Chapter 13

Chapter 13: Friend's Comfort

Zaire's Point of View

Pagkatapos ng klase namin ay nagligpit muna ako sa mga gamit ko bago ko isinakbit iyon at mabilis nilapitan ang inuupuan ni Leigh pero nagtaka ako dahil wala na siya. Tinignan ko ang pinto papalabas ng room. Hindi ko na din siya nakita. Imposibleng umuwi na siya ng hindi nagpapaalam sa'kin. Kaibigan niya ako kaya pwede siyang magpaalam sa'kin pero iba 'to ngayon.

Lumabas ako at hinanap siya. Baka nandun siya sa room ni Amirah, naghihintay.

Pumunta ako sa room ni Amirah. Pagdating ko dun, wala si Leigh. Nagsisimula na akong mag-aalala sa kanya. Nasaan ka ba Leigh? Imposibleng papabayaan mo si Amirah dito.

Pagkalabas ni Amirah, tumayo ako at lumapit sa kanya. Nagtaka pa siya nung una dahil hindi niya inaasahan na ako ang bumungad sa kanya imbes ang kanyang Ate dapat pero kalaunan ay nakarekober na siya.

"Uhmm, Amirah?"

"Yes, Ate Zaire?"

"Can I ask you something?" Tanong ko.

"Okay po." Sabi niya kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Do you know where is your Ate Leigh? Hindi ko na kasi nakita eh." Tanong ko.

"Hindi ko po alam Ate Zaire. Baka umuwi na po 'yon. Sanay naman po ako na minsan lang ako mag-isang umuwi eh, kaya ko naman ang sarili ko." Sagot niya kaya nag-aalala na ako ngayon kay Leigh.

"Bakit niyo po tinatanong Ate?" Inosenteng tanong niya sa'kin.

"Hindi ko na kasi makita ang Ate mo eh." Nag-aalala kong sagot.

"Wag kayong mag-alala Ate Zaire. Baka umuwi na po iyon." Inosente niyang sabi pero hindi pa din mawala ang pag-aalala ko kay Leigh.

Pero pinili kong ipinagsawalang bahala 'yon baka totoo 'yong mga sinasabi ni Amirah.

"Gusto mo bang sumabay sa'kin sa pag-uwi?" Alok ko sa kanya.

"Ah, hindi na Ate Zaire. Kaya ko naman po ang sarili ko, wag na kayong mag-alala sa'kin." Kampante niyang sabi kaya napatangp na lang ako sa kanya.

"Oh, sige. Bye Amirah." Paalam ko sa kanya at kumaway, ganun din siya bago ako naglakad papalayo sa room niya.

Paglabas ko sa school ay dun ko nakita sa Leigh na papalapit sa'kin kaya nakahinga ako ng maluwag at napangiti sa kanya. Pero paglapit ko sa kanya napalitan ng pag-aalala ang mukha ko dahil napansin kong namumugto ang mga mata niya. Sabi ko na nga ba, may nangyaring masama sa kanya.

"Bakit namumugto 'yang mata mo?" Bungad kong tanong sa kanya, nag-aalala.

"Zaire..." Hindi ko inaasahang iiyak siya at mabilis lumapit sa'kin para yumakap kaya yumakap din ako pabalik sa kanya at hayaang bumuhos ang mga luha niya sa may balikat ko at hayaang ilabas lahat ang sama ng loob niya sa balikat ko. Hinimas-himas ko ang likod niya para gumaan kahit papaano ang pakiramdam niya. Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak pero hindi ko iyon pinansin at itinuon ko lang iyon sa kay Leigh ngayon na umiiyak sa balikat ko.

Pero kalaunan ay hindi na niya ako yinakap at tumahan na siya sa pag-iyak pero panay parin ang tulo ng luha sa kanyang mata kaya kinuha ko ang panyo ko at iniabot ko sa kanya ito. Kinuha naman niya iyon at ipinahid iyon sa mga luha sa kanyang mga mata.

