SC /3/
SC /3/
Isang taon na rin ang nakakaraan simula ng nagpunta kami sa XOXO University para magseminar. Sila Lu ang nagchampion sa Regional Competition. Nananood kami ni Suho Hyung noon para masuportahan sila. Ok naman ang naging laro nila. Si Lu pa nga ang MVP.
"Sehun, ok na ba?" tanong sa akin ni Xiumin Hyung. May Volunteer/Medical Mission sya ngayon kaya sumama kami. Matagal na rin simula ng magkakasama kaming magvolunteer Mission kaya buo kami pwera na lang kay Luhan Hyung.
"Kulang pa yung mga gamot" sagot ko. Nakita kong inaayos din nya yung ibang mga gamot.
"Chennie at Kristoffer dito lang kayo!" sigaw ni Kris Hyung. Sinama nila yung mga anak nila pero yung mga asawa nila may ibang lakad din. Ako? Wala pa eh. Masyado pa kaming busy ni Krystal. Di ko ba nasabi kami na ulit. Sinagot nya ako matapos kong mapatunayan na sya lang talaga ang gusto ko at hindi na ako babalik sa Frat-frat na yan.
"Byrle at Bianca dito lang kayo aalis na tayo, Bea! Hala sige maiiwan kayo!! Susme nakakastressed tong mga batang to" narinig kong bulong ni Baekhyun Hyung bago habulin yung mga anak nya nakikipag habulan din sa mga anak nila Hyung.
"Tito Sehun is everything in place?" tanong sa akin ni Steven, anak ni Suho Hyung. Nakakaintindi sya ng tagalog pero hindi mo sya mapagsasalita ng tagalog. Sa International School ba naman nag-aaral sinong hindi gagaling sa English? Di lang English ang kaya nya pati ibang Lenggwahe.
"Yes, Steven everything is in place but could you get that little box for me?" utos ko sa kanya habang itinuturo yung maliit na box na may lamang mga bulak kaya alam kong kaya nyang buhatin yon.
"Of Course Tito Sehun, ma-la-kas ka sa a-kin eh" nauutal nasagot nya kaya nagulat ako pero napangiti. Kinuha nya yung maliit na kahon at dinala sa akin.
"Saan ka natutong magtagalog? Tanong ko sa kanya, bigla naman syang namula. Sinasabi ko na nga ba eh.
"Umm Tito Sehun dont tell Dad ha? I like someone in school and she told me that if I didn't speak in Tagalog she will not allow me to Court her that's why even though it is very hard for me, I will do my best in order to learn Tagalog." sagot nya. Honest talaga tong batang to, sinasabi lahat ng totoo.Nakita kong papalapit sa amin si Suho hyung.
"Hyung! Nagtatagalog na pala anak mo?" tanong ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nya.
"Yan magtatagalog? Himala na lang yun" natatawang sagot nya sa akin.
"Nagtagalog nga sya" pilit ko pero mas natawa lang sya.
"Yow little Dude your speaking Tagalog huh, Since when?" tanong nya sa anak nya pero hindi sya pinansin nito, sinuntok pa ako bago tumakbo papalapit kay Bryle, panganay na anak ni Baekhyun Hyung.
"Tara na medyo malayo daw yung baryo sabi ni Xiumin " sabi sa amin ni Hannah kaya sumakay na kami sa Van. Kasama rin namin sya, masyado syang naging busy nitong mga nakaraan araw kaya sumama rin sya, pampatanggal stress daw nya. Ok na rin naman yung mga dadalhin namin.
Dalawang oras rin kaming nagbiyahe bago makapunta doon sa baryo na pinili ni Xiumin hyung. Pagkadating namin ay marami ng tao kaya agad kaming nagset up para masimulan na lahat ng kailangang gawin.
Si Lay Hyung ang aming doctor na nagchecheck up sa mga residente dito. Si Dyo, Xiumin, Baekhyun, Suho hyung at Hannah naman ay tinuturuan yung mga batang maliliit tapos nakikisama yung mga anak nila sa pagtuturo. Nangunguna pa nga si Steven kaso pinaupo lang sya ni Suho hyung kasi may nagnosebleed ng bata.
