6th Minute

6th Minute

"Wag kang kabahan" sabi ko kay Sehun. Kanina pa sya naglalakad ng pabalik-balik sa harapan namin at ako ang nahihilo sa ginagawa nya.

"Thorry, firth time ko to eh, thaka baka baka--". hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya, binato sa kanya yung chocolate na hawak ko. Masyadong kabado ang lalaking ito.

"Wag kang maisip ng kung ano-ano for sure OO ang sagot sayo nun" payo ni Suho sa kanya. Tumigil sya sa paglalakad ng pabalik-balik at umupo sa tabi ni Tao.

"I'm sure basted ka" out of the Blue na sabi ni Kris. Napaangat tuloy ng tingin si Sehun, maski kami napatingin sa kanya dahil sa sinabi nya.

 

"Oy wag ka ngang ganyan, kita mo ng kinakabahan yung bunso natin kung anu-ano pang sinasabi mo" biglang singit ni Chen. Lumapit sya kay Sehun at niyakap ito "Wag kang mag-alala kapag binasted ka nya ako na lang sasagot sayo" dagdag nya pero inalis lang ni Sehun yung mga kamay Chen na nakayakap sa kanya at tinignan ito ng masama.

"Sungit mo naman, ikaw na nga tong kinocomfort ayaw mo pa, sana nga bastedin ka ni Krystal" pang-aasar ng isip bata na si Chen kay Sehun, pero mas sumama lang ang tingin ni Sehun.

 

"Chen, tigilan mo na si Sehun" sabi ni Baekhyun kay Chen.

"Palibhasa may LabLayp ka kaya ka ganyan" sagot ni Chen kay Baekhyun.

"Wala na akong magagawa dun GWAPO eh" sabi ni Baekhyun at talagang pinagdiinan pa yung salitang Gwapo.

"Gwapo ba kamo? baka GAGO" pang-aasar ni Chen, sumingkit naman ang mata ni Baekhyun.

"Ano sabi mo?" maanggas na tanong ni Baekhyun kay Chen.

 

"Hindi ka Gwapo, GAGO ka, kaya dala-dalawa syota mo, sabihin ko kaya sa syota mo na may shota ka pang isa nu kaya kalalabasan nun? Live action! masaya yun! parang batang nagiimagine si Chen habang si Baekhyun asar na asar.Siraulo yan eh Timer. Sya yung parang Bakla sa amin sya pa ang timer.

"Sige subukan mo lang" panghahamon ni Baekhyun, tumayo na rin sya sa kinauupuan nya pero hinala sya paupo ni Chanyeol.

"Tama na nga yan para kayong mga bata, college na tayo ganyan pa rin kayo" pangaral ni Chanyeol. Nasa seminaryo sya at ngayon lang pinayagang makalabas. Sakto naman debut ni Krystal kaya napagpasyahan na lang naming doon na lang magreunion. Opo magpapari sya. Tama ka ng Basa. Dapat kasama si Chen kaso natakot sa mga madre kaya umayaw.

"Ayan nangangaral na si Father! Amen" pang-aasar ni Kai kay Chanyeol.

 

"Gago tigilan mo ako" sagot ni Chanyeol kay Kai, lumaki naman yung mata ni Kai sa sagot ni Chanyeol.

"Hala si Father nagmumura, lagot ka bawal yan" pangaalaska pa rin ni Kai with matching hand gesture pa kala mo bata.

 

"Tigilan mo nga ako di pa ako Pari kaya pwede pa akong magmura tsaka wala ako sa seminaryo kaya pagbigyan mo na ako" saad niya tapos sumandal sa sofa at pumikit. Ayaw naman nya talagang magpari pero No Choice sya eh.

"Hoy Dyo anong nginingiti-ngiti mo dyan ha?" tanong ni Lay kay Dyo na kasalukuyang nakatingin sa selpon nya at nakangiti, pustahan tayo kalandian yan kaya ganyan makangiti.

 

"Nagtxt si Lala" masayang sagot nya pero hindi pa rin inaalis yung tingin sa selpon nya. Sabi. sayo eh.

"Lala? sino yun?" tanong ni Kai, nakakunot pa ang noo.

 

"Hindi mo kilala si Lala? shota ni Dyo yun" sagot ni Xiumin sa tanong ni Kai. Sinuntok naman ni Kai si Dyo.

"May shota ka na pala di mo manlang sinasabi sa akin"  may himig ng pagtatampo sa tono ng boses ni Kai, nilingon sya ni Dyo.

"Wala akong shota" nakakunot ang noong sagot ni Dyo kay Kai.

"Walang shota? Eh sino uung Lalang sinasabi nila? Ha?" sunod sunod na tanong ni Kai pero inirapan lang sya ni Dyo.

 

"Hindi pa kasi ako tapos, wala akong shota GIRLFRIEND meron, wag nyo akong ginagaya sa inyo na Short time lang ang mga relationships" mayabang na sagot nya at ibinalik yung tingin sa selpon nya at nagtxt ulit.

"Aray ha bumabanda dito tagos pa" sabi ni Baekhyun.

"Kris labas na kayo dyan magsisimula na party" sabi nung Tita ni Kris. Nandito kami sa bahay nila Krystal kasi nga diba Debut nya at imbitado kaming lahat. Tapos si Sehun ngayon na din itatanong kung pwede na nyang maging Girlfriend si Krystal.

Pagkababa namin ay marami ng tao. Lumapit ako kay Sehun at inakbayan sya.

 

"Kaya mo yan" pangungumbinsi ko sa kanya.Halata pa rin sa mukha nya na kinakabahan sya.

