Chapter 11
Chapter 11: Truth Hurts
Everleigh's Point of View
Ano itong narinig ko? Totoo ba iyong chismis na iyon? Hindi naman iyon totoo di'ba? Chismis lang iyon di'ba?
Pero may kung ano akong parte na nagsasabing kailangan kong komprontahin si Shawn. Hindi sa wala akong tiwala sa kanya pero kasi hindi ako mapakali kapag hindi ko alam kung ano ang totoo eh.
Pagdating ni Zaire ay umupo siya dala ang tray na may pagkain at iniabot ang sa akin. Mukhang nawalan na akong ganang kumain. Pesteng chismis 'yon! Hindi ako mapakali!
"Hoy!" Sigaw ni Zaire na nagpabalik sa ulirat ko.
"O-oh? A-ano?" Tanong ko.
"Bakit hindi ka pa kumakain? May nangyari ba habang nag-oorder ako?" Nag-aalalang tanong niya sa'kin.
"Ah, wala. Okay lang ako, wag kang mag-alala." Sagot ko.
"Sure kang okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya sa'kin, naninigurado.
Tumango lang ako. Hindi pa rin maitatago sa kanya ang pag-aalala sa'kin pero tumahimik na lang siya.
Pagkatapos kong kumain ay sakto ding katatapos lang kumain ni Zaire kaya sabay kaming pumunta papasok sa room. Malayo pa naman ang oras ng klase kaya pwede pa kaming mag-uusap-usap ni Zaire. Usap time!
Pagpasok namin sa room namin ay umupo ako sa upuan ko ganun din si Zaire pero tumayo siya at nakiupo sa tabi ko. Sigurado akong magdadaldal na naman siya nito.
"Oh? Ano ngang nangyari sa'yo kanina nung nag-oorder pa ako? Bakit may kung anong bumabagabag sa'yo?" Tanong niya. So nahalata pala niya iyon, ganun ba ako ka obvious para paghalataan?
Gusto ko sanang sabihin sa kanya nung nangyari kanina sa'kin pero baka mas lalong mag-aalala siya sa'kin kaya pinili ko na lang na hindi sumagot.
Bumuntong-hininga siya. "Okay, kung hindi mo gustong makipag-open up sa'kin, okay lang yun sa'kin pero kapag hindi mo na talaga kakayanin ang problema na dinadala mo andito lang ako para sa'yo, ha?" Sabi niya.
"Thanks for understanding, Zaire. Your my true friend." Sabi ko at yumakap sa kanya, ginantihan din niya ako ng yakap.
Pagkatapos ng yakapan ay sakto namang dating ni Shawn at mga kaibigan niya. Mamaya ko na lang siya kakausapin tungkol dun sa narinig ko kanina sa canteen.
Nakita naman niya kaagad ako kaya lumapit siya sa'kin pero hindi ko siya pinansin. Bahala siya! Tse!
Kinalabit pa niya ako pero hindi ako lumingon sa kanya. Wag kang magmarupok, Leigh! Pangungumbinsi ko sa sarili ko.
"Uy, may ginawa ba ako sa'yong masama para hindi mo ako papansinin ng ganyan?" Takang tanong niya.
Pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay nakipag-usap ni Zaire pero mukhang nakakaramdam naman si Zaire kaya bumulong siya ng tanong sa'kin.
"May hindi ba kayong pagkakaintindihan? Lover's quarrel?" Nanunuksong bulong na tanong niya sa'kin.
Binatukan ko siya ng mahina.
"Hindi noh. Hindi ko lang talaga siya pinapansin. Bahala siyang manigas diyan." Sabi ko. Hindi iyon ang totoong rason kung bakit ako hindi pinapansin siya. Yung kanina talaga sa canteen. Lintik na chismis 'yan!
"Uy, naglalagutan mode siya oh. Yieeh!" Nanunuksong bulong niya sa'kin kaya tinignan ko siya ng masama.
"Dun ka na nga sa inuupuan mo. Tse!" Inis na sabi ko kay Zaire pero tumawa lang siya habang pabalik na sa inuupuan niya.
Umupo naman sa tabi ko si Shawn pero hindi ko pa rin siya pinapansin. May gusto lang akong malaman tungkol dun sa narinig kong chismis sa canteen pero mamaya na.
Dumating na rin ang Prof. namin kaya hindi na nakapagsalita o tumatanong sa'kin si Shawn.
~Discuss~
~Quiz~
~Homework~
~Dismiss~
~Ring~
Sakto namang nag-ring ang bell kaya mabilis kong iniligpit ang gamit ko sa bag at lumabas ng room.
Pero bago pa ako makalabas may kamay ng humawak sa braso ko at ihinarap niya ako paharap sa kanya.
"Ano bang problema mo?" Tanong niya.
