A Best Friend's Rule: The Married Life
"Are you ready?" the photographer asked me while I was staring at myself in front of the big mirror.
"Ang ganda ko, shet," hindi makapaniwalang sabi ko habang tinitingnan pa ang iba't ibang anggulo ng wedding gown na suot ko.
Nagtawanan silang lahat na nasa loob ng suite kung saan gaganapin ang reception ng kasal namin ni Miko ngayon. Nandoon si Mommy sa kama, nakaupo, habang pinanonood ako. Namumula ang mga mata dahil kanina pa siya iyak nang iyak, simula nang magising siya.
"Ready na po ako, tara na," I said as I walked away from the mirror.
Inihanda ng videographer ang video camera niya nang makita na lumapit ako kay Mommy. Naupo ako sa harap niya saka hinawakan ang kamay niyang nasa lap.
"Mommy, kanina ka pa umiiyak," natatawang sabi ko. "Kumalma ka, dito pa rin ako sa NCR nakatira!"
Mas lalo siyang umiyak. "Naubos na ang anak ko! Lahat na kayo nag-asawa!"
Tumawa ako. "Mommy, magtu-twenty-seven na nga ako nakapag-asawa dahil kay Kuya Dexter! Siya sisihin mo, ah! Matagal na ako nakaplano, na-delay pa nga ng one year!"
Hinampas niya lang ako pero patuloy lang siya sa pag-iyak. Lalo tuloy akong natawa, pero sa totoo lang, naiiyak na rin ako. Ayaw ko lang masira ang makeup ko.
"Uuwi naman na si Daddy. Hindi ka na malulungkot mag-isa dito."
"Pero wala naman kayo!"
Tumawa ako. "Mommy, ano ka ba? Bibigyan kita ng maraming apo kaya baka sa susunod, hindi na kami ang hanap-hanapin mo!"
Nagkaroon pa ng mahabang pangungumbinsi bago siya kumalma sa pag-iyak. Doon pa lang kami nakalabas ng hotel para sumakay sa bridal car.
Mahigit tatlong taon na ang nakalipas simula nang umuwi ako galing Australia. Sobrang na-delay ang kasal namin ni Miko dahil itong si Kiya Dexter, inunahan kami! Nabuntis ba naman ang girlfriend! Natural, ipapakasal ni Mommy at Daddy 'yon!
Pero mabuti na lang talaga at doon pa rin napunta si Kuya Dexter, sa first love niya. Kaya siguro binuntis niya kasi ayaw na niyang pakawalan pa! We were mad at first kasi magpaplano na rin kami ng kasal noong oras na 'yon pero kinailangan na ikasal kaagad sila para sa bata.
Nagkataon pa na very traditional din ang pamilya ng girlfriend ni Kuya Dexter kaya mas lalong napadali ang proseso ng kasal!
Ang daya, kami tuloy ang na-delay! Hmp!
When Miko showed me the house that he's building for the whole three months that I was living in Australia, it turns out that everyone around me knows about it. Alam ni Kuya Trey at ni Daddy na kaya hindi niya minsan nasasagot ang tawag ko, 'yon ay dahil sa pagiging abala ni Miko sa bahay namin.
At yung dalawang linggo na hindi ko siya kinausap, kaya naman pala mukhang hindi niya ininda kasi kausap niya si Kuya Trey kapag may time siya para humingi ng update tungkol sa akin!
Grabe, napapaligiran talaga ako ng mga lalaking nagkakampihan sa tuwing sinusumpong ako! Umaasa pa naman ako na susundan niya ako noon sa Australia kasi hindi ko siya kinakausap kaya badtrip ako sa kan'ya buong araw pagkauwi ko ng Pilipinas pero . . . buti na lang hindi siya sumunod. Mag-aaksaya lang siya ng pera na dapat ay pwedeng gamitin sa bahay.
So, after that, nagtrabaho na rin ako. Hindi na ako sa art-related company nag-work kung hindi sa branch ng company ng family namin dito sa Pilipinas. Sayang din kasi kung sakali man na magtagal ako doon, 20 minutes away lang siya sa bahay na itinayo ni Miko sa Ortigas. Hindi na ako malulugi kahit na magsisimula muna ako sa mababang posisyon.
Mabuti na lang may promotion ako every six months kaya naman tumataas din ang sweldo ko. Kaya noong medyo nakaipon na ako, sinabi ko kay Miko na ako na lang ang bibili ng ibang gamit sa bahay since marami naman akong na-save noong nasa Ilocos pa ako nakatira.
Gladly, bago kami ikasal, nakompleto na namin lahat ng kailangan sa bahay! Even the appliances at mga bagay na hindi naman kailangan sa buhay, mayroon na doon! Yung dating super spacious lang at on going na construction na bahay, fully furnished na ngayon at may magandang pool at mini bar sa rooftop!
Huminto ang bridal car sa harap ng malaking simbahan. Sa labas pa lang ay kitang-kita na ang ayos nito. Nakita ko rin ang mga abay, best man at maid of honor ko sa labas. Nang makita nila na nandito na kami, pumasok na sila at nagpalakpakan!
"Besty!!!"
Ibinaba ko ang bintana nang lumapit sa akin si Charisse, ang aking maid of honor. Umiiyak na siya ngayon, pati si Kian na isa sa mga abay ko!
"Besty!" I laughed. "Bakit ka ba umiiyak?"
"Siyempre, ikakasal ka na sa kapatid ko! Magiging sisters na talaga tayo!"
Tumawa ako. "Sige na, luminya na kayo doon!" Lumingon ako kay Kian na nakatingin din sa akin nang namumula ang mga mata. "Bakla ka, doon ka na!"
Umiyak na siya oras na sabihin ko 'yon. "Ngayon lang ako aamin na sobrang ganda mo, bakla! Nakakainis ka, ikaw ang pinakamagandang bride na nakita ko!"
Tumawa ako lalo. "Salamat! Chika tayo later sa reception! Tawag na kayo ng organizer!"
Nakipag-beso pa silang dalawa sa akin ni Charisse bago tuluyang umalis. Lumingon ako kay Mommy na umiiyak na ulit ngayon.
"Mommy, tahan ka na. Hindi ka naman umiyak nang gan'yan sa kasal ni Kuya Trey at Kuya Dexter, ah?"
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Anak, iba ka. Malaki ang pagkukulang namin sa 'yo at alam kong malaki ang kasalanan namin sa 'yo. Gusto ko pa sanang bumawi sa 'yo pero alam kong hindi ko na magagawa 'yon dahil bubukod ka na."
Mabilis na umagos ang mga luha ko. "Mommy naman, wala namang kailangang bumawi. Hindi mo kailangang bumawi. Enough na yung pinalaki n'yo akong mabuting tao at marespeto. Binigay n'yo lahat ng gusto at kailangan ko. Sinuportahan sa mga gustong gawin at tahakin sa buhay. Sobra-sobra pa nga ito, eh. Tama na, Mommy. 'Wag ka nang umiyak. Konti na lang, iisipin kong hindi ka masaya para sa akin."
Mabilis siyang umiling bago ako hinawakan sa mukha. "Hindi, anak. Masayang-masaya ako. Ako ang pinakamasayang ina ngayon." Ngumiti siya sa akin. "Mami-miss ko lang kayong lahat . . . lalo ka na. Mami-miss kita nang sobra-sobra, bunso ko. Mahal na mahal kita, anak."
Humalik siya sa pisngi ko bago siya yumakap sa akin. Marahan kong pinunasan ang luhang pumatak mula sa mga mata ko bago kumalas sa yakap.
"Tara na, Mommy? Naghihintay na sila."
Tumango siya bago pinunasan ang mga bakas ng luha sa pisngi at gilid ng mga mata. Mabuti na lang talaga at nasa labas ang makeup artists kaya mare-retouch kaming dalawa na nag-drama ngayon dito!
Pagkalabas namin ng sasakyan, sinalubong ako ni Daddy ng isang mahigpit at mainit na yakap. Yumakap ako sa kan'ya pabalik.
"Masayang-masaya ako para sa 'yo, anak. Proud na proud ako sa lahat ng na-achieve mo ngayon."
Tumawa ako bago kumalas sa yakap. "Duh, dapat lang maging proud ka! HR manager ako ng kompanya mo, Dad!"
Tumawa siya bago marahan na pinisil ang pisngi ko.
"Mag-iingat ka sa susunod na journey ng buhay mo. Kapag may problema, huwag kang mahihiyang tumawag sa amin ng Mommy mo. P'wede ka rin umuwi sa bahay paminsan-minsan. At huwag ka na rin mag-alala sa Mommy mo dahil uuwi na ako nang permanente dito. Hindi siya malulungkot at mag-iisa, hmm?"
Tumango ako saka ngumiti. "Thank you, Daddy. You're the best."
Humalik siya sa noo ko bago inilagay ang kamay ko sa braso niya saka kami lumapit kay Mommy. Nire-retouch siya ngayon dahil sa pag-iyak. Ako rin daw, need i-retouch kaya naman tuluyan na akong lumapit doon.
Nang magsimula nang tumugtog at kumanta ang kaibigang singer ni Miko sa agency nila na si Duke, nakita ko na nakaayos na ang mga may role sa kasal. Siyempre, maingay oa rin sina Kuya Red at Ian! Si Kuya Henry lang talaga ang behaved sa kanila sa pwesto nila, eh, pero nakikitawa pa rin.
Matapos akong i-retouch ay pinanood ko silang maglakad nang marahan nang hindi nagpapakita sa groom ko.
Nagkita naman na kami kanina para sa photoshoot at para doon sa video ng proseso ng kasal para sa buong araw. Nakita na rin niya ang ayos at suot ko, hindi naman na siguro siya aakto na parang surprise or iiyak kapag nakita ako doon.
Sayang, hindi na siya iiyak. Pangarap ko pa naman ikasal nang makitang umiiyak ang groom ko sa saya!
Nang ako na lang ang natitira sa labas, isinarado na muna ang double door ng simbahan, saka nila ako pinapwesto doon. Inayos nila ang belo ko pati ang mahabang gown ko, hanggang sa makalipas ang isang minuto, bumukas ulit ang double door.
