Heaven

Heaven

Nagising ako sa isang lugar na napakaganda. Maraming puno at halaman. Napakaganda rin ng mga bulaklak na nakakalat sa paligid. Hindi ko namalayan na sa sobrang pagkamangha ko sa nga nakikita ko ay malayo na pala ang nalakad ko. Nakarating ako sa isang batis. Napakalinaw ng tubig na umagos dito. Tinignan ko ang repleksyon ko sa tubig. Habang tinitignan ko ang mga isda na lumalangoy ay bigla nagiba yung nakikita ko.

May isang puting pahabang bagay at nasa loob noon ang isang tao.

Isang taong kamukha ko.

Patuloy lang ako sa sa patingin sa kamukha ko ng may lumapit sa kanya na isang lalaki. Matangkad ito at walang emosyon ang mukha ngunit mamumula ang mga mata niya at may tubig na pumapatak galing sa mga ito. May ibinigay sa kanyang isang bagay na kulay itim at pinunasan niya yung mga tubig na nanggagaling sa mga mata nya.

"Lu-luhan" nagsimula siyang magsalita pero ramdam kong nahihirapan siya, parang may nakabara sa lalamunan niya.

"Luhan, kung nasan ka man ngayon alam kong masaya ka na dyan. So-sorry sa nga kasalanan ko sayo at Thank you sa pagkakaibigan. Lagi mo kaming babantayan" pagkatapos nyang magsalita ay mas dumami yung nga tubig na napatak mula sa mga mata nya. Inabot nya yung bagay na kulay itim sa isa pang lalaki. Maitim ang  ilalim ng mga mata niya.

 

"Luhan hyung! sabi mo ililibre mo ako ng Gucci sa Birthday ko next year! nakakainis ka naman eh. Gabi gabi akong nagpupuyat para tumingin ng update kung may bagong labas na bag ang Gucci, para sa birthday ko ako ang unang magkakaroon ganun tapos iniwan mo kami? Ang sama mo, lalo tuloy lumalaki ang eye bags ko." Meron ding tubig na napatak galing sa mga mata niya.Pinunasan niya iyon at nagsalita ulit.

 

"Hyung, kung nasan ka man ngayon pakasaya ka ha. Wag mo kaming intindihin dito malalaki na kami, kaya na namin sarili namin." kung kanina may inis yung tono ng boses nya ngayon wala na.

"Salamat sa pagiging kuya sa akin, hindi kita malilimutan" huling sabi nya tapos umupo na sya. May kumuha naman dun sa itim na bagay nga hawak nya.

Tumingala ito at ngumiti.

"Luhan hyung, wag mo akong kakalimutan ha, ako to si Kai. Yung laging nagtuturo sayo ng sayaw, yung laging tulog at yung laging inaasar nyo ng sunog." Ibinaba nya yung ulo nyang nakatinala kanina. Muli nya itong inangat at may tubig na pumatak sa mga mata nya.

"Mamimiss kita, yung paggising mo sa akin kapag nakatingin yung teacher natin, yung pagisiscore natin sa magagandang babaeng nadaan. Naalala mo nung First day natin sa college yung may dumaan na babae tapos iniscoran ko ng 10 kasi Sexy, ikaw naman 3 lang. Kaya pala 3 lang iniscore mo Bakla pala. Alam mo ba hanggang ngayon, hinuhunting tayo nun. Narinig nya pala yung usapan natin Hahaha" natawa siya pero patuloy yung paglabas ng tubig sa mga mata nila.

Sino ba sila?

Sino si Luhan?

"Wag kang mag-alala hindi ako papahuli dun baka marape pa ako ng de oras. Pre salamat sa lahat.Salamat. Isang kang tunay na kaibigan. Bantayan mo kami ha? lalo na ako kapag nakita mo yung bakla na yun na lalapit sa akin, bigyan mo ako ng signal para makaalis ako ha. Salamat hyung" Umalis na sya at may pumalit ulit.

"Mhehehe". tawa nya tapos may bumato sa kanya ng isang puting bagay.

"Ano ba yan Baek bat ka namamato ng tissue? kadiri ka may sipon mo pa ata" singhal nya dun sa isang lalaking bumato nung puting bagay.

"Ayusin mo yang itsura mo baka bumangon lahat ng patay dito dahil sayo". sagot nung lalaking bumato.

"Psst Luhan hyung!" tawag nya dun sa kamukha kong nakalagay dun sa pahabang puting lalagyanan.

