Last Chapter
Bella
"HONEY, IBILI MO naman ako ng maraming apples," utos ko sa aking asawa.
Tiningnan naman niya ako na parang nagbibiro-ka-ba look.
"Oh, bakit? Aangal ka? Sumunod ka na lang kung ayaw mong sa lapag mamaya matulog," inis kong sabi.
"Honey, gabi na. Wala na akong mabibilhan ng gano'n," angal pa nito.
"Tss, bahala ka riyan!"
Tumayo na ako upang matulog at tumabi sa mga anak kong sina Walter at Freya nang bigla niya akong hatakin.
Ikinulong niya ako sa mga bisig niya.
"Ano ba, William? Let me go. Ang baho mo. Naligo ka na ba?" naiirita kong sabi. Para kasi akong masusuka sa amoy niya.
"Oo naman, Honey. Nakakailang ligo ata ako sa isang araw," sabi niya.
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at dali-daling tumakbo sa kusina dahil naramdaman kong parang babaliktad ang sikmura ko.
Naramdaman ko naman ang paghagod ni William sa likod ko. Kinuha ko ang laylayan ng sando niya at 'yon ang pinampunas ko sa bibig ko.
"Yuck, Honey, kadiri ka," reklamo nito.
Pero hindi ko siya pinansin.
Bagkus ay nagdiretso lang ako sa kuwarto namin at nahiga. Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni William. Humarap ako sa kanya nagpalit na siya ng damit. Ewan ko pero bangong-bango ako sa kanya ngayon. Parang kanina lang ay sukang-suka ako.
"Honey, bakit ang bango mona ngayon?" nakangiti kong tanong sa kanya. Yumakap ako sa kanya at ganoon din siya.
"Mabango talaga ako. Ewan ko ba sa 'yo kanina at bahong-baho ka sa akin," nakanguso niyang sabi.
"I'm sorry. Ang baho kasi talaga," saad ko.
He kissed me on my forehead at mas hinigpitan pa niya ang pagkakayap sa akin. Ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagbagal ng paghinga niya.
Tumingala ako upang makita ang mukha niya. At nakatulog na pala ang loko. Ewan ko ba kung ano'ng nangyayari sa akin ngayon. Pagkatapos kasi ng honeymoon namin sa Paris, naging ganito na ako pagkauwi sa Pilipinas. Nanlaki ang mata ko dahil sa iniisip ko.
"What the f*ck?! Buntis na naman ba ako?" bulong ko sa sarili.
*****
KINAUMAGAHAN AY nagpunta kami ni William sa doctor upang magpa-test. Mahigpit na hawak ni William ang kamay ko at ganoon din ako sa kanya. Kinakabahan kasi ako sa magiging resulta. Inabot sa akin ng Doctor 'yong pregnancy test kit. Bago ako pumunta sa CR ay lumingon muna ako kay William. Ngumiti lamang ito sa akin.
Mga ilang minuto din bago ako lumabas sa CR at halos hindi mawala ang ngiti ko dahil sa naging resulta. Lumabas ako sa CR at dali-daling yumakap kay William.
"Honey, I'm pregnant," tuwang-tuwa kong sabi sa kanya.
"So magiging kuya at ate na pala sina Walter at Freya," tuwang-tuwa ring sabi nito.
"Yes, Honey at sana baby girl ang lumabas," saad ko.
"Nope, baby boy ang mas gusto ko," reklamo ni William.
Nagtalo pa kami doon hanggang sa sinuway na kami ng Doctor.
"Congratulations dahil you have a new baby," saad ni Doc.
"Thank you po."
Umalis na kami doon pagkatapos naming magpasalamat. Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa market at bumili ng kung ano-ano. Halos walang magawa si William sa dami ng mansanas na binili ko.
Tiningnan ko siya nang masama nang makita kong ibinabalik niya isa-isa 'yong ibang pinagkukuha ko.
"Ano ba? Huwag mo na ngang ibalik. Papansin ka," inis kong sabi.
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin at halikan. "Okay, fine. Basta pahalik ako lagi sa labi ha!" saad nito na nagpapula ng pisngi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top