Chapter 17

A/N: Nandito lang ako para sabihin sa inyo... na walang POV sa chapter na 'to si Leigh. Baka sa susunod na chapter pa hihi, 'yun lang nag sasabihin ko. Salamat sa pagbabasa nito kahit hindi naman kagandahan! Haha.

Chapter 17: A Feeling of Uncontrolled Sadness

Shawn's Point of View

K I N A B U K A S A N

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan habang nakasukbit na ang bag ko sa braso ko, basang basa pa ang buhok ko at nagmamadaling isuot ang uniporme ko. Nakasapatos na din ako.

Ngayon lang ako na late ng sobra. 10:00 AM na tapos ako, ito papunta pa sa school.

Alam ko nang wala na si mom at dad ngayon dito sa bahay kaya ako na lang nag mag isa dito sa bahay.

Paano ba naman kasi, napuyat ako sa kakaisip sa mukha ni Leigh. Hindi ko alam kung bakit kahit anong gawin kong pag iwas na mapaisip siya ay tumatatak talaga siya sa isipan ko kahit anong pigil ko.

~Flashback~

Nakatitig lang ako sa kisame at nagmumuni muni nang sumagi na naman sa isipan ko si Leigh.

Napabuntong hininga ako at nasasaktan habang nakatingin sa kanya.

I love you even if it hurts.

Kung hindi na talaga siya babalik sa dati, dapat ko nang makamove on sa kanya.

Iiwanan ko na siya kapag nakagraduate na ako at doon na mag aral sa ibang bansa, ano pang silbi para manatili pa ang nararamdaman ko sa kanya?

Kung kailan nahulog na ako sa kanya, saka naman siya nagbago.

Habang naiisip ko si Leigh ay pinagmasdan ko ng mabuti ang mukha niya.

She's smiling at me, a one genuine smile.

At masakit isipin 'yon. Masakit na hindi ko na muling makikita pa ang mga ngiti niya sa labi.

She forgets me. She forget how I feel for her. And especially, she forget her feelings for me.

Bakit parang ang dali naman niyang makamove on?

Kung totoong ginusto niya ako, hindi dapat ganoon kadali 'yon.

O baka naman, hindi niya talaga ako ginusto. Na napipilitan lang siyang gustuhin ako.

Ganoon ba ako kahirap gustuhin?

Isa lang akong hamak na lalaki, na anak ng pagmamay ari sa Parker High, na isang campus heartthrob...

Na isang lalaking nakipagpustahan para lang makaganti noon sa kaaway ko... na mahal ko na ngayon.

Because of that stupid bet, my life with her is miserable!

Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko ngayon sa'kin.

I've changed because of her and she changed because of me. And we're even.

Pero ang dalawanb salita na 'yon ay hindi ko kayang pantayan sa kanya.

Ang... mag move on.

Kailangan ko na siyang kalimutan, lahat lahat pati na ang nararamdmaan ko sa kanya para kahit papaano hindi na mas maging masakit pa.

~End of Flashback~

Nang matapos kong ibutones ang uniporme ko ay mabilis akong lumabas at nagpara ng taxi. Mukhang ginamit ni dad ang kotse niya kaya hindi ako makakapagmaneho sa kanyang kotse ngayon.

Paniguradong wala na akong aabuting second class ngayon. Maghihintay pa ako ng ilang minuto bago ako makapasok sa room para sa panibagong klase.

Nang nakapagbayad na ako at bumaba ng taxi ay mabilis akong naglakad papasok sa school. As expected, wala nang mga estudyante roon kundi mga janitors and janitresses at sekyu din.

Kailangan ko pang maghintay! D*mn it!

Habang nakaupo ako sa isang bench malapit sa library ay bigla na lang napadaan si Mrs. Principal at tumingin sa'kin na para bang dismayado.

"Bakit late ka ngayon, hijo? Tsk, tsk, tsk, anak ka pa naman ng may ari nitong paaralan na 'to tapos may gana ka pang pumunta dito ng late? Palagi mong tatandaan hijo na kahit gaano pa kataas ang anyo mo, tao ka pa rin at hindi ka Diyos kaya wag masyadong mapride. Kaya pagbutihin mo ang sarili mo sa susunod, ha? Masususpend ka na kapag umulit ka pa, kahit ikaw pa naman ang anak ni Sir Eliseo at Ma'am Dorothy, sige hijo, mauna na ako," mahabang sabi niya saka nginitian ako at muli nang naglakad papalayo.

