Chapter 15

A/N: Hi, Chasers! It's been a long time since I wrote this story and I stop because of my first story. But now, my first story is over and done, so I am fully had the chance to write this story! Magdiwang! Charot! Btw, sana mag enjoy keeyow! 💙

Chapter 15: My Playful Revenge

Everleigh's Point of View

While Prof is discussing about history, gusto kong mapairap dahil naramdaman at nakita ko sa peripheral vision ko siya na nakatitig lang sa'kin. I tried to ignore him but those hurtful eyes of his, I will say that I have always has an effect on him even if I had moved on.

Kaya hinuli ko ang tingin niya at bago ko pa makita ang kanyang mga matang punong puno ng emosyon ay tinaasan ko na lang siya ng kilay at mataray siyang tinignan saka bumulong.

"What are you looking at? Tsk," mataray kong sabi saka muli nang ibinalik ang tingin sa harap ng nagdidiscuss na prof.

Narinig ko naman siyang bumuntong hininga at nakita kong muli sa peripheral vision ko na hindi na siya muling nakatitig sa'kin at muli nang humarap sa nagdidiscuss na professor.

"Okay class get one whole sheet of pad paper. Take note, that the quiz of this test is all about history and to those that I have been mention earlier in discussing about this, that will be my questions for you all. Goodluck." Ani Prof saka kami sumunod sa sinabi niya kanina.

"Hoy, pahingi naman ng papel dyan, Leigh. Nakalimutan kong bumili kahapon, haha, sorry," biglang sumulpot si Zaire sa gilid ko at bumulong sa tenga ko kaya palihim naman akong inabutan siya ng papel.

Kumindat pa siya sa'kin at nag okay sign bago siya bumalik sa kanyang inuupuan at nagsimula ng kumuha ng ballpen at nakinig na kay prof. Ganun na din kaming lahat.

"Okay, let's start," ani prof. saka nagsimula ng magpaulan ng tanong.

"Isa, ano ang buong pangalan ng ating pambansang bayani?" Unang tanong ni Prof. Hojilla sa'min.

"Dalawa—" hindi na natapos ni prof. ang kanyang sinabi ng merong nagreklamo kaya tumingin sa kanila si prof.

"Prof naman, pakiulit nga ang unang tanong hehe." Sabi nila.

"Sige uulitin ko, pero sa susunod dapat matalas na ang inyong pandinig para hindi na ako masyadong paulit ulit sa tanong, okay?" Aniya kaya tumango sila bago inulit niya iyong unang tanong.

Pagkatapos ay ipinagpatuloy na ni Prof. Hojilla ang ikalawang tanong.

"Dalawa, kailan nangyari ang paggarote ng tatlong paring martyr o GOMBURZA?" Yun ang ikalawang tanong ni prof.

Hanggang sa magsunod sunod na siya sa pagtanong tanong sa'min dahil wala naman na siguro ang umaangal o nagrereklamo na masyadong mabilis magtanong itong si prof.

"Huli, ilista niyo lahat ng mahahalagang pangyayari na naganap sa panahong pananakop ng mga Kastila at kung kailan iyon nangyari. I will give you 5 minutes to answer so answer fastly," wika ni prof.

"Aww, prof. naman! Bakit kailangan pang maglista kung pwede naman kahit tanong lang?" Ayun na naman ang reklamo ng kaklase namin. Gustuhin ko mang umirap pero makikita din iyon ni prof. kaya nanatili na lang akong tahimik at nababagot na pinindot pindot ang ballpen ko sa papel.

"Aba, nagrereklamo ka pa! Kanina pinagbigyan kita kasi mahina 'yang pandinig mo o sadyang nagreklamo ka lang tapos ngayon na huli na ang ganito, magrereklamo ka na naman? Kung 'yun naman pala, lumabas ka at wala kang makukuhang score dito sa quiz ko!" Sermon na pasigaw ni prof. sa kaklase namin kaya napayuko na lang siya.

"Oh, 'yun naman pala eh, tumahimik ka na lang at makinig sa sinabi ko! Kung magrereklamo pa rin kayo, automatic labas na kayo at wala kayong score! 4 minutes left, maglista na kayo!" Sigaw ulit ni prof. kaya nagsipagsunuran na kami.

***

After the quiz, I was readily to walk outside when he suddenly called me by my name. Hindi ako humarap man lang sa kanya at nanatili lang na nakatayo at paharap sa labas ng room.

"What?" Medyo may pagkamataray na tanong ko. I just don't get it but why is my heart suddenly beats fast after that? And how dare he manage to say so casually on my name? Like nothing have happened long days ago?

"I—I'm sorry for what have I done to you. Sige mauna na ako," 'yun lang ang sinabi niya bago siya dahan dahan na lumabas sa kaparehong pinto na lalabasan ko. Tumingin pa muna siya sa'kin bago siya naglakad papalayo.