Pagkaangat ko ng tingin sa harap, saktong pagkanta naman ni Duke ng kantang minsan nang kinanta ni Miko sa isa sa mga gig nila.
Hawakan mo ang aking kamay
At tayong dalawa'y maghahasik ng kaligayahan
Bitawan mo'ng unang salita
Ako ay handa nang tumapak sa lupa . . .
Nagsimula na akong maglakad nang marahan sa red carpet habang ang mga bisita kong karamihan na nakasuot ng pink ay nakatingin sa akin nang may malawak na mga ngiti sa labi.
Pero hindi sila ang nakakuha ng atensyon ko.
Tapos na ang paghihintay, nandito ka na
At oras ay naiinip, magdahan-dahan
Sinasamsam bawat gunita
Na para bang tayo'y 'di na tatanda . . .
Ang groom ko na nasa harap, habang si Kuya Dexter na nasa tabi niya pang bilang best man, nakatingin sa akin nang mataimtim. Ang layo niya pero malinaw sa mga mata ko ang sunod-sunod na paglunok niya habang bahagyang nanginginig ang mga labi.
Ligayang noo'y nasa huli
Sambit na nang iyong mga labi . . .
Nang makarating ako sa harap ng mga magulang ko, lumapit sila sa akin at inilagay ang mga kamay ko sa braso nila, saka ako inihatid kay Miko.
"Malapit ka na sa taong makakasama mo habang-buhay, anak. Tandaan mo ang mga segundong ito . . . dahil ito yung mga oras na mararamdaman mo kung gaano mo ka ka-thanful kay God na nakatagpo mo ang isang taong tulad niya," mahabang sabi ni Daddy.
Tumango ako bilang tugon. Si Mommy ay humihikbi sa tabi ko pero mas kalmado na siya ngayon kaysa kanina.
Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay baliwala . . .
Bago kami makalapit sa harap ng altar, nakita ko kung paano biglang bumuhos ang mga luha ni Miko habang pinanonood akong lumapit sa kan'ya kasama ang mga magulang ko. Rinig na rinig din ng mga nasa harap ang pag-iyak niya, kaya naman ang iba ay naiyak na rin. Nakita kong inabutan ni Kuya Dexter si Miko ng panyo para punasan nito ang luha bago kami tuluyang nakarating sa kan'ya.
Nagkita rin ang ating landas
Wala nang iba akong hinihiling kung 'di ika'y pagmasdan
Mundo ko ay 'yong niyanig
Oh, ano'ng ligayang ika'y sumama sa akin . . .
"Miko, anak, nagtitiwala ako sa 'yo. Ikaw na ang bahala sa anak ko."
Tumango si Miko bago yumakap kay Daddy. "Nangangako ho ako na aalagaan ko siya, mamahalin, at papasayahin sa lahat ng oras. Hindi ko ho sasayangin ang tiwala n'yo sa akin, Dad."
Nais ko lang humimbing
Sa saliw ng iyong tinig . . .
Tumango si Daddy bago tinapik ang likod niya. Matapos nolang magyakap, yumakap si Miko kay Mommy at nag-usap ito pero hindi ko na narinig pa dahil niyakap na ulit ako ni Daddy.
"Maging masaya kayo. Bigyan n'yo ako ng maraming apo."
Tumawa ako. "Oo naman, Daddy! Kamukha ko para hindi n'yo ako masyadong ma-miss!"
Tumawa siya bago kumalas sa yakap. "Mahal na mahal kita, anak. Tatandaan mo 'yan."
Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay baliwala . . .
Humalik ulit siya sa noo ko bago ako pinaharap kay Mommy. Mabilis ako nitong niyakap nang mahigpit saka muling umiyak nang malakas.
"Ipagdarasal ko kayo gabi-gabi. Huwag n'yong pababayaan ang sarili n'yo at dumalaw kayo palagi sa bahay, huh?"
Tumango ako habang tinatapik ang likod niya. "Pangako 'yon, Mommy. Dadalawin ka namin palagi, lalo na kapag may mga apo ka na sa amin."
Tumawa si Mommy bago kumalas sa yakap. "O, sige na. Hinihintay ka na niya."
Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Ilang sandali pa, ibinigay na nila ang kamay ko kay Miko, dahilan kung bakit bumuhos muli ang mga luha niya. Pati tuloy ako, naiyak dahil ang drama-drama ng kasal namin! Hindi naman masyadong madrama noong kasal ni Kuya Dexter at Kuya Trey!
Panatag ang kalooban ko
At ika'y kapiling ko na
Oh, kay tagal kitang hinintay
Oh, kay tagal kitang hinintay . . .
Nang sa wakas, nasa harap ko na si Miko at magkahawak ang mga kamay namin, ngumiti ako sa kan'ya.
"Tapos na ang paghihintay, nandito na ako," sabi ko, ginagaya ang isang linya ng kanta na kinanta ni Duke kanina.
Ligayang noo'y nasa huli
Sambit na nang iyong mga labi . . .
Ngumiti siya saka tumango.
"Nandito lang ako palagi . . . at hinding-hindi na mawawala pa simula sa mga oras na 'to."
Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay baliwala
Ang dati ay baliwala
Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay baliwala
Panatag ang kalooban ko
At ika'y kapiling ko na
Oh, kay tagal kitang hinintay
Oh, kay tagal kitang hinintay
🥁
In just more than a month simula nang ikasal kami ni Miko, naramdaman ko na ang senyales na buntis ako. Pero siyempre, hindi ko na muna ipinahalata sa kan'ya 'yon dahil siguradong OA ang magiging reaksyon niya at baka hindi pa pumasok sa trabaho! Hindi pa nga confirmed, eh.
Pero grabe, ang bilis kong tumaba. Sobrang bilis nito kompara doon sa pagbubuntis ng asawa ni Kuya Dexter, ha? Hindi naman sita kaagad tumaba kahit na mag-three months na ang tiyan niya.
Habang nasa trabaho ako at nagbabasa ng mga resume ng applicants para sa job vacancy ng company, hindi ko mapigilang ma-excite dahil nasa bag ko lang ang mga pregnancy test kits na binili ko! Hindi ko pa nga lang ginagamit kasi kinakabahan ako.
"Lunchbreak na po, ma'am," sabi ng isang empleyado.
Tumango ako bago ni-close ang mga tab saka tumayo, bitbit ang bag ko. Dumeretso ako sa CR para gamitin ang limang pregnancy test kits nang sabay-sabay. Alam kong ang selfish nito pero ni-lock ko talaga yung buong CR na ito para hindi naman nakakahiya kung sakaling magkaroon din ako ng OA na reaksiyon dito.
Makalipas ang ilang minuto, kumakabog ang dibdib ko habang nakatingin sa mga PT na nakataob sa countertop. Nanginginig ang mga kamay ko na ibinaliktad ang isa . . . at bumungad sa akin ang dalawang linya na nagsasabing buntis nga ako.
Pero kinakabahan ako. Sabi kasi nila, 70% accurate lang ang mga PT kaya hindi rin ako dapat magpakasigurado na buntis nga ako.
Muli kong itinaob ang ikalawang PT at nakitang dalawa din ang guhit nito. Sa ikatlong PT, dalawa ulit ang guhit! Sa bawat PT na may positive result, lumalawak nang lumalawak ang ngiti ko.
Napatili ako nang makita na lahat ng pregnancy test na binili ko, positive ang resulta! Sunod-sunod na bumuhos ang mga luha ko bago ipinatong ang dalawang siko sa countertop saka tinakpan ang mukha ko. Umiyak ako nang umiyak dahil sa sobrang saya ng puso ko.
Nang makalma, kinuha ko na ang mga PT sa ibabaw ng countertop saka itinago sa bag ko. Pumunta ako sa top floor kung nasaan ang office ni Mommy at Daddy para maagpaalam na magha-half day lang ako.
"At bakit?" kunwari'y masungit na tanong ni Mommy na para bang hindi nagkaroon ng maraming breakdown sa araw ng kasal ko. Nandito din si Daddy dahil sabay sila mag-lunch.
Inilabas ko ang mga PT ko. Tumayo si Mommy at nagtatalon sa tuwa habang tumitili bago lumapit sa akin saka ako niyakap nang mahigpit.
"Mommy ka na rin, anak! Congrats!!!" masayang-masayang sabi niya.
Nakita ko ang pamumula ni Daddy habang tumatawa dahil sa reaksyon ni Mommy.
"Hon, maupo ka nga. Kumalma ka." Lumingon sa akin si Daddy. "Pupuntahan mo ba si Miko ngayon?"
Tumango ako. "Wala naman daw siyang site visitation ngayon kaya nasa office lang."
Ngumiti si Daddy. "O, sige. Mag-iingat ka sa pagda-drive! Congrats, anak!"
"Congrats, Jessy! Ang bilis n'yo, ah?" sabi pa ni Mommy.
Kumindat lang ako sa kan'ya bilang tugon bago tuluyang umalis ng office nila at sumakay ng elevator.
Buti na lang, responsible adults kami ni Miko noong hindi pa kami kasal at puro kami sex. Kung hindi, baka two years old na yung anak ko ngayon!
Habang nasa elevator, hawak ko ang tiyan at paulit-ulit itong hinihimas. Hindi maalis sa labi ko ang malawak na ngiti dahil sa sobrang saya.
Hay, ano ka kaya, baby? Babae or lalaki? Kahit na ano, ayos lang! Sisiguraduhin kong magiging good kid ka sa pangangalaga namin ng daddy mo.
Nang makarating sa sasakyan, nag-drive ako papunta sa office ni Miko. After thirty minutes, nakarating din ako kaagad doon kaya naman nag-park na ako sa parking lot bago dumeretso sa lobby para sabihin na pupuntahan ko si Miko.
"Sakto po, kadarating lang from lunchbreak. Deretso na po kayo sa itaas, ma'am."
Ngumiti ako sa kan'ya. "Thank you!"
Naglakad ako papunta sa elevator saka sumakay doon. Pinindot ko ang floor number ng opisina niya saka hinintay na makarating doon.
Nang makarating, lumabas na ako ng elevator at dumeretso sa office niya. Hindi naman niya solo ang office since hindi pa naman ganoon kataas ang posisyon niya pero na-promote na siya ngayon! Civil Engineer Manager na siya ngayon!