"Bakit ka ba umiiyak? May nangyari ba?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Gusto ko lang ng mapag-isa. Bye Zaire see you tomorrow." Paalam niya at mabilis naglakad papalayo sa'kin, hindi man lang ako nakapagsalita sa kanya dahil mabilis siyang lumayo sa'kin.

Pero sabi naman niyang gusto niyang mapag-isa kaya binigyan ko siya nun. Nung wala na si Leigh sa paningin ko ay siya namang palapit sa'kin si Shawn na halatang kakagaling lang din sa pag-iyak. Teka, nag-away ba sila? Lovers quarrel ba?

Lumapit si Shawn sa'kin at nagsalita.

"Zaire, nakita mo ba si Leigh?" Tanong ni Shawn sa'kin.

"Ang totoo ay nakausap ko pa siya pero umiyak siya at ang sabi niya sa'kin ay gusto daw niyang mapag-isa at nagpaalam bago siya naglakad papalayo sa'kin para umuwi." Sagot ko kaya narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Kasalanan ko 'to." Sabi niya bigla kaya tinignan ko siya at naguguluhan ko siyang tinignan.

"Bakit naman naging kasalanan mo? May hindi ba akong nalalaman tungkol sa inyo?" Naguguluhan na talaga ako sa kanya.

"Dapat tinigil ko na 'to dati pa pero matatalo ako kung gagawin ko iyon." Sabi niya na nagpagulo lalo sa'kin.

"Anong tigil? Matatalo?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Sana naman ngayon, maayos na niyang masagot ang tanong ko dahil talagang naguguluhan na ako ngayon.

"Ngayon humihingi na ako ng kapatawaran sa'yo Zaire at kay Leigh. Kaibigan ka ni Leigh kaya patawad din." Sabi niya.

"Bakit ka ba humihingi ng kapatawaran sa'kin at kay Leigh. May ginawa ka bang kasalanan sa'kin at kay Leigh? Sagutin mo ako!" Medyo tumaas na ang boses ko dahil mas lalo lang along naguguluhan sa inakto at sa mga sinasabi niya.

"Sasagutin ko na ng maayos ang mga tanong ko pero patawad. Kasi..." malalim ang naging buntong hininga niya.

"Kasi ano?" Hindi na ako makapaghintay sa sagot niya.

"Kasi, nung unang kita namin galit ako sa kanya dahil tinapunan niya ako ng kape. Magkaaway kami nun at yung mga kaibigan ko ang nagpasimuno nung pustahan." Tumigil siya sandali.

"Anong pustahan ang sinasabi mo? May kinalaman ba ito sa pag-iyak kanina kay Leigh?" Curious kong tanong.

"Ang sabi ng kaibigan ko magpustahan daw kami at ako ang dapat gumawa nun. Paiinlove-in daw si Leigh sa'kin at nangyari nga pero nadamay ako. May nararamdamn din ako kay Leigh. We feel the same way for each other. We confess our feelings for each other and we are happy pero hindi ko alam na malalaman niya iyon ngayon. Bahala ng matalo ako sa pustahan namin basta mapatawad niyo ako ngayon. Nagsisisi na ako ngayon, patawarin mo ako." Hindi ko inaasahang umiyak siya ngayon sa harapan ko, muntik pa siyang lumuhod!

"Bakit mo naman yon ginawa? Para sa'kin madali lang kitang mapapatawad dahil hindi naman ganun kalaki ang kasalanan mo sa'kin pero para kay Leigh, hindi madali para sa kanya ang magpatawad kasi ipinusta mo siya at meron na siyang nararamdaman sa'yo. Imposibleng hindi siya masasaktan sa ginawa mo." Sabi ko na nadismaya.

"Sorry, Zaire. Sana mapatawad mo ako. Sabihin mo kay Leigh, I like her so much, handa akong magmakaawa sa kanya para lang mapatawad niya ako. Maghihintay ako sa kanya para sa kapatawaran. Sige, paalam, uwi na ako." Sabi niya at patuloy pa rin siya sa pag-iyak, panlulumo, at bagsak ang balikat niyang lumakad papalayo sa'kin.

