Chapter 16

Chapter 16: Deserved

Shawn's Point of View

I know I deserve this sh*t but this is too much. Just too much. Hindi naman niya kailangang magbago dahil lang sa sinaktan ko siya doon sa pustahan na 'yon.

Nasaktan ako sa ginagawa nilang paghahalikan sa harap ko at deserve ko iyon pero mas nasasaktan ako sa kanya dahil sa kanyang ipinagbago, sa mga desisyon niya, at kung paano na siya kumilos ngayon, na ibang iba naman noon.

Bakit ba naman kasi sa lahat ng tao, siya pa? Na walang ibang ginawa sa'kin kung hindi ang gustuhin ako pero anong ginawa ko? Sinaktan ko lang siya, kaya siya nagbago ngayon.

Nang tinalikuran ko sila at lumayo ay hindi ko na mapigilang lumandas ang mga luha sa mata ko. Ang sakit sakit makitang 'yon babaeng gusto may ay nakikipaghalikan sa ibang lalaki.

And yet, I deserved this.

Until I realized that it's no longer like I felt for her, it is now love. Oo nga, sabi nila o ng karamihan, masakit ang magmahal at pinatunayan lang 'yon sa nangyari kanina.

Mahal ko siya pero anong kayang gawin ng pagmamahal ko kung hindi ko naman alam kung paano siya ibabalik sa dati?

Kung gayon, walang saysay ang pagmamahal ko kung hindi din naman siya babalik sa dati. Sa dating Leigh na kilala ko. Hindi 'yong ngayon na sobrang lamig niya na, mataray at may pagkamaldita, hindi tulad noon na grabe kung makipag bangyaan at away sa'kin at kung paano siya nagiging masiyahin.

Right, sinira ko ang buhay niya. Malaki talaga ang impact ng pustahan na 'yon para sa kanya.

I'm so sorry, Leigh. I didn't mean or intend to hurt you. I'm so so sorry.

Umupo ako sa hagdanan at doon ko sinisisi lahat ng ginawa ko para sa kanya.

Talagang nagsisisi na ako. Oo, hindi mapapantayan ang sorry ko sa sakit na naramdaman niya no'n pero ito lang ang kaya kong gawin ngayon. Ang magsorry sa kanya kahit hindi niya ako kayang patawarin.

Pero kahit hindi ko naman sinasadya na saktan siya dahil lang sa narealize ko na hindi tama ang ginawa naming magpusta sa kanya ay parang napasobra naman yata siya.

Oo, wala akong karapatang sabihin ito pero sa totoo lang, hindi naman niya kailangang magbago, magbago ang lahat sa kanya.

Matapos no'n ay huminga ako ng malalim at pinalis ang mga luha sa mata ko saka ako tumayo at naglakad ng dire diretso.

Sana magbago ang isip mo, Leigh. H'wag mong iisipin na ang paghihiganti sa'kin ay ang solusyon para maibsan 'yang galit at poot sa puso mo sa'kin.

Hindi lang ikaw ang nasaktan, pati rin ako. Pareho tayong masasaktan kapag pinatuloy mo pa 'yon.

I don't want you to feel regret in the end.

***

Nagkatagpo kami ni Zaire sa building kung saan kami unang nagkatagpo ni Leigh. Napangiti na lang ako ng mapait. It really brings memories.

"Oh, Shawn, bakit ka naglalakad lang?" Bungad agad ni Zaire sa'kin kaya naman ay napabuntong hininga ako saka sumagot sa tanogn niya.

"Wala, may dinaanan lang ako," sabi ko at saka muling bumuntong hininga.

Napakunot noo naman siya at saka napabuntong hininga din.

"Alam ko na si Leigh na naman ang problema mo. Sus, halatang halata ka na," aniya kaya ngumiti ako ng pilit.

"Pwede bang kahit ngayon lang, 'wag mo na muna siyang banggitin o kahit ang pangalan man lang niya?" Sabi ko kaya tumango naman siya.

"Salamat," sabi ko.

"Upo muna tayo doon malapit sa library," yaya niya at tumango ako saka sumunod sa kanya.

Nang makaupo kami ay meron siyang kinuha sa bag niya at pagkatapos ay saka iyon ipinakita sa'kin. Napakunot naman ang noo ko.

Anong gagawin ko sa isang maliit na notebook at ballpen?

"Anong gagawin ko rito, Zaire?" Tanong ko sa kanya habang dahan dahan ko iyong tinanggap.

"Just write on that small notebook of all your negative thoughts that keeps running on your little head and I'll read it. Pagkatapos naman ay ako ang magsasabi sayo kung saan ka nagkamali at kung saan ka tama," nakangiti niyang sabi kaya naman ay tumango ako at saka pinakatitigan ng maigi yung maliit na notebook at ballpen habang inaalala lahat ng mga negative days ko at saka ngayong araw at doon ako nagsimulang magsulat sa notebook na 'yon.