Nang makarating, sinabi ko sa secretary ng head engineer ang pangalan ko, pati ang purpose na nandito ako para kay Miko saka ako naghintay sa kan'ya sa couch. Tumawag naman ang babae bago tumingin sa akin.
"Asawa po pala kayo ni Engineer Jimenez, I'm sorry. Pasok na po kayo."
Tumayo ako saka ngumiti. "Thank you."
Pagkapasok ko sa loob, halos walang tao. Siguro dahil mostly, nasa lunchbreak pa. May nakita akong nakatutok sa computer habang nagde-design habang ang isa naman ay gumagawa ng scale model.
Ibinalik ko na lang ang tingin sa pinto ng office ni Miko, saka kumatok, bago pumasok. Nakita ko siya na nakasuot ng salamin habang nakaupo sa harap ng computer. Tumayo kaagad siya nang makita ako.
"Bakit hindi ka nagsabing pupunta ka? Eh 'di sana sabay tayong mag-lunch. Kumain ka na?" tanong niya.
Umiling ako. "Hindi pa, nagugutom na nga ako, eh."
Nagbuntonghininga siya bago hinubad ang salamin. "Tara, kumain ka."
Umiling ako. "Kumain ka rin."
Tumawa siya bago ako pinatakan ng halik sa labi. "Opo, kasama mo akong tataba sa relasyong ito, Engot!"
Tumawa ako bago yumakap sa kan'ya habang siya at nakaakbay sa akin. Lumabas kami ng opisina niya saka sumakay ng elevator.
"May gusto ka bang kainin?"
Ngumisi ako, dahilan para mamula ang.mukha niya. "Ikaw, ha? Naughty ka na!"
Humagalpak ako ng tawa. "Wala akong sinabi!"
"Hayaan mo, mamaya pagkauwi, kahit papakin mo pa magdamag okay lang!"
Humagalpak ako lalo ng tawa habang hinahampas siya. Nang makarating kami sa ground floor, hinawakan niya ang kamay ko saka kami naglakad palabas ng building. Dumeretso kami sa isang restaurant na malapit para kumain. Siya na ang nag-order sa akin dahil sabi ko, kahit ano ayos lang.
Buti hindi pa ako nagki-crave masyado.
Nang umalis na ang waiter, pumangalumbaba ako saka tumitig sa kan'ya.
"Bawal na tayo mag-sex."
Napakunot-noo siya, dismayadong-dismayado ang mukha. "Bakit?! Sino nagsabi?! Hindi p'wede 'yon! Kaya mo ba 'yon, Engot?!"
Tumawa ako bago kinuha ang mga PT sa bag saka ibinaba sa lamesa. Umawang ang bibig niya habang nanginginig ang mga kamay na tinitingnan isa-isa ang bawat resulta nito. Ilang sandali pa, tumayo siya saka lumapit sa akin. Itinayo niya ako saka niyakap at binuhat, dahilan para mapatili ako, habang siya naman ay tuwang-tuwa sa balitang inihatid ko.
"Daddy na ako!!! Daddy na ako!!!"
Nagpalakpakan ang mga kumakain sa loob ng restaurant, maging ang mga waiter at crew, habang nakatingin sa amin. Nang makalma na siya, ibinaba na niya ako at paulit-ulit na hinalikan sa labi.
"Pagkatapos . . . pagkatapos natin kumain, m-magpapa-check up ka, ha?"
Umawang ang bibig ko. "Bukas na, may trabaho ka pa!"
Umiling siya. "Nag-half day ka rin, ah? Kaya nga nandito ka. Mag-half day na lang din ako, hmm? Magpapa-check up ka."
Natatawa na lang ako dahil sa sobrang excitement na makikita sa kan'ya. Ilang sandali pa, dumating na ang pagkain naming order. May free pang chocolate mousse cake to congratulate us daw!
"Nice, thank you! I'll recommend this sa friends ko."
"Thank you, ma'am and sir! Please do po."
Nagpaalam na ang waiter kaya naman kumain na kami. Itong impakto naman na 'to, ngiti nang ngiti, tawa nang tawa! Hindi na raw siya makakain sa sobrang excited para sa checkup!
Nang matapos kumain, hinatid niya kaagad ako sa kotse ko, 'yon na lang daw ang gagamitin namin pauwi. So, ayon, naghihintay ako sa kan'ya dito sa sasakyan ko habang siya, nagta-time out sa office at nagbigay ng late notice para sa pag-half day niya. Ilang sandali pa, nakita ko siyang tumatakbo palabas ng elevator, dahilan para matawa ako. Sumakay kaagad siya sa driver's seat at mabilis na ikinabit ang seatbelt.
"Kumalma ka nga! Kahit anong excited maramdaman mo ngayon, hindi mo pa malalaman itsura ng anak natin, okay?" natatawang sabi ko.
Nagsimula na siyang mag-drive paalis. "Kahit na! Anak ko pa rin 'yan kahit na anong itsura niya. Gusto ko lang makompirma para 100% sure na!"
Humagalpak ako ng tawa dahil do'n.
Makalipas ang ilang minutong byahe, nakarating kami sa OB ko, kung saan nagpapa-inject ako noon ng depo. Nagulat pa siya nang makita ang itsura ko ngayon, halata raw na buntis ako.
"Weh? Bakit hindi nahalata nito, eh araw-araw kaming magkasama?" sabi ko habang nakaturo kay Miko.
Tumawa si Doctora. "Usually, mga first time dads, hindi talaga napapansin 'yon."
"At saka normal po talaga na mabilis siyang tumaba kasi lakas niya kumain ngayon, hindi pa nakakapag-exercise kaya akala ko, tumataba lang siya."
Tumawa ulit si Doctora. "Oh, tara na sa loob. I-confirm na natin!"
Pumasok kami sa loob ng isang k'warto. Pinahiga niya ako sa hospital bed na maraming monitor sa tabi. Habang nakahiga, pinataas niya ang damit ko. May ipinahid siyang malamig na jelly sa tiyan ko bago inilagay doon ang kung anong ginagamit niya para sa ultrasound. Lumawak ang ngiti niya lalo nang makita ang nasa screen.
"Napakagandang balita naman nito," sabi niya habang iginagalaw ang nasa ibabaw ng tiyan ko.
"Ano po?" kinakabahang tanong ni Miko.
Tumingin si Doctora sa kan'ya, tapos sa akin, bago nagsalita. "Three weeks and five days pregnant. Very healthy na kambal!" masayang sabi ni Doctora.
Napasigaw si Miko sa tuwa habang ako naman ay napapatili dahil gustong-gusto ko talaga ng kambal! Akalain mo 'yon, nakabuo kaagad kami ng kambal?!
Sinagot kaagad ni God yung gusto naming dalawa. Hindi ako makapaniwala.
Matapos ang ultrasound, kinausap niya kami sa table niya para sa do's and don'ts, sa mga foods to eat and not to eat, pati sa mga vitamins ko na dapat i-take. Sinabi niya na rin ang susunod na check-up ko kaya naman ni-set ko na kaagad sa calendar ko para makapag-file ng leave.
"Okay lang naman po na magtrabaho ako?" tanong ko.
"Huwag na, sa bahay ka na muna!" singit ni Miko.
Ngumuso ako. "Wala akong gagawin doon! Magtititigan lang kami ni Manang!"
Tumawa si Doctora. "As I've said earlier, both of your babies are very healthy. Malakas ang kapit at mukhang in just a matter of few weeks, maririnig na natin ang heartbeat nila. Ayos lang na magtrabaho ka pero don't overwork yourself. Alagaan ang sarili at kapag may nararamdamang kakaiba o may pagdurugo, kahit kaunti, magsabi kaagad sa akin, ha?"
Tumango ako bilang tugon bago bumaling kay Miko. "Narinig mo 'yon? P'wede pa akong mag-work! Mag-iingat ako sa lahat ng oras, pangako."
"Okay, then. I think we're all set. Magkita na lang tayo sa susunod na check-up!"
Nakipag-beso na muna kami kay Doctora at nagpasalamat bago lumabas ng clinic niya. Dumeretso kami sa parking lot bago sumakay sa sasakyan. Nag-drive na pauwi si Miko since pareho kaming half day ngayon. Pareho kaming hindi maalisan ng ngiti sa labi dahil sa sobrang saya sa balita ngyaong araw.
Nang makarating kami sa bahay namin, oras na makapasok kami sa front door, niyakap niya kaagad ako nang mahigpit.
"Thank you, Jessy."
Natawa ako bago yumakap pabalik. "Para saan?"
"Sa magandang balita. Sa blessing na makakamit natin in less than nine months." Kumalas siya sa yakap. "Natupad yung isa sa mga pangarap natin. Ang magkaroon ng kambal na anak."
I chuckled. "Ako dapat ang magpasalamat. Ikaw ang ama nito. At alam ko, hindi mo kami pababayaan kahit na anong mangyari."
Tumawa siya. "Mahigit one week lang pala ang kailangan para makabuo ng kambal! Grabe, gano'n kadali?"
Humagalpak ako ng tawa saka hinampas siya sa dibdib. "Sobrang lakas ng sperm mo, grabe!"
Nagtawanan kaming dalawa. Ilang sandali pa, humupa na ang tawanan namin. Hinawakan niga ang mukha ko saka ako hinalikan.
"Mahal na mahal kita, Jesay . . . at ang mga magiging anak natin na nasa sinapupunan mo. Mahal na mahal ko kayo."
Ngumiti ako sa kan'ya. "Mahal na mahal ka rin namin, Daddy."
Mabilis na nag-init ang sulok ng mga mata niya bago ako niyakap.
"Thank you so much."
Tinapik ko ang likod niya nang paulit-ulit.
Nanatili pa kami sa ganoong posisyon bago namin napagpasyahang magpalit na ng damir at magpahinga sa k'warto.
🥁
Six months after we found out that we're pregnant, I felt so much pain in my stomach, dahilan para isugod kaagad ako ni Miko sa clinic ni Doctora. In-ultrasound niya ako at nakita ang problema.
"Wala ka nang tubig para ma-maintain ang babies mo, hija. You need an emergency CS."