"Nandito lang kami sa likod mo" dagdag ko pa nginitian ko sya tapos ngumiti sya pero halatang pilit.

"Let us all Welcome the Debutant Krystal!" anunsyo nung MC sa debut ni Krystal. Lahat kami ay nakatingin sa itaas. Hinihintay namin syang bumaba. Pagkakita namin sa kanya ay nagpalakpakan kami. She's stunning wearing a beautiful Red gown. Sobrang ganda nya ngayon. Tinignan ko si Sehun at nakatulala siya kay Krystal. Hindi nya maalis ang tingin dito habang nababa ito ng hagdan.

Nung nasa dulong step na si Krystal ay inalalayan sya ni Sehun na bumaba. Napuno naman ng pang-aasar ang buong paligid at pareho silang namula.

 Kagaya ng isang Debut, yung mga sermonyas nun ay ginawa nila. Syempre una yung 18 Roses. Unang sinayaw ni Krystal yung Papa nya tapos yung kapatid nyang panganay tapos yung bunso. Sumunod yung mga katropa nya tapos kami. At dahil madami kami sakop na namin yung 18 roses nya.Ok lang naman daw, close naman kami eh. Una ng sinayaw si Kris, sumunod si Lay, Xiumin, Tao, Chanyeol, Baekhyun, Dyo, Suho, Kai, Chen tapos ako. Ang last dance nya ay si Sehun.

Habang nagsasayaw yung dalawa ay sweet na sweet sila. Dumadamoves yang si Sehun.

 Matapos ng last dance, pinagpatuloy yung iba pang 18. 18 Candles, 18 Gifts, 18 Wishes at kung ano ano pang 18. Pagkatapos nun eh kainan na.

Nagkaroon ng Speech ang mga magulang at kapamilya ni Krystal. Nagbigay ng mga payo, paalala at kung ano-ano pa. Sinamantala naman ni Sehun ang pagkakataon na yun para itanong yung tanong nya. Alam ng magulang ni Krysyal yung gagawin ni Sehun at pumayag naman sla after all matagal ng nanliligaw si Sehun, hinintay nya talaga tong araw na to, yun kasi ang sabi ng Papa ni Krystal. Papayagan lang nya itong magkaboyfriend kapag 18 na ito.

 Kinuha ni Sehun yung mic mula dun sa Tita ni Krystal, yun kasi ang huling nagsalita. Nakaupo si Krystal at nasa harap nya si Sehun. Kinuha ni Sehun yung kamay ni Krystal at hinalikan ito. napuno naman ng Ayiee ang buong paligid.

 "Ehem" panimula ni Sehun.Kita ko pa rin na kinakabahan sya.

 "I'm sorry I'm not really good at this, actually its my first time to do this but I'm trying ok spare me" wow ganto ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Nawala ang lisp nya at nakapagstraight english din.

 "Ok first of all I want yo greet you a Happy Birthday" tiningnan nya si Krystal at ngumiti iyo sa kanya. "Just like what they wish for you I also want you to take care of yourself, study hard and if you encounter problems just call my name and Ill help you no matter what it is" umubo si Sehun bago ulit magsalita.

 "You know what? youre the most beautiful person I've ever known next to my mom. The first time I saw you having an arguement with Kris that time, I felt like your in slow motion, yeah I know it sounds gay but whenever I see you I see hearts everywhere and my heart was beating fast thats why I promise my self that you'll be mine someday. I know I'm childish, stubborn and immature but for you I'm willing to change" tumingin si Sehun sa mga magulang ni Krystal at nakita naming tumango yung Papa nya. Lumuhod si Sehun sa harap ni Krystal, si Krystal naman halatang nalilito sa mga nangyayari.

 "Krystal Jung let me rephrase what I've said earlier. Krystal can I be the one who would take care of you? Can I be the one who would love you forever? Krystal Can you be my GIRL? " tanong ni Sehun kay Krystal.Sunod sunod ang pagpatak ng luha ni Krystal at tumingin ito sa mga magulang nya, parang nagtatanong.

 "Choose what your hearts says Sweetie" ssbi nung Mama nya tapos tumango si Krystal.

"Yes Sehun I want to be your girl" pagkatapos sabihin ni Krystal yun at naghiyawan at palakpakan yung mga bisita maski kami. Tumayo si Sehun mula sa pagkakaluhod at niyakap si Krystal.

 Naalala ko tuloy nung una ko syang makilala, totoy pa sya, walang muwang sa mundo pero ngayon gumagawa na ng hakbang para sa kinabukasan nya. Masaya ako para sa kanya.

---------------------------

Boom Panes HAHAHA

Dinugo ako sa haba ng English na sinulat ko. Sorry kung wrong grammar mahina ako dyan eh >_<

Wala kasing F7 ang utak ko para automatic na maayos yung grammar na ginagamit ko.

 

Anyways nakakatuwa may  nagvovote sa story na to nakakatouched. Tapos yung iba inaadd sa RL nila at nagcocomment pa.

Salamat po sa mga sumuporta TT^TT Nakakaiyak... Malapit na rin syang mag 500 reads HUHU.

Ang drama ng awtor netong kwento na to ang sarap itapon sa Ilog Pasig =_=

 

Sarreh mababaw talaga kaligayahan ko eh ...

Malapit na po syang matapos mga ilang Chapters na lang Short Story lang po ito eh..

 

Yun lang Nobela na naman tong message ko..

 

P.S: Ako si Lala yung GIRLFRIEND ni Dyo Hue Hue..

Angal ka? Sumbong mo sa Kapitan nyo =_=

------------------------- 

Dedicated sayo Natutuwa kasi ako lahat ng chapters dito vino-vote mo ^_^ Salamat....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top