"Wag kang babangon dyan ha, wag mong takutin si Tao. Ahh wala akong masabi kasi nasabi na ata nila lahat. Pero sige, nagpapasalamat ako sa lahat ng bagay na naitulong mo sa akin at sa barkada. Salamat, salamat, salamat. Sorry din sa mga kalokohan ko sayo simula nung mga bata pa tayo. Nga pala ako yung nagpasa ng Notebook ko kay Mam. Salvez nung Grade five tayo. Hindi ko naman alam na puro FLAMES nyo ni - sino nga ba yung crush mo nung elementary tayo? Ayun si Pia yung bully dati. Sorry ha akala ko talaga notebook mo sa Science yun eh. Mheehehehe yun lang" sa lahat ng nagsalita sya yung walang tubig na pumapatak galing sa mga mata nya.

"Luhan hyung, sorry kung inagaw ko sa Petra sayo ha? de jokes" panimula nung pumalit dun sa lalaki kanina.

"Wala pala akong inagaw kasi in the first place akin si Petra. Pre thank you sa lahat ha. Sa libreng chibog, libreng pamasahe basta sa lahat. Alam mo narealize ko na dapat, kagaya mo nakikita ko na yung mga maliliit na bagay. Na yung maliliit na bagay pala yung dapat mas pinahahalagahan sa buhay kasi kung wala yung mga malilliit na bagay na yon wala din yung malalaking bagay. Isa ka sa pinakamabuting tao na nakilala ko at nagpapasalamat ako na naging kaibigan kita. Wag kang mag-alala magbabago na ako ngayon. Stick-to-one na ang peg ko. Hahaha. Salamat kaibigan Pagkatapos niyang magsalita ay muli may pumalit.

"Sabi mo sa akin idodownload mo ako ng Waze Map." sabi nung pumalit dun sa lalaki at nagsimulang tumulo yung mga tubig galing sa mata nya.

"Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung pano gamitin tong niregalo mo sa akin nung birthday ko. Tignan mo" may ipinakita siyang isang maliit na parihabang bagay.

"Nakikita mo yung wallpaper ko? Ang ganda di ba? ako nagdownload nyan. Ang ganda ng mga unicorns di ba? Pero ito ang mas maganda" hinawakan niya ang ibabaw ng bagay na iyon at nagiba ang nasa harapan ito. Nasa loob kami ng bagay na iyon.

"Pinapasa ko kay Chen yan, ang ganda kasi ng kuha natin dito. Naalala mo pa ba to? dun to kuha sa barangay nila Nathalie. Ayan oh magkatabi pa nga kayo" may itinuro isang bata mula sa bagay na iyon.

"Wala ng sasama sa akin kapag gusto kong bumalik dun" tumigil sya sa pagsasalita tapos pinunasan yung mata nya gamit ang likod ng palad nya at ngumiti. Nagkaroon tuloy ng maliit ba butas dun sa pisngi nya.

"Sabihin mo kay Bro, sabi ko alagaan ka nya dyan ha. Damay mo na rin kami sabihin mo bantayan nya kami alam kong close na kayo ni Bro kasi mabait kang tao eh. Yun lang mamimiss kita."

"Sorry kung tinawag kitang bakla dati ha? Walang multuhan ha Luhan nako sinasabi ko sayo. Kung nasan ka naman ngayon sigurado akong masaya ka na. Maganda ba dyan? Sabi kasi mga librong nababasa ko Langit daw ang pinakamagandang lugar sa lahat. Siguro nga maganda dyan. Salamat sa lahat Pre. Salamat. Walang kalimutan ha!" sabi ng isang napakaputing lalaki. Malungkot ang mukha nya. Inabot niya yung itim na bagay na kanina pa nila hawak dun sa isa pang lalaki. Lalaking Malaki ang mga mata.

A/n: Alabyu Kyungsoo! wag mong pansinin yung description ko sayo kasi totoo yan >_<

"Ehem, pano ko ba sisimulan to? Ayokong umiyak kasi alam kong ayaw mo ng nakakakita ng umiiyak. Pero alam mo habang naaalala ko lahat ng masasayang araw na kasama ka namin dito, hindi ko mapigilan ang mga luha ko." Nagsimula ng tumulo yung mga tubig galing sa mata nya.

"Hindi ko mapigilan na wag umiyak kasi isa ka sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Yung mga ala-ala nating magkakaibigan isa yun sa mga kayamanan ko. You know what? I consider myself a Very lucky person. Why? Because I have all of you. I have friends that stays by my side no matter what happen." alam kong ibang lenggwahe na ang sinasabi nya pero naiintindihan ko at yun ang pinagtataka ko.