Mabilis na umagos ang mga luha ko nang marinig 'yon. Tinakpan ko ang mukha ko saka umiyak nang umiyak. Naramdaman ko ang kamay ni Miko na tinatanggal ang mga kamay ko aa mukha pero hindi ko siya hinayaan.
"Yung mga baby ko."
"Shh," he said. "They'll be okay. Magtiwala ka sa kanila, hmm?"
Niyakap niya ako pero wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak lang nanf umiyak.
The past check-ups told me that they were very healthy. They were a very healthy boy and girl. A few weeks ago, we were having a baby shower at our home with our friends and families. We were definitely okay!
Bakit ganito ngayon?
Ilang sandali lang, dumating na ang ambulance na magdadala sa akin sa hospital kung saan ako ooperahan. Sumakay din doon si Miko at Doctora. Hindi ako matigil sa pag-iyak kahit na kanina pa ako pinagagalitan ni Doctora dahil mas mahihirapan daw ang mga anak ko kung ganito ako.
Pero hindi ko kayang hindi mag-alala. Mga buhay na ng anak ko ang nakasalalay dito. More than seven months pa lang sila! Hindi pa sila dapat lumabas! Masyado pang maaga!
Hinawakan ko ang tiyan ko at kinausap sila sa isip ko.
Baby . . . kumapit kayo, please. 'Wag n'yong bibitiwan si Mommy, please. I will be the best mommy ever if you do. Please, don't leave me. I can't lose the both of you.
Nang makarating sa hospital, mabilis ang naging pagtulak sa hinihigaan ko ngayon pero hindi binitiwan ni Miko ang kamay ko sa lahat ng segundo na 'yon. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Alam ko na tatlo kaming inaalala niya ngayon.
In my case, kahit wala na ako . . . basta buhay ang mga baby ko. Kaya silang palakihin nang maayos ng daddy nila kahit wala ako.
Just by the thought of it made me cry once more. Hindi ko na alam kung nasaan na ako ngayon pero mas lalo akong naiyak nang mapagtantong wala na si Miko sa tabi ko.
"M-Miko . . ."
"Nasa labas lang siya. Hindi ka niya iiwan, Jessy. Be strong for your family, okay? You can do it!" sabi ni Doctora bago may isinaksak sa akin, dahilan para makatulog ako.
🥁
Nagmulat ako ng mga mata. Pakiramdam ko, manhid pa rin ang buong katawan ko. Wala akong maramdaman.
"Jessy . . ."
Lumingon ako sa kan'ya. Nakita ko si Miko na ngumiti nang bahagya saka itinaas ang kamay kong hawak niya. Hinalikan niya ito.
"Nasaan . . . babies ko?"
He smiled again. "They are fine. Mino-monitor sila ng mga doctor at nurse. Magpahinga ka na muna, hmm?"
Oras na makompirma kong nailabas ko nang buhay ang mga anak ko, para akong nakahinga nang maluwag. Muli akong pumikit, hanggang sa tuluyang nakatulog ulit.
🥁
Muli akong nagising at nakita ko sa wall clock na 7:30 a.m. pa lang. Sinubukan kong bumangon pero napangiwi nang maramdaman ko ang sugat ko.
"Jessy . . ."
Lumingon ako sa nagsalita sa tabi ko. Nakita ko si Miko na nakaupo habang nakatingin nang nag-aalala sa akin. Alam kong pagod din siya at stressed out pero wala akong ibang kayang alalahanin kung hindi ang mga anak ko.
"Yung mga anak natin?"
Lumunok siya bago hinawakan ang kamay ko. "Jessy . . . alam mo naman na . . . kulang sila sa buwan, 'di ba?"
Hindi ako sumagot. Nagsimula nang mag-init ang sulok ng mga mata ko.
"Nasa NICU sila, kailangan pa nilang mag-stay dito nang mas matagal para maobserbahan at maibigay lahat ng pangangailangan. In your case, everything abot you is fine so you can go home in three days, or less."
Lumunok ako bago nag-iwas ng tingin. "M-Maiiwan na lang din ako dito. S-Sabay kaming uuwi ng mga anak ko."
Nagbuntonghininga siya. "Jessy, hindi p'wede."
"Miko, huwag kang umasang hahayaan kong maiwan ang mga anak natin dito!" matigas na sabi ko. Lumunok siya. "Hindi ko kayang iwan sila dito! Paano kung mawala sila? Paano kung may mangyari sa kanilang masama nang wala ako?!"
Hinawakan niya ulit ang kamay ko pero tinabig ko lang ito, dahilan para magulat siya. Gusto kong pagsisihan lahat ng inaakto ko ngayon pero wala akong ibang maramdaman kung hindi sakit at pag-aalala.
"Hindi nila pababayaan ang mga anak natin. Doctor sila. May sinumpaan silang tungkulin. Jessy, magtiwala ka sa kanila. Hindi ka p'wedeng mag-stay dito nang matagal. Sana maintindihan mo kasi . . . ginagawa nila ang lahat ng paraan para mabuhay ang mga anak natin . . . gaano man kahirap."
Nang hinawakan niya ulit ang kamay ko, wala akong ibang nagawa kung hindi ang hunagulgok na lang. Mabilis niya akong niyakap saka hinagod ang likod. Yumakap ako sa kan'ya pabalik at ibinuhos ang mga luha ko sa balikat niya.
Nang kumalma na ako at mapakain since p'wede na raw, pinayagan din ako ni Doctora na silipin sa NICU ang mga anak ko kaya naman mabilis na kumuha ng wheelchair si Miko. Marahan niya akong pinaupo doon saka itinulak papunta sa NICU.
"Nanggaling pala kagabi ang parents mo dito, pati sina Dexter, kaso tulog ka pa. Hindi ka na nila nahintay. Babalik daw sila mamaya."
Tumango lang ako bilang tugon. Hindi ako matigil sa pagkutkot ng daliri sa kaba dahil papalapit na kami nang papalapit.
Ilang sandali pa, huminto kami sa harap ng NICU. Tinulungan niya akong tumayo at inalalayan para masilip ko muna sa glass window ang mga baby. May itinuro siya sa aking dalawang magkatabi.
"Yun yung mga anak natin."
Mabilis na bumuhos ang mga luha ko matapos makita kung gaano kaliit ang mga anak ko. Mapayat din sila at may mga nakasaksak sa kanila na hindi ko maintindihan. Napatakip ako ng bibig kasabay ng malakas na pag-iyak. Mabilis na yumakap sa akin si Miko para daluhan ako.
"Ang liit nila! Paano kung may mangyaring masama sa kanila, Miko?! Hindi pa nila oras para lumabas sa akin! Miko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kanila!"
Hinagod niya nang paulit-ulit ang likod ko para pakalmahin ako pero hindi nito mapawi yung pag-aalala ko.
Awang-awa ako sa mga anak ko. Hindi dapat nila nararanasan 'to lahat ngayon kung nag-ingat lang ako. Sinunod ko lahat ng sinabi ni Doctora pero mukhang may pagkukulang pa rin ako. Dahil kung wala, hindi sana sila gan'yan ngayon.
🥁
Sa araw-araw ng pananatili ko sa hospital, wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak kahit na ang dami nang dumalaw sa akin at sinubukan na pasayahin ako.
"Uhm, p'wede ka na raw umuwi mamaya, Jessy."
Muling umagos ang mga luha ko matapos marinig 'yon mula kay Miko. Tinalikuran ko siya saka ipinikit ang mga mata. Naramdaman ko na naupo siya sa likuran ko saka yumakap sa akin.
"Jessy, magpakatatag ka, please. Nagpapalakas yung mga baby natin dito. Magpalakas ka rin para marami kang energy na alagaan sila pagkauwi nila."
Humikbi ako matapos marinig 'yon.
"Dadalaw tayo palagi dito . . . araw-araw . . . hangga't hindi pa sila nakakauwi. Sa ngayon, umuwi na muna tayo at paghandaan yung araw na . . . susunduin na natin sila dito. Hmm?"
Yun na nga lang siguro ang pinaghawakan ko kaya napapayag ako ni Miko na umuwi ngayong araw. Nagulat din ako dahil habang inaasikaso ni Miko ang hospital bill ko, nakita ko si Mommy na pumasok sa loob ng k'warto ko.
"Anak, kumusta? May masakit pa ba sa 'yo? Sabi ni Miko, lalabas ka na ngayon kaya pumunta ako dito para matulungan ko kayo."
Oras na makalapit si Mommy sa akin, mabilis akong yumakap sa kan'ya saka umiyak nang umiyak. Hinagod niya ang likod ko para pakalmahin ako pero hindi ko magawa.
"Mommy, yung mga anak ko maiiwan dito!"
"Shh, dadalawin natin, anak. Dadalawin natin palagi."
Umiling ako ng ilang ulit. "Natatakot ako, baka may mangyaring masama nang wala ako, Mommy!"
Tinapik niya amg likod ko ng paulit-ulit habang pinapakalma ako. "Shh, kumalma ka, anak. Hmm? Ikaw nga, makakauwi, eh. Siyempre yung baby mo rin. Magtiwala ka sa kanila, anak. Magtiwala ka sa mga doctor at nurse na mag-aalaga sa mga anak mo, hmm? At . . . magtiwala ka sa kanila mismo . . . sa mga anak mo. Sigurado akong magpapalakas sila at uuwi sila sa 'yo. Ikaw ang mommy nila, eh. Magtiwala ka sa mga anak mo, hindi ka nila bibiguin, hmm?"
Wala akong ibang ginawa sa hospital kung hindi ang umiyak nang umiyak. Kung may bayad lang ang pag-iyak dito, baka ilang daang libo na ang bill ko sa dami ng beses na umiyak ako sa tatlong araw ko lang na naka-confine dito.
Alam ko na nag-aalala silang lahat sa akin dahil sa inaasal ko ngayon, pero kung sila ba ang nasa sitwasyon ko ngayon, makukuha ba nilang kumalma?
Gabi na nang makaalis kami ng hospital at makauwi sa bahay. Sa amin muna mag-i-stay si Mommy habang hindi pa maayos ang lagay ko, sabi niya. Hinahayaan ko na lang sila sa mga gusto nilang gawin dahil wala na akong lakas pa para tumanggi at makipagdiskusyon sa kanila.