Doon ko inilabas ang lahat lahat. Walang natitira hanggang sa matapos iyon at ibinigay na kay Zaire iyon.

Tumingin pa muna siya sa'kin bago niya sinimulang basahin ang mga isinulat ko doon sa notebook.

Pagkatapos naman ay tumingin siya saka nginitian ako at doon siya nagsimulang magsalita.

"Unang una, 'yong sulat kamay mo, parang kinahig ng manok!" Pagkasabi niya no'n ay humagalpak siya ng tawa kaya naman ay napatawa na rin ako saka napailing iling.

Ibang klase rin naman pala siya ah. She knows well on how to lighten up the mood. Parang life of the party lang siya haha.

"Hoy, biro lang, maganda ang sulat kamay mo sa totoo lang. At saka siymepre, pinapagaan ko lang ang kalooban mo para kahit papaano hindi ka malugmok diyan sa kakabuntong hininga mo, nakakahawa kasi eh," aniya kaya napatawa akong muli.

"Oh, siya, magseseryoso na ako. Eto na," pagkasabi niya no'n ay sumeryoso siya bigla kaya naman ay napaseryoso din ako.

"Maling mali ka talaga, Shawn. You hurt her, right? At hindi lang 'yon mababaw para sa kanya. She has feelings for you too, pero anong ginawa mo? Pinusta niyo lang ng mga kaibigan mo 'yung kaibigan ko. Pero nung nabasa ko sa mga sinulat mo na hindi na siya yung dating Leigh na kilala mo at naghiganti—hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa inyong dalawa. Naaawa at naiinis ako sayo dahil sinaktan mo na nga at pinusta, ganun din ang gagawin ni Leigh sayo. Same feelings din for Leigh, pero mas nangingibabaw ang inis ko sa kanya. Walang patutunguhan ang paghihiganti niya, kaya umisip ako ng paraan para magising siya. Alam ko naman na nagsisisi ka na dahil halatang halata sa mga kilos mo pero hindi 'yon napansin ni Leigh kaya 'yon ang ikinainis ko sa kanya, she thinks you'll gonna play her again. Pareho kayong may mali at tama, wala na akong masabi pa sa inyo dahil sumasakit na ang ulo ko kung paano gumawa ng paraan 'yang si Leigh," mahabang litanya niya habang napasapo ang noo.

So, that's her reason why and I don't even know that.

"Shawn..." maya maya pa'y tawag niya sa'kin kaya tinignan ko siya at saka tumugon.

"Hmm?"

"Nagagalit na talaga ako kay Leigh, sa totoo lang. Pinapalaki niya lang yung away niyo! Wala akong kinakampihan sa inyo ah pero napasobra na siya at ikaw din naman ang dahilan kung bakit siya nagkaganoon. Haysst!" Sabi niya nang naiirita.

"Kung ano man 'yang binabalak mo kay Leigh, 'wag mo nang gagawin," sabi ko saka napabuntong hininga.

Kung gusto niya talagang magbago, wala na talaga akong magagawa para ibalik siya sa dati.

Sinaktan ko na siya, nakahiganti siya sa'kin. Nangyari na ang nangyari. Ano pa bang susunod na gagawin? Diba, wala na kaya wala na akong magagawa o si Zaire din.

"Wag ka na lang makialam pa sa'kin, Shawn. Kailangan niya na talagang gumising para wala na siyang madamay pang mga estudyante rito," aniya at saka tumayo na pero pinigilan ko siya.

"Ngayon mo na ba gagawin 'yang sinasabi mo?" Tanong ko.

"Hindi, bukas pa. At wag ka nang makialam sa gagawin ko bukas sa kanya ah? Para naman ito sa ikabubuti niya, sige mauna na ako," sabi niya kaya binitiwan ko na siya kaya siya naglakad papalayo.

Napabuntong hininga muli ako saka muling umupo at hinilamos ang mga palad ko sa mukha ko.

Kung madami ang madadamay sa mga gagawin ni Leigh, mas lalaki lang ang gulo.

Tama din naman si Zaire, kailangan na niyang gumising. Hindi na siya 'yong dating Leigh kaya hindi ko na lang siya papakialaman sa gagawin niya kay Leigh.

Sa kalagitnaan ng pag iisip ko ay bigla na lang nag ring yung phone ko kaya kinuha ko ito saka tinignan kung sino ang caller saka ko iyon itinapat sa tenga ko. Si dad ang tumatawag.

"Oh, dad, bakit kayo napatawag?" Tanong ko.