 

"Thank so much for everything. I will never forget you Luhan. You, Luhan the Great Taster of my Dishes." pagkatapos niya ay may pumalit sa kanya. Isang mataba ang pisngi.

"A Person like you will never forget and should never be forgotten. Ako yung isa sa mga pinakaclose mo sunod kay Sehun. Sayo ko nalalabas lahat ng hinanakit at sama ng loob ko. Sayo ko rin sinasabi ang mga sikreto ko na hindi mo ipinagkalat. Alam mo ba? sa tuwing nakikita kitang masaya, sumasaya rin ako. Naalala mo nung naghuhugas tayo ng nga pinagkainan dati dun sa barangay, yung nagsabi kang na masaya pala ang tumulong? Honestly, ganun din ang nararamdaman ko nung nga panahon na yon. Nung nakita ko yung mga ngiti nung mga bata ang saya sa pakiramdam. Kaya nga kapag nabalik ka dun lagi akong nasama kasi gusto ko uling tumulong. Isa ka sa mga inspirasyon ko ngayon. Di ba nagapply tayo dun sa isang Volunteer mission sa America? Kahapon may nagpadala sa akin ng sulat at ang sinasabi dun ay isa tayo sa mga napili nila bilang volunteer. Kaso nangyari to, pero para sayo tutuloy ako. Ikukwento ko sa kanila ang kabaitan mo. Thank you Luhan for being a Great Inspiration. I will miss you My Eating Buddy"

 

"Tangina mo" umpisa nung pumalit dun sa lalaki na nagpatawa sa mga kasama nya.

" Alam mo ba na isa sa pinakamahal na dyamante sa mundo ang luha ko tapos inaaksaya ko ngayon. Alam mo ba yun ha? Tangina mo kasi. Kahit anong pigil ko sa kanila wala, napatak pa rin sila. Hindi ka naman importante sa akin bakit ganto ako makaiyak. Nawala lang naman yung taong hindi ako pinapabayaan. Yung taong laging nandyan para sa akin, para sa aming nga kaibigan nya. Sabihin mo nga hindi naman importante yung nawala di ba? Napakadaya mo, inunahan mo kami. Di nangako tayo dati na sa lahat ng pupuntahan natin dapat sabay-sabay tayo? Bat nauna ka? ha Selfless ka talaga. Inuuna mo ang kapakanan ng iba bago ikaw. At alam mo nakakainis yun kasi ako hindi ko pa nagagawa yun. Laging ako nung naliligtas sa mga kapahamakan pero gusto ko ako yung magligtas. Hindi sa nagmamarunong ako, gusto ko lang maranasan yung sayang nararamdaman mo kapag nakakatulong ka." pinunasan niya ang mga mata niya na basa dahil sa mga tubig na nanggaling sa mga ito.

"Ayoko ko na ng puro kalokohan, kung pwede ako na lang proxy ni Luhan dyan sa Volunteer mission na yan." Lumapit sya dun sa puting lalagyanan at hinawakan ang ibabaw nito.

" Pakabait ka dyan para hindi ka pabalikin ni Bro dito sa lupa. Salamat Luhan hyung, First time kitang tinawag na hyung.Salamat sa Lahat" umalis na sya pero bumalik ulit.

"Nga pala may atraso ka pa sa akin, minura mo ako nung huli tayong nagkita kaya gaganti ako ngayon Pakyu ka Trenta Luhan.". umalis na talaga siya ng tuluyan. Matagal bago sya napalitan.

Bakit malungkot sila?

Bakit sa tuwing nagsasalita sila ay may tubig na napatak galing sa mga mata nila?

May tumayo lalaki malapit dun sa puting lalagyan. Walang emosyon yung mukha niya pero ramdam mong malungkot sya.

"Luhan Hyung" nagsimula syang magsalita kasabay nun ang pagpatak ng mga tubig sa mga mata nya.

"Sorry kung hindi ako nakinig sayo noon, edi sana buhay ka pa ngayon. Sinisisi ko ang sarili ko alam mo ba yun? Dapat kasi talaga nakinig ako sayo. Wala akong kwentang kaibigan no?. Ang sama-sama ko. Ang sama-sama ko." pagkasabi nya nun ay mas lumakas yung ingay sa paligid.

Bakit ganon parang gusto ko syang puntahan at yakapin.

Naaawa ako sa kanya.

Ayokong nakikita na may napatak na tubig mula sa mga mata niya.