What? That's all he'll gonna say? Sorry? He's sorry for what he have done to me about that stupid bet of him? Huh! Akala naman niya mapapatawad ko siya sa ginawa niya sa'kin.

Just wait for my playful revenge.

***

"Amirah!" Tinawag ko si Amirah ng mapansin siya na kasama yung isa sa kaibigan ng manlolokong 'yon.

Pero hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng kapatid ko at nakipag usap pa saglit doon sa lalaki bago siya naglakad papalayo.

"Oh, Leigh, need a help?" Bigla na lang sumulpot si Zaire na parang kabute sa harap ko at saka tinulungan akong buhatin yung mga dala dala kong libro para pumunta ng library at doon magreview para sa studies ko.

Pero ng akmang bubuhatin na ni Zaire yung iba ko pang libro ay bigla na lang meron kamay ang bumuhat no'n at tinulungan kami kaya napatingin ako doon at halos gusto ko na lang mapapikit sa inis dahil siya na naman!

But at the same time, bigla na lang akong nakaisip ng ideya para sa unang malaro kong ganti sa kanya. Ngumisi ako ng palihim pagkatapos.

"Leigh..." ani Zaire at tinignan ako ng nag aalala but I just shook my head at her and face him seriously.

"Pwede bang... tulungan kita? Alam ko kasing... nabibigatan ka sa mga ganito," he said a bit hesitant to ask me that. I rolled my eyes secretly and plastered a fake smile on him and gently nodded like nothing was on my mind on how I will do my idea to my playful revenge on him.

"Sure..." pagkatapos kong sabihin 'yon ay inilagay ko ang mga libro sa kanya at kinuha ang mga librong galing sa mga kamay ni Zaire at inilagay 'yon sa kanya.

Alam ko din naman na mabibigatan ka lang kaya dapat magdusa ka! Nararapat lang 'yan sayo!

And true to my words, mahahalata talaga sa kanya na nahihirapan siyang magbuhat kaya gusto kong umismid pero pinigilan ko lang at saka iniwan na lang siya doon.

Doon na ako napasmirk saka tuloy tuloy lang sa paglalakad hanggang sa naabot na namin ang library. Pumunta ako sa malapit lang sa pintuan na upuan saka ako umupo doon, umupo din katabi sa'kin si Zaire saka binulongan ako.

"What was that for, Leigh? Did you just left him behind with those heavy books? Ito na ba ang sinasabi mong ganti mo sa kanya?" Sunod sunod na tanong na pabulong niya.

"That was just a practice, magsisimula pa lang ako. Just wait and you'll see later," nakangisi ko iyong binulong bago siya lumayo sa'kin dahil biglang pumasok siya.

Lumapit naman agad siya sa'min ng nakita niya kami at saka hirap na hirap na inilagay ang mga libro sa lamesa namin.

"Thank you, Shawn, and sorry for this," si Zaire na ang nagpasalamat saka nagsorry kay Shawn.

Gusto kong mapairap dahil nagsabi ng sorry si Zaire. Ano ba? Nararapat lang 'yon sa kanya kaya walang dapat ikasorry. Hindi ko din maintindihan itong si Zaire minsan eh.

"Welcome, and no, don't say sorry, okay lang talaga sa'kin. Kasalanan ko rin naman kung bakit nangyari... 'to lahat," aniya saka tinignan ako pero hindi ko siya pinansin at nagsimulang kinuha ang libro at binuklat iyon.

Mukhang alam na niya na nagsisimula pa lang ako sa pagganti ko sa kanya. Hmm, we'll see about that.

"Sige, mauna na ako," maya maya pa'y saad niya saka tumalikod na at lumakad papalabas ng library.

I'm just starting, Deshawn Parker...

Shawn's Point of View

-Flashback-

"Dre, tama na 'yan. Umuwi na tayo," sabi ni Nix at akmang kukuhanin mula sa'kin ang lata ng beer pero tinabig ko lang ang kamay niya at nagpatuloy pa rin ako sa pag inom.

This is all my fault. I hurt her just because of that bet. I'm a jerk for hurting her emotionally.

"Kasalanan ko lahat ng 'to eh. Bakit naman kasi, nung unang kita namin, magkaaway kami? Bakit naman kasi pumayag ako sa pustahan na sinabi ninyong dalawa ni Nash? Nasaktan ko siya, not physically but emotionally. Gustong gusto ko na siya tapos ganito lang kahihinatnan namin? I'm a f*cking asshole and a jerk," sabi ko habang umiiyak at nilaghok muli ang lata.

"Bro, hayaan muna natin siya. Pakinggan na lang natin, he needs us right now. Kaibigan niya tayo eh," narinig ko pang usap ni Nash kay Nix.