Nang maihiga na ako ni Miko sa kama, binalot niya kaagad ako ng kumot. May sinabi siyang mga gagawin sa labas pero hindi ko na masyadong naintindihan dahil puno ng pag-aalala ang isip ko.
Ilang sandali pa, bumalik na siya at pinatay ang ilaw sa k'warto pero pakiramdam ko, wala namang nagbago. Madilim din ang pakiramdam ko kanina. Mas madilim nga lang ngayon.
Humiga sa tabi ko si Miko. Dahil nakatagilid ako ng higa, magkaharap kami ngayon. Tumingin siya nang seryoso sa akin saka ipinstong ang palad sa kanang pisngi ko.
"Matulog ka na at magpahinga. Dadalawin natin sila bukas. Hmm?"
Mabilis na umagos ang mga luha ko bago tumango nang marahan saka pumikit. Niyakap niya ako hanggang sa makatulog na kami pareho.
🥁
Nang mga sumunod na araw at linggo, tinupad ni Miko ang pangako niyang araw-araw kaming dadalaw sa hospital. Sinabihan siya ng Doctora ko na maging marahan lang sa pagda-drive dahil hindi ako pwedeng matagtag. Sinunod naman niya 'yon sa lahat ng oras kaya kahit na medyo malapit lang ang hospital, inaabot kami ng halos isang oras sa byahe.
Masaya ako sa tuwing sinisilip ko ang mga anak ko sa NICU lalo na kapag naririnig ko na nag-i-improve na sila at lumalakas ang mga katawan nila. Pero sa lahat din ng oras, sa tuwing uuwi kami sa bahay nang hindi namin kasama ang mga anak ko, hindi p'wedeng hindi ako iiyak nang sobra.
I know what this is. It's a postpartum depression. Yun nga lang, yung sa akin, gustong-gusto kong maalagaan ang mga anak ko. Ang ibang postpartum ay ayaw mag-alaga ng mga anak.
Hindi ko kayang isipin na aayawan kong alagaan ang mga anak ko. Ngayon pa nga lang na wala akong magawa para matulungan sila, hirap na hirap na ako.
Ngayon pa lang, sinisisi ko na araw-araw ang sarili ko dahil wala akong kwentang ina sa kanila. Hindi ko man lang sila naalagaan sa unang dalawang linggo ng buhay nila.
Isang umaga, sa kalagitnaan ng pag-self-sabotage ko, pumasok sa k'warto si Miko.
"Jessy . . ."
Tinulungan niya akong bumangon saka pinunasan ang mga luha sa pisngi. Ngumiti siya sa akin.
"May balita ako sa 'yo."
Napatigil ako sa pag-iyak at tanging paghikbi na lang ang nagawa nang makaramdam ng kakaiba sa tono ng pananalita niya. Sa loob ng halos tatlong linggo simula nang manganak ako, ngayon ko lang narinig ang ganitong tono ng boses niya.
"P'wede na nating sunduin sina Jade at Jake para maiuwi dito."
Matapos marinig 'yon, muli akong umiyak sa sobrang tuwa. Niyakap niya ako nang mahigpit. Yumakap ako sa kan'ya pabalik dahil alam ko, hindi ko kaya ang lahat ng ito kung wala siya.
Sa loob ng mga oras na sobrang hina ko, siya ang naging lakas ko.
Hindi ako nagkamali ng taong minahal at pinag-alayan ko ng buhay ko.
Hindi ako nagkamali ng pagpili ng makakasama ko habang-buhay.
Nang mapakalma na niya ako, lumabas kami ng kwarto at dumeretso sa dining areanpara kumain ng breakfast na niluto ni Mommy. Maganda ang ngiti nila, maging ni Manang, sa akin nang sa wakas, makalipas ang mahigit dalawang linggo, lumabas na ako ng k'warto namin ni Miko.
Hindi tulad noon, kumain ako ngayon ng pagkain na kaya ko lang ubusin. Kung noon, nakakadalawang subo pa lang ako, ayaw ko na, ngayon sinubukan ko nang mas damihan ang kIn ko kahit na alam kong hindi ko pa kaya.
Pagkatapos n'on, gumayak na ako at nagpalit ng magandang damit. Alam kong hindi pa naman makikita ng mga anak ko kung ano ang itsura namin ngayon, pero gusto ko na sa oras na lalabas kami ng hospital na 'yon at karga ko sila, gusto kong maganda ako.
"Wow, ang ganda! Mukhang hindi nanganak, ah!" pambobola sa akin ng asawa ko.
Ngumiti ako bago humarap sa kan'ya. "Maganda na talaga? Hindi na ako mukhang may sakit?"
Umiling siya bago lumapit sa akin at saka ako hinalikan sa labi. "Magandang-maganda ka ngayon, lalo na't ngumingiti ka ulit."
Humalik din ako sa kan'ya bago tinapos ang pag-aayos sa sarili.
Nang makagayak na kaming tatlo nina Miko at Mommy, umalis na kami ng bahay para sunduin ang mga anak ko. Alam kong bawal pa mag-drive nang mabilis si Miko dahil hindi pa ako p'wedeng matagtag pero kung p'wede lang ako na ang mag-drive, gagawin ko na, makarating lang kami kaagad sa kung nasaan ang mga anak ko!
"Bilisan mooo," reklamo ko.
Tumawa sila ni Mommy.
"Malapit na tayo, Engot, kumalma ka."
Makalipas ang sampung minuto, nakarating kami sa hospital. Matapos makapag-park sa parking lot, pinagbuksan ako ni Miko ng pinto saka niya ako inalalayang maglakad kahit na kaya ko naman na. Two weeks naman na ang nagdaan, naghilom na rin nang kaunti ang bikini cut ko.
Nang makapasok s aloob, kinausap namin si Doctora. Marami siyang ipinaliwanag tungkol sa improvement ng kondisyon nina Jake at Jade. Nakikinig nang mataimtim sina Miko at Mommy sa mga sinasabi nito at mga bilin. Hindi ko na masyadong maintindihan dahil ang nasa isip ko lang, makakarga ko na ang mga anak ko! Sa wakas!
Inasikaso namin kaagad ang napakalaking hospital bill ng dalawang anak ko. Hindi ko na ininda ang laki ng pera na 'yon dahil ang mahalaga, makakauwi na ang mga anak ko sa akin!
Matapos makapagbayad, hinintay ko na dalhin na sa amin ang mga anak ko. Ang tagal! Pero ilang sandali pa, lumabas mula sa isang k'warto si Doctora habang nakasunod sa kan'ya ang ilang nurse. Ang dalawa dito ay may buhat na batang nakabalot sa swadle. Isang pink at isang blue.
Mabilis akong tumayo saka lumapit sa kanila. Nakita ko ang nakaburdang pangalan sa gawing hood ng swadle nila, dahilan para maiyak kaagad ako.
"Jade anak . . ."
Iniabot sa akin ng babaemg nurse si Jade. Mabilis na umagos ang mga luha sa pisngi ko nang maramdaman siya sa akin. Hinalikan ko kaagad siya sa noo oras na makita ko siyang tahimik na natutulog.
"Here's Jake."
Nag-angat ako ng tingin kay Miko. Buhat niya ngayon ang lalaking anak namin na si Jake. Lumapit ako para tingnan nang maigi ang mukha niya. Magkamukhang-magkamukha sila ni Jade. Grabe, kambal talaga!
Hindi ko mapigilan ang matawa nang bahagya bago ginawaran din ng halik sa noo si Jake.
Matapos naming makuha ang lahat ng kailangan, nagpasalamat at nagpaalam kami kay Doctora at sa mga nurse na gumabay at nag-alaga sa mga anak namin ni Miko. Nagkaroon pa ng picture taking session bago kami umalis. Mabuti na lang, naisipan ni Mommy dalhin yung isang camera ko. Maipapakita ko sa mga anak ko paglaki nila kung anong itsura ng mommy at daddy pati lola nila noong araw na iniuwi na namin sila.
Makikita nila kung gaano kami kasaya dahil sa pagdating nilang dalawa sa buhay naming lahat.
Pagkatapos, dumeretso na kami sa parking lot saka sumakay kami sa kotse. Ngayon, si Mommy na ang may buhat kay Jake habang si Miko naman ay magda-drive ng sasakyan.
"Bagalan mo lang, ah?" pagpapaalala ko.
Tumawa siya. "Opo."
I smiled at him in response.
"Ayan, tama. Ngumiti ka lang palagi. Hmm?"
Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. "Ngayong nandito na sila sa akin . . . magiging masaya na lang ako palagi."
Tumango si Miko saka ngumit bago humalik sa akin. Pagkatapos n'on, ini-start na niya ang makina ng sasakyan.
"Tara na?"
I nodded. "Let's go!"
🥁
Kung ipi-pitch para maging television series ang buhay ko, baka makapasa dahil sa dami ng dramang nangyari sa akin. Sobrang tatag ko siguro dahil nalampasan ko lahat-lahat ng 'yon.
Magmula sa pilit na paghihiwalay sa amin ng first boyfriend ko, hanggang sa nalaman kong hindi pala sina Mommy at Daddy ang biological parents ko, tapos na-in love pa ako sa best friend ng kapatid ko (na ngayon ay asawa ko na!) na later on, pilit din pinaghiwalay. And then I left my home and lived my life independently, hiding from all the people who have hurt me in the past only to be found after a few years kasi b-in-roadcast ako sa national television!
A lot of things have happened even after all of that. I even thought I would lose the two diamonds of my life which almost made me lose my sanity. Mabuti na lang talaga, mabait ang asawa ko. Hindi ako iniwan sa kabila ng lahat ng kahinaan ko.
Simula nang mauwi ko sina Jade at Jake mula sa hospital, akala ko magiging madali na ang lahat para sa akin . . . kasi siyempre, nandito na sila sa tabi ko. Hindi ko na sila kailangang isipin na nasa malayo sila.
Pero hindi pala . . .
Hindi pala gumagaling ang postpartum depression kapag nagawa mo na ang gusto mo.
"Jessy, kumalma ka muna."
Umiling ako nang umiling habang humahagulgol na nakaupo sa sahig ng k'warto namin.
"Bakit wala akong gatas? Bakit yung iba, kayang magpa-breastfeed? Bakit yung iba, kayang maglabas ng gatas sa kanila? Bakit sa akin, wala?!"