Iba't-iba ang nararamdamn ko ngayon; Galit, sakit, dismaya, pag-aalala, lungkot, atbp.

Hindi ko maintindihan kung bakit yun pa ang ginawa niya. Anong akala niya kay Leigh, hindi madaling masaktan? May nararamdamn siya sa'yo pero hindi mo man lang itinigil ang pustahan na 'yon. Meron ka ding nararamdaman para sa kanya pero natatakot ka lang matalo sa pustahan pero nagsisisi ka na dahil nalaman ni Leigh iyon ng hindi mo nalalaman. Maraming mga chismosa at chismoso dito, imposibleng hindi malalaman ni Leigh iyon.

Hanggang kailan ka maghihintay Shawn kung hindi na din maniniwala si Leigh sa'yo kahit kailan at hindi ka na niya mapapatawad. Yun ang sabi sa'kin ni Leigh nung kinomfort ko siya.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Leigh. I comfort her 'cause she's hurt. She said, she hurts very much because of the bet. Ipinusta lang daw pala siya
ni Shawn at hindi daw siya makapaniwala na nagawa ni Shawn yon. Gusto daw siya ni Shawn at ganun din sa kanya pero hindi niya inakalang masasaktan siya ng ganito. I feel sad for her.

"Shh, tahan na Leigh." Pagpapatahan ko sa kanya habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak at sabi ng sabi tungkol sa pustahan na yon. What did you do to her Shawn?

Sabi daw ni Tita sa'kin, sinigawan daw niya si Amirah dahil gusto daw niyang mapag-isa kaya umiyak si Amirah at unti-unting lumalayo ang loob niya kay Leigh. Sabi din ni Tita na may lagnat si Leigh nung nakaraang araw pero ngayon ayos na ang kalagayan niya pero patuloy lang daw siya sa pag-iyak kaya hindi na ako nakapagpigil, pumunta ako sa kwarto ni Leigh at naabutan ko siyang umiiyak na naman. Umupo ako sa tabi niya at nadinig ko din siyang sinabi niyang gusto daw niyang mapag-isa pero hindi ako nakinig at sa halip ay kinuha ang kumot na tinalukban niya at inilapit ko ang sarili ko sa kanya at isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko patagilid at hinayaan siyang umiyak ng umiyak. Naaawa na ako para sa'yo Leigh, sana makamove-on ka na dun sa pustahan.

"Leigh, tandaan mo ito, nandito lang ako palagi sa'yo. Kaming nagmamahal sa'yo." Sabi ko.

"Gusto ko ng makaganti sa kanya at makamove on sa ginawa niya sa'kin." Sabi niya, pagtahan niya sa pag-iyak.

Bumuntong-hininga na lang ako sa kanya. Sana nga madali lang sa'yo ang makamove-on sa ginawa sa'yo ni Shawn.

***

Hindi na ako nakapagdalaw kay Leigh. Baka busy siya. Busy siya sa pagmomove-on sa ginawa sa kanya ni Shawn.

Gusto daw niyang makaganti. Masama ang kutob ko sa paghihiganti daw na sinasabi niya. Baka mandamay siya ng ibang tao para makaganti. Baka...

Huwag mong isipin yan, Zaire! Sigurado akong hindi 'yan gagawin ni Leigh. Sure ako, kilala ko din ang kaibigan ko. Imposibleng mandamay siya ng ibang tao at makakasakit ng damdamin. Hindi siya iyon. Sure ako!

Pero lahat ng sinasabi kong sure na yon ay hindi pala sure. Nandamay ng ibang tao si Leigh at sinabihan pa niya itong slave daw niya for 1 whole week.

Nagbago ka na nga Leigh, hindi na ikaw yung dating Leigh na nakilala ko at naging kaibigan ko...

___________________________________________________________________________________

Edited: July 26, 2021

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top