4th Minute
4th Minute
"Sabi ko naman kasi sayo eh wag na tayong tumalon eh" paninisi ni Chen kay Kai. Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang Guidance Office kasi nahuli kaming magcucutting.
"Eh bakit ako lang sinisisi mo isa ka rin naman sa mga natuwa nung isuggest ko na magcutting tayo ha!" Asik ni Kai. Tama nga naman sya, kasalanan namin lahat kasi pumayag kami sa sinabi nya kanina. 3rd year na kami at sa tanang buhay ko ito ang unang pagkakataon na maguguidance ako.
"Tama na nga yan wag na tayong magsisihan pare-pareho tayong may kasalanan dito" sabi ni Dyo may sugat sya sa pisngi, nadulas sya at sya kasi ang dahilan kung bakit kami nahuli.
"Hindi naman tayo mahuhuli kung di ka nadulas eh" paninisi ni Tao kay Dyo.
"Gago sinipa mo kaya ako!" sagot naman ni Dyo, pumagitna na si Suho kasi alam na nya ang susunod na mangyayari.
"Tama na wala ng sisihan di ba?" Sigaw nya malapit na rin kami sa Guidance office. Kinakabahan ako.
"Yan kasing malaking mata na yan eh" bulong ni Tao pero narinig namin.
"Oh talaga? tulong ka muna" pang- aasar ni Dyo mas lala pang nagpa-asar kay Tao.
"Anong kalokohan to? ha? napakaganda ng mga records nyo lalo na ikaw Mr.Kim Jong Dae isa ka sa mga nasa listahan para maging Valedictorian next year then magcucutting ka aware ka bang makakasira yan sa pangalan mo?" naiinis na tanong nung principal namin kay Chen.
"Eh Mam sabi po nila may bago daw pong kainan dyan sa labas eh hindi ko pa po napupuntahan tsaka Mam nagsasawa na po ako sa mga binebenta sa canteen kaya pumayag akong magcutting kami" sagot ni Chen. Ang galing talaga nito gumawa ng Alibi eh no.
"What! Just for that? pwede naman mamayang hapon ha o kaya sa sabado o linggo ang dami pang oras at araw para puntahan yun Mr. Kim" sabi ni Mam Principal. Umuusok na rin yung tenga at ilong nya.
"Haha" mahinang tawa ni Sehun. Katabi ko sya kaya siniko ko. Pinigilan naman nya yung pagtawa nya.
"Why are you laughing Mr. Oh?" Baling ni Mam Principal kay Sehun. Hala nakita nya atang natawa si Sehun.
"Wala po mam" sagot ni Sehun tapos pumunta si Mam Principal dun sa upuan nya at umupo.
"Sinong may pakana ng pagcucutting nyo?" Tanong sa amin ni Mam Principal tapos tinignan kami sa mata. Siniko ako ni Suho. Ibig sabihin ako daw ang magsabi pero siniko ko rin sya. Tinignan ko si Kai at namumutla sya ngayon. Walang sumagot sa amin kaya mas lalong naging dragon si Mam Principal.
"Sinong pasimuno ng pagcucutting nyo?" Ulit na tanong nya sa amin halata na rin sa boses nya ang pagkainus, pero kagaya kanina walang sumagot sa amin.
"Mr. Wu sino?" Tanong ni Mam Principal kaya Kris pero hindi sumagot si Kris, tumungo lang sya.
"God! walang aamin sa inyo? pwes aamin kayo sa harapan ng mga magulang nyo" sabi nya tapos kinuha na yung telepono sa lamesa nya.
"Mam si Kai po Mam, maawa na po kayo sa akin Mam please, gusto ko pa pong makatapos ng Highschool Mam, gusto ko pa pong maranasan ang paghihirap sa College Mam, gusto ko pa pong makapagtapos at makapagtrabaho Mam please po wag, Gusto ko pa pong maranasan ang manligaw Mam, umiyak kasi Basted at maging sobrang saya kasi sinagot na ako ng nililigawan ko Mam, mag-aasawa pa po ako Mam gusto ko pa pong maranasang gumawa ng baby mam kahit yun lang po ok na ako Mam ple---" para syang tanga dun, nung makita nya nahawakan na ni Mam yung telepono eh tumakbo sya at lumuhod sa harap ni Mam Principal hindi pa nakuntento niyakap pa yung mga binti ni Mam pero hindi na natapos ni Chen yung sasabihin nya ng sigawan sya ni Mam Principal.
"Mr. Kim!" Sigaw ni Mam napamulat naman ng mata si Chen at dahan dahang umalis sa pagkakayakap nya sa principal namin. Kami naman napa Facepalm na lang.
"Bakit Mam?" Inosenteng tanong nya tapos sumenyas si mam na tumayo sya kaya tumayo sya.
"Nasa labas na yung mga magulang nyo kanina ko pa sila natawagan bago pa kayo makarating dito" paliwanag nya kay Chen. Napakurap naman ng dalawang beses si Chen.
"Talaga Mam?" Inosenteng tanong nya tapos tumango si Mam. Tinuro nya yung pinto ng Principal"s office at bumukas yun, niluwa nito ang mga magulang namin sa pangunguna ng Mama ko. Patay!
"Luhan" malambing na tawag sa akin ni Mama. Double dead >.<
"P-po?" Nauutal na sagot ko tapos sinenyasan nya akong lumapit sa kanya. Nangangatog ang tuhod kong tumayo at lumapit sa kanya. Inabot nya sa akin yung cellphone nya. Alam ko na ang gagawin dun. Magseselca ako haha joke lang.
"Hello Pa?" Sabi ko sa kabilang linya. Mas kinakabahan ako ngayon. Si Papa na ang kausap ko ngayon.
"Spill it" maotoridad na sabi nya sa akin napalunok naman ako.
"Nagcut-cutting po a-ako" nauutal na sagot ko sa kanya.
"Why? "Tanong nya ulit.
"Nagkayayaan po?" Patanong na sagot ko nakita kong pinapagalitan na din sila ng mga magulang nila.
"Nagkayayaan? Kasama na bayun sa curriculum nyo ngayon?" Tanong nya sa akin. Napailing ako.
"Hindi po" sagot ko.
"Well face the consequences" sabi nya tapos namatay na yung tawag. Ibinalik ko kay Mama yung cellphone nya at bumalik sa kinauupuan ko kanina.
Lahat kami nakatungo ngayon. Pinapangaralan ng mga magulang namin.
"Mam kayo na po ang bahala sa mga batang yan" sabi ng Mama ni Suho.
"Tama kahit anong parusa ng magtanda sila" singit ng Papa ni Kai.
"Dad!" tawag ni Kai kay Tito pero nilakihan lang sya ng mata nito.
"Tumigil ka! ikaw pa ang pasimuno ng kalokohan na to! maghanda ka sa Nanay mo mamaya! sabi ni Tito tapos napayuko si Kai.
"Sige po Mam and Mister ako na po ang bahala sa kanila" sabi ni Mam Principal.
"Pasensya na po sa kalokohang ginawa ng mga anak namin" sabi ng Mama ni Dyo, tapos umalis na sila.
"Tomorrow lahat kayo magcocommunity service yan ang parusa nyo" sabi ni Mam sa amin.
Shit Kailangan ng maraming SunBlock Bukas >.<
------------------------------------
Midterm Alert!
Midterm na namin wala pa akong narereview >.<
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top