ng school year natin and we, the co-owners of this school, have decided that there will be a school encampment, dito mismo sa loob ng paaralan natin. Let's treasure every moment in here, sa mga malapit ng grumaduate as junior and senior highschool, please treasure and don't forget the memories we shared in here sa pamamagitan nitong event na 'to. The school's encampment will be held tomorrow at 10:00 AM sharp, kailangan nandito na kayong lahat, mapa grade 7 to 9 man, pwede kayo. We also prepared a checklists on you all para sa mga kakailanganan niyong mga gamit at magamit niyo bukas. Dapat bukas ng alas diez ay nandito na kayo, wear your boy and girl scout's uniform, dapat handa na kayo bukas. Be prepared, okay? That's all, thank you for listening," mahabang litanya ng isa sa owner nitong school na 'to. And her face is familiar, really familiar.
Yung mukha niya, nakikita ko sa kanya si Shawn. Wait... ina niya 'yon?! Kaibigan 'yon ni mommy?!
Kaya naman pala familiar, ang amo ng mukha ng ina niya, well, she has an intimidating aura but her voice is soft spoken, kaya siguro naging magkaibigan sila ni mommy.
Nakita kong lumapit ang babae kay Shawn kaya napatunayan ko talaga na mag ina sila. Like mother, like son.
Nagulat nga lang ako ng biglang tumingin si Shawn sa'kin kaya humarap muli ako pero sumusulyap pa rin pero dinadaga ang puso ko ng hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa'kin kaya siguro napalingon ang ina niya sa direksyon ko.
Hindi ko kinaya kaya umalis na lang rin ako. Nakakahiya dahil magkaibigan pala sila mommy at ang ina niya. Ang liit ng mundo namin!
Shawn's Point of View
"'Nak, kanina pa tumitingin sa 'tin ang babae. Hindi mo ba siya pupuntahan? At saka, pamilyar 'yung mukha niya," ani mom sa'kin.
Paanong pamilyar ang mukha?
Magkakilala ba sila ni Leigh?
Umiling ako at saka nagsalita.
"I don't think so, mom." Tumingin na lang ako sa direksyon nila Nash, Nix, Zaire, at Amirah.
Pero nang mapasulyap muli ako sa direksyon ni Leigh ay napansin kong wala na siya roon kaya nagtaka ako.
"Tell me, 'nak. May gusto ka ba do'n sa babae na 'yon? Nahuli kitang pasulyap sulyap sa babae na 'yon eh," nagulat ako ng bahagya muli ng mapagtanto kong nandito pa pala sa mom. Wrong move naman pala ang ginawa ko eh.
"Or, siya na naman ang target mo? Tell me, may ginawa ka na naman bang masama sa babae na 'yon? Why don't you follow her instead?" Sunod sunod na tanong ni mom.
Napabuntong hininga ako saka tumango kay mom. Nagpaalam pa muna ako sa mga kaibigan ko at nagtanong kay Amirah, baka alam niya kung nasaan ang kapatid niya.
Pero umiwas lang siya ng tingin saka napayuko.
I breathed out a heavy sigh because I know already that they're not in good terms even now.
Nadamay pa ang kapatid ni Leigh sa away namin.
Nagpaalam pang muli ako kay mom at saka tinalikuran na sila saka naglakad papalayo.
I need closure.
Nakita ko naman na may anino ng isang babae sa second floor ng building kaya hindi ko na inaksaya pa ang oras at mabilis na pumunta doon. Kailangan ko pang umakyat para maabutan siya doon.
Nang nasa second floor na ako ay hinanap ko siya sa mga rooms na nandito.
Nang nasa huling room ako naghahanap ay doon ko na siya nakita.
Pumasok ako doon ng hindi niya maririnig, patay din naman ang ilaw kaya hindi niya ako makikita.
Nasa may tapat na ako ng switch nang in-on 'yon saka tumikhim para mawala ang pagkabara ng lalamunan ko ng makita siyang nagulat sa'kin.
I need to forget you that's why I want a closure with you.
"S-Shawn..." utal pa niyang sinabi iyon. Ngayon ko lang ulit narinig ang pangalan ko mula sa tinig niya.
"A-Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.
Ngunit kinuha ko ang pagkakataon na 'yon na lumapit sa kanya at saka yinakap siya. Doon nagsimulang bumuhos nag mga luha ko.
"A-Asungot, h-hoy..." mas lalo akong napaiyak ng sabihin niya ang bansag niya sa'kin.
Akala ko itutulak niya ako palayo mula sa pagyakap ko sa kanya pero nagulat ako ng niyakap niya rin ako pabalik pero hindi ko ipinahalata na nagulat ako at mas lalong niyakap na lang siya.
This will be my first and last hug with you.
We stayed like that for a minute before I pushed myself away from her.
"Leigh... I..." panimula ko. Pinunasan ko pa muna ang natitira kong luha at tumikhim pang muli saka ipinagpatuloy ang sinasabi ko.
"I need a closure with you... p-pangit," mahinahon ko nang sabi kahit pa naiiyak na naman ako.
Matagal bago siya nakapagsalita ulit saka tinignan niya ako. Pumikit pa muna siya at umiling saka niya ako tinignang muli.
"W-What? N-No... I mean not now. Excuse me but I have to go back now," nakayukong sabi niya at saka akmang lalampasin ako ng higitin ko ang kanyang braso at saka ko siya ihinarap sa mukha ko. Her face and mine are only inches away and I can smell her minty breath.
"A-Asungot, ano ba? B-Bitawan mo nga ako!" Reklamo niya pero hindi ko siya pinakinggan at tinitigan lang ng mabuti ang kanyang mukha.
Hanggang sa mapadpad ang tingin ko sa kanyang labi.
"S-Shawn..." tawag pa niya sa pangalan ko at hindi ko namalayan na ipinagdikit ko na pala ang mga labi naming dalawa. Doon ko ibinuhos lahat ang emosyong kinikimkim ko sa loob ko.
Pero nagpumiglas siya kaya naputol 'yon. Tinignan niya ako ng masama pero ang nakikita ko sa kanyang mga mata ay kabaliktaran sa ipinapakita niyang emosyon ngayon sa'kin.
"I-I said... I don't want a c-closure with you nor k-kiss me on the lips," aniya.
Yumuko na lang siya pagkatapos at tuluyan na niya akong iniwan rito.
I guess I made the wrong move.
Or she's just afraid... but afraid of what?
Hindi din naman na niya ako gusto diba? Mas lalo na ang mahal niya ako?
So bakit niya iniiwasan ang pakikipagclosure ko sa kanya?
And for the second time, I kissed her lips again but I felt like it's my first time again.
___________________________________________________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top