1st Minute

1st Minute

 

Luhan Hyung!! Rinig kong sigaw nya kasabay nun ang tunog ng isang makina. Isang diretsong tunog na naririnig ko noon sa mga palabas kapag namatay na ang isang tao. Nakarinig din ako ng mga hikbi. Nandito silang lahat.

“Hyung di ba sabi mo adghskdl nasigaw pa rin sya pero hindi ko na gaanong marinig. Pahina ng pahina ang  mga tunog. Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko. Maiinit, maiinit ang mga palad nya ang sarap sa pakiramdam. Parang nung dati lang.

Unti-unti nawala lahat ng tunog na kanina’y naririnig ko pati yung init ng palad niya. Pero may nakikita ako parang isang panaginip. Isang magandang panaginip.

Hoy bata akin yan! sabi ng isang batang lalaki sa akin. Sa tingin ko mas matanda ako sa kanya. Tinignan ko naman yung hawak ko. Isang bola.

 

Hoy bata thabi tha akin yan eh muli ay sabi nya sabay sapilitang kinuha sa akin yung bolang napulot ko sa may kalsada kanina.

 

Ano ka ba Sehun hindi naman nya kinukuha eh sabi ng isang bata na napakaputi. Nakita kong pinat nya yung ulo ng batang nasa harapan nya ngayon.

 

Bata pasensya ka na ha bago kasi yung bola nya kaya ayaw nyang may nahawak na iba nakangiting paliwanag nya sa akin. Ngumiti na lang din ako sa kanya.

 

Halika na Thuho naghihintay na thila Chanyeol yaya nung bata dun sa tinawag nyang Suho, nakakatuwa sya bulol sa S. Nakatingin pa rin ako sa kanila. Nakakainggit sila.

 

Sige Sehun mauna ka na kaka-usapin ko lang sya sabi nung Suho kay Sehun pero kumunot ang noo nung Sehun tapos nagpout sya.

 

Ah sige sumama ka na sa kanya ibabalik ko lang talaga yung bola na nakuha ko dun kanina sabi ko sabay turo kung saan ko nakuha yung bola. Nakita kong hinihila na ni Sehun si Suho, pero hindi nagpahila si Suho.

 

Ako nga pala si Suho pakilala nung batang maputi sa akin kahit kanina ko pa naririnig yung pangalan nya. Inalahad niya yung kamay nya sa akin makikipag shake hands ata sya.

 

Luhansabi ko tapos nakipagshake-hands ako. Matapos naming magshake-hands eh hinatak nya si Sehun sa harapan ko. Mas lalo tuloy gumusot yung mukha niya.

 

Magpakilala ka utos ni Suho kay Sehun pero umirap lang si Sehun. Natawa tuloy ako. Tumingin sya sa akin at tinignan ako ng masama.

 

Anong tinatawa-tawa mo ha? masungit na tanong nya sa akin pero binatukan sya ni Suho.

 

Magpakilala ka sabi eh ulit ni Suho kay Sehun.

 

“Thehun walang ganang pakilala nya sa akin. Kinuha ko yung isang kamay nya at nakipagshake-hands, hindi ko alam pero gusto ko ang batang to.

 

Luhan sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata nya tapos binawi nya agad yung kamay nya.

 

Suho bat ang tagal nyo? Tanong ng isang natakbong bata. Ang taba ng pisngi nya. Pawis na pawis rin sya.

 

Xiumin halika dali!” yaya ni Suho dun sa batang mataba ang pisngi. Pinapalapit nya ito sa amin.

 

Bakit? Tanong nito ng makalapit sa amin. Tinignan nya ako at ngumiti sa akin.

 

Si Luhan bagong kaibigan natin masayang sabi nya dun tinawag nyang Xiumin kanina. Nagulat naman ako kakakilala lang namin tapos kaibigan na agad nila ako?

 

Talaga? Ako nga pala si Xiumin pakilala nya tapos nakipag brofist sya. Lumapit sya sa akin tapos inakbayan ako.

 

Halika na nandun na silang lahat sabi ni Xiumin tapos nagsimula na kaming maglakad papunta dun sa palaruan nila.

 

Pagdating namin dun sa maliit na court,nakita kong maraming tao. Ayoko sa maraming tao. Masyadong maingay at magulo. Gusto ko na sanang umalis pero nakaakbay parin si Xiumin sa kin.

 

Guys halika kayo! tawag ni Suho dun sa mga batang naglalaro dun sa court. Napatigil sila sa paglalaro at dali-daling tumakbo papalapit sa amin. Lahat sila ay nakaharap na sa amin. Pawis na pawis sila at hinihigal.