[Son, we've got some good news to share it to you.] Sumagot si papa sa kabilang linya kaya ay nalito ako.

Ano namang good news 'yon?

[At ano naman ang sinasabi mong good news, dad, mom?]  Tanong kong muli, nalilito.

['Nak, may nag offer sa'min ng papa mo na galing sa ibang bansa para sabihin na pwede kang mag aral doon sa Australia. Payag naman kami, sana tanggapin mo din alok nila, 'nak. May malalaman at maaaral ka ring bago roon, just this one please, 'nak, kahit ngayon lang pagbigyan mo kami. Kami na ang bahala sa Parker High.] Mahabang sinabi ni mom.

Napabuntong hininga akong muli at napakamaot na lang sa ulo dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko pwedeng tanggihan sila mom at dad dahil para naman daw ito sa ikabubuti ko pero paano na si Leigh dito? Ang mga kaibigan ko? Iiwan ko na lang sila ng ganon ganon na lang?

Mahirap magdesisyon lalo na sa ganitong sitwasyon. Family over friends and love. Mahirap talaga.

"Mom, dad, pag iisipan ko pa po, sige na po, ibababa ko na 'to, kapag tumawag ulit ako, ibig sabihin niyan ay nakapagdesisyon na ako, sige po, bye," sabi ko sa kanila.

[Sure, 'nak. I know it's not easy for you to decide because all your life, nakadepende ang buhay mo dito at hindi sa ibang bansa but please don't be so hard on us, ikabubui din naman sayo 'to at saka magcocollege ka na–5 months na lang, gragraduate ka na sa paaralan natin at makakapag aral ka na para sa college doon sa Australia. Sige, yun lang nag sasabihin ko sayo,'nak. Good bye.] Ani mom at saka sabay silang nagsabi ni dad ng good bye sa'kin bago ko na ibinaba ang tawag.

What will I going to do now?

Papayag ba ako o hindi?

Hindi ko kayang lumayo kay Leigh pati na ang mga kaibigan ko pero ayaw ko naman biguin sila mom at dad.

Pero natigilan lang ako ng bigla na lang dumaan sa harap ko si Leigh habang nakangising tumingin sa'kin at saka niya ako linampasan.

I've changed my mind.

Lumalayo sa'kin si Leigh tapos ako hidni ko kayang lumayo sa kanya? Nakakahibang naman.

And that's when I realized that she no longer waits for me kahit nga aalis pa ako eh. Baka nga wala na siyang nararamdaman para sa'kin o baka nga nakamove on na nga siya ng tunay.

Papayag na ako kila mom at dad. Pwede naman kaming magskype ng mga kaibigan ko kahit man nasa malayo ako.

Pwede na ding doon na ako tumira nga sa Australia eh. I can leave independently.

At saka, I want to treasure first my days, weeks, months, and years in here even just for a moment. And I want to treasure the memories Leigh and I had a couple of months ago. Kahit maikli lang ang pinagsamahan namin, mahalaga na ito sa'kin. Kung para sa kanya hindi, ako oo. I want to treasure and keep it to myself.

Tumingin muli ako kay Leigh at natigilan ako ng tumingin din siya sa'kin. Akala ko iiwasan niya ang tingin ko pero nagkamali pala ako, hindi niya inaalis ang paningin sa'kin at malalim ang kanyang iniisip.

Ano naman kaya ang plinaplano niya sa susunod?

Umiling lang ako at saka itinuon ang tingin ko sa cellphone ko at tinawagan si dad at mom. Sumagot naman kaagad sila.

[So, ano? Nakapagdesisyon ka na ba, 'nak?] Bungad na tanong ni mom kaya napatawa ako saka sumagot which made her squealed.

"Yes, mom. Papayag na po ako sa gusto niyo. Pagkagraduate ko po rito ay pwede na po akong pumunta sa Australia," sabi ko habang nakangiti.

[Thank you for accepting, 'nak. Kami na ang bahala sa visa, passport at kung ano pa man para handa. Sige, tatawagin ko na ang nag offer para sabihin ang isa na namang good news, sige 'nak.] Ani mom. Nakarinig pa ako ng tawa sa kabilang linya. At sa pagkakarinig ko si dad iyon kaya napakunot ang noo ko saka tumawa pa ng bahagya at pinatay na ang tawag.

Nang tumingin na naman ako kung saan si Leigh kanina na nakatingin sa'kin ay nandoon pa rin siya, nakatitig pa rin sa'kin.

Mahal ko siya pero ayaw ko nang umasang babalik ang nararamdaman niya para sa'kin. Kaya nga siya nagpahalik sa iba, diba? Dahil, wala na siyang gusto sa'kin.

Palihim akong napangiti ng mapait dahil 'gusto' niya lang daw ako. Hindi more than that. At imposible naman na maramdaman niya 'yon sa'kin.

