5th Minute

5th Minute

"Luhan kunin mo nga to!!" sigaw ni Chen sa akin. Naiinis na ako kanina nya pa ako inuutusan kaya naman nyang gawin. Bumuntong hininga muna ako bago lumapit sa kanya, baka kasi mamaya masapak ko lang sya madagdaggan pa yung parusa namin. 8:30 pa lang ng umaga at nandito na kami sa isang barangay na malapit sa school at naglilinis. Ito yung parusa namin dahil nahuli kami kahapon na magcucutting. First offense pa lang daw kaya community service lang ang parusa namin pero sa susunod daw suspension na.

"Akin na!!" inis na sabi ko sa kanya at kinuha yung sakong hawak nya. Kapag ako di nakapagpigil sya ang ilalagay ko dito eh. Nilagay ko yung nakuha kong sako dun sa tabi ng mga naunang sako.

"Tao ayun pa oh kanina ko pa sinasabi sayo eh!!" sigaw ni Baekhyun kay Tao na kasalukuyang nagpapahinga.

"Saglit lang Baek" sabi ni Tao pero nagalit si Baekhyun.

"Walang saglit-saglit, pare- pareho tayong napapagod mamaya na magpahinga!" himutok nya tapos nagwalis ulit, si Tao naman nagsimula na rin magwalis.

"Wag mo dyan ilagay yung mga dahon, dun sa plastic na yon oh, doon mo ilagay!" sabi ni Suho kay Chanyeol napakamot naman sa tenga nya si Chanyeol.

"Guys Chill lang, mainit na nga yung sikat ng araw sumasabay pa ulo nyo" sabi ni Xiumin habang isinisiksik yung nga nakuhang basura dun sa sako. Pero walang pumansin sa kanya.

"Ok guys makinig muna!!" sigaw ni Mam Principal sa amin kaya napatigil kami sa ginagawa namin at napatingin sa kanya.

"Pagkatapos nyong maglinis ay pupunta kayo sa barangay at magluluto para sa mga batang nandun tapos tuturuan nyo sila" sabi nya na nagpasigaw kay Kris.

"What! No Mam its a big NO, I don"t like Kids" sabi nya kaya napacross arm si Mam Principal.

"Choose Mr. Wu you will teach those children or suspension?" mataray na tanong ni Mam na mas nagpainis kay Kris.

"Fine!" sarkastikong sagot nya kay Mam tapos bumalik sya sa paglilinis.

"Matagal pa ba yan?" Tanong ko kay Dyo, saya kasi ang nagprinsintang magluto ng sopas. Ang daming bata dito ngayon at ang dami din ng niluluto ni Dyo kaya ang tagal maluto.

"Saglit na lang to" sagot nya tapos tinikman nya yung niluluto nya. "Ihanda nyo na yung mga mangkok" dagdag nya tapos muling hinalo yung sopas. Lumabas muna ako kasi mainit sa loob, naayos na rin namin yung mga pagkakainan ng mga bata. Paglabas ko nakita kong naglalaro yung iba. Nagbabasketball sila Chanyeol,Kai, Sehun at Tao kasama yung ibang batang lalaki. Si Baekhyun, Sehun, Xiumin at Suho tinuturuang magbasa yung mga batang babae at yung mga maliliit na batang lalaki. Si Kris mag-isa dun sa sulok may nanggugulo tuloy sa kanyang batang babae pero pinapaalis nya. Si Chen naman nilalaro yung iba.

"Whaaaaa!" Rinig kong iyak ng isang bata kaya hinanap ko at nakita kong naiyak yung batang babaeng nangungulit kay Kris pero wala syang pakielam. Lumapit ako sa kanila.

"Kris bat mo pinaiyak?" Tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot.

"Tahan na shhh" alo ko dun sa batang naiiyak pero nung makalapit ako sa kanya eh tinuro nya si Kris.

"Inaway ka nya? Anong gagawin natin sa kanya ha?" Tanong ko tapos binuhat ko yung bata pero nagpumiglas sya kaya ibinaba ko baka mahulog eh. Pagkababa ko sa kanya eh tumakbo sya kay Kris tapos itinaas yung dalawa nyang kamay magpapakarga ata.

"No" sabi ni Kris habang nailing, mas lalo tuloy umiyak yung bata.

"Kris buhatin mo na lagot tayo kay Mam" sabi ko sa kanya. Buti at binuhat na nya kaya tumahan na yung bata.

"Guys handa na yung pagkain!!" sigaw ni Dyo kaya lahat napatigil sa ginagawa nila at tumakbo papalapit sa kanya.

"Kuya wala pa po ako" sabi nung isang bata sa akin tapos hinila yung laylayan ng T-shirt ko. Pagkalingon ko ay nakakita ako ng isang batang babae siguro mga 4 years old.

"Kuya nagugutom na po ako" ulit nya.

"Ha?" Sabi ko. May naalala ako sa kanya. Hawig nya si

"Hannah?" Tawag ni Sehun dun sa bata, naramdaman kong mas napakapit yung bata sa T-shirt ko kaya binuhat ko na lang sya.