Nagbuntonghininga si Miko bago naupo na rin sa harap ko saka ako niyakap.
"Jessy, ayos lang naman. May formula naman sila. Yun naman ang dinedede nila, okay na yun. Hmm?"
Umiling ako nang umiling. "Pero gatas ko dapat ang dinedede nila! Bakit wala ako n'on?! Ginawa ko na lahat para magkaroon ako ng gatas pero bakit wala?!"
Sa huli, hindi na nakapagsalita pa si Miko. Pinakalma na lang niya ako mula sa sobrang pag-iyak.
🥁
Nang medyo natanggap ko na na hindi ako makakapag-produce ng liquid gold na tinatawag nila o ang gatas ng ina, akala ko kahit papaano, magiging maayos na ako.
Pero hindi yata talaga kaagad nawawala ang postpartum depression kaagad.
"Jessy, bakit umiiyak ka na naman?" nag-aalalang tanong sa akin ni Miko habang pinapatulog ko ang mga bata.
"Umiyak si Jake kanina kasi hindi ko kaagad napalitan yung diaper niya!" umiiyak na paliwanag ko. "Wala akong kwentang ina, Miko. Napapabayaan ko na ang mga anak ko. Hindi ko na nga nabibigay ang mga kailangan nila, napababayaan ko pa sila!"
Nagbuntonghininga siya bago yumakap sa akin mula sa likod. "Jessy, isang buwan mo pa lang silang naaalagaan. May mga bagay ka pang hindi alam sa pag-aalaga ng bata kaya hayaan mo na muna. 'Wag mong sisihin ang sarili mo. Please, Jessy. 'Wag ka namang gan'yan sa sarili mo."
Humarap ako sa kan'ya saka yumakap na pabalik at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Doon ako umiyak nang umiyak.
"I'm sorry, Miko. Hindi pala madali maging magulang. I'm sorry kasi nakikita mo akong ganito . . . na sobrang hina sa lahat ng mababaw na dahilan. I'm sorry that you had to suffer through this with me."
Umiling siya bago hinagod ang likod ko. "Wala kang dapat ihingi ng tawad sa akin, Jessy. Ang gusto ko lang, huwag mong kalilimutan na nandito ako palagi. Ako ang magiging lakas mo sa lahat ng oras na mahina ka, hmm? Hindi ako mawawala sa tabi mo."
Nang mga sumunod na linggo at mga buwan, hindi pa rin nawala ang mga episode ko ng postpartum depression. Lagi pa rin akong umiiyak sa lahat ng mababaw na dahilan at lagi ko pa rin sinisisi ang sarili ko sa tuwing may maliit na inconvenience sa pag-aalaga ko sa kanila. Noong minsan, kinausap ako ni Miko para kumuha ng therapy pero hindi ako pumayag.
Wala naman nang dapat i-therapy sa akin. Maayos naman ako. Muntik pa naming pag-awayan 'yon dahil kino-convince talaga niya ako pero ayaw ko nga. Mabuti na lang, binitiwan niya rin 'yon 'di kalaunan.
Bukas, ise-celebrate na namin ang third month nila. Tulad noong mga nagdaang monthly celebration, nag-imbita ulit kami ng family at friends dahil lagi naman may kaonting handa.
Habang ginugupitan ko ng kuko si Jade, nagulat ako nang bigla siyang umiyak nang malakas. Nagsimula na kaagad akong mag-panic dahil nakita ko yung daliri ni Jade na may kaonting dugo mula sa daliri niya na ginugupitan ko ng kuko kanina. Mabilis ko siyang binuhat at hinele para patahanin.
"I'm sorry! I'm sorry, baby! I'm sorry!"
Hindi rin nagtagal, umiyak na rin si Jake kaya naman hindi ko na alam ang gagawin ko. Mabuti na lang, pumasok na si Miko sa k'warto at kinarga si Jake para patahanin.
"I'm sorry, Jade. I'm sorry. Mommy's a bad mom, I'm sorry!"
Habang pinapatahan ko ang babaeng anak ko, ako naman ang nagsimulang umiyak. Lumapit sa akin si Miko habang buhat si Jake, nakatingin nang nag-aalala.
"Anong nangyari?" tanong niya.
Mabilis at sunod-sunod na umagos ang mga luha ko. "Nasugatan ko si Jade habang ginugupitan ng kuko."
Nang mapatahan na namin ang dalawang bata at mapatulog, inilagay na namin sila sa sari-sarili nilang crib. Nilagyan ni Miko ng gamot ang sugat ni Jade. Napaiwas ako ng tingin nang makita ang dugo na lumabas sa daliri niya. Lumabas ako ng k'warto ng mga bata at dumeretso sa master's bedroom. Naupo ako sa sahig at kinabog ko nang kinabog ang sariling dibdib.
"Jessy, stop that!" sabi ni Miko saka hinawakan ang dalawang kamao ko. "Jessy, bakit mo ba sinasaktan ang sarili mo?"
"I'm a bad mother. Sinaktan ko ang anak ko!"
Nagbuntonghininga siya. "Hindi mo naman sinasadya 'yon. Kaonti lang din naman ang dugo kaya baka nagupit mo lang ang balat ng daliri niya—"
"Kahit na!" sigaw ko. "Nasaktan ko pa rin si Jade! Hindi ko na kayang patawarin ang sarili ko, Miko! Hindi ko kayang maging mabuting ina sa kanila!"
Muli, napabuntonghininga siya bago ako hinila nang marahan para yakapin. Mas lalo akong umiyak nang hinagod niya ang likod ko para pakalmahin ako dahil alam ko . . . sa puntong ito . . . baka nahihirapan na siya sa akin.
"Miko, I'm sorry kasi ganito ako."
Umiling siya. "Shh. It's okay, hindi mo rin naman 'to ginusto."
Humikbi ako. "N-Nahihirapan ka na ba?"
Umiling siya, bahagyang natatawa. "Mas mahirap kapag wala ka."
Yumakap ako sa kan'ya pabalik habang paulit-ulit na nagso-sorry pero paulit-ulit niya rin sinasabi na wala akong kasalanan.
Kinabukasan, ginawa ko ang lahat para hindi magmukhang depressed sa lahat ng mga bisita namin. Tulad ng dalawang nagdaang celebration, nag-ayos ako nang mabuti at nagsuot ng maganda. Pinaganda ko ang sarili ko na para bang hindi ako nagsa-suffer sa postpartum depression araw-araw.
Naging maayos naman dahil hindi nila nahalata. Mukhang nag-enjoy din sila sa mga pagkain na inihanda ni Manang. Nagpa-deliver din ako ng dalawang cake from Conti's kaya naman pinakain din namin 'yon sa mga bisita.
Nang maggagabi na, umuwi na rin ang ibang mga bisita. Naiwan ang buong Plugged In band at ngayon ay nasa rooftop sila, umiinom, kasama si Miko.
Gusto ko rin talaga na maiwan sila dahil alam ko na sobrang nag-i-struggle si Miko ngayon. Baka kailangan niya ng kausap na kaibigan.
Nang makitang mahimbing na ang tulog ng mga bata, lumabas na ako para tumulong kay Manang na magligpit. Pumunta ako sa kusina at nakita na naglalagay siya ng natirang sisig sa bowl.
"Dadalhin n'yo po sa taas?" tanong ko.
"Ay, oo. Pulutan daw nila."
Tumango ako. "Sige po, ako na ang magdadala."
Nang matapos niyang lagyan ng sisig ang bowl, iniabot niya ito sa akin. Tinahak ko naman ang hagdan papunta sa rooftop.
Mga ilang hakbang pa ang layo ko para makatuntong sa rooftop nang mapatigil ako dahil narinig ko silang nagkukwentuhan.
"Normal daw magkaroon ng postpartum depression ang mga babaeng bagong panganak, pare. Alam mo rin na may history ng depression si Jessy, 'di ba?" paliwanag ni Kuya Dex.
Napalunok ako nang marinig ang pangalan ko.
"Nag-suffer din sa postpartum depression ang asawa ko nang ipinanganak niya si Val. Mabuti nga ngayon, medyo maayos na siya," sabi ni Kuya Henry.
"Anong ginawa n'yo? Sabihin mo kay Miko, baka sakaling matulungan niya si Jessy," sabi ni Kuya Red.
Gusto ko nang umatras at huwag na lang tumuloy kasi kinakabahan ako. Pakiramdam ko, sa itsura ni Miko, siya naman ang magbi-breakdown ngayon.
"Nagpa-therapy siya."
Nagbuga ng malalim na buntonghininga si Miko bago uminom ng shot niya.
"Sinabi ko na sa kan'ya 'yan pero ayaw niya talaga. Natatakot naman akong banggitin ulit sa kan'ya kasi baka dumagdag pa sa dinaramdam niya," paliwanag niya.
"Ano ba yung nangyayari sa kanila kapag may postpartum?" tanong ni Kuya Ian.
"Yung sa asawa ko, ayaw niyang alagaan yung anak namin," sagot ni Kuya Henry.
"Gan'yan din yung asawa ko. Pero mabilis din naman siyang naka-recover. Hindi naman niya kinailangan magpa-therapy," sagot ni Kuya Dex.
"Eh si Jessy ba?" tanong ni Kuya Jared.
Nagbuntonghininga si Miko. "Lagi niyang sinisisi ang sarili niya sa lahat ng maliit na bagay na hindi magandang nangyayari sa mga bata. Palagi niyang sinasabi na wala siyang kwentang ina, na hindi niya kayang maging mabuting nanay sa kanila. Araw-araw siyang umiiyak.
"'Tang ina, alam n'yo naman na ayaw na ayaw kong umiiyak 'yan simula pa noong mga bata pa tayo, kaya ang hirap para sa akin na araw-araw kong nasasaksihan 'yon."
Sinalinan ni Kuya Dex ang mga shot glass nila ng alak.
"Nagsimula 'to noong nalaman niyang maiiwan sa hospital ang mga bata. Nagsimula 'to noong hindi niya naalagaan yung mga bata sa unang mga araw nila pagkapanganak."
Ipinatong ni Miko ang kanang siko sa lamesa at hinawakan ang magkabilang sentido gamit lang ang kanang kamay.