"Shawn, ilabas mo lang lahat ng rants at sama ng loob mo, makikinig lang kami sayo. Partly, may kasalanan din kami dahil sa nangyari sa inyo ni Everleigh. We didn't even know na nililigawan mo na pala siya at may gusto ka talaga sa kanya, we're sorry, dre," ani Nash habang hinawakan ang balikat ko.

"Bakit naman kasi nagustuhan ko pa siya kung ayos lang naman ang nangyari sa 'min nung una na magkaaway kami at pinagpupustahan natin siya? At ako naman si g*go, may gusto sa kanya pero hindi pa rin itinigil 'yong pustahan dahil sa takot ko sa inyo, ayun nasaktan ko siya. Sa dami raming mga babae sa paligid, siya pa 'yung nasaktan ko. I know it's my fault na nagkakaganito siya ngayon pero gusto kong humingi ng tawad sa kanya, at muling balikan ang una naming pagkikita pero hindi ko alam kung paano. Ngayong puno na ng poot at galit ang nasa puso niya, hindi ko na alam ang susunod na dapat gagawin at mangyari. Ang hirap pala nito dre no? Nasasaktan ka rin sa taong sinaktan mo, kung makikinig lang sana siya sa mga paliwanag ko at kung gaano ko siya kagustong gusto, magiging maayos lang ang lahat," inilabas ko lahat ng kinikimkim ko sa kaloob looban ko.

 
Hanggang sa hindi na kinaya ng katawan kong mag angat ng tingin at tumingin sa kung saan dahil bumibigat na ang talukap sa mga mata ko saka yumuko na lang ako at doon ako pumikit.

-End of Flashback-

How I wish I can come back the time but it's too impossible, I know it.

Kung totoo lang talaga ang pagtatime travel ay gusto kong balikan ang pagkakamali ko.

Nang dumating siya sa buhay ko, akala ko walang magbabago, na wala siyang magagawa para mabago ako pero mali pala ako. Akala ko lang 'yon.

Oo, childish ako. Pwede niyo 'kong tawaging jerk o kung ano pa man pero dahil sa kanya nagbago na ako, noon, wala akong pakialam sa paligid ko dahil nga sa campus heartthrob ako pero nang dumating siya sa buhay ko, mali pala ako. I was wrong all along on my life.

At ngayon, siya na naman ang nagbago dahil sa'kin. At pinagsisihan ko 'yon.

Nang makalabas ako sa library ay nakapamulsa akong naglakad at bumuntong hininga.

Nang may nasa quadrangle ako ay bigla na lang nagsitilian ang tatlong babae sa gilid ko at naramdaman ko na lang na may kumalabit sa'kin kaya tinignan ko 'yon.

"What?" Tanong ko sa babaeng may freckles at buhaghag ang buhok.

"P-Pinapabigay daw sa i-inyo, S-Shawn," utal utal niyang sagot. Napatingin naman ako sa hawak niya. Isa iyong letter. Kanino naman galing 'to?

Tumingin akong muli sa babae at imbes na magalit ay nginitian ko siya saka sumagot. Nagtilian namang muli at nagbulungan 'yung tatlong babae doon.

"Kanino naman galing ito, Miss..?" Tanong ko nung kinuha ko na ang letter at dahan dahang binuksan ang papel.

"H-Hindi daw pwedeng s-sabihin, a-at tsaka ako si Veron, sige, u-uuna na ako," aniya saka akmang lumakad papalayo ng higitin ko 'yung braso niya at ipinaharap ko siya sa'kin.

"P-Po?" Utal na naman niya.

"Wag kang mautal sa'kin, Veron. Tao lang ako, hindi ako prinsipe dito, 'yun lang ang sasabihin ko, saka sabihin mo sa nagpabigay sa'kin nitong letter na 'to, na salamat. Sige pwede ka nang lumayo," sabi ko.

"Sige po, Shawn," aniya.

"And, please don't use po or opo to me, hindi ako matanda. Don't maintain formalities on me," ani ko.

"Sige," aniya habang nahihiyang tumingin sa'kin at saka siya lumayo. Napailing na lang ako.

Oo nga't heartthrob ako dito pero hindi dapat nila ako katakutan dahil tao lang naman ako at hindi naman ako matanda para mag po at opo sila sa'kin.

Pero hindi ko sila masisisi dahil anak din naman ako sa may ari nitong Parker High at campus heartthrob pa. Sinong hindi matatakot sa'kin?

Napatingin naman ako sa hawak kong letter kaya binasa ko na ang laman no'n.

Deshawn Parker, ang ganda ng pangalan ah pero kabaliktaran naman sa ugali. Maraming nagkakandarapa sayong babae at nagkakagusto sayo pero para sa'kin, wala namang nakacampus heartthrob sayo.