Napabuntong hininga na lang ako saka napahilamos ng mukha.

Kung bakit ba naman kasi sumagi pa ang mukha mo sa isipan ko.

Maya maya pa'y napagdesisyonan kong pumunta sa abandonadong gusali kung saan ako sumigaw nang meron na akong gusto sa kanya.

***

Pagdating ko roon ay napangiti ako ng mapait ng mapagtanto na ang dami pala kaming alaala ni Leigh dito kahit maikli lang ang pinagsamahan namin.

Pero nang tumapat at tumigil ako sa malapit sa may mga maraming lumang upuan ay naalala ko 'yong ginawa ni Leigh sa'kin no'n para saktan ako.

Sinadya ba talaga niyang halikan 'yong g*g*ng Eros na 'yon? Plinano niya ba 'yon?

Kung sinadya niya talagang gawin 'yon para sa'kin at 'yong sinasabi niyang, 'playful revenge', niya ay 'yong nangyari sa kanilang dalawang paghahalikan, well, it is effective.

Kumirot ang puso ko. Nararamdaman ko ang selos, sakit, poot, at inis ng konti para sa sarili ko.

Dapat ko ring sisihin ang sarili ko. Dahil kung hindi dahil sa'kin, hindi dapat masaktan at magbago si Leigh.

All I could think of was I felt nothing but regret and heartbreak.

Inilagay ko ang bag ko sa upuan na 'yon at pinagmasdan ng mabuti ang gusali na 'to.

Idadivert ko 'yong atensyon ko dito sa gusali na 'to kaysa sa mga nangyayari sa buhay ko.

Pwede pa naman itong iconstruct at linisin ng mabuti, sasabihin ko na lang siguro sila mom at dad about dito.

Kapag papayag silang ireconstruct ito ulit at ipapaayos, pwede ito para sa mga senior highschool. Malawak din ang gusaling ito. I don't know why this building has totally been abandoned.

Pwede din akong tulungan sila kung sakali. Alam ko din naman kahit konti kung paano ireconstruct ito ng maayos, pwede akong magbigay ng ideas, hindi ako architect at hindi ko pinangarap na maging gano'n balang araw. Mas gusto kong maging engineer kaysa magsketch na lang.

At tuluyan na ngang nadivert ang atensyon ko sa gusaling ito. Dito ko rin nalaman kung ano ang magiging ako sa balang araw.

Kailangan ko munang kalimutan pansamantala siya para maibsan ng konti 'yong sakit na nararamdaman ko para sa kanya.

Amirah's Point of View

Habang nagkaklase si propesora ay nakatitig lang ako sa labas ng bintana habang natutulala.

I don't know what's going on with my ate but I know that she have changed a lot starting from that day she just shouted at me like she doesn't even care of how would I feel after that.

Alam kong kailangan niya ako ng mga panahong 'yon pero mas pinili niyang mapag isa at hindi daw niya ako kailangan. Siyempre nasaktan ako, siya ang nakakapagparamdam sa'kin ng kasiyahan pero siya rin ang nakakapagparamdam sa'kin ng sakit.

Yes, I was taken aback when she shouted those words at me.

Kaya nga ako umiiwas sa kanya dahil nagtatampo ako sa kanya.

She doesn't even know that day, I have problems too. Hindi ko din ipinaalam kina mom at dad 'yon dahil ayaw ko silang idisappoint pareho.

Katulad ng nangyari ngayon, napapabuntong hininga ako habang nakatitig sa labas ng bintana.

Bigla na lang may tumawag sa apilyedo ko kaya tumingin naman ako at napagtanto ko na masyado na akong nalulunod sa pagkatulala ko kaya hindi ko na namalayan na may tumatawag pala sa'kin.

"Yes, miss?" Tugon ko sa kay prof.

Sinamaan kaagad naman niya ako ng tingin ng sabihin ko 'yon.