"Pakiramdam ko tuloy, wala akong kwentang asawa kasi wala akong maitulong sa kan'ya."
Matapos sabihin ni Miko 'yon, humagulgol na siya. Nag-iwas ng tingin ang apat sa kan'ya bago ininom ang sari-sarili nilang shot. Ako naman ay napatingin sa sisig na hawak ko bago tumalikod at naglakad pababa ng hagdan.
Bakit nararamdaman ni Miko 'yon? Bakit sinasabi niya na wala siyang kwentang asawa? Hindi ba niya alam na . . . hindi ko naman kakayanin ang lahat ng ito kung . . . wala siya?
Sa sobrang hina ko sa araw-araw, pinilit niyang maging lakas ko kahit na nanghihina na rin siya. Wala man lang sumuporta sa kan'ya. Wala man lang siyang pinanghawakan para maging lakas niya . . . maging sandalan niya.
Wala akong nagawa para sa kan'ya.
Ibinalik ko kay Manang ang sisig. "Kayo na lang ho ang magdala, masama po ang pakiramdam ko. Salamat, Manang."
Nakita ko ang malungkot na itsura niya na nakatingin sa akin. Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko saka ngumiti nang bahagya.
"Hija, mabuti kang ina at asawa. Huwag mo sanang isipin na hindi kasi hindi totoo 'yon, hmm? Ginagawa mo ang lahat para sa pamilya mo at bilib ako sa tatag ng loob ninyong mag-asawa." Ngumilit ulit siya bago kinuha ang bowl na may sisig. "O, sige na. Dadalhin ko na ito sa itaas. Magpahinga ka na."
Nang tuluyan nang nakaalis si Manang, naglakad na ako papunta sa k'warto namin ni Miko. Nahiga ako at binalot ang sarili ng kumot, saka ipinikit ang mga mata. Sakto naman na umagos ang mga luha ko mula doon.
Nagising ako nang maramdaman na may humiga sa tabi ko. Pagmulat ko ng mga mata, nakita ko si Miko na bagong ligo at hindi na amoy alak.
"Ohh, sorry nagising ka pa. Tulog ka na ulit," sabi niya nang makitang nakadilat ako.
Lumapit ako sa kan'ya saka siya niyakap. "Samahan mo ako bukas?"
Yumakap siya pabalik bagohinagod ang likod ko. "Saan tayo magdi-date?" pagbibiro niya.
Ngumiti ako nang mapait. "Magpapa-therapy na ako."
Bahagya siyang lumayo sa akin para tingnan ako. "Sigurado ka na? Ayos lang ba sa 'yo?"
Tumango ako. "Na-realize ko kasi, tatlong buwan na akong ganito. Tatlong buwan ka na rin nagsa-suffer sa araw-araw—"
"Huwag ako ang isipin mo. Ayos lang naman ako, Jessy. Ang isipin mo, yung sarili mo."
Tumango ulit ako bago ipinatong ang palad sa kanang pisngi niya.
"Gagawin ko 'to para sa akin, para sa 'yo, at para sa mga anak natin. Magpapagaling ako . . . para maging proud din ako sa sarili ko . . . na naging mabuti akong ina at asawa sa inyo."
Nakita ko kung paano mamula ang mga mata niya. Pinatakan niya ng mabilis at magaan na halik ang labi ko.
"Mabuting ina at asawa ka. Hindi mo lang 'yon nakikita ngayon, pero makikita mo ang lahat ng 'yon kapag naka-recover ka na. Hmm?"
Tumango ako bago humalik sa kan'ya. "Mahal na mahal kita, Miko. I'm sorry for letting you suffer."
Umiling siya. "Mahal na mahal kita—ayos na ako do'n. Hindi mo na kailangan mag-sorry dahil paulit-ulit kong pipiliin 'to kaysa ang magaan na buhay pero wala ka."
Tumango ako. "Mahal na mahal kita."
He smiled. "Mahal na mahal kita."
Hinalikan niya ulit ako nang mas malalim, hanggang sa napunta na siya sa itaas ko at isa-isa nang inaalis ang mga butones ng sleepwear ko.
Sa loob ng tatlong buwan simula nang nanganak ako, hindi pa ulit namin ginawa 'to ni Miko. Kahit sa buong panahon na nagbubuntis ako, hindi rin namin ito nagawa kahit na hindi naman daw bawal. Pakiramdam ko tuloy ngayon, it's the first time that we'll be making love with each other.
Miko and I made sure that I won't get pregnant yet kaya naman naging maingat kami. Hindi pa kami handang sundan ang mga bata lalo na't may PPD pa ako pero susubukan pa rin naming tuparin ang pangarap namin na apat na anak sa susunod na mga taon, kapag maayos na kaming pareho.
Sa ngayon, magpo-focus muna ako sa therapy . . . para makita ko na lahat ng kabutihan na nagawa ko na nakita ng lahat sa akin.
🥁
Mag-a-apat na taon na ang mga anak namin, at sa loob ng apat na taon na 'yon, ang dami na naming pinagdaanan ni Miko.
Ang dami rin naming natutunan.
Habang lumalaki sila, nakikita ko ang pagkakaiba sa ugali nila.
Ang pagiging tahimik pero observant ni Jake ay kabaliktaran ng kadaldalan ni Jade.
Magkamukhang-magkamukha sila kahit magkaiba sila ng gender pero mas matangkad si Jade nang kaunti.
Mahilig kumanta si Jake habang si Jade naman ay puro laro ang gusto.
Friendly sa day care si Jade habang si Jake naman ay lagi lang nakasunod sa kung saan pupunta ang kapatid kaya naman kung sino ang kaibigan ni Jade, yun lang din ang kaibigan ni Jake.
Namana yata ni Jade ang pagiging makulit ni Miko habang namana naman ni Jake ang ugali ni Kuya Dex sa pagiging observant. Feeling ko tuloy, walang nakuha sa akin kung hindi ang magandang lahi ko.
Char!
Pero sa loob ng apat na taon, na-realize ko kung gaano ako ka-selfish bilang anak kina Mommy at Daddy. Kung alam ko lang na ganito kahirap maging magulang, sana nagpakabait na lang ako.
Sana lang, hindi manahin ng mga anak namin ni Miko ang pagiging careless at selfish namin noong kabataan.
Noong nalaman ko na manganganak ako nang kulang sa buwan ang mga bata, tinanggap ko na yung katotohanang hindi sila kasing-lakas ng ibang bata. Hindi sila kasing-tatag ng mga pinanganak na kompleto ang buwan, at tinanggap ko nang marami pang pagsubok ang daraan sa buhay namin.
Tinanggap ko 'yon nang buong puso . . . basta huwag lang silang mawawala sa akin. Kaya kong lampasan lahat basta nasa tabi ko ang pamilya ko.
"Kasi anak, may kasabihan noon na hindi p'wedeng pagsamahin sa iisang bahay ang kambal dahil magkakaroon ng inggitan. Hindi mo ba pansin? Sa tuwing nagkakasakit si Jake, nagkakasakit din si Jade, and vice versa," paliwanag sa akin ni Mommy.
Ngumuso ako bago sumubo ng cake na b-in-ake niya habang ang mga apo niya ay naglalaro sa garden, kasama sina Kuya Dex at Miko. Wala ang asawa ni Kuya dahil may pasok sa trabaho kahit na weekend.
"Saan mo naman narinig 'yan? Naniniwala ka d'yan?" kunot-noo kong tanong.
Tumawa si Mommy. "Totoo kasi 'yon. Ang Lola mo sa Batangas ang nagsabi sa akin ng tungkol d'yan. Hindi ba't may anak akong kambal? Si Dexter at Louisse." Ngumiti aiya nang mapait. "Bago mawala si Louisse, palagi rin sabay kung magkasakit ang dalawang 'yan."
Kung hindi pa talaga ipapaalala sa akin noon ni Mommy na may kakambal si Kuya Dex, makakalimutan ko talaga! Kasi naman, hindi nila madalas pag-usapan. Parang taboo ng pamilya ang tungkol doon, pero simula nang malaman nilang kambal ang dinadala ko noon, lagi na silang nagkukwento ng tungkol sa kung paano sina Kuya Dex at Ate Louisse noong bata pa sila. Hindi raw sakitin pero laging sabay kapag magkakasakit.
Hindi na rin ako nagtataka kung bakit nakabuo kaagad kami ng kambal ni Miko. Nasa genes na pala namin 'yon. 'Yun nga lang, sa lahat ng Domingo, ako lang ang nakakuha. Dami tuloy naiinggit sa akin!
"Suggestion ko lang, pagbabakasyunin mo yung isa kapag nararamdaman mo na yung isa, magkakasakit. Hindi ko sinasabing gawin mo pero pwede namang i-try mo rin. Para hindi kayo nahihirapan ni Miko na dalawa ang inaalagaan. Kaya ko namang mag-alaga ng bata, hindi pa naman ako masyadong matanda."
Nagtawanan kaming dalawa.
Tumingin kami sa labas. Nakita namin ni Mommy na nagbabasaan na ang tatlong chikiting. Yung dalawang isip-bata naman, hawak yung tig-isang hose na pandilig ni Mommy sa garden tapos hinahabol yung mga bata!
Hay, nako!
Nang matapos naming mamasyal sa bahay nina Mommy, umuwi na kami. Naiwan sina Kuya Dex dahil doon daw dederetso ang kan'yang labidabs.
Pagkauwi, naririnig kong umuubo si Jake kaya naman napalingon kaagad ako sa kan'ya. Mukha naman siyang masigla habang kumakanta ng nursery rhyme na hindi ko masyadong maintindihan dahil bulol pa siya, pero sa pagitan ng mga kanta niya, may ubo talaga.
Lumingon ako kay Miko. "Dalhin mo muna si Jade kina Mommy. Doon muna kayong mag-ama."
Napakunot-noo siya. "Bakit?"
Nginuso ko si Jake. "Inuubo. Yung isa kasi d'yan, hinabol-habol tapos nakipagbasaan pa."
Tumawa si Miko bago yumakap sa akin. "Pero bakit dadalhin ko si Jade kina Mommy?"