"Sehun Mefenamic nga para kay tatay" sa akin ni Lay hyung kaya kinuha ko yung box ng Mefenamic at inabot sa kanya. Kami nila Tao ang taga-abot ng mga kailangan ni Lay Hyung.
Mahigit tatlong oras rin ang inabot bago namin natapos yung pagchecheck up at pagbibigay ng gamot. Maliit lang naman ito na baryo pero maraming may sakit kaya medyo natagalan kami. Kung ano-ano na ring activities ang nagawa nila Hannah para sa mga bata. Nagkantahan, sayawan, drawing at marami pang iba.
Meryenda na kaya nagluto si Dyo ng Spaghetti para sa mga tao dito. Kasalukuyang inaayos namin ni Hannah yung mga pagkakainan.
"Sehun ok na ba yung nilulu-- Luhan?" sabi ni Hannah tapos naibagsak nya yung hawak nyang.pinggan. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Lu na naglalakad papalapit sa mga tao dito. Anong ginagawa nya rito?
Lumapit sya sa isa sa mga matatanda dito at yinakap ito.
"Tay ok na po pa ang pakiramdam nyo?" tanong nya dito at tumango naman ito.
"Kuyang Pogi!!!" sigaw nung mga bata at lumapit sa kanya para yumakap. Tuwang-tuwa sila.
"Abby ang laki mo na ha!' sabi nya dun sa isang bata.
"Oh ikaw din Klarisse" dun naman sa isa pang bata.
"Tagal mo ng di pumupunta dito Kuya eh" sagot nung tinawag nyang Abby.
Lahat ata ng bata dito kilala nya pati yung mga matatanda.
Tinignan ko si Hannah at nakatulala pa rin sya kay Lu.
"Lu---han" muli ay sabi nya kasabay nun ang pagtulo ng mga luha nya. Lumapit ako kanya at niyakap sya.
"Sehun si- si Luhan ba yon?" tanong nya sa akin pero umiling ako.
"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong hindi?" balik na tanong ko sa kanya. Bukod sa akin, sya ang pinakanasaktan nung mangyari yun.
Humiwalay sya ng yakap at tinignan si Lu na kinakausap nila Kris Hyung.
"Si Luhan sya di ba?" tanong nya ulit.
"Hindi Hannah, hindi sya si Luhan Hyung" sagot ni Dyo sa kanya. Tinignan nya si Dyo at napabuntong hininga. Pinunasan nya ang mga luha nya at bumalik sa ginagawa nya.
Tinignan ko muli si Hannah. Halatang pinipigilan nya yung mga luha nya. Tinignan ko din si Lu, nakikipaglaro sya sa mga batang taga dito.
Naluto na yung niluluto ni Hyung kaya nagsimula na kaming magbigay sa kanila.
"Ang laki na ng batang yan" sabi nung matandang inabutan ko ng pagkain.
"Sino po?" tanong ko sa kanya. Sya ang pinakahuli kong binigayan kaya umupo ako sa tabi nya.
"Ayan, yang batang yan" turo nya kay Lu na kasalukuyang pinapakain yung mga bata.
"Ilang taon na rin ang nakakalipas ng makapunta sya dito. Hindi namin alam kung saan sya naggaling at kung bakit sya napadpad dito sa amin. Mabait yang batang yan. Sa tuwing bumabalik yan dito eh may dalang pagkain at mga gamot. Neto lang namin nalaman na mayaman pala ang pamilyang kinabibilangan nya." paliwanag nya sa akin.
"Natutuwa ako sa batang iyan. Isang beses ay nakwento na may nakikita daw syang isang anghel at may pinababantayan daw ito sa kanya. Iyon din daw ang dahilan kung bakit sya nakarating dito sa amin, hinahanap daw nya yung pinapabantayan sa kanya nung anghel" dagdag nya pa. Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa narinig.
"Sa tingin ko nakita na nya yung hinahanap nya." panghuling sabi nung matanda. Tumingin ako kay Lu at nakita kong nakatingin sya sa amin.
Ngumiti sya.
Tipikal na ngiti.
Ngiting Luhan Hyung.
--------------------------------------------------------------
May nagbabasa pa ba neto???
Comments po!!!
Sa susunod ko na lalagyan ng MM.. tinatamad ako eh -_-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top