"Nakikinig ka ba, Ms. Carter? Kung hindi pala, eh, pwede ka nang lumabas! Kanina pa kita tinatawag at tinatanong, palagi ka lang nakatulala dyan sa labas ng bintana! Ano ba 'yang pinagkakaabalahan mo dyan sa isip mo? Ng dahil dyan ay bumabagsak ka na sa mga grades mo, noon pang mga nakaraang buwan tapos ngayon, dadagdagan mo na naman? Malaking kahihiyan 'yan para sa'kin bilang prof. mo kasi paniguradong ako ang masisisi kapag hindi kita maturuan ng maayos! Naku, kung ako sayo, wag ka na lang magpatuloy sa pag aaral kung hindi ka lang rin naman makikinig dito! Dinadamay mo pa ako dyan! Tsk!" Sigaw ng sigaw sa'kin si prof. kaya gusto ko na lang umiyak.

These past few days, hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang ayaw ko na, parang hindi ko na kaya, gusto ko nang sumuko.

"Sorry po, miss," sabi ko kahit gusto ko nang umiyak habang napapayuko. Napapahiya ako, gusto ko nang lumabas pero mas lalo lang dumadagdag yung pagkakabagsak ko sa ibang subjects ko, katulad nito.

"Sorry ka nang sorry. Walang magagawa 'yang sorry mo kung hindi mo naman kayang pagbutihin 'yang pag aaral mo! Sagutin mo 'to kung ayaw mong bumagsak!" Sigaw pang muli ni prof. kaya mas lalo akong napayuko.

"Aba, anong iniyuyuko yuko mo dyan? Humarap ka na at sagutin mo ito ng nakatayo, kung nagplaplano kang umupo ng hindi ko pa sinasabi, automatic, labas ka na at bagsak ka dito," pananakot sa'kin ni prof. kaya naman ay nag angat ako ng tingin at tumayo saka huminga ng malalim para hindi gumagaralgal ang tinig ko.

Pero bigla na lang parang umikot ang paligid. Hanggang sa biglang dumilim ang paning ko dahilan para matumba ako mula sa pagkakatayo ko.

"Ito ang tano—ay! Ms. Carter! Anong nangyayari sayo?! You, take her to the clinic, now!"

***

Nang magising ako ay bumungad sa'kin ang maputing kisame kaya nagtaka ako pero nang ilibot ko ang tingin ay hindi na. Nasa clinic pala ako. Bakit ako nandito?

Nang biglang sumagi sa isipan ko yung nangyari kanina. Bigla na lang umiikot ang nasa paligid ko pero hindi ko alam kung paano nangyari 'yon.

"Ayos ka na ba, Amirah?" Bigla na lang akong napalingon doon sa tumatanong sa akin at sa hindi ko malaman na dahilan ay nakahinga ako ng maluwag at rumisponde ng mabilis yung puso ko.

"M-Medyo, mabuti na ang lagay ko. S-Sino pala ang naghatid sa'kin dito? At, b-bakit nandito ka? Eh, h-hindi naman kita kaklase?" Lumukob din naman ang pagtataka sa isipan ko kaya nawala ang pagbilis ng tibok ng puso ko at yung kakaibang pakiramdam na 'yon.

"Mabuti naman kung ganoon, ayaw ko pa naman na may mangyaring masama sa 'yo..." nang sabihin niya 'yon ay pakiramdam ko ay uminit bigla ang pisngi ko.

Amirah! Wag kang masyadong umasa at mag assume, okay? Sinasabi lang naman ni Nash 'yon dahil nag aalala lang siya sayo! Literal lang na nag aalala!

Itinago ko na lang ang pamumula ng pisngi ko habang nakatingin sa kanya dahilan para tingnan niya din ako with amusement in his eyes and the side of his lips rose.

"Well, ako ang naghatid sayo dito kasi bigla na lang akong tinuro ng propesora niyo na dalhin kita rito, siyempre nilukob ako ng pag aalala kaya mabilis kitang ipinunta rito. Dumaan din kasi ako sa inyong room nang tawagin nga ako ng propesora niyo, so ayon," aniya habang ini explain sa'kin kung ano ang nangyari kanina.

"Salamat pala," sabi ko at tinanggap naman niya iyon saka siya dahan dahang lumapit sa'kin. Bigla na lang ulit kumekerengkeng ang puso ko sa bilis dahil sa kanyang paglapit sa'kin.