And anyways, hindi ko na 'to papatagalan pa, maghanda ka na sa gagawin ko sayo, maling ipinusta mo ako. Tandaan mong kaya kitang gantihin. And please prepare for my playful revenge, asungot and also a cheater. Meet me 3 PM sharp on the place where you shout.

—Everleigh Carter

Kinumot ko ang papel pagkatapos kong basahin iyon. Saka tumayo at inilagay 'yung papel sa basura.

Kinakabahan ako and at the same time nag aalala para kay Leigh. Mali na mali talaga ako, nagbago na nga talaga siya.

Nasasaktan ako para sa kanya kasi hindi naman niya deserve iyong pagpusta namin sa kanya. Tama ngang maghiganti siya sa'kin because I deserve it.

Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin sa'kin. Umaasa pa rin akong hindi niya nalimutan 'yung nararamdaman niya para sa'kin, na gusto niya ako. Umasa parin ako.

Leigh, please forgive me...

Everleigh's Point of View

3:00 PM

Sana naman nabasa niya na 'yung letter ko sa kanya. Siguro naghahanda na 'yon para sa'kin. Kamumuhian niya siguro ako, and that's good for me dahil wala naman akong pakialam din sa kanya.

Hindi naman niya ako gusto talaga diba? Pusta lang niya 'yon diba? Hindi naman siguro totoo yung mga sinasabi niya sa'kin sa mga nakalipas na buwan dahil nga pusta lang 'yon.

Maya maya lang ay nakarinig ako ng yabag ng mga paa na papalapit dito sa abandonadong lugar na siguro'y classroom ito noon ng Parker High.

Humarap ako sa kanya dahil alam ko na na siya 'yon at ngumiti sa kanya.

"Anong pag uusapan natin?" Tanong niya.

"Sabi mo nga diba na gusto mong bigyan kita ng chance para magpaliwanag? So, ito na 'yon, pwede ka nang magpaliwanag sa'kin," nang sabihin ko 'yon ay naglakad ako paikot sa kanya.

"Talaga?" Aniya kaya tumango ako. Pero deep inside of me, gusto ko na siyang iwan dito o di kaya'y ipakita sa kanya na magpapahalik lang ako sa lalaking nagtatago sa likuran ng mga upuan para maramdaman naman niya kung gaano kasakit ang maloko.

At yung lalaki na 'yon ay hindi ko naman inaakalang may gusto rin sa'kin, siya si Eros. Pero wag siyang magpapadala sa'kin dahil hindi ko kayang suklian ng pareho ang nararamdaman niya para sa'kin because I had enough. Hindi ko na pwedeng pairalin ang puso ko.

"Una sa lahat Leigh, hindi ko gustong saktan ka and I'm so sorry for hurting you emotionally," and mentally. Sinaktan mo rin ako mentally, asungot.

Nang matapos siyang magpaliwanag sa'kin ay tumibok ng mabilis ang puso ko pero pinigilan ako ng isip ko. Hindi dapat ako magpadala sa kanya, baka inimbento lang niya lahat 'yon. Para maloko na naman niya ako, para masaktan na naman niya ako.

"Tapos ka nang magpaliwanag?" Tanong ko.

Tumango lang siya at ngumiti siya ng matamis kaya muli na namang sumibol ang puso ko pero pinigilan ko pa rin.

Nakamove on na nga ako diba? Kaya wala dapat akong maramdamang ganito pero bakit tinatraydor ako ng puso ko?

Pero kahit ganoon, tuloy pa rin ang plano ko. Gamit ang kamay kong nasa likuran ko ay kinilos ko ito para senyales na lumabas na si Eros.

"Kung tapos ka na, ako... hindi pa," pagkasabi ko no'n ay nawala yung ngiti ko at mabilis na lumabas si Eros sa likuran at ang susunod na nangyari ang nakapagpangiti sa'kin.

Tinabunan ni Eros ng panyo niya ang mga mukha namin at nag aaktong naghahalikan kami sa harapan niya.

Pagkatapos nong pagpapanggap naming paghahalikan ay pinakawalan na ni Eros ang panyo niya at tinignan siya.

Nakita ko sa kanyang mga mata na nasaktan siya at nalungkot.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. Hindi ko nga alam kung bakit kahit anong pilit kong maging masaya, ay nasasaktan rin ako at nalulungkot.

Hidni dapat ganito yung maramdaman ko pero hindi ko mapigilan na umusbong ito.

Tumayo siya at napansin kong napakuyom siya sa kamao niya bago nagsalita at tinalikuran kami.

"You really know well on how to hurt me, too. Well, Leigh, it's effective, very effective, akala ko kapag nagpaliwanag ako, mababalik tayo sa dati pero nagkamali ako. So, ito pala ang sinasabi mong playful revenge mo."

___________________________________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top