Chapter 1
Chapter 1: Meet The Enemy
Everleigh's Point of View
This is my most awaited year, I've enrolled in my favorite school, Parker High. I have never seen a beautiful school like this. Oh, I forgot to introduce myself, I am Everleigh Carter, a seventeen year old high school student, I love art and it's my stress reliever, I don't have a friend nor a bestfriend. But I love my family so much that I don't want to disappoint them so I want to be a successful student.
Nung Grade 6 pa lang ako, gusto ko nang makapag-aral sa Parker High, kaso hindi pumayag yung parents ko eh, so ayun na nga, ngayon pa lang ako makakapag-aral dito. I am so excited because this is my first time na makakapasok ako sa school na ito.
Kasama ko nga pala yung sister ko si Amirah Haven Carter. Ang ganda ng pangalan niya 'no? Siyempre marunong kasi ang mga parents namin sa pagpili ng mga pangalan. Grade 10 na siya ngayon, childish pa din, hindi nagbabago kahit pa matanda na siya, fifteen years old pa siya.
Pumasok na kami sa school. Ang ganda pala talaga ng school na ito, noon kasi ay kahit tumanaw man lang rito ay hindi ko talaga makita ang eskwelahan na 'to.
So anyways, pumasok na nga kami at sure akong ang room ko ay nandun sa pinakadulo. Nagpaalam na si Amirah sakin kasi papunta na siyasa room nila, ewan ko ba kung nasan yung room nila. Papunta na nga ako sa room ko nang biglang nakabangga ako sa hindi ko kilalang lalaki. Patay...
"What the heck? Are you blind, Miss?" Galit na tanong niya.
Nagdala kasi siya ng kape nang biglang nakabangga ako sa kanya at nadumihan yung damit niya.
"I'm so, so, so, sorry. I'll clean it for you." Tarantang ani ko.
"What?! Do you think that will remove the stains on my clothes, huh?" Galit na talaga siya.
"Sorry, hindi ko kasi sinasadya. Hindi kasi ako tumingin sa dinadaanan ko, sorry talaga." Paumanhin ko na mukha nang sarkastiko at walang paki.
"You will gonna pay for this." Sabi niya at tinalikuran na niya ako, kasama ang kanyang dalawang kaibigan.
Wow, ang inglesero naman nito, wala man lang filipino language. Duh, whatever bahala nga lang siya dyan. Pumasok na ako sa room ko at tinawag ako ng Prof. namin para magpakilala sa sarili ko.
"Hello everyone. I am Everleigh Carter but you can call me Everleigh. I am 17 years old. I have one sibling, a sister, hername is Amirah Haven Carter. Nakatira kami noon sa South Korea pero dito na kami ngayon sa Pilipinas nakatira. At gusto ko dito mag-aral kasi pangarap kong makapag-aral dito. That's all thank you." Mahabang pagpapakilala sa aking sarili.
"Ms. Carter, please sit beside Mr. Parker." Sabi ni Prof. Hojilla.
Wait, what?! Ako tatabi sa kanya, no way... Siya yung lalaki kanina na nabangga ko. Pero wala naman akong choice kasi si Prof. naman ang magdesisyon.
"Sige po, Prof." Sabi ko kahit labag sa kalooban ko.
At umupo na nga ako sa tabi niya. Kinakabahan ako...
"Ahh, so your name is Everleigh, what a nice name. Mamaya ka sa'kin," Sarkastikong sabi niya.
Pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay nakinig nalang ako sa Prof. namin.
Pagkatapos ng klase namin ay papunta na nga ako sa labas ng biglang humarang yung asungot.
"Oh, saan ka pupunta? Dito ka lang dahil hindi ka pa nakakabayad sa kasalanan na ginawa mo sakin." Sabi niya.
Marunong palang magtagalog ito, akala ko pa naman taga-Amerika siya lumaki.
"Wala kang pakialam. Tabi nga dyan, aalis na ako." Iritang sabi ko.
"Wag ka kasing umalis ehh. Naintindihan mo ba yon o bingi ka lang talaga." Sabi niya. Mas mahigpit na ang kapit niya sa braso ko.
Sinubukan ko namang magpumiglas pero talagang hindi siya titigil ehh. Wala akong magawa kundi pakinggan ang kanyang walang kwentang mga sinasabi niya.
"Wag mo akong lampasin man lang, hah? Naintindihan mo?" Sabi niya.
"Ehh, sino ka ba?" Inis na tanong ko.
"Ako lang nam—" Hindi niya natapos ang sinasabi niya kasi nandon si Prof. sa may pintuan. Mukhang nakita niya yung ginagawa ni asungot sakin.
"Ohh, Prof. bakit kayo nandito?" Tanong ni asungot.
"Nakita ko yung ginawa mo kay Ms. Carter. Bakit mo ginawa yun sa kanya?" Galit si Prof.
Hahaha... Patay ka na asungot. Bahal ka sa buhay mo...
"Pakawalan mo si Ms. Carter dahil uuwi na yan." Sabi ni Prof.
Pinakawalan naman ako ni asungot at dali-dali akong lumabas para hindi na ako guluhin sa asungot na yon.
Pagkatapos ay umuwi na ako ng bahay, for sure nandon na din si Amirah sa bahay kaya diretso na akong papunta sa bahay namin.
Pagkapasok ko pa lang sa bahay, ay nadatnan ko si Amirah na nag-aaral at tatanungin niya sana ako kung bakit nalate daw ako sa pag-uwi. Pero dumiretso na agad ako sa kwarto at humiga. Nakakainis yung asungot na yun. Walang magawa sa buhay... tch...
Nasira yung araw ko dahil sa lalaking iyon. Gwapo naman siya pero ang sama ng ugali niya...
Napahilamos nalang ako sa mukha dahil nakakinis talaga yung asungot na yon.
Humanda ka talaga sakin, asungot ka... Talagang hindi mo ko kilala noh...
Naligo muna ako pagkatapos ay nagdamit pangtulog at saka natulog na din.
___________________________________________________________________________________
Edited: July 23, 2021
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top