Pinilit kong ibawi ang braso ko sa kamay niya pero mahigpit ang kapit niya sa braso ko kaya hindi na ako nagpumiglas pa.
"Kung gusto mong malaman kung bakit kita hindi pinapansin pwes wag dito, dun tayo sa walang tao." Inis na sabi ko.
Binawi ko naman ang braso ko mula sa kamay niya kaya mabilis akong tumakbo dun sa lugar na sinisigawan ni Shawn kanina.
Pagdating namin dun ay huminto ako at tinignan siya ng diretso sa mata.
"Bakit ganyan ka makatingin sa'kin?" Tanong niya.
"Ano itong narinig ko?" Tanong ko.
"Anong..." narealize niya kung ano ang sinasabi ko kaya umiwas siya ng tingin sa'kin.
"So totoo nga ang chismis na yun sa canteen." Sabi ko at nag-umpisa ng tumulo ang mga luha ko.
"Huh? Ano bang sinasabi mo?" Maang-maangang tanong niya pa.
"Wag mo nga akong lolokohin. Kailan pa yun nagsimula?" Medyo tumaas na ang boses ko pero nag-uumpisa ng gumaralgal ang tinig ko.
"Anong kailan pa ang sinasabi mo, Leigh?" Tanong niya.
"Kailan pa nagsimula ang pustahan na 'yun, ha?" Galit na tanong ko.
"Leigh..." nagulat siya sa naging tanong ko. Akala naman niya maloloko niya ako.
"Kailan pa Shawn?!" Sigaw ko.
"Nung 2nd day ng klase yun nagsimula." Sagot niya.
"Bakit?! Ano bang nagawa ko sa'yo?! Bakit pustahan pa?!" Tanong ko habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.
"I'm sorry..." yun na lang ang nasabi niya.
"Sorry?! May magagawa ba 'yang sorry mo sa sakit na nararamdaman ko ngayon?! Ha?!" Sigaw ko sa kanya.
"Totoo nga pala ang kasabihang 'truth hurts'. Masakit pala malaman ang katotohanan." Sabi ko habang umiiyak.
"Leigh, let me explain," sabi niya at aktong lalapit sa'kin pero mabilis akong lumayo sa kanya.
"You don't have to explain to me. I don't care about your explanation anymore because it's all enough!" Sigaw ko.
Ang sakit pala kapag ipinapagpusta ka lang pala.
"Leigh, look. Ginawa ko lang naman 'yun dahil naiinis ako sa'yo nung una pero ngayon totoo na talaga ang nararamd----," I cut him off.
"Totoo ba talagang may gusto ka sa'kin o pusta pa rin?" Tanong ko kahit ang sakit sakit na marinig ng mga sinasabi o isinasagot niya.
"Totoo na ito. Totoo nang may gusto na ako sa'yo. May nararamdaman na ako sa'yo. Please, Leigh maniwala ka naman sa'kin." Sagot niya.
"Hindi na ako maniniwala sa'yo kahit kailan. I don't need your E.X.P.L.A.N.A.T.I.O.N!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo papalayo sa kanya.
"Leigh, please maniwala ka sa'kin!" Sigaw niya pa pero hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy pa rin sa pagtakbo.
Pagdating ko sa school ay nakita ako ni Zaire kaya mabilis kung pinunasan ang luha sa mata ko.
Lumapit siya sa'kin at mabilis na nagpalit ang ngiti niya sa pag-aalala nung makita niya ang mukha ko.
"Bakit namumugto 'yang mata mo?" Nag-aalalang tanong niya sa'kin.
"Zaire..." sabi ko at yumakap sa kanya. Nagulat pa siya nung una pero kalaunan ay ginantihan niya ako ng yakap. Hinimas-himas pa niya ang likod ko. Tumahan ako sa pag-iyak pero tumulo ng tumulo ang mga luha sa mata ko, pinipilit ko naman at itong pinupunasan gamit na ang panyo na dala ko.
"Bakit ka ba umiiyak? May nangyari ba?" Nag-aalalang tanong niya.
"Gusto ko lang ng mapag-isa. Bye Zaire see you tomorrow." Paalam ko. Hindi ko alam kung papasok ba ako bukas. Gusto ko lang talagang mapag-isa ngayon.
Pagdating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at inilock ang pintuan saka pabagsak na inihiga ang sa harap ng katawan ko at doon umiyak ng umiyak.
Bakit ba nangyayari sa'kin ang lahat ng ito? Ipinusta lang pala nila ako. Pinagmukha niya lang akong tanga. I hate you, DESHAWN PARKER!
Papainlove-in? Ha! Bakit? Ano bang nagawa ko sa kanya?
Hinayaan ko lang ang sarili ko na umiyak ng umiyak hanggang sa makatulugan ko na ang pag-iyak ko. Hindi naman ako nag abalang magbihis pa.
___________________________________________________________________________________
Edited: July 26, 2021
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top