In just a few months left, I will leave the Philippines for good. Even her.

Wala nang maibabalik pa dahil wala nang pag asa.

Everleigh's Point of View

Nang gabing 'yon, habang nakatitig lang sa kisame at nakahiga sa kama ko ay malalim ang mga iniisip ko.

Hindi ko alam pero bigla na lang sumakit yung puso ko sa nalaman galing sa kanya.

Pupunta siya ng ibang bansa para mag aral o pupunta siya sa ibang bansa para doon na tumira habang buhay?

Oo, ito ang gusto ko. Yung makalayo siya mula sa'kin. Yung hindi ko siya makikita, pero nakakalito na yung puso ko.

Tumitibok iyon ng malakas at parang sinasabi niya na kailangan kong pigilan siya sa pag alis.

Nakaganti na ako sa kanya, what else?

Kung ang sabi niya kapag grumaduate na siya ay pupunta na siya ng ibang bansa, at saka may 5 months pa siya dito, mabuti nang ang maalala niya ay kung paano niya 'ko sinaktan. Hindi pa ako tapos.

But there's a part of me na dapat ay tigilan ko na 'to.

Hindi ko nga din alam kung bakit, kahit moved on na ako sa kanya ay sa tuwing nasasaktan siya sa mga ginagawa ko sa kanya ay nasasaktan rin ako. Tumitibok din ng mabilis ang puso ko para sa kanya.

Ano ba ang ibig sabihin no'n?

Posible kayang gusto ko pa rin siya hanggang ngayon? O nagiging mahal na?

Isang napakalaking imposible para sa'kin.

Bakit ko naman mararamdaman ang pagmamahal sa isang manloloko?

Baka nga masaktan pa din ako sa huli eh.

At pinoproblam ko pa kung paano kami magkakaayos ni Amirah.

Kasalanan talaga ni asungot ang lahat ng 'to!

Kung hindi dahi sa kanya, hindi dapat umabot sa ganito.

Kailangan ko pa ng isa na lang na ipaparusa ko sa kanya.

At bukas ko gagawin 'yon because I have an idea on what will be my last revenge tomorrow. Just a simple revenge lang naman.

Deshawn Parker, you're 5 months memories in here is going to be worse than you'll gonna expect.

Zaire's Point of View

K I N A B U K A S A N

Sana masampal na sa katotohanan si Leigh sa gagawin k osa kanya ngayon. I know na maguiguilty din ako pagkatapos nito pero kasi kailangan na niyang gumising sa katotohanan. Hindi na siya yung dating Leigh na kilala ko.

And I need to do this para naman sa ikabubuti niya.

Madami siyang madadamay na mga estudyante kung hindi ko 'to gagawin ngayon.

Malapit na akong hawakan ang restroom for girls ng merong bumukas no'n at linuwal iyon si Leigh.

Mukha din siyang gulat na naaptingin sa'kin at ganun din ako pero ngumiti din siya kalaunan sa akin pero nagiging seryoso na ang tingin ko sa kanya.

Sana magising ka na!

Hinigit ko siya papasok sa restroom saka walang habas siyang sinampal ng pagkahusto husto.

Mukhang nagulat din siya sa nangyari saka hinawakan ang kanyang pisngi na namumula na ngayon dahil sa pagkakasampal ko.

"Sana naman Leigh, bumalik ka na sa dating Leigh na kilala ko! Nakakdakit ka na ng mga estudyante rito! Lalo na 'yong Eros na 'yon! Dinamay mo pa dahil dyan sa kalokohan mo! Oo, sinaktan ka ni Shawn pero ikaw 'tong sumobra eh. Ako ang nasasaktan at naaawa sa inyo pareho. Alam kong hindi ka pa nakamove on sa kanya at alam kong mahal mo na siya pero indenial ka lang, dahilas iniisip mo ang kung paano mo igaganti si Shawn dahil lang sa pustahan na 'yan! Mahal ka ni Shawn at pinatunayan niya 'yon pero hindi mo man lang pinansin! Sana itatak mo dyan sa isip mo lahat ng sinasabi ko sayo! Nagagalit at naiinis na kasi ako sayo sa totoo lang kahit bestfriend mo pa ako! Maling mali ka eh! And you just deserved my slap to wake you up!" Sigaw ko lahat ng dapat sabihin ko sa kanya bago siya iniwan doon na nakatunganga lang.

Wake up, Leigh! Don't be like that anymore!

___________________________________________________________________________________

A/N:

I will going to be a productive writer. Gusto kong masanay ang sarili ko na hindi ako tamarin. Sana nga haha. I'm trying my best din naman haha. Thank you for waiting, my Chasers! 💙

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top