"Hannah bat lumiit ka?" Tanong nya ulit tapos lumapit sya sa amin.

"Ano ka ba Sehun maliit talaga sya kasi hindi sya si Hannah" Sabi ko kay Sehun tapos kinuha yung mangkok may pagkain na dala nya. Dinala ko yung batang hawig ni Hannah dun sa bakanteng upuan sa dulo at pinakain sya.

"Masarap ba?" Tanong ko tapos pinunasan ko yung bibig nya, tumango naman sya.

"Sino po nagluto ng sopas kuya?" Tanong nya sa akin, iniligpit ko naman yung pinagkainan nya bago sumagot.

"Si Kuya Dyo" sagot ko.

"Sino po si Kuya Dyo?" Tanong nya ulit, tinuro ko naman kung sino si Dyo. Pagkatapos kong ituro kung nasaan si Dyo ay bumababa sya sa kinauupuan nya tapos tumakbo sa direksyon ni Dyo. Nakatalikod si Dyo kaya hinila nya yung laylayan ng T-shirt nito, humarap si Dyo tapos may sinabi sya na nagpangiti kay Dyo. Nakita ko na lang na hinihila nya paupo si Dyo, ng makaupo na ito ay hinalikan nya ito sa pisngi at tumakbo pabalik sa akin.

"Ang sweet mo naman" sabi ko pagkabalik nya, umupo sya ulit sa upuan nya kanina.

"Sabi po ni Nanay magpasalamat daw po ako sa mga tumutulong sa amin" lumapit sya sa akin tapos hinalikan din yung pisngi ko kaya nagulat ako pero napangiti rin.

"Salamat kuya sana po bumalik ulit kayo dito" nakangiting sabi nya, bumaba ulit sya at tumakbo dun sa mga kalaro nya.

"Makangiti wagas ah" komento ni Xiumin sa akin, kami yung naghuhugas ng mga pinagkainan nila. Hindi pa rin kasi ako makaget-over dun sa bata kanina kaya eto nakangiti pa rin ako.

"Ang saya pala ng ganto no?" Tanong ko sa kanya.

"Anong masaya sa paghuhugas ng maraming mangkok ha?" Sarkastikong tanong nya sa akin.

"Hindi, yung tumulong sa iba masaya pala. Kaya palagustong-gusto ni Hannah na tumulong kasi masarap sa pakiramdam" nakangiting sagot ko sa kanya.

"Sus miss mo lang si Hannah kaya ka nagkakaganyan" nag-aasar na sagot din nya saakin.

"Promise masaya" sabi ko na lang sa kanya at pinagpatuloy ang paghuhugas.

Gabi nang matapos yung pakikipaglaro at pagtuturo namin dun sa mga bata sa baranggay na yun. Masaya talaga ako. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon.

"Salamat po mga kuya!!" sabay-sabay nilang sigaw. Pauwi na kami at nagpapaalam na sila.

"Kuya balik ka dito ah" biglang lumapit sa akin si Nathalie. Sya yung batang kamukha ni Hannah.

"Oo naman Nat-nat babalik ako para sayo" sagot ko sa kanya tapos umupo ako para magkalevel kami tapos ginulo ko yung buhok nya pero niyakap nya ako. Kaya nikayakap ko na lang din sya.

"Whaa!" rinig namin may umiyak kaya napahiwalay ng yakap sa akin si Nathalie.

"Kuya Kriss!!" tawag nung bata na kaninang nangungulit kay Kris habang naiyak. Binuhat naman sya agad ni Kris.

"Babalik si Kuya promise" sabi nya habang pinapatahan yung bata, pero mas lalo lang itong umiyak.

"Ayaw huhuhu dito ka lang huhuhu" sabi nito.

"Mae kailangan ng umuwi ni Kuya Kris, kailangan na rin nating umuwi hinahanap na tayo ni Nanay" sabi ng isang babae at kinuha yung bata mula sa pagkakakarga ni Kris pero ayaw sumama nung bata.

"Ayoko ate kay Kuya Kris lang ako!" sigaw nya habang nagwawala.

"Bukas babalik si Kuya promise, magpapaalam lang ako sa Mommy ko na pupuntahan kita dito" pangungumbinsi ni Kris at mukhang nakumbinsi yung bata kasi tumahan ito. Sumama sya sa ate nya pero bago umalis si Kris ay hinalikan nya yung bata sa noo.

Nagpaalam ulit kami sa mga bata at umuwi na. Isa ito sa mga pinakamasayang araw sa buhay ko.

--------------------------

Updated ^_^
Tapos na exams Parte Parte na!!

Salamat po sa lahat ng nagbabasa neto at sa mga nagvote ^_^

-----------------------------------------------

Hi Ate!! Thank you po sa pagbasa sa Smile Again HAHAHA 

Tinatamad akong mag-update kaya idededicate ko na lang sayo to ^_^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top