 

Bakit Suho anong meron? tanong ng isang bata. Napatingin ako sa kanya at napansin kong may eye bags sya? Hindi ba sya natutulog?

 

May bago tayong kaibigan! masayang anunsyo nya tapos naging interesado naman yung mga kasama nya.Naramdaman kong itunulak ako ni Xiumin kaya napalingon ako sa kanya.

 

Si Luhan nga pala ipinakilala nya ako sa mga kaibigan nila. Tinignan ko isa isa yung mga batang nasa unahan ko. Mukha mas matanda ako sa kanila. Nahihiya tuloy ako. May lumapit sa akin isang bata tapos hinawakan nya ang kamay ko

 

Hi ako nga pala si Lay pakilala nya tapos ngumiti nakita ko tuloy yung dimple nya. Hindi pa rin ako makapagsalita. May lumapit ulit sa akin.

 

Ang pogi mo naman ako nga pala si Baekhyun sabi nya tapos lumapit sa akin para may ibulong. “Pero mas mahal ko si Chanyeol dagdag nya pa. Chanyeol? Pangalan ng lalaki. Bakla ba sya? “Wag kang mag-alala di ako bakla sabi nya tapos lumapit sya dun sa isang matangkad na bata na kung makangiti wagas. May binulong sya dito tapos tumango yung batang matangkad. Lumapit sa akin yung batang matangkad at bigla akong inakbayan.

 

Chanyeol pre pakilala nya. Napaubo ako  Hinawakan ko yung kamay nya naka-akbay or should I say nakasakal sa akin para maluwagan kasi ang sakit sa leeg.

 

Hoy alisin mo yang kamay mo sa kanya di mo ba nakikita nasasakal na sya Nakalapit na rin pala sa amin yung isang batang malaki ang mga mata at inalis yung kamay ni Chanyeol na nakasakal sa akin.

 

Dyo nga pala pakilala nya. Tumango ako habang naubo. Ang sakit ng leeg ko.  Nakita kong pabirong sinuntok nung batang may eye bags si Chanyeol.

 

Ako si Tao sabi nya sa akin. Ah Tao pala yung pangalan nung batang may eye bags.

 

Ayos ka lang ba? Tanong ng isang batang medyo maitim ang kulay sa kanila. Tumango-tango naman ako.

 

Kai sabi nya tapos nakipagshake-hands sa akin. Napatingin naman ako dun sa batang pinakamatangkad sa kanilang lahat. Pinapaikot nya yung bola ng basket ball sa daliri nya.

 

Kris sabi nya tapos pinasa sa akin yung bolang hawak nya. Buti nasalo ko. Nagtaka naman ako bakit nya ipinasa sa akin yung bola.

 

Pre bubble gum alok sa akin nung isa. Matagal na akong di nakakakain nun kaya kumuha ako pero paghugot ko nung double mint na inaalok nya ay may kasamang ipis kaya nahagis ko.

 

Ipis!!! Sigaw ko habang pinapagpag ko yung kamay kong nadapuan ng ipis. Pati yung bolang ipinasa sa akin ni Kris lumipad. Tumawa naman sya ng malakas.

 

Hahaha bakla!, wala bakla ka pala eh natatawang asar nya sa akin. Nagpantig naman ang tenga ko.

 

Hindi ako BAKL, MANLY AKO!! sigaw ko sa kanya pero tawa pa rin sya ng tawa.

 

Eh bakit takot ka sa ipis? Nang-aasar na tanong nya sa akin tapos nagpaikot-ikot pa sa akin. Para akong nililitis

 

Binigla mo kaya ako katwiran ko. Naramdaman ko na lang na inakbayan nya ako.

 

Chen nga pala BAKLA binulong nya pala talaga yung salitang Bakla tsaka tumakbo palayo sa akin.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Huhuhu TT^TT bakit ang GWAPO ni LUHAN?? Nakaka Jongina -_-

Kaya ayaw kong pinapanuod yung WOLF Music Video at Drama Version kasi hinihila na naman nya ako T^T pero kasi Favorite ko yun..

Hahahaha Sarreh bangag nagugulo na naman kasi BIAS LIST ko eh . Tulong mga Pr3 TTT^TTT

Pati Bias list ko sa BTS ngugulo rin Jimin kasi eh XD

Dedicated sayo ^_^ Salamat kasi sinali mo ako sa Story mo Gomawo *O* *sabog confetti*

P.S: Yung dp mo ang cute ^_^ 

 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top