Mas nagulat pa ako ng hawakan niya ang kamay ko. This can't be happening! Wag mag assume, wag umasa, masasaktan ka lang, self! Haysst!

"Amirah..." biglang tawag niya sa pangalan ko kaya mas lalo itong bumilisa pagtibok. When he just called my name, it feels music and so soothing to my ears. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon at kung bakit ko 'yon nararamdaman. Bago lang ako sa pakiramdam na 'yon.

"Hmm?" Tugon ko kahit mabilis pa rin ang pintig nito.

"Sabi kasi ng nurse na nag asikaso sayo kanina na... masyado ka lang na-over fatigue kaya ka biglang nahilo kanina. So nandito ako bilang kaibigan mo na iko-comfort ka sa kung ano mang pinoproblema mo ngayon. I will always here by your side, tandaan mo 'yan," nakangiti niyang sabi kaya naman ay nahawa ako sa ngiti niya. Minsanan ko lang siya nakitang ngumingiti pero ngayon na nasa malapitan ko siyang nakikitang nakangiti, dahil sa'kin, masasabi kong gwapo nga siya, bagay nga sa kanya ang isa ding heartthrob, bagay din siyang magpaiyak ng babae, hehe.

"Oo naman, I felt an uncontrolled sadness because of family issues and problems, and my grades as well, bumabagsak na dahil hindi ko maconcentrate ang sarili ko sa pag aaral ko kung may problema ang ate ko ngayon. I don't know what to do with my ate, masasabi kong nagbago siya, pero hindi ko gusto 'yong pagbabago niyang 'yon, I don't know anymore of how can I stop her what she's been doing now," sabi ko, halatang nahihirapan.

Napabuntong hininga naman siya at mas hinigpitan ang kapit sa kamay ko saka nagsalita rin.

"Paano mo naman ipapatigil ang mga ginagawa ng ate mo ngayon, kung ikaw mismo na kapatid niya, ay iniiwasan siya? Sige, sabihin mo 'yan sa sarili mo kung bakit ka ngayan trumato sa ate mo. Amirah, kung ako sayo, fix your problem with Leigh, kung mababaw naman pala ang problema niyong dalawa, dapat hindi na 'yon pinabibig deal at inintindi na lang. Pagkatapos ay ayusin mo muna yung sarili mo, on how to get your concentration and grades back, at dapat gumaling ka na sa pagkakaroon ng karamdaman na 'yan, at kapag maayos ka na, doon mo na ipapatigil ang mga ginagawa ng kapatid mo," mahabang sabi niya kaya tumango tango naman ako.

"Sige, 'yon ang gagawin ko," sabi ko at nginitian siya. Kinurot naman niya ang pisngi ko at sinabi niyang cute daw ako. Mabuti at naitago ko ang pamumula ng pisngi kong muli.

"Sige, lalabas muna ako, dumaan lang talaga akong muli dito para kamustahin ka, mukhang magsastart na naman kami sa bagong class namin, dadalawin kita mamaya," aniya saka tumayo na at akmang lalakad na papalabas ng higitin ko ang braso niya kaya napaharap na naman siya sa'kin habang natatawa kaming pareho.

"Oh, may sasabihin ka pa ba? Willing naman akong makinig," sabi niya kaya nakangiti akong tumango.

Hindi ko alam kung kaya ko ba 'tong gawin pero gusto ko talaga 'tong gawin. Alam kong hindi na normal ang pagtitibok ng puso ko ng mabilis at ang pamumula ko kahit sa mga simple gestures niya lang. Alam ko nang may pagtingin na ako sa kanya, hindi ko lang inaamin dahil indenial ako at bata pa ako para maramdaman iyon pero hindi ko din talaga mapigilang mapaamin.

Inilapat ko ang labi ko sa pisngi niya at pagkatapos kong pakawalan 'yon ay may ibinulong ako sa kanyang tenga which made me more embarassed, my cheeks suddenly reddened at pagkatapos no'n ay hindi na ako humarap sa kanya at patagilid na humiga sa stretcher saka nagtalukbong ng puting kumot dahil sa matinding kahihiyan!

"I like you, Nash."

My embarrasing confession ever!

From my uncontrolled sadness to a sudden not so planned confession!

Huhu, paano na 'to? Nakakahiya!

___________________________________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top