"Salamat sa pagiging Kuya sa akin. Salamat sa lahat ng advice, idea at salamat sa lahat ng batok para magising ako sa katotohanan na mali yung ginagawa ko. Salamat sa lahat. Hindi kita malilimutan hanggang sa huling hininga ko. Paalam Bestfriend" pagkatapos nyang sabihin yun ay tinulungan sya iba para makabalik sa upuan nya. May babae namang pumalit kanya.

 

"Kuya Luhan, ang daya mo sabi mo sasamahan mo akong magexam sa UP. Pano na wala na akong kukuhanan ng inspirasyon? Kuya thank you po kasi hindi mo ako nakalimutan kahit na gusgusin ako dati haha, Salamat sa lahat ng tulong na ibinigay mo kahit na hindi mo ako kaano-ano lagi kang nandyan para sa akin. Salamat Kuya namimiss kita." pagkatapos nya ay may tumayo ulit na babae. Hawig nya yung una pero mukhang mas bata yung nauna. Ang ganda nya. Hindi ko alam kung ano yon pero may mabilis na nagalaw sa dibdib ko. Napahawak ako doon.

"Bakla, naalala mo pa ba ako? Ako to si Hannah, yung Tomboy mo. Nakabalik na ako Bakla. Bumalik ako para sayo. Sabi mo pagbalik ko dadalhin mo ako sa pinakamagandang lugar na nakita mo. San ba yun Bakla? Nakakainis ka naman eh hindi mo na nga ako sinundo sa airport, iniwan mo pa ako. Bakit ka ganyan ha? tumigil sya at pinunasan ang mga mata nya.

"Naalala mo pa ba to? hinawakan nya yung bagay na nakasuot sa kanya.

"Ito yung couple shirt na binigay sa atin nung second year tayo, dun sa Marriage Booth. Alam mo ba yun yung pinakamasayang araw sa buhay ko. Matagal na kasi kitang Crush since elementary pa tayo. Kaya nung ikinasal tayo dun sa Marriage Booth kahit kunyari lang ang saya ko nun. Yun din kasi yung unang beses na pinansin mo ako. Ang saya saya ko nun tapos ito" itinaas niya ang kamay niya at may nakalagay na maliit na bagay sa pang-apat niyang daliri.

"Sout ko pa rin yung singsing natin nun kahit medyo nawala na yung kulay. Mahalaga kasi to sa akin. Ito yung nagpapaala na asawa na kita hehehe. Mahal na Mahal kita Luhan. Thank you for making my life colorful. Your Hannah will bever Forget you. Bakla I Love you."

Pagkatapos niyang magsalita ay biglang uminit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Unti-unti ng nawawala yung imahe mula sa batis.

"Na-na" hindi ko alam pero kusang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yan. Parang kilala ko silang lahat, lalo na yung huling nagsalita.

"Kilala mo sya?" tanong ng isang tinig kaya napalingon ako. Nakita kong nakatayo sa gilid ko ang isang lalaking nakaputi.

 

"Umiiyak ka?" muli ay tanong nya. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng umiiyak pero kusang umangat ang kamay ko para hawakan ang pisngi ko.

 

Basa

Basa ang pisngi ko dahil sa tubig na nanggaling sa mga mata ko. Iyak? yun ba ang tawag sa paglabas ng tubig mula sa mga mata. Bakit lahat ng taong nakita ko kanina ay umiiyak?

 

“Sino ba sila?” tanong ko sa kanya. Tinignan nya yung imahe sa batis.

“Sila? Sila ang mga pinakamahalagang tao sayo” sagot niya.

Pinakamahalaga?

"Nasan ako?" tanong ko uli sa kanya. Ngumiti sya at bumuntong hininga.

"Nandito ka sa pinakamagandang lugar sa lahat" nakangiting sagot niya. Naalala ko yung sinabi ng lalaki kanina.

Langit

Ito na ba yung langit? Bakit ako nandito?

"Nandito ka sa Langit dahil tapos na ang misyon mo sa lupa. Halika naghihintay na sya sa muling pagbabalik mo". sabi nya at inakay na ako papunta sa kung saan.

--------------------------

Sorry hindi po ako marunong magsulat ng Eulogy eh pagpasensyahan nyo na.

 Lame  ata >_<

Whaaa 1000 reads na sya NakakaiyakTT^TT Hehe

Salamat po sa lahat ng nagbasa, nagvote at nagcomment.

I really appreciate it.

Epilouge pa po ito. Dun malalaman ang dahilan ng pagkamatay nya ^_^

 

Any idea why Luhan died?

 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top