Nagkibit-balikat ako. "Sabi ni Mommy, try ko raw na sa tuwing magkakasakit yung isa, pagbakasyunin ko muna yung isa sa kanila sa bahay niya para daw hindi nagkakainggitan. Hindi mo ba pansin, kapag magkakasakit sila, palaging sabay? Doon muna kayong dalawa ni Jade."
Napatango si Miko. "Oo nga, 'no?" Humalik siya sa akin. "See you tomorrow, then." Tumango na lang ako.
Nagbuntonghininga muna si Miko bago lumapit kay Jade na nasa couch, nanonood ng TV. Naupo siya sa harap nito.
"Jade, do you want to go back to Lola?" tanong ni Miko sa maliit na boses.
"Why po, Daddy?"
"Lola says you will visit Lolo soon in the office. She wants you to come with her."
Lumawak ang ngiti ni Jade. "Okay, Daddy!"
Pagkatapos n'on, sinukbit na ni Jade ang maliit niyang bag na may lamang milk and milk bottles. Nagpakarga na siya sa Daddy niya bago sila lumapit sa akin.
"Bye, Mommy! See you tomorrow!" Jade said before kissing my cheek.
I kissed her cheek too. "Enjoy your day with Daddy, Lolo and Lola! See you tomorrow, baby! I love you!"
"I love you, Mommy!" Tumingin siya sa kapatid. "Bye, Jake! See you tomorrow!"
Kumaway lang ang kapatid sa kan'ya saka sila hinayaang umalis na mag-ama. Ilang sandali pa, nag-angat ng tingin sa akin si Jake.
"Why po ako hindi kasama?"
Ngumuso ako bago naupo sa harap niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinaglaruan nang bahagya.
"Because you and Jade cannot be together when one of you is sick," I calmly explained.
Itinuro niya ang sarili niya. "And the sick is me?"
I nodded. "Yes. I heard you coughing a few times a while ago."
Marahan siyang tumango. "If Jade was the one who's sick, she'll stay here and I will leave and go to Lola's house?"
I nodded before slightly pinching his cheeks. "Tama po. So that you won't get infected."
Tumango siya. "Mommy, I promise that I won't be sick anymore so that Jade won't have to go."
Napangiti ako nang tipid matapos marinig ang sinabi ni Jake.
If there is one thing that Jake got from the Domingo bloodline, that is the "protectiveness" of him for his sister. For the past four years, while they are growing up, I saw how Jake followed Jade whenever the latter would go anywhere. Sinusundan niya rin ito ng tingin palagi sa tuwing lumalayo sa kan'ya.
Sana lang, huwag niyang makuha ang ugali ng Tito Dex at Tito Trey niya sa pagpoprotekta. Pero, bata pa naman siya. Makukuha pa naman siguro sa paliwanagan hanggang sa nakakaintindi na talaga siya.
After I explained everything to him, pinakain ko na siya ng dinner na luto ni Manang saka pinainom ng gamot. Naglaro pa siya ng kaunti at nanood bago ko siya inihanda sa pagtulog.
"Will we see Jade tomorrow?"
Tumango ako. "Yes po. We'll see her and Daddy tomorrow."
Ngumiti siya nang malawak bago yumakap sa akin. "Okay, then! Good night, Mommy! Sweet dreams! I love you!"
Napangiti ako nang malawak bago niyakap siya nang mahigpit saka kami natulog.
🥁
A year later, I invited all of our friends for the fifth birthday celebration of Jake and Jade. Siyempre, dahil summer season ang birthday ng mga anak ko, naghanda kami ni Miko ng malaking inflatable pool para sa kanila sa garden ng bahay namin. Mabuti na lang at nagkasya!
Habang naghahanda, isa-isa nang nagdaratingan ang mga bisita. Dumating na sina Charisse at Alexis, pati ang anak nila. Even the whole Plugged In band we're present with their children and wife, of course. Siyempre, ang forever Tita na si Kian na kahit tumanda na kami, gwapong bakla pa rin!
Grabe, ang layo na ng narating naming lahat. Nakaka-proud.
Since the kid's party's theme is summer, ang mga chikiting na bisita namin ay nakasuot ng kanilang swimming attire! Nakakatuwa kasi may sirena pa kami, tinalo ang maganda kong anak sa costume!
Pinagsuot namin silang lahat ng party hats habang nakaipon sila sa dalawang cake na ni-bake ni Mommy. Nakatayo naman ang dalawang birthday celebrants sa harap nito habang tumutugtog ang "Happy Birthday".
"Okay, kids! Let's wish them a very happy birthday!" malakas na sabi ko sa mic.
Umulit ang tugtog at sinabayan naman naming lahat. Kinantahan namin ang dalawang anak ko ng happy birthday habang ipinapalakpak ang mga kamay. Magaganda ang ngiti ng dalawa dahil dito.
Matapos nilang kumanta, sabay-sabay silang nagsalita.
"Make a wish! Make a wish!"
Natawa na lang kami ni Miko kasi ang cute nilang lahat! Malikot sila at masakit sa ulo kapag nagsama-sama pero nakakatuwa pa rin.
"Muntik na magsabay-sabay, 'no?" natatawang sabi niya.
Kumapit ako sa braso niya saka pinatong ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman kong humalik siya sa ulo ko habang pinanonood namin ang mga anak namin na nakapikit, sinasabi ang birthday wishes nila sa isip.
Ilang sandali pa, hinipan na nila ang sarili nilang kandila, hudyat na tapos na silang mag-wish. Nagpalakpakan naman ang lahat bago muling nagtakbuhan paikot sa garden.
In-on ko ang mic saka nagsalita. "Okay, stop playing muna! Eat first then after that, you will swim na!!!"
"Yehey!!!" they all said in unison before they fell in line to get their foods.
The children's birthday party were a success, I guess. Mukhang nag-enjoy naman lahat ng bata. Actually, pati mga magulang nag-enjoy din sa pag-swimming. Sa laki ba naman ng inflatable pool na 'yon, kasya talaga sila!
Ang mga kalalakihan naman ngayon ay nag-iinuman na. Kami ni Miko, pinanonood na muna ang mga anak namin na mag-swimming kasama ang mga bata.
Napakunot-noo ako nang makita ang anak ni Kuya Henry na parang kino-corner si Jade.
"What's your name?" he asked.
"Jade. Ikaw?"
Kumunot-noo yung anak ni Kuya Henry. "Jade??? Jade lang???" tanong nito nang nakataas ang kaliwang kilay.
Ngumuso ang anak ko. "Charlotte Jade Jimenez. Ikaw?"
"Charot???"
Humagalpak kami ni Miko ng tawa nang marinig ang inosenteng tono ng pagtatanong ng anak ni Kuya Henry.
"Loko 'to, ah! Pinagti-trip-an yung anak natin!!!"
Kinurot ko siya sa tagiliran. "Ikaw nga, tinawag mo akong Engot!"
"Weh? Tinawag mo nga akong Buraot!"
Nagtawanan kami hanggang sa na-realize namin na parang may iba. Ibinalik naming dalawa ang tingin sa dalawang bata na nagpapakilala sa isa't isa.
"Charlotte sabi!"
Tumawa ang batang lalaki bago naglahad ng kamay. "Ako si Andrew Valentine Flores."
Tumawa si Jade. "Balong!!!"
Humagalpak kami ng tawa ni Miko dahil namana yata ni Jade sa akin ang pang-aasar! Loko talaga ang bwisit!
"Nangangawit na ako!"
Nang humupa na ang tawa ni Jade, tinanggap na niya ang kamay na nakalahad sa harap niya.
"Nice to meet you, Balong!" natatawang sabi ni Jade.
Ngumiti si Val bago nagsalita.
"Nice to meet you, Charot."
Nagkatinginan ulit kami ni Miko bago napangiti.
"May naalala ka ba?" nakangiting tanong ni Miko.
Pumangalumbaba ako saka tumango at ngumiti. "Malinaw na malinaw sa alaala."
Umakbay siya saka hinila ako papalapit sa kan'ya. "Subaybayan natin para hindi na sila maligaw nang landas. Malay mo, sila pala talaga."
Tumawa ako. "Ang babata pa!"
"Tss. Mas matanda lang ako ng kaunti kay Val nang makilala kita. In love na ako sa 'yo noon."
I smirked. "Sa ganda kong 'to, Miko? Dapat lang!"
Nagtawanan kami kasabay ng pag-alala sa kung gaano kami kabata noong unang beses na magkita at magkakilala kami.
Mukhang sa mga oras na 'to . . . may magtutuloy na ng love story na binuo namin.
Mukhang sa mga oras na 'to . . . may isinusulat nang panibagong yugto ng buhay namin.
This time . . . hindi na kami ang bida.
This time . . . kami na lang ang gagabay sa kanila.
Pero kung ano pa man ang mangyari, kung sila man o hindi sa huli, gusto kong malaman nila na walang dapat pagsisihan dahil minsan na silang naging masaya.
Walang dapat pagsisihan dahil natuto naman sila.
Tulad ko.
Tulad ni Miko.
Tulad naming dalawa.
Dito na siguro magsasarado ang mala-television series na kwento ng buhay ko.
Sa susunod na kabanata, panibagong aklat naman ang bubuksan. At panibagong buhay naman ang susubaybayan.
Sana, sa susunod na kabanata, magtapos din ang istorya na pareho silang masaya.
Sana, sa susunod na kabanata, masaya na ang kwento at hindi parang melodrama.
Sana . . . sa susunod na kabanata . . . manatiling masaya ang mga bida.
At sa huli, sana, sa susunod na kabanata, mahanap nila ang taong mamahalin nila hanggang dulo . . . tulad ko.
Nahanap ko ang taong mamahalin ko . . . sa lahat ng magiging buhay ko. At alam ko, ako lang din ang babaemg mamahalin niya sa lahat ng buhay niya.
Ako . . . at si Miko . . . mamahalin namin ang isa't isa sa lahat ng habang-buhay . . . at wala nang iba pa.
❤️❤️❤️
A lot of things has happened in this story before the marriage so if you want to know and have enough time to read it, you can search the story (or my pen name: marisswrites) on Dreame! You can read it for free online and offline! 😍
Thank you so much for supporting A Best Friend's Rule! I hope you enjoyed this little gift I present to all of you. 😊
- m a